Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 121 - First Step

Chapter 121 - First Step

Laine's Point of View

NAGISING ako ng maramdaman ko na may yumuyugyog sa balikat ko.Bahagya ko ng iminulat ang mata ko at medyo nasilaw pa ako ng masinagan ako ng liwanag na nagmumula sa bintana.Nang mahimasmasan ako, nanlaki ang mata ko sa gulat ng tumambad sa akin si Aliyah na siya palang yumuyugyog sa akin.Awtomatikong kinapa ko ang katabi ko sa kama na syang tinitignan ni Aliyah ng may pagtataka.Tila kinikilala kung sino ba yung katabi ko.Buti na lang naka-harap sa kabilang side si Nhel at nakatalikod sa kanya,hindi nya nakikita ang mukha nito.

" Mommy who's with you?" tanong nya.

" Why are you here sweetie? Are you hungry?" tanong ko,iniwasan kong sagutin ang tanong nya.Buti na lang balot kami ni Nhel ng kumot kundi naiskandalo na ang aming anak dahil pareho pa kaming hubad sa ilalim ng kumot.

" Yes po. But no one's awake."

Tinignan ko ang oras, pasado alas sais pa lang ng umaga pero bakit gising na sya.Nauna pa syang nagising sa yaya nya.

" Sweetie can you go to your yaya, mommy will take a shower first then I will cook your breakfast."

" Can I just wait for you here? Yaya is still sleeping."

I sigh." Okay,but promise me you'll behave,someone's still in deep slumber."

" Okay mom.I promise." turan nya saka pumunta sa couch na nasa loob ng room ko at doon tahimik na umupo.

Nagmamadali kong kinuha ang roba na nasa gilid ng kama at isinuot.Pagkatapos ay dumiretso agad ako ng bathroom ko at mabilis na naligo.

Saktong nakatapos akong magbihis nang marinig ko ang pagtili ni Aliyah.

" Waaaahhh.mommyyy." natataranta akong lumabas, malamang gising na ang mga tao sa bahay sa lakas ng tili nya.

" Hey what happened?" nanlalaki ang mga mata nya na nakatingin kay Nhel na tila napabangon naman dahil sa gulat.

" Why is tito Nhel here?" tanong nya.

" Anong nangyayari dito?" biglang sulpot ni dad.Namamanghang napatingin sya kay Nhel na tila naestatwa naman sa pagkakaupo sa kama habang takip ang kahubdan nya ng kumot.

" Dad!" hindi ko alam ang sasabihin ko dahil nabigla rin ako sa bilis ng pangyayari.

" What's the meaning of this Alyanna, Nielsen?" tanong ni dad na palipat-lipat ang tingin sa amin ni Nhel.

" Dad we can explain pero pakilabas po muna si Aliyah,susunod na lang po kami." nahihiya kong turan kay dad.

" Okay .Dalian nyo lang at kailangan talaga natin na mag-usap." seryosong sabi ni dad tapos lumabas na sila ng room ko.

Nagkatinginan kami ni Nhel at sabay pa halos kaming napabuntung-hininga. This is it. Heto na yung unang hakbang namin ni Nhel para ayusin na ang pagsasama namin bilang legal na mag-asawa. Ang mag-usap kasama ang mga magulang ko.Mas maganda sana kung nandito din si tito Phil at tita Bining.

" Beh mag-ayos kana hinihintay na tayo nila dad."

" Pwede maki-gamit ng bathroom mo,mag-shower lang ako?"

" Oo naman para ka namang others dyan.Bilis lang beh ha,gusto ko ng pag-usapan na natin nila dad yung sa atin."

" Ako rin babe. Can't wait to wake up each morning again with you by my side.And make love to you over and over again." turan nya habang yakap ako mula sa likuran.

" Hala grabe sya.Yun lang talaga ang reason mo kaya gusto mo ng bumalik sa akin? Kainis ka ha!" sabay hampas ko sa braso nya.

