Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 139 - Unexpected

Chapter 139 - Unexpected

Nhel's Point of View

NANG makalabas ako ng building ay nagulat ako sa taong naghihintay sa akin sa labas.

" Nhel pwede ka bang sumama sa akin? Nasa ospital si Mark at hinihiling na makita ka!"

Nag-alala ako sa narinig ko. Kahit naman hindi ko talagang anak si Mark, naroon pa rin yung damdamin ko sa kanya bilang ama. Ako ang nag-alaga sa kanya mula nung sanggol sya, bagay na hindi nagawa ni Marga sa kanya. Kaya naman sa narinig ko na may sakit sya, nag-aalala ako ng husto sa kabila ng pag-aalinlangan ko sa taong nasa harapan ko ngayon.

" Pwede ba Marga huwag mong gawing biro ang mga ganyang bagay. If this is one of your tricks, well sad to say I won't buy it!" pabalewalang sambit ko. Kahit nag-aalala ako para kay Mark tumatanggi naman ang isip ko na paniwalaan ang sinasabi ng ina nya.

" Nhel alam kong nagkasala ako sa inyo at hinihingi ko yon ng tawad. Sa pagkakataong ito nakikiusap ako para sa anak ko. Kailangan ka nya. Kahit magpakita ka lang saglit magiging masaya na sya. Please." sinserong turan nya.

I heaved a sigh.

" Sige para kay Mark, pero sandali lang ako dahil hihintayin ako ng mag-ina ko sa bahay namin." pag-ayon ko.

" Salamat Nhel. Matutuwa tiyak si Mark pag nakita ka."

Sumama na ako at sumakay na sa kotseng dala nya. Siya ang nagmamaneho at nasa passengers seat ako.

Habang nasa byahe kami ay hindi ko sya kinikibo. Mabuti na yung maramdaman nya na talagang umiiwas ako sa kanya. Kahit na napatawad na namin sya ni Laine hindi pa rin mawala sa isip ko yung mga kasamaang ginawa nya sa amin.

Madalas sabihin sa akin ni Laine na kalimutan ko na daw ang nakaraan, na kapag nagpatawad ka kaakibat na non ang paglimot. Forgive and forget.

Sadyang mabait lang ang asawa ko at may mabuting puso kaya nasasabi nya yon pero kung sa akin lang nungkang patawarin ko ang isang to na nagpahirap sa aming dalawa. Pasalamat sya nahawa ako ng kabaitan ni Laine kundi baka hindi ko sya pinagbigyan ngayon sa pakiusap nya kahit si Mark pa ang dahilan. Lumuha man sya ng dugo.

Dahil sa haba ng traffic hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako at ng magising ako ay puro talahiban ang nakikita ko at sa kabilang gilid ay may mga tanim na palay.

Napatingin ako sa katabi ko na tila nagtatanong kung bakit parang nasa liblib na lugar na kami.

Umiwas sya ng tingin at deretso lang sa pagmamaneho nya. Hindi na ako nakatiis kaya tinanong ko sya.

" Akala ko ba sa ospital ang punta natin? Bakit parang liblib na lugar na itong tinatahak natin? Huwag mong sabihin na isa na naman ito sa mga masamang balak mo. Ano Marga sumagot ka!" galit kong turan sa kanya.

" Alam mo pagdating talaga sa mga mahal mo mahina ka. Ang dali mo namang magpadala sa drama ko. I thought you knew me so well. Si Mark ang alam kong isa sa mga kahinaan mo kaya sya ang idinahilan ko. Wala,si Mark nasa Europe kasama nila dad.Tama ka isa ito sa mga balak ko, birthday mo ngayon at gusto ko lang naman na i-celebrate mo yon kasama ako gaya ng dati nung wala pa si Laine."

" Sinasabi ko na nga ba kaya may pag-aalinlangan akong sumama sayo kanina. Sana pinakinggan ko na lang ang instinct ko at hinayaan na kita sa pagdadrama mo. Napakasama mo talaga. Ihinto mo ito at kailangan ko ng umuwi sa mag-ina ko, hinihintay na nila ako!"

" Ano ko bali! Chance ko na ito pakakawalan ko pa ba? Hindi ka uuwi sa kanila Nhel dahil akin ka. Akin ka lang!" galit at nanlilisik ang mga mata nya habang sinasabi nya sa akin yon.

" Baliw ka na Marga! Ilang beses ko bang ipaiintindi sayo na kailanman hindi ako naging sayo. Simula pa lang alam mong si Laine na at hindi na mababago pa yon. Kaya ihinto mo na ito at hayaan mo na ako sa buhay ko."

" Ayoko! Para ano? Maging masaya si Laine? Masyado na syang pinagpala sa lahat ng bagay kaya hindi ko sya hahayaang maging masaya."

" Ibang klase ka talaga Marga, napaka- imposible mo mag-isip. Nakakatulog ka pa ba nyan? Sana pala hindi kana namin pinatawad at nakulong ka na lang dahil sa mga ginawa mo sa amin. Masyado lang kasing mabait si Laine kaya malaya ka ngayon. Kung kami lang hahayaan ka na lang namin na makulong. Dapat siguro sa mental ka na lang ipasok dahil baliw ka na!" hindi ko na napigilang isiwalat ang galit ko sa kanya.

Sinusubukan kong buksan ang kotse para tumalon na lang sana palabas pero masyado syang mabilis magpatakbo. Makalabas man ako,puro malalaking puno ang nasa gilid ng kalsada at medyo pababa kung sakali ang babagsakan ko.

