Laine's Point of View
NATIGILAN at halos mawalan ng kulay ang mukha ni Marga ng marinig ang mga pangalang binanggit ko. Maging si Nhel ay nagtatakang napatingin din sa akin. Tila nagtatanong kung anong kinalaman ng mga taong nabanggit ko sa away namin ni Marga.
" Babe what do you mean? How'd you know about them?" tanong ni Nhel.
" Why not ask her? I'm so sure that she knew what I'm saying." turo ko kay Marga.
Matiim syang tumingin kay Marga. Tingin na tila naghihintay sya ng kasagutan mula dito.
" Huwag kang maniwala sa kanya papa,nag-iimbento lang ng sinasabi ang babaing yan. Puro kasinungalingan lang ang pinagsasabi nya." pag-aakusa pa nya, gusto pa yatang lumusot gayong nasukol na sya.
" Ano naman ang mapapala ko kung mag-iimbento ako. Alam mo Marga lahat ng sinasabi ko ngayon, sigurado ako at totoo. At alam kong alam mo na hindi ako nagsisinungaling. I knew Dra.Nina since I was a kid. She's my kuya Frank's ex girlfriend. Alam ko ang ginawa mo Marga kapalit ng paglaya ng asawa nya,si Engr.Robles. Walang alam si ate Nina na alam ko na ang lahat. Kung paano kong nalaman? Wag mo na alamin. That's how money works. Ngayon sino ang nagsisinungaling sa ating dalawa ha Marga?"
" Walanghiya ka talaga Laine! Pagsisisihan mo na kinalaban mo ako. Makikita mo sisirain kita hanggang sa hindi kana makabangon. You mess with the wrong person.I can make your life miserable at its best."
" Really Marga? As if naman natatakot ako dyan sa banta mo. You wanna make my life miserable? Gawin mo! Ano pa ba ang pwede mong gawin na hindi ko kayang ibato pabalik sayo? Remember, misery loves company. Hindi ako mangingiming idamay kita kung magiging miserable man ako. Tandaan mo,hindi pa ako tapos sa laban ko sayo.An eye for an eye and a tooth for a tooth. At may natitira pa akong alas laban sayo. Si Mark at si Wesley!"
" Sino ba si Wesley babe? Bakit kanina ko pa naririnig ang pangalan nya? At ano ang kinalaman ni Mark dito?" nalilitong singit ni Nhel.
" Si Wesley? " sabay tingin ko ng nakangisi kay Marga." Siya lang naman yung...." Pak! Natigilan ako sa pagsasalita ng may sumampal sa akin.
" P*nyeta ka talaga!" nagulat ako ng pagsasampalin nya ako. Mabilis ang naging pagkilos nya, dahil sa sobrang galit ay malakas na nakapiglas sya sa pagkakahawak ni papa Phil.
Nahuli man dahil sa pagkabigla ay naawat din naman ni Nhel si Marga. Itinulak nya ito paupo sa sofa at galit na galit na hinarap. Parang gusto nya itong saktan pero nagpipigil lang sya. Nanginginig sa galit na hinarap nya ito.
" Sumosobra kana Margarette. Yung mga pananakit mo sa akin ay kaya ko pang palampasin pero yung ginagawa mong pananakit kay Laine, hindi kita mapapatawad. Ikaw ang dahilan kaya nawala ang anak namin. Nakunan sya nung huling sinaktan mo sya. Hindi kita sasaktan bilang ganti dahil kahit kailan hindi ako nanakit ng babae.Bahala na ang Diyos sayo. Ang tanging maigaganti ko lang sayo sa lahat ng ginawa mo sa amin ay ang iwan ka na ng tuluyan. Si Laine ang legal kong asawa, totoo ang lahat ng dokumento na nakita mo at may anak kami. Sila ang totoo kong pamilya kaya sa kanila ako uuwi. Hindi mo man ako palayain,pinapalaya ko na ang sarili ko sayo. Pagod na pagod na ako Marga. Pagod na ako sayo! " galit at may diin ang mga salita ni Nhel kay Marga at matalim ang mga tinging ipinupukol nya dito. Hindi na rin nakatiis na hindi sumali sa amin dahil sa pananakit na naman ni Marga sa akin.
Biglang lumuhod si Marga sa harap ni Nhel at niyakap ang mga binti nito.
Panay ang iyak nya.
" No,hindi maaari. Hindi mo ako iiwan,hindi mo kami iiwan ng anak nating si Mark. Umuwi kana sa amin please. Pangako hindi ko na guguluhin si Laine, umuwi ka lang!"
umiiyak na pagmamakaawa nya kay Nhel. Pilit namang tinitimpi ni Nhel ang galit nya. Nakakuyom ang mga kamao nya at nakapikit ng mariin.
Itinayo ni ate Merly si Marga at muling iniupo sa sofa na panay pa rin ang iyak.
" Umalis kana Marga. Kahit anong gawin mo hindi mo mababago ang pasya ko na balikan si Laine. Mula't sapul alam mong sya lang ang mahal ko at kailanman ay hindi yon mababago. Sapat na ang limang taon na pagdurusa ko sa piling mo.Ayoko na.Tama na."
" Hindi! Hindi ako aalis dito ng hindi ka kasama. Kailangan ka ni Mark. Kailangan ka ng anak natin. Maawa ka sa kanya, may sakit sya at hinahanap ka." umiiyak na nangunyapit na naman sya kay Nhel.
