Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 119 - The Story of Us

Chapter 119 - The Story of Us

Laine's Point of View

HINDI ko muna sinagot ang tanong ni Nhel, sa halip pinagpatuloy ko na lang ang pagsasalaysay sa kanya, yung nangyari limang taon na ang nakaraan.

" Nung alukin ako ng bigboss na ipapadala sa bagong bukas na branch sa Switzerland,pumayag agad ako para hindi na ako guluhin ni Marga at hindi kana mahirapan.Nung umalis ako dito sa Pilipinas,nag~stay muna ako kila daddy sa US ng isang buwan,hiniling ko kasi kay bigboss yun bago ako sumabak sa trabahong binigay nya sa akin.Hindi naman ako pinabayaan ng pamilya ko nung nandun ako sa kanila, naunawaan nila yung nangyari sa atin at gusto nga nilang tulungan tayo pero sabi ko hayaan munang humupa ang sitwasyon at nangako naman tayo na sa isat-isa na aayusin natin ito.I knew you called to dad that time. Nandoon ako nun Nhel.Kahit gusto nila daddy na sabihin sayo na nandoon ako para magkaayos na tayo, nakiusap akong ikaila nila para na rin sa katahimikan nating lahat.Ayokong malaman mo pa ang kahit na ano tungkol sa akin.Mas lalong makakagulo lang yon sa sitwasyon mo." mataman lang syang nakikinig, tila inaalala ang nakalipas na pangyayari.

He heaved a sigh then looked straight in my eyes.

" Pumunta ako sa US noon, nagbaka-sakali pa rin ako na nandoon ka. Desidido na talaga akong magtago na lang tayo. Pero kahit anong pilit ko,hindi rin sinabi nila tito Franz kung nasaan ka, hindi daw nila alam.Kung sana nalaman ko kaagad kung nasaan ka baka hindi na tayo nagkahiwalay pa."

" Beh kahit ano ang gawin natin ng mga panahon na yun, guguluhin pa rin tayo ni Marga. Hindi rin tayo makakapamuhay ng payapa kung lagi tayong magtatago. I told you before that God has a reason for allowing things to happen. Maaaring hindi pa natin nakikita yung mga dahilan Niya sa ngayon but I'm sure it's for the better, for both of us and for the people around us."

" Yeah you're right, ayoko rin naman kwestyunin ang Lord kung bakit." he said then he asked me to go on with the story.

" Matapos ang isang buwan umalis na ako sa US para pumunta na ng Switzerland. Siguro yun yung time na pumunta ka pero hindi mo na ako inabutan.Ayaw pa akong payagan nila daddy dahil nag-aalala sila sa akin pero sinabi ko naman na kaya ko na, kaya napilitan na rin silang pumayag.Nung una nahirapan ako sa trabaho ko dun sa Switzerland dahil mag-isa lang ako.Pero after a month nasanay na rin ako at unti~unti ng nakapag~adjust. Isang araw nagulat na lang ako ng makita ko si Anton sa opisina ko pagpasok ko.Pinadala daw sya ng lolo nya dun para magtago.Ipinapakasal kasi sya ng daddy nya sa anak ng business partner nito kaya hiningi nya ang tulong ni bigboss para takasan yung arranged marriage na gusto ng daddy nya."

" Yun nga ang balita na kumalat noon na sobrang ikinasama ng loob ko,magkasama raw kayo kasi pareho kayong nawala."

" Oo pero mali yung kumalat na balita na sinundan nya ako dun. Just listen to this, this will answer your question kanina." he nodded at me to continue.

