Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 144 - Here in my Heart

Chapter 144 - Here in my Heart

Laine's Point of View

TINATAWAG ko si Nhel pero hindi nya na ako pinansin, mabilis na lumabas ng cottage namin at tuluyan ng umuwi sa bahay na tinutuluyan nya. Hindi man lang nya ako pinatapos sa sinasabi ko. Gusto ko sanang sabihin sa kanya ang lahat ng nakalimutan nya pero tila ayaw nyang marinig ang ano man mula sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang mga kasinungalingang sinabi sa kanya ni Marga pero isa lang ang natitiyak ko ngayon, may amnesia nga ang asawa ko at yun ang gusto kong imbestigahan. Gusto kong malaman kung anong klaseng aksidente ang nagpawala sa memorya nya at kung anong kwento ang binuo ni Marga para paniwalaan nyang ito nga ang asawa nya. At kung paanong pati ang wedding ring namin ni Nhel ay napalitan din nya.

Maaring nagtagumpay si Marga ngayon sa mga balak nya pero sisiguraduhin kong matatapos din agad ang kasiyahang tinatamasa nya dahil gagawa ako ng paraan para makuha ko ang talagang akin.

Nagpaalam ako kay Dylan at Frost na uuwi muna para kausapin ang pamilya ko tungkol sa natuklasan ko na kalagayan ni Nhel. Kukuha rin ako ng mga damit ko dahil alam kong medyo matatagalan kami sa pag-iimbestiga sa nangyari kay Nhel at mga bagay na rin na maaari kong gamitin para makatulong sa pagpapabalik ng memorya niya.

Napagpasyahan ng dalawa kong kasama na sumama na rin sa akin paluwas para kumuha na rin ng gamit nila sa kani-kanilang mga bahay at tuloy magpaalam na rin sa pamilya nila para sa pagpapatuloy ng aming misyon.

Palabas na ang sasakyan namin ng mamataan namin si Nhel na nakatayo sa may tarangkahan ng bahay na tinutuluyan nya. Nakatingin sya sa papalayo naming sasakyan. Gusto kong bumaba at kulungin sya sa mahigpit na yakap ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Alam kong hindi nya yon magugustuhan dahil hindi naman nya ako kilala. Sa isiping yon ay biglang kumirot ang puso ko.Siya na nagmahal sa akin ng higit pa sa sarili nya ay sya rin ngayon ang hindi makaalala sa akin.

Pinahid ko ang luhang namuo sa aking mga mata. Kailangan kong maging matatag sa pagkakataong ito. Hindi ako dapat sumuko kay Nhel. Hindi man nya ako nakikilala sa ngayon, alam kong kailangan nya ang tulong ko para mabalik ang nawawalang memorya nya at ang pagkatao nya na binago ni Marga.

After lunch ng makarating kami sa bahay namin. Nandoon silang lahat maging si Anton na naghihintay sa amin. Naitawag ko na kasi kay mommy na uuwi kami ngayon kaya naman nandito na silang lahat at nananabik sa dala naming balita.

" So ano na ang balita kay Nhel?" tanong agad ni dad nung makaupo na kami.

I heaved a sigh first before I answer his question.

" Tama po ang report nitong dalawa dad, maayos po ang tunguhan ni Nhel at Marga. Nakita po yon ng dalawa kong mata."

" Ano? Pambihirang bata yon! Anong nangyari sa kanya at nagkaganoon sya? Batid nating lahat kung gaano ang galit nya kay Marga hindi ba?" hindi makapaniwalang tanong ni papa Phil.

" Madalas nga pong umiyak si ma'am Laine kapag nakikita nyang naglalambingan ang dalawa." walang prenong singit naman ni Frost.

" Ano?!" halos sabay-sabay nilang turan. Tila namamangha sa kanilang narinig.

" Oh God I can't believe this.Are you sure about it Laine?" tanong ni Anton.

Hindi ako nakakibo. Napayuko na lang ako at nagsimulang tumulo ang luha ko. Parang may bikig sa lalamunan ko kaya hindi ako agad makapagsalita.

