Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 132 - Dark Secret

Chapter 132 - Dark Secret

Laine's Point of View

PAULIT-ULIT na tumatakbo sa isipan ko yung huling sinabi ni kuya.

Bunga sya ng lihim na relasyon ni Wesley at Marga.

Bunga sya ng lihim na relasyon ni Wesley at Marga.

Bunga sya ng lihim na relasyon ni Wesley at Marga.

Paano nangyari yun? Ibig bang sabihin hindi talaga nagpa- artificial insemination si Nhel at Marga? Pero ang sabi ni Nhel sa akin nag-undergo sila sa ganun kaya nabuo si Mark. Posible bang may nangyaring lokohan sa pagitan ni Nhel at Marga? At paano naman nalaman ni kuya Frank yun?

Hay ang gulo! Bakit kasi hindi pa nilinaw ni kuya kanina. Ang dami ko tuloy tanong sa isip ko ngayon.

" Hey,you're spacing out. Kanina pa kita kinakausap ah. May problema ba babe?" nagulat ako ng marinig kong magsalita ang asawa ko.

" H-ha? A-ano yun beh?"

" Tinatanong ko kung ano ba yung pinabibili ng anak natin kanina,dumaan na tayo sa mall."

" Ah sorry beh hindi kita narinig. Nagpapabili nga pala sya ng crayons at clay, pero pwede namang tomorrow na lang wala naman syang pasok bukas. "

" Okay lalabas naman tayo dahil weekends. Isama na lang natin sya sa pagbili. May problema ka ba? Ang tahimik mo kasi." bigla nyang tanong. Paano ko ba sasabihin sa kanya ang mga bumabagabag sa isip ko? Hindi nya pwedeng malaman tiyak na masasaktan sya dahil mahal na mahal nya si Mark.

" Ah wala naman beh.Dumating kasi bigla si kuya Frank kanina,marami lang akong ginawa sa office."

" I see. Ayos na ba yung branch nyo dun sa Singapore kaya umuwi na sya?"

" Nope under construction pa daw. Umuwi lang sya dahil kailangan nyang i-meet yung client nya then babalik din sya after a week."

Hindi na sya nagtanong pa. Hinayaan na lang nya akong manahimik dahil sa kaalamang napagod ako sa buong maghapon sa trabaho.

Kinagabihan pagkatapos kong patulugin ang aming anak, muli na naman akong pinuna ni Nhel sa pagiging silent ko.

" Babe feeling ko talaga may problema ka. You are not in your usual self. Come on spill it. I'm here to listen."

" Beh wala talaga,pagod lang ako. Ang dami kasing reports na hiningi si kuya kanina.Don't bother, I'm fine. I just need rest."

" Okay. Let me give you a massage,to make you feel better." turan nya at iginiya nya na ako padapa sa kama para i-massage. I think kailangan ko nga siguro to para mawala yung stressed ko dahil sa nalaman ko kanina.

Kahit masarap yung ginagawa nyang pagmamasahe sa akin,hindi pa rin mawala sa isip ko yung sinabi ni kuya. Pilit na umuukilkil sa utak ko at parang sirang plaka na paulit-ulit na nagre-replay.

Nang hindi na ako makatiis,bumangon ako sa pagkakadapa at umupo paharap sa kanya.

" Beh can I ask you a question?"

" Yeah sure babe. What is it?"

" Uhm, about AI, the artificial insemination thing. How is it done, the procedure I mean?"

" Why all of a sudden naging interasado ka dun? Yun ba ang iniisip mo kanina pa?" hala parang mali yata na nagtanong pa ako. Paano yan? isip Laine isip.

" Wala lang bigla lang pumasok sa isip ko kasi may officemate ako na interesado na mag-undergo sa ganun. Wala naman syang boyfriend kaya yun ang naisip nya para magkaanak." wheew,sana lumusot ang alibi ko.