" Kahit ano pa ang sabihin mo wala ng saysay yun sa akin. Ang mahalaga,ako ang kasama mo ngayon. Wala kang magagawa dahil ako ang nagmananeho." turan nya. Hindi na lang ako kumibo. Nag-iisip ako kung paano ako makakalabas ng kotseng ito. Kapag medyo bumagal sya dun ko isasagawa ang plano ko.

Sige lang sya sa pagmamaneho. Pansin ko na parang malayo na kami sa Maynila. Halos magtatanghali na kasi kaya napagtanto ko na malayong probinsya na itong tinatahak namin. Malamang parteng Batangas ito o marahil ay Quezon na.

Nang mapansin ko na medyo bumagal sya. Tinignan ko yung nasa harap na sinusundan namin. Mga grupo ito ng magsasaka na nakasakay sa sasakyang pang bukid. Pagkakataon ko na ito kaya nagmamadali kong binuksan ang pinto ngunit napansin ako kaagad ni Marga. Mabilis syang nag-overtake kahit nabuksan ko na ang pinto. Lakas loob akong tumalon, bumagsak ako at dumausdos pababa sa lugar na tila gubat sa dami ng puno at ligaw na halaman. Umuusal ako ng panalangin habang dumadausdos ako pababa. Wala akong ibang nasa isip kundi ang makaligtas. Iniisip ko ang mag-ina ko.

Si Laine.Si Aliyah.

Hanggang sa maramdaman ko na tumama ang ulo ko sa matigas at malaking puno.

Bago ako nawalan ng ulirat ay may narinig akong tumatawag sa pangalan ko. Kasunod noon ay ang pagdilim ng paningin ko. At isang pangalan ang nasambit ko ng tuluyan na akong mawalan ng malay.

Laine...

______________

Laine's Point of View

DIYOS ko! Biglang tinambol ng kaba ang dibdib ko. Bigla kong naisip si Nhel. Ang sabi kasi nya sandali lang sya sa opisina at may pipirmahan lang sya. Pero bakit ngayon lunch time na eh wala pa sya? Sabi nya pagdating ni Aliyah ay aalis na kami. Kalahating oras na simula nung makauwi si Aliyah sa bahay, wala pa rin sya eh walking distance lang naman ang office nila sa bahay namin. Naka ready na ang lahat ng dadalhin namin at excited na rin si Aliyah na umalis na kami.

Naku naman beh saan ka ba nagsususuot?

Tumawag na ako sa secretary nyang si Belle kanina at ang sabi kanina pa raw nakaalis bago ang morning break nila. Eh saan kaya yun nagpunta? Hindi naman nya dala ang kotse kaya imposibleng maggala yun.

Dahil kinakabahan ako at hindi mapakali, nagpasya akong pumunta na sa kumpanya nila. Nagpaalam ako kay Aliyah at Melba na pupunta sa office ni Nhel para magtanong baka sakaling may nasabihan sya dun kung saan sya pupunta.

Naka t-shirt at walking shorts lang ako ng lumabas ng bahay. Hindi na rin ako nag-abalang mag-sapatos pa tutal malapit lang naman at maglalakad lang ako papunta dun.

Pagdating ko sa kumpanya nila, agad akong namataan ng guard na naka-duty sa ground floor.

" Good afternoon po ma'am Laine. Mukhang napasugod po kayo. Ano po ang maipaglilingkod ko? " bati ng guard na nagtataka sa biglaang pagpunta ko dahil nakapambahay lang ako.

" Eh kuya napansin mo ba ang sir Nhel mo kaninang lumabas dito?"

" Si sir Nhel? Di ba ma'am leave nya ngayon?" tanong din nya.

" Nagpaalam sa akin na pupunta dito saglit dahil may mga pipirmahan lang sya, nung tumawag ako dito sabi naman ni Belle umuwi na kanina pa. Napansin nyo ba na lumabas o may nabanggit ba sya sa inyo kung saan sya pupunta? Hanggang ngayon kasi wala pa sya sa bahay."

" Ay ma'am sorry po hindi ako ang naka-duty kanina. Sandali lang ma'am." paalam nya at tinignan ang log book nila.

" Ma'am si Mang Boy ang naka-duty dito kanina at naka-record dito sa log book na pumasok si Sir Nhel ng 9:05 at lumabas ng 10:15. Nakapagtataka nga po ma'am na wala pa sya sa inyo dahil pasado ala una na. Teka ma'am hayan pala si Mang Boy." napalingon ako at nakita kong palapit nga si Mang Boy, ang pinaka matagal ng guard dito na kilala na lahat halos ng nagpupunta dito sa kumpanya ni ninong.

" Mang Boy napansin mo ba na lumabas si sir Nhel kanina? Hinahanap sya ni ma'am Laine."

Nag-aalalang tumingin sa akin si Mang Boy. Bukod kay ninong Cesar, si Mang Boy ang isa sa mga nakasaksi sa lahat ng pinagdaanan namin ni Nhel. Naririto na sya simula ng magtrabaho si Nhel dito at close sila ni Nhel.

" Eh ma'am nakita ko nga na lumabas si Sir Nhel. May naghihintay na sa kanya dyan bago pa sya lumabas. Gusto ko mang ikaila sya pero nakita na nya nung pumasok si sir Nhel dito kanina. Narinig ko na nakiusap sya kay sir Nhel na sumama sa kanya dahil nasa ospital daw yung Mark. Nag-aatubili si sir Nhel na sumama pero nakikiusap si Marga alang-alang daw sa bata kaya napahinuhod na lang sya."

Pagkarinig ko sa sinabi ni Mang Boy ay bigla na lang akong binundol ng matinding kaba at parang nauupos na kandila akong napaupo sa visitors chair na nasa isang panig.

Diyos ko wag mo po pabayaan ang asawa ko.

Related Books

Popular novel hashtag