Chapter 141 - Hurt

Laine's Point of View

EKSAKTONG isang buwan mula ng mawala si Nhel nang dumating sa bahay ang mga private investigators na inupahan ni daddy para hanapin sya.

" Sir Franz natunton na namin ang kinaroroonan ni Nhel." balita nung isang imbestigador na nagngangalang Dylan Samaniego, ang isang kasama naman nya ay si Frost Santos.

Natutop ko ang aking bibig sa balitang aking narinig.

Lord maraming salamat po.

" Saang lugar nyo sya nakita?" tanong ni papa Phil.

" Sa Batangas po sir Phil.Isang linggo po kaming nagmanman ni Dylan doon para makasigurado kung sya nga ba talaga yun." wika ni Frost.

" So tama pala ang nakuhang impormasyon na nakalap ng mga imbestigador na inupahan namin ni lolo." turan ni Anton.Pumunta agad sila dito sa bahay nung sabihin ni dad na darating ang mga imbestigador para mag-report.

" Opo sir Anton.Kasama namin sila nung mag-imbestiga kami sa mga pantalan at paliparan. Mga kasamahan namin dati sa serbisyo yung mga inupahan ninyo.Kaya nalaman agad nila ang kinaroroonan ni Nhel dahil naitawag na namin sa kanila, nagpunta po kasi sila bandang North para dun maghanap." paliwanag nung Dylan.

" Kung ganon ano pa ang hinihintay natin? Sabihan na natin ang mga pulis para mapuntahan at makuha na si Nhel nang sa gayon makulong na yang Marga na yan sa pagkidnap nya kay Nhel." singit ni mama Bining.

" Teka po ma'am hindi ganun kadali yun. Sa loob kasi ng isang linggo na pagmamanman namin,naging palaisipan sa amin kung kidnapping nga ba talaga ang naganap." wika ni Frost.

" Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko.

" Ma'am Laine yung lugar na pinagdalhan sa kanya ay nasa tabing dagat. Mistula ho itong private resort kung titignan base po sa estilo ng mga bahay, pare-pareho po ang itsura. Nagtanong kami ni Frost kung pwede ba kaming umupa. Eksakto naman po na may bakante na tatlong bahay lang ang pagitan dun sa inuupahan nila. Isang linggo po kaming nakatira dun para magmanman.Nakumpirma ko nga na sya ang asawa nyo dahil sa picture na ibinigay nyo sa amin. Nung unang araw parang hindi ako kumbinsido dahil may benda pa sya sa ulo,braso at binti. Pero nung ikalimang araw namin dun, nakita namin silang umalis kaya sinundan namin yung sinasakyan nila. Sa isang ospital doon sila nagpunta para sa check up nya at pagtanggal nung mga benda sa kanya. "

" Oh my God ano ang nangyari kay Nhel bakit nagkaganoon sya?" maluha-luhang tanong ko.

" Ma'am pasimple kaming nagtanong sa isang nurse na naka-duty nung araw na yun, naaksidente daw po ang asawa nyo kaya nagkaganoon."

" Oh my God..." nanghihina akong napaupo sa couch at humagulgol. Dinaluhan naman agad ako ni mommy. Si mama Bining naman ay agad akong ikinuha ng tubig na maiinom.

" Ang ibig mo bang sabihin Samaniego, kaya hindi makauwi si Nhel dito ay dahil sa ganung  kalagayan nya,hindi dahil sa kinidnap sya ni Marga?"

" Maaaring ganun nga po sir. Dahil kung kinidnap sya disin sana ay humingi sya ng tulong sa mga tao doon kapag umaalis si Marga. Tuwing umaga po umaalis si Marga sir dahil pumapasok sya sa munisipyo bilang clerk at hapon na ang balik nya. At sa isang linggong pagmamanman namin,mukhang maayos naman ang tunguhan nila sa isat-isa sir." tugon ni Dylan.