" I see.But I'm not there when the doctor did the procedure to Marga,nasa kabilang room ako."

" So paano nga hindi mo naman pala nakita?" yun lang naman ang gusto kong malaman kung nandoon ba sya,pero nagtanong pa rin ako para hindi obvious.

" Well, according to her doctor, 1the procedure uses a thin flexible tube to put my sperm into Marga's reproductive tract. Its as simple as that. That's why no need for my presence, it's just her and the doctor ."

So maaari talagang may lokohan na nangyari dahil hindi naman nya nakita nung ginawa yung procedure.Pero paano? Posible ba na kasabwat ni Marga yung doktor?Paano rin nalaman ni kuya kung ganoon nga?I need to talk to kuya Frank tomorrow. Kailangan ko na malaman sa kanya ang lahat. Ayokong itago ito kay Nhel ng matagal. The truth will prevail.

" Ah okay beh,now I understand.Tara tulog na tayo." untag ko sa kanya at hinila ko na sya pahiga sa kama.

" Tutulog na agad babe?" pilyong ngiti nya sa akin.

" Beh, I'm tired.Promise, tomorrow you can have me as much as you want."

" Talaga lang. Promise yan ha?" nanunudyo ang tingin nya sa akin.

I just nodded.

" Oh yes!" natawa na lang ako at naiiling sa kanya. Horny as always.

Oh this man and his libido!

_________________

MAKALIPAS ang limang araw saka lang ulit kami nagkita ni kuya Frank. Simula nung lunes ay inaabangan ko na sya sa office pero hindi sya nagpupunta. I even asked Mitch to call him just to know his whereabouts but unfortunately she can't contact him. Kung hindi out of coverage area, hindi nagri-ring. Kahit si ate Angel pag tinatawagan ko,out of coverage area din. Naisip ko na baka umalis sila ng bansa.

At heto nga, kung hindi pa humiling ng board meeting ang mga taga board hindi ko pa rin sya makikita.

" Naku kuya saan ka ba nagsusuot these past few days at hindi kita ma-contact?" bungad ko kay kuya pagpasok pa lang nya ng private office.

" Sorry baby, yung mga pamangkin mo kasi nagyaya na mag Hongkong kami dahil may Disneyland na daw dun. Kaya hayun pag-uwi ko ng bahay nagyaya agad sila dun at kagabi lang kami bumalik. Buti na lang nabasa ko yung message ni Mitch na may meeting daw tayo ngayon with the board. My apologies baby."

" Appology accepted kuya but you still owe me an explanation dun sa sinabi mo sa akin the last time at hindi ako pinatulog nung sinabi mong yun akala mo ba."

" Sorry naman.Sige we'll talk after ng meeting natin para naman makatulog ka na."

" Okay thanks kuya.Now,shall we?" untag ko sa kanya para pumunta na sa conference room.

" Yeah,let's go. Mitch sumunod ka na para sa minutes ng meeting." tawag nya kay Mitch.

" Okay boss. I'll be there in a minute." tugon ni Mitch.

Tumagal ng mahigit isang oras ang board meeting. Marami kasi ang pinag-usapan dahil sa expansion ng kumpanya. Lunch time na nung matapos kami at niyaya na lang akong kumain ni kuya Frank sa isang restaurant malapit sa office.

" So tell me kuya, paano mo nalaman na hindi anak ni Nhel si Mark? " tanong ko kaagad kay kuya nung nasa office na uli kami matapos kaming mag-lunch sa restaurant.

Tumingin siya sa akin ng matiim and he heaved a deep sigh.

" Alam mo Laine,dahil sa kagustuhan ko na makabalik si Nhel sa inyo ni Aliyah,pati yung pagbubuntis ni Marga nun ay pinagdudahan ko. Lalo na nung makipag-relasyon ulit sya kay Wesley ng lihim kahit asawa na nya si Nhel. Pinaimbestigahan ko kung saang ospital sya nanganak. Nalaman ko na sa isang ospital sa Sto.Cristo sya nanganak na pagmamay-ari ng lolo mo sa side ni tita mommy. Dun ako nag-umpisa.Nagpakilala ako sa may-ari. Sinabi ko na ako yung step son ng pamangkin nya at kilalang-kilala naman pala nya si daddy."