" Hindi noh! Isa lang sa mga reason ko yun.Ang importante sa akin yung magkasama na tayo uli at yung mga anak natin." saad nya sabay halik sa ulo ko at hinimas pa ang pipis kong tiyan bago pumasok ng bathroom.

_____________

" Where's Aliyah mom?" tanong ko kaagad nung nandoon na kami ni Nhel sa dining room.

" Sinama muna ng mga kapatid mo sa favorite nyang fastfood dyan sa kabayanan.Masyadong naguluhan ang bata nung makita nya si Nhel sa kwarto mo." sagot ni mommy.

" Mom,dad sorry po.Nag-usap na po kami kagabi ni Nhel. Alam na po nya ang tungkol kay Aliyah at sa kalagayan ko ngayon."

" Yes po tito,tita.Gusto ko na po na makasama ang mag-ina ko.Nandito din po ako para kausapin kayo sa plano namin ni Laine."

Dad heaved a sigh.

" Alam ko na hahantong talaga sa ganito kaya tinawagan ko na ang mga magulang mo Nhel. Panahon na para malaman nila ang totoong estado nyo ni Laine. Alam kong hindi mo sinabi sa kanila ang totoo dahil nag-aalala ka sa kalusugan ng papa mo.Ngayon tutulungan ko kayo na magpaliwanag sa kanila para naman hindi sya gaanong mabigla.." hindi pa halos natatapos si dad sa sinasabi nya ay bumukas na ang front door at iniluwa non ang mga magulang ni Nhel.

" Pare bakit masyado naman yatang urgent ang tawag...Nhel ano ang ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ni tito Phil na hindi na natapos ang sinasabi kay dad at kay Nhel agad natuon ang pansin nya.

" Anak kanina pa nagtutungayaw si Marga sa bahay at hinahanap ka eh hindi ka naman nagagawi dun sabi ko.Hayun umalis ng galit na galit.Bakit ka nga ba nandito anak?" si tita Bining na halos hinihingal pa sa pagsasalita.

" Mare,pare maraming ipapaliwanag yang dalawang yan sa inyo pero bago sila magsimula gusto ko na kumalma ka lang pare sa kung ano man ang marinig mo na sasabihin nila.Nag-aalala kami sa kalusugan mo."

" Ano ba yon pare? May dapat ba akong ikasakit ng loob sa sasabihin nila?"

" Wala naman pare pero gusto kong kumalma ka lang."

" Sige pare makikinig kami."

Magkatulong naming isinalaysay sa magulang nya ang lihim naming pagpapakasal noon.Kasal na kami nung lumipat kami sa binili ni Nhel na bahay. Sinabi namin na kaya inilihim namin dahil ayaw namin na magalit sila.Nag-aaral pa kasi ako noon at sumuway kami sa gusto nila.Pinaliwanag ko rin ang tunay na dahilan ng pagpapakasal ko kay Anton at ang pagdi-divorced namin nitong nakaraan lang.Nalaman na din nila ang tungkol kay Aliyah at sa pinagbubuntis ko. Nang matapos akong magsalaysay ay umiiyak na si tita Bining. Si tito Phil ay hindi kumikibo na ipinag-alala naman namin ni Nhel ng husto.

" Bakit? Bakit hindi nyo sinabi noon para hindi ko na hinayaan na makasal ka Nhel kay Marga? Wala akong nagawa para pigilan si Victor sa gusto nyang mangyari.Hindi sana ako nagpadala sa pananakot nya noon sa amin.Hindi sana kayo nagkahiwalay.Kawawa naman ang apo ko,lumaki syang iba ang ama na nakilala nya.Kasalanan ko ito,wala akong nagawa." malungkot na saad ni tito Phil at pilit na sinisisi ang sarili sa nangyari sa amin ni Nhel.