" Walanghiyang bata yon! Halika pareng Franz tayo ang pumunta dun at ng makatikim sa akin ang batang yon sa ginawa nyang pagtataksil dito kay Laine.Hindi ko ito mapapalampas pare. Sa dami ng pinagdaanan nila ngayon pa nya naisipang magloko,paano ang apo natin ha?!" galit na galit si papa Phil. Nilapitan naman sya agad ni mama Bining at binigyan ng tubig na maiinom.

" Pare huminahon ka.Hindi pa natin alam ang totoong pangyayari. Hindi ko rin mapaniwalaan na magagawa yun ni Nhel kay Laine. Limang taon silang nagkahiwalay pero hindi nawala ang pagmamahal nya kay Laine tapos ngayon isang buwan lang ang lumipas nagawa nyang magloko? May mali pare alam ko.May mali." sabi naman ni daddy.

" Tama po si dad, papa, may mali nga po. Hindi po ako nakikilala ni Nhel at nahinuha ko pong nawala ang memorya nya."

" What?"

" Oh my God!"

" Diyos ko, ang anak ko.Napaka-sama talaga ng Marga na yon!" lumuluha na si mama Bining.

" Totoo po sir, ma'am, hindi po nakikilala ni sir Nhel si ma'am Laine. Napansin ko po yon nung umalis sya na litong-lito at hindi pinansin ang pagtawag ni ma'am Laine sa kanya." imporma ni Dylan.

" So what are you gonna do now baby?" tanong ni Anton.

" Babalik uli kami doon para mag-imbestiga. Aalamin namin kung anong klaseng aksidente ang nangyari kay Nhel na nagpawala ng memorya nya. Mula doon malalaman natin kung ano-ano ang kaso na pwede nating isampa laban kay Marga.Sa ngayon kasi mahihirapan tayo dahil walang maalala si Nhel. Kaya umuwi rin ako para kumuha ng mga bagay na maaaring makapag-paalala sa kanya sa lahat ng nalimutan nya. At hindi po ako titigil hanggat hindi bumabalik ang memorya nya." pinal kong turan.

" Alright anak, gawin mo ang makakabuti pero mag-iingat kayo na makahalata sila na nag-iimbestiga kayo. Ingatan mo rin Laine na hindi ka makikita at mahalata ni Marga." turan muli ni daddy.

" Kami na po sir ang bahala kay ma'am Laine. Pagpa-planuhan naming mabuti ang pag-iimbestiga." saad ni Dylan.

" Kung ganon bukas ng umaga na kayo bumalik doon. Umuwi muna kayo ng makasama nyo naman ang pamilya nyo." wika ni dad kay Frost at Dylan.

Umuwi na nga si Dylan at Frost sa pamilya nila at para kumuha na rin ng ekstrang damit. Napagkasunduan namin na after lunch na lang kami aalis papuntang Batangas.

Nag-usap lang kami ni Anton saglit at sinabi  nya na sa kanya na muna si Aliyah habang wala ako. Pumayag naman ako at sila daddy sa suhestiyon nya para naman kahit paano hindi masyadong maalala ng bata ang ama nyang nawawala kung kasama nya ang papa Anton nya.

Naaawa ako kay Aliyah. Sasandali pa lang silang nagkakasama ni Nhel pero heto ngayon at naghiwalay na naman sila.

I sighed. Gagawin ko ang lahat para maibalik si Nhel sa amin ni Aliyah. Alam ko hindi magiging madali ang laban namin dahil sa kalagayan ni Nhel pero dito sa puso ko naroroon ang pag-asa na babalik sya s

a amin, sa lalong madaling panahon.

Kinabukasan bumalik na kami ng Batangas. Dala ko ang mga bagay na maaaring makapag-paalala kay Nhel.

Palubog na ang araw ng makarating kami sa bahay na tinutuluyan namin.

Matapos kaming maghapunan, nagpaalam ako kay Frost at Dylan na maglalakad-lakad sa tabing dagat. Medyo maalinsangan ang gabi kasi malapit na ang summer. Pinayagan ako ng dalawa pero nakabantay sila sa akin,nandun sila sa model house kung saan tanaw ang dagat. Hindi lang imbestigador ang papel nila ngayon, mga body guard ko na rin sila.