" Teka lang parang may mali sa huling sinabi mo. Kilala ko ang anak ko, simula nung guluhin ni Marga ang buhay nila hindi na nya pinakitunguhan ng maayos yung babaeng yon. Sagad sa buto ang galit nya dun at kung hindi dahil dito sa asawa nyang si Laine hindi nya patatawarin si Marga. Paanong nangyari na maayos ang pakitungo nya ngayon sa taong yon?" turan ni papa Phil.

I heaved a sigh. Ako man ay nagtataka sa sinabi ni Dylan. Parang may mali nga. May mali.

" Kaya nga ho ang suggestion ko ay huwag muna tayong mag-report sa pulis. Imbestigahan muna natin kung bakit ganon ang nangyari kay sir Nhel at taliwas sa sinasabi nyo ang mga nakita namin." turan muli ni Dylan. Mas maganda nga siguro kung bumalik sila ng Batangas at alamin ng husto bago tuluyang kasuhan si Marga ng kidnapping.

" Kung ganon mabuti ngang bumalik kayo dun para imbestigahan kung ano nga ang nangyayari kay Nhel dun. Available pa ba yung bahay na tinirahan nyo dun?" sabi ni dad sa dalawang imbestigador.

" Opo sir pang one month po ang binayaran namin dun sa bahay. Nagpaalam lang kami dun sa may-ari na dadalaw sa pamilya namin." sagot ni Frost.

" Paano nga pala yung mga imbestigador na inupahan nila Anton? Baka mag-report yung mga yun sa mga pulis." tanong ni dad muli.

" Okay na po dad natawagan ko na sila ngayon lang. Hindi pa naman daw sila nagre-report dahil hindi pa nila ako nakakausap." tugon ni Anton kay daddy.

" Mabuti pa siguro bumalik na kayo dun at siguraduhin nyo lang na makakalap nyo ang tamang impormasyon. Sandali lang kukuha ako ng pera para sa panggastos nyo dun." nagpaalam si dad at nang akmang aalis na sya papunta ng guest room, pinigilan ko sya.

" Daddy wait!" huminto si dad at nilingon ako.

" What is it baby?" tanong nya.

" Sasama po ako sa kanila sa Batangas." walang gatol na tugon ko.

" What?!" halos sabay-sabay pa silang gulat na nagtanong.

" Anak hindi ka pwedeng makita ni Marga o kahit na sino man sa atin. Baka kapag nangyari yun makagawa pa sya ng paraan para makapagtago."

" Dad ang kailangan lang naman malaman kung kidnapping ba talaga ang nangyari di ba? Ang gusto ko po sana ako na ang mag-imbestiga kung bakit taliwas sa inaakala natin ang inaakto ni Nhel kay Marga. May mali sa nangyayari dad at may kutob akong kaya hindi makauwi si Nhel dahil may pinanghahawakan sa kanya si Marga. Marahil tinatakot nya ito o may mas malalim pang rason at yun ang gusto kong alamin. Knowing Nhel, hindi yun basta-basta nagdedesisyon ng hindi iniisip ang magiging resulta. Ayoko naman po na umupo lang dito sa isang tabi habang nag-aalala ako sa kalagayan ng asawa ko gayong may magagawa naman ako.Huwag kayong mag-alala.Mag-iingat po ako dad, kasama ko naman itong dalawang imbestigador nyo."

Dad heave a deep sigh. Nag-isip sya pansumandali pagkatapos nag-usap usap sila kasama si Anton, Dylan at Frost.

Pagkatapos ng ilang minutong pagdidiskusyon nila, hinarap na nila ako.

" Alright Laine, sige pumapayag na kami. Pero kailangan mag-iingat ka at siguraduhin mo na hindi ka makikita ni Marga.Tatawagan mo kami from time to time para mag-report at hindi ka dapat mawala sa paningin ni Dylan at Frost. Ipapaalam mo rin sa kanila kung may pupuntahan ka at kailangan magkakamag-anak ang pakilala nyo sa mga nakakalubilo nyo para hindi nila mahalata na nag-iimbestiga kayo. Kung makakausap mo kaagad si Nhel ng maaga mas mabuti nang sa gayon maitakas mo na sya kaagad kay Marga. Nagkakaintindihan ba tayo Alyanna Maine?"

" Yes po dad."