" May girlfriend kasi si Anton, si Lianna, the girl you met kanina with him at the mall. Ito ang gusto nyang pakasalan, kaya lang nag~aaral pa ito ng medesina kaya hindi pa sila pwedeng magpakasal.Sinabi nya dito ang tungkol sa arranged marriage.Sinabi din nya na magtatago muna sya at babalikan nya ito pag pwede na silang magpakasal. Dahil alam nyang nasa Switzerland ako,doon na lang nya naisipang pumunta para magtago. So,pumayag naman si Lianna, that's the only choice they got that time.Pero pagkatapos ng halos isang buwan na pagtatago nya doon,tumawag ang lolo nya sa kanya at sinabing nalaman na ng daddy nya kung nasaan sya at naghahanda na ito para puntahan sya.Kaya bumuo ng desisyon ang maglolo kasama ako bago pa dumating ang daddy nya.Yun ay ang pakasalan ako.Kaya nagmamadali kaming inayos ang lahat,buti na lang may mga kasama kami sa kompanya na nagmalasakit na tumulong para mapadali ang kasal.Kaya bago pa makarating ang daddy nya,kasal na kami at wala na itong nagawa ng bumalik uli ito ng Pilipinas." mataman pa rin syang nakikinig at tumatango-tango pa.

" What about Lianna? Does she knew everything about the marriage and the plan?" tanong nyang muli.

" Oo.Alam nya ang tungkol sa kasunduan namin ni Anton at ni bigboss.Kapag nakatapos sya ng medesina ay magdi~divorce kami ni Anton at sila ang magpapakasal which is a year from now pa dapat pero nung dumating kami ni Anton dito,nagpakasal rin sila secretly. Gusto na kasing makasiguro ni Anton na sila na talaga.Hindi rin ako pwedeng manatiling nakatali kay Anton dahil kasal ako sayo.Pumayag ako sa kasunduan na iyon dahil malaki ang utang na loob ko sa maglolo at magkaibigan kami ni Anton.At isa pa,doon sa Switzerland lang kami mag-asawa, hindi valid ang kasal namin once na tumuntong na kami ng Pilipinas. Doon sa Switzerland,ako si Alyanna Maine del Rio pero ngayong divorced na kami at nandito na ako sa Pilipinas isa na uli akong Mercado,isang katotohanan na hindi ko pwedeng takasan." ngumiti ako ng malapad dahil sa huling salitang binanggit ko.

" Oo naman, hindi mo na ako matatakasan dahil hindi ko na yun papayagan. Hindi ko hahayaang hindi nakakabit ang apelyido ko sa pangalan mo,gagamitin mo na uli yan dito."

" Ows! Paano yan dalawa kaming Mrs.Nielsen Mercado?" biro ko sa kanya.

" Babe alam mong ikaw ang legal!"naaasar na sagot nya.

" Tsk.biro lang,naasar ka naman agad. So,ngayong alam mo na ang tungkol sa amin ni Anton, naniniwala ka na he's not cheating on me."

" Oo na. Sige ipaalala mo pa yung ginawa ko,sobra na nga akong nahihiya." yumuko pa sya na akala mo batang pinagagalitan.

" Hahaha..ang epic mo beh. Halika nga dito." untag ko. Lumapit naman sya at niyakap ko sya ng mahigpit.

" Yung ibang nangyari nasabi ko na sayo nung gabi ng kasal nila Rina. Tumupad ako at binalikan kita." kumalas na ako sa yakap ko at hinarap na sya.

" Sorry for that.Pero may hindi ako nilinaw sayo nung nagkausap tayo.Kahit na nagka-anak ako kay Marga hindi kailanman kami nagtalik.Marga never had me. Sayo ko lang binigay talaga itong yummy kong katawan babe.Ikaw lang ang pwedeng umangkin sa akin ng paulit-ulit." turan nya na pinipigil pa ang ngiti.Umandar na naman ang kanyang kapilyuhan.

" Seryosong usapan kung ano-ano sinasabi mo.But seriously, paano nangyaring nagkaanak kayo ng walang nangyaring physical contact?"

" Through Artificial Insemination.Bago tanggalin ang matres ni Marga sinabi ng doktor na pwedeng magbuntis muna sya pero minsan lang, ilang beses na syang nagpahiwatig na gusto nyang may mangyari sa amin pero tumatanggi ako.Hindi ko kayang magtaksil sayo.Kaya nakiusap sya na bigyan ko sya ng anak kahit hindi sa normal na paraan,yun nga yung AI.Kaya nabuo si Mark ng walang pagtatalik na naganap at tanging sya lang ang nagpapasaya sa akin ngayon,kung wala sya malamang nabaliw na ako sa sobrang pangungulila sayo at sa pinagdadaanan ko kay Marga."