" Anong nangyari sa kanya?" nag-aalalang tanong ni Nhel. Biglang lumambot ang expression ng mukha nya ng marinig ang pangalan ni Mark.
" May sakit sya at hinahanap ka nya. Hindi mo sya makikita kung hindi ka sasama sa akin." pagmamakaawa pa ni Marga kay Nhel.
Napatingin ako kay Nhel ng may pagbabanta. May pakiramdam ako na hindi naman nagsasabi ng totoo si Marga. Kung may sakit nga ang bata, yun dapat agad ang sinabi nya pagdating pa lang nya kanina,pero hindi yun ang una nyang ginawa, nang-away agad sya. Nililinlang lang nya si Nhel.Kailangan masabi ko na ang totoo para hindi na nya malinlang si Nhel na sumama sa kanya.
" No beh, don't believe her. She's just bluffing ." singit ko sa usapan.
" Anong karapatan mong pigilan sya na makita ang anak namin? Wala ka bang kunsensya?" galit nyang tugon sa akin.
" Kunsensya? Nagsalita ang may kunsensya. Sa lahat ng kasamaang ginawa mo sa amin,sa palagay mo may kunsensya ka pa non. At hindi ka rin ba nakukunsensya sa pinagawa mo kay Dra.Nina?" there I said it.
" Babe anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Nhel. Si Marga naman ay napatda sa kinatatayuan nya at biglang tinakasan na ng kulay.
" Walang artificial insemination procedure na ginawa sa inyo dahil buntis na sya nun kaya hindi itinuloy ni Dra.Nina. Pinakiusapan nya ito na ilihim sayo at palabasing successful ang procedure kapalit ng pagtulong nya sa pagpapalaya sa asawa nitong si Engr.Robles, na walang awa namang ipinakulong ng ama nya sa salang hindi naman nito ginawa. Hindi mo anak si Mark beh,anak sya ni Marga kay Wesley.She cheated on you inside your marriage."
" What?" hindi makapaniwalang sambit ni Nhel. Biglang bumalatay ang sakit sa kanyang mukha sa narinig.
Galit na hinarap ni Nhel si Marga. Nanginginig sya ng husto sa galit na tila gustong sakalin ito. Nang akmang idadapo na nya ang kamay nya dito ay pinigilan sya ni papa Phil.
" Huwag anak. Huwag mong dungisan ang mga kamay mo sa isang tulad nya." pigil ni papa Phil.
Napaupo si Nhel sa sahig,sinabunutan ang sariling buhok. Hindi na alintana ang mga tao sa paligid ng bigla syang humagulgol. Nilapitan ko sya at niyakap.
" Pucha Marga! Anong kasalanan ko sayo? Bakit ginawa mong impyerno ang buhay ko? Lumayo ang asawa ko at lumaki ang anak ko na hindi ako ang nagisnang ama,samantalang kapiling ko naman ang batang inaruga at minahal ko ng husto,na hindi naman pala sa akin. Anong ginawa ko sayo para ganituhin mo ako ha? Sinira mo ang buhay at pangarap ko. Ikinulong mo ako sa mundo mo at inilayo sa mga taong malapit sa akin. Wala kang kasing-sama Marga. Ikaw ang walang kunsensya. Hindi kita mapapatawad sa lahat ng ginawa mo kay Laine at sa panloloko mo sa akin."
" Nagawa ko lang yun kasi hindi mo ako makuhang mahalin. Mahal na mahal kita Nhel at ayokong mawala ka sa akin." umiiyak na turan ni Marga.
" Kung mahal mo ako hindi mo ako sasaktan.Yung limang taon na kasama mo ako,sana ipinakita mo na worth kang mahalin pero wala kang ginawa.Hindi mo ako mahal. Wala kang mahal kundi ang sarili mo. Umalis kana habang nakapagtitimpi pa ako. Alis!" galit na turan ni Nhel at itinuro ang pinto.
Patakbong tinungo ni Marga ang pinto at pagdating sa labas ay sumakay ng kotse at pinaharurot ito.
Nanatili naman kami ni Nhel na nakaupo sa sahig. Yakap ko sya at patuloy pa rin sya sa pagluha. Iniwan na kami ng mga kasama namin at nagpatuloy sa kanilang mga ginagawa upang bigyan kami ng pagkakataong mapag-isa. Naaawa sila kay Nhel sa ginawa ni Marga sa kanya at ayaw nilang ipakita yun sa kanya at ayaw nilang makita si Nhel sa ganitong sitwasyon.
Ako man ay ayoko syang makita sa ganitong estado. Galit at nasasaktan. Ayoko sanang sa akin manggaling ang katotohanang magpapalaya sa amin kay Marga pero kailangan ng isiwalat para matapos na ang lahat.
Ito lang ang tanging paraan ko para bumalik ang pag-ibig na nararapat sa akin. Masyado ng maraming masasakit na pangyayari kaming naranasan na dapat ng tuldukan.Hindi ako selfish na tao.Ayaw ko rin na makasakit ng tao sa pamamagitan ng pagsasabi ng katotohanan pero kailangan kong gawin para sa ikatatahimik ng lahat.
And as the scripture says, the truth will set you free.