" Pare, tama na yan.Tapos na at nangyari na, kaya wala na tayong magagawa pa.Huwag mong sisihin ang sarili mo,hindi natin ginusto pare-pareho ang nangyari.Marahil ang Diyos na ang nagtakda sa lahat at may malaki Siya sigurong rason. Ngayon nandito tayo para pag-usapan ang sitwasyon nitong mga anak natin.Gusto ng bawiin ni Laine si Nhel kay Marga sa legal na paraan.Kailangan nila ang suporta natin at yun ang ibibigay natin sa kanila.Alam natin pareho na mahirap kalaban si Victor kaya kailangan na maging handa tayo sa laban nitong dalawa."

" Oo pare,mare magtulong-tulong tayo sa pagsuporta sa kanila.Kung wala akong nagawa noon, ngayon sisiguruhin ko na mababawi ni Laine si Nhel kay Marga kahit pa umabot kami ni Victor sa korte."

" Pareng Phil, malaki ang laban ni Laine dahil sya ang legal na asawa.Kung mayroon mang dapat magdemanda dito eh si Laine na iyon dahil sya ang tunay." singit ni mommy.

" Tama ka doon mare.Kaya kumalma kana papa at baka tumaas pa ang bp mo dyan." saad ni tita Bining kay tito Phil.

Tito Phil heaved a sigh. " Tama at ang magagawa na lang natin ngayon ay suportahan sila."

" Nasaan na ang apo natin gusto ko na syang makita?" turan ni tita Bining.

" Inilabas muna ng mga bata mare,masyadong naguluhan nung makita nyang natutulog si Nhel sa kwarto ng mommy nya.Hindi pa sila nagkakakilala bilang mag-ama." turan ni mommy.

" So, ano na ang susunod nyong hakbang ni Laine nyan Nhel?" tanong ni tito Phil sa anak.

Tumingin si Nhel kay mom at dad tapos sa mga magulang nya.

" Gusto ko po sanang iuwi na ang mag-ina ko sa bahay namin ni Laine."

" Ha? Paano mong gagawin yon eh magkasama pa kayo ni Marga? Tsaka lagi ka niyang sinusundo sa trabaho mo kaya paano ka makakauwi sa kanila?" naguguluhang tanong ni tito Phil sa anak.

" Hindi po alam ni Marga ang tungkol sa bahay namin ni Laine. Kapag mayroon akong inaasikaso sa mga planta namin sa ibang lugar, ang alam nya ay sa bahay na provided ng company ako umuuwi.Ngayon balak ko pong kausapin si boss Cesar nai-assign muna ako pansamantala sa planta para dun ako sa bahay namin uuwi at makasama ko ang mag-ina.Hanggat hindi pa naaayos ang paghihiwalay namin ni Marga,magiging ganon muna ang sitwasyon namin."

" So,parang itatago mo sila,ganon ba? Bakit hindi mo na lang hintayin na maayos nyo na ang kay Marga bago kayo magsama?" tanong ni dad.

" Tito gusto ko na po silang makasama.Pansamantala lang naman po ang ganong sitwasyon.Kailangan magkasama kami ni Laine palagi habang sabay kaming lumalaban kay Marga at isa pa sa kalagayan ni Laine ngayon kailangan nasa tabi nya ako. Ayoko po na maulit yung pinagdaanan nya nung nagbubuntis sya kay Aliyah na wala ako sa tabi nya." paliwanag nya.

" Alright,naintindihan ko na.Paano naman ang anak mo kay Marga?"

" Uuwi po ako ng weekends para makasama ko rin ang bata."

" Kung ganon ang pasya mo,sige papayag kami pero siguruhin mo na hindi kayo matutunton ni Marga,kawawa naman ang mag-ina." si dad.

" Makakaasa po kayo. Po-protektahan ko sila sa abot ng aking makakaya."

" Nandito lang kami mga anak. Hindi namin kayo pababayaan." si tito Phil at marahang tinapik pa si Nhel sa balikat.

Maya-maya narinig namin ang pagdating ng mga kapatid ko kasama si Aliyah.Tumakbo agad ito sa akin.Nagtataka sya na iginala ang paningin sa mga kasama namin sa dining room.

" What is tito Nhel doing here? Who are they mommy?