" Ok go pack your things, you have to leave as soon as possible upang hindi kayo abutan ng dilim sa daan." pinal na saad ni daddy.

" Thanks dad.Kayo na po muna ang bahala kay Aliyah." turan ko na tinapunan silang lahat ng tingin.

Mabilis akong nag-pack ng gamit na dadalhin ko at ng matapos ako ay nagpaalam ako kay Aliyah. Nung una ay ayaw nyang pumayag na umalis ako pero napapayag ko rin sya ng mangako ako na uuwi ako kasama na ang daddy nya.

Nang magpaalam na kami sa kanilang lahat, yung SUV ni Anton ang pinagamit nya dahil baka daw makilala ni Marga ang kotse ko kung yun ang gagamitin namin. Mabilis na sumang-ayon naman ang lahat kaya yung sasakyan nya ang ginamit namin paalis.

Si Dylan ang nagmaneho at ako ang nakaupo sa passengers seat. Nagpaalam si Frost na sa likod pumwesto na matutulog muna para sya naman daw ang magmamaneho kapag nasa parteng Laguna na raw kami. Mahigit apat na oras daw kasi ang byahe dahil medyo dulo na raw yun ng Batangas.

Kahit inaantok ay tiniis ko na huwag matulog.Gusto ko kasing maging pamilyar sa mga lugar na dinadaanan namin. Nag-uusap kami ni Dylan habang bumibyahe, nakagaanan ko sila ng loob kaagad dahil pareho naman silang mabait at masarap  kausap.

It's already past 4pm when we finally reached our destination. Namangha ako sa ganda ng bahay na tutuluyan namin. Isa itong modern bahay kubo na makikita kadalasan sa mga resort. Pare-pareho ang mga disenyo ng bahay na hindi naman kalayuan ang pagitan. Tinuro ni Frost sa akin ang bahay na tinutuluyan nila Nhel, tatlong bahay lang ang pagitan ng layo nila sa amin. Gusto ko na syang puntahan pero tiniis ko ang kagustuhan kong yon upang hindi makasira sa mga plano namin.

Maganda ang disenyo ng bahay sa loob.May dalawa itong silid at dun sa isang silid na may sariling bathroom dinala ni Frost ang gamit ko. Share na lang sila ni Dylan sa kabila tutal dalawa naman daw ang kama dun.

Alas singko ng hapon ng yayain akong lumabas ni Dylan. Malapit na daw kasing umuwi si Marga kaya kailangan na naming pumwesto dun sa bahay na walang nakatira dahil kitang-kita raw doon yung kabuuan ng bahay na tinutuluyan nila Nhel.

Kumakabog ang dibdib ko habang papasok kami dun sa bahay. Wala ngang tao dahil model house pala iyon kaya hindi pinapa-rentahan. Katapat ito nung tinitirhan nila Nhel.

Pinapwesto ako ni Dylan sa bintana para kita ko daw lahat. May konting siwang yon na hindi naman mahahalata nung nasa labas kung may nakasilip.

Sumilip ako at tama nga sila sa iniulat nila kay dad, kita ang kabuuan ng bakuran ng bahay na tinitirhan nila Nhel.

Bumaha ang tuwa sa puso ko ng igala ko ang aking paningin. Nakita ko ang aking asawa na nakaupo sa duyan na nasa ilalim ng puno sa gilid ng bahay.

Medyo pumayat sya pero gwapo pa rin.

Gusto kong tumakbo at puntahan sya pero pinigil ko ang sarili ko dahil hindi pa ito ang tamang oras kaya pinagsawa ko na lamang ang mata ko sa panonood sa kanya.

Ilang sandali pa ang lumipas ng may humintong kotse sa harap ng bahay. Umibis ang taong paulit-ulit na nanggugulo sa buhay namin ni Nhel. Si Marga.

Nang maka-pasok sya ng bakuran, nagtitigan muna sila ni Nhel bago sya masayang sinalubong nito.

Parang sinaksak ng paulit-ulit ang puso ko lalo na ng halikan sya ni Nhel sa pisngi at yakapin  ito ng mahigpit.

Related Books

Popular novel hashtag