" Yeah,si lolo Marcial. First cousin yun nung tatay ni mommy at talagang mabait yun kay dad kasi tinulungan sila ni dad nun nung magka-problema sila financially." turan ko.

" Oo nga raw. In return,tinulungan nya ako sa kailangan ko. Pinakita nya yung records ni Marga dun at nalaman ko kung sino ang doktor nila ni Nhel nung nagpa-AI sila. And luck is on my side that time because I found out that the doctor who did the procedure is my ex-girlfriend na nakapag-asawa ng taga Sto.Cristo." kuya smiled like a freaking teen ager when he said the word ex-girlfriend.

" It seems that you are so lucky nga kuya,ganda ng ngiti mo eh. Sinong ex mo ba yan?" tudyo ko sa kanya.Ang dami kaya nyang naging girlfriend.

" My first love." he smiled like an idiot. Bakit hindi eh ito lang naman ang minahal nya ng husto bukod kay ate Angel. Then yung ibang sumunod pagkatapos ng first love nya ay tumatagal lang ng isang buwan.

" OMG kuya! Si ate Nina ba yan?"

" Exactly baby. Nina Buencamino, pero wag kang mang-asar dyan. She's already married and I'm happily married with Angel."

" Haha.Wala naman akong sinasabi ah! Makangiti ka naman kasi dyan wagas!"

" Siyempre first love ko yun at naaalala ko lang yung mga kalokohan namin nung kami pa."

" Ah okay, wala na akong sinabi. Sige na kuya,let's proceed na to our topic." untag ko.

" Yun nga,tinanong nya ako kung ano ang kailangan ko. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Tinanong ko kung totoo bang nag-undergo ng artificial insemination si Margarette at Nielsen Mercado sa kanya. Bigla syang natigilan at parang gulat na gulat sa tanong ko. Pansin ko nga na parang naging tense sya nun kaya naman lalong nadagdagan ang pagdududa ko. Tinanong nya ako kung bakit ko sila kilala, then inamin ko na yung totoo. Na ikaw talaga ang totoong asawa ni Nhel. Sinabi ko na rin ang tunay na pakay ko sa kanya. Dahil naawa sya sayo sa naging sitwasyon nyo ni Nhel at naging malapit ka rin naman sa kanya noong kami pa, pinagtapat nya sa akin ang lahat kapalit ng hindi pagdawit sa kanya sakaling mabunyag na ang katotohanan. Baka mawalan kasi sya ng lisensya kapag nabunyag ang ginawa nya. Nangako naman ako na poprotektahan ko sya for old times sake."

" Ano ba kasi yung ginawa ni ate Nina kuya?"

" Mangako ka muna baby na hindi ka magtatanim ng galit kay Nina,kayo ni Nhel kapag nalaman nyo ang ginawa nya."

" Ano ba kasi yun kuya? Kung may mabigat na rason sya, hindi ako magagalit."

Kuya heaved a sigh first.

" Hindi nya itinuloy na-isalin yung sperm ni Nhel kay Marga dahil buntis na ito ng isang buwan at si Wesley ang ama.Kinausap sya ni Marga na palabasin kay Nhel na successful ang procedure ng AI. At ang kapalit ng pananahimik nya ay ang pagtulong ni Marga na mapalaya ang asawa nya na ipinakulong naman ng tatay ni Marga sa salang hindi naman nito ginawa."

" What? Ang sama talaga ni Marga. Pinaniwala nya si Nhel sa isang malaking kasinungalingan. Pagbabayaran nya ito kuya. Magbabayad siya!"