Para akong nabunutan ng tinik sa nalaman ko.All this time ako lang pala talaga ang pinagbigyan nya ng sarili nya.Pareho lang naman kami. Anton never had me too at ipapaalam ko rin yun sa kanya mamaya pag sinabi ko na sa kanya ang tungkol kay Aliyah.

"Ngayong alam mo na ang lahat, ano na ang susunod nating hakbang ngayon?" tanong ko sa kanya.

" Kukuha ako ng kopya ng marriage contract natin at kakausapin ko si Marga at ang pamilya nya para maghiwalay na kami ng maayos."

" Naayos ko na yung marriage contract natin." singit ko.

" Really? Eh di kung ganon kakausapin ko na lang pala sila."

" Alam mo na hindi magiging madali yon lalo na't may anak kayo."

Bigla syang natigilan sa sinabi ko.

" Yeah,oo nga pala. Bakit ba nawala sa isip yun."

" See? Hindi magiging madali di ba?"

" Yeah, pero magagawan yun ng paraan.How about your daughter? Does she knew about your divorce with her dad?"

" Sinabi na namin ni Anton sa kanya ang totoo. Nung una umiyak sya ng todo pero nung ipinaliwanag namin sa kanya,naintindihan nya naman agad."

" Such a smart kid,huh!"

" Yeah, she really is with big faith and fear in God."

" Sayang naman, she's now a product of a broken family. But don't worry I'll give her a complete family once we're done with all of this problems with Marga."

" Oh,that's so sweet. But don't worry naayos na namin ni Anton yung custody ng bata. Tomorrow I'll introduce you to our daughter Aliyah." sabi ko emphasizing the words. It's about time to tell him the truth.

" Aliyah? " bigla nyang sambit then murmuring something na hindi ko maintindihan,sounds like kaya pala.

" Why? You already met her?" nagtataka kong tanong.

" Yes, I met her a week ago.Papunta ako noon sa poultry ni Mang Ben.Then nung medyo malapit na ako sa inyo,biglang may lumabas na bata sa gate nyo hinahabol yung bola.Mabuti na lang malayo-layo pa ako nung mapansin ko kaya nakapag-preno ako kaagad.I helped her to get the ball. I asked for her name but she refused to at first,she told me that her mommy taught her not to tell her name to some strangers.She's really a smart kid.Kailangan ko pa na magpakilala sa kanya bago nya binigay ang name nya. I thought she's kuya Frank's daughter, kaya naman pala ganun ang naramdaman ko nung makita ko sya, ikaw pala ang nanay nya." napapangiti pa sya habang nagku-kwento.Hay nako,hindi nya alam na lukso ng dugo yung naramdaman nya.

" Anong naramdaman mo ba nung makita mo si Aliyah?" sinubukan kong itanong sa kanya.

" Hindi ko ma-explain eh. Parang may hindi ako maipaliwanag na sayang nararamdaman habang kausap ko sya. Parang nakita ko na nga sya pero hindi ko lang alam kung saan." gusto ko ng matawa sa sinabi nya.Paanong parang nakita na nya eh magkamukha kaya sila ni Aliyah nung bata sya. Malamang yung itsura nya yung nakikita nya hindi lang nya ma-realize.

" Kaya ganon siguro ang naramdaman mo nung makita mo sya maybe because she's our daughter." inulit ko na naman pero parang hindi nya pa rin gets.

" I guess so.You and Anton are so lucky to have a daughter like her. So smart and beautiful."

" You know beh, you really don't get it!" medyo naaasar na ako.

" What do you mean?" naguguluhang tanong nya.

" Aliyah.is.our.daughter...not mine and Anton's but yours and mine." turo ko sa sarili ko at sa kanya." you got me pregnant five years ago Nielsen!"

" What?!"