Nagsuot ako ng jacket na may hood para kung sakaling lumabas si Marga ay madali kong maitago ang aking mukha.

Safe naman ang lugar dahil pribado ito at yung mga nakatira lamang sa loob ang makakaligo sa dagat.

Umupo ako sa buhanginan at humarap sa dagat,pinagmamasdan ko ang marahang paghampas ng alon.

Habang nakatanaw ako sa dagat, naiisip ko ang mga nagdaang panahon sa buhay naming dalawa ni Nhel. Ilang buwan na lang church wedding na namin saka ngayon pa nangyari ang ganito. Mabuti na lang hindi pa kami nakakapagpagawa ng mga invitations kundi malabong masunod yung takdang petsa dahil sa nangyari sa kanya.

Naputol ang pagninilay-nilay ko ng marinig ko na may mga paparating. Isang grupo ng kabataan ang nagkakatuwaan papunta sa dagat ang nasilayan ko.Base sa mga suot nila, maglalangoy tiyak ang mga ito dahil sa maalinsangan ang panahon.

Medyo malayo sa kinauupuan ko sila pumwesto.Anim sila bale,3 boys and 3 girls na sa tantya ko ay mga 18 pataas ang edad. Mukhang mga couple rin sila dahil nung lumusong na sila sa tubig ay nagkanya-kanya ng hatak ng kapareha nila yung mga lalaki.

Natutuwa akong panoorin ang paghaharutan ng anim na kabataan sa tubig. Pansamantalang nalimutan ko ang mga problema ko dahil sa panonood ko sa kanila.

Sa sobrang pagkalibang ko sa panonood sa mga kabataang naliligo, hindi ko namalayan na may panibagong pares na lumusong sa tubig na ilang dipa lang ang layo sa kanila. Kahit medyo madilim ay nakilala ko ang kanilang bulto. Si Nhel at Marga.Masaya silang naghaharutan sa tubig at ng mapagod ay umupo sa may buhangin sa pampang. Kumikirot ang puso ko sa tanawing nakikita ko. Kahit madilim naaaninag ko ang paglalambingan nila.

Napagpasyahan kong tumayo na sa buhanginang kinauupuan ko upang umuwi na. Hindi na kinakaya ng puso ko ang tanawing nakikita ko. Kahit pinipigilan kong umiyak kusa na lang tumulo ang luha ko, marahil sa tindi ng emosyon na nadarama ko.

Pinilit kong matulog pagdating ko ng bahay na tinutuluyan namin. Naramdaman kong tahimik na rin ang dalawa kong kasama. Hindi na sila nagtanong kung bakit hindi ako kumikibo dahil alam at nakita naman nila ang dahilan ng pananahimik ko.

Kinaumagahan naisip kong kumilos na para sa pagsasakatuparan ng misyon namin kay Nhel. Pagkatapos namin mag-almusal,gumayak na ako para maligo sa dagat. Alam kong sa mga oras na ito ay nakatambay na si Nhel dun sa duyan nila na natatanaw ang dagat. Nang sabihin ni Frost na clear na,ibig sabihin nun nakaalis na si Marga.

Dali-dali akong lumabas. Nakasuot ako ng pulang two piece na pinatungan ko ng roba upang hindi naman ako pagtinginan ng mga kapitbahay namin.

Pagdaan ko sa bahay na tinutuluyan nila Nhel, pasimple akong sumulyap sa bakuran nila. At tama nga ang hinuha ko,nandoon nga sya sa duyan at nakatanaw sa dagat. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagsulyap nya sa akin nung dumaan ako.

Tignan ko lang kung hindi magising yang natutulog mong utak mamayang paglusong ko sa dagat.

Nang makarating ako sa pampang, hinubad ko ang roba ko at inilatag sa buhangin. Pasimple ko uling sinulyapan si Nhel sa duyan. Nakatayo na sya, titig na titig sa kabuuan ko na nanlalaki ang mga mata at naka-nganga pa.

Eh di shing! Siguradong hindi ka makakatulog nyan mamaya...

Umpisa pa lang yan bebeh ko,umpisa pa lang!