Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 157 - Prologue

Chapter 157 - Prologue

Aliyah Neslein Mercado

I have the ring that needs your finger

I want you always to remember

I want you to be a part of my dreams

I was so lonely here without you

I was so cold just like a statue

Being with you has made me complete

I can feel your loving touch inside me

I can hear you whispering you want to stay close to me

Every day and every night

I never thought your love could feel so right

Every day and through the night

Let me be the one to hold you tight

I can't let go

I can't let go

I can't let go

You're a part of me, don't you know

Would you give me just a lifetime

I'II stand beside you through the years that come and go

Nothing at all could stand in our way

I can feel your answer deep inside me

I can hear you whispering you want to stay close to me

Every day and every night

I never thought your love could feel so right

Every day and through the night

Let me be the one to hold you tight

I can't let go

I can't let go

I can't let go

You're a part of me, don't you know

I can't let go

I can't let go

I can't let go

You're a part of me, don't you know

Napabuntung-hininga ako sa kantang naririnig ko.Hindi ko maiwasang hindi sumagi sa isip ko yung pangyayari sa nakaraan. Ilang taon na nga ba ang lumipas? Tatlo? Apat?Hindi ko na yata maalala.

Napalitan muli ang kanta. Love song ulit.Siguro nagsesenti na naman si ate Lala, ang telephone operator namin dito sa malaki at sikat na department store na pinagta-trabahuhan ko.Isang buwan na lang kasi Valentine's day na kaya puro love song ang pumapailanlang sa ere.Mga hopeless romantic ang mga tao dito,puro mga in-love.

Ewan ko ba, masarap nga ang ma-inlove pero masakit naman ang masaktan dahil dito. Ito rin ang dahilan kung bakit ako naririto ngayon. Iniwan ko ang buhay ko sa Sto.Cristo dahil sa umibig ako at nasaktan.Napilitan akong mamuhay na malayo sa pamilya ko dahil gusto kong makalimot at kalimutan na siya.Ang taong una kong minahal ng husto.

Tuwing summer vacation at bago mag Christmas ay nagta-trabaho ako para hindi ako kulitin ng pamilya ko at mga kaibigan na umuwi ng Sto.Cristo.Tulad ngayon, dito ako sa isang malaking department store nagta-trabaho bilang sales lady. Three months lang ang pinirmahan kong contract,seasonal ang tawag nila dun at next month endo na ako.Ok lang naman yon,scape goat ko lang naman ang trabahong ito para hindi lang ako umuwi sa amin.Nag-aaral rin naman kasi ako. Graduating na ako sa kursong Business Administration major in Marketing Management at sa mga susunod na araw ay magiging busy na rin ako para naman sa graduation ko.

Ilang bakasyon at pasko na akong hindi umuuwi simula noong pangyayaring yon mahigit tatlong taon na ang nakakaraan.Ang pamilya ko ang lumuluwas ng Maynila para lang makasama ako.Call it childish, call it selfish but that's my only way to cope up with pain.To avoid the person who caused my heartbreak.

" Aliyah pasuyo naman may customer lang ako, pakikuha naman ako ng medium size nitong v-neck shirt na ito na kulay navy blue." pukaw sa akin ni Tin,ang kapwa ko sales lady. Siya rin ang tumulong sa akin para makapasok sa department store na ito. Actually, lahat naman ng pinasukan kong trabaho, siya ang kasama ko.

Kinuha ko ang t-shirt mula sa kanya at pumunta na ng stock room.Madali ko namang nahanap dahil nasa bungad lang naman ito.

Lumapit ako kay Tin para ibigay ang hinihingi nya ngunit may customer pa rin sya.

" Tin nasaan yung customer mo,ako na lang ang mag-aassist sa kanya?"

" Naku salamat Liyah. Yung mamang pogi na naka red shirt,sa kanya order yan."turo nya dun sa mamang naka red pero nakatalikod dahil may tinitignan dun sa malapit na estante.Nilapitan ko sya.

" Ah eh sir heto na po yung hinihingi nyong t-shirt, v-neck na navy blue in medium size." turan ko at mabagal naman syang lumingon ng marinig nya ako.

Gayon na lamang ang pagkamangha ko ng makilala ko ang customer ni Tin.Awtomatikong kumalampag ng malakas ang puso ko.Natuod ako sa kinatatayuan ko at nanlalambot ang mga binti ko. All these years bakit ganito pa rin yata ang epekto nya sa akin? Hindi yata ako nagtagumpay sa ilang taon na paglayo ko.Ganoon pa rin.Narito pa rin.

" Ali?!" banggit nya sa pangalan ko na tanging siya lamang ang tumatawag sa akin nun.

Hindi ko maibuka ang bibig ko.Ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya? Kukumustahin ko ba sya? Ngingiti ba ako?

Kinapa ko ang tapat ng puso ko, pinakiramdaman ko kung may galit ba akong nakatago dito. Wala. Sa kabila ng sakit at kabiguan na naranasan ko sa paghihiwalay namin, hindi ko hinayaang makaramdam ako ng galit sa taong minahal ko ng lubos.

" Onemig!"tanging nasambit ko.

Ano ba kasi ang ginagawa nya dito sa Maynila? Paano nya nalaman na nandito ako?

Ano ba naman yan!Bakit nagpakita pa sya? Nagmo-move on nga ako eh.And I don't think na nagtagumpay ako ngayong nakita ko ulit sya, dahil napatunayan ko sa sarili ko na kahit gaano na katagal ang pagkakalayo namin,nandito pa rin at bumabalik pa rin.

Coz I know,here in my heart, he's still a part of me and I just can't let go.