Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 115 - Father and Child

Chapter 115 - Father and Child

Nhel's Point of View

BANDANG hapon na ng mag text si Marga at sinabing umuwi na raw kami ni Mark. Kaya naman inayos ko na ang gamit ng bata at dinala na sa sasakyan namin. Tatawagin ko na sana ito dahil busy pa sa pakikipaglaro sa anak ni kuya nang tawagin naman ako ni mama.

" Uuwi na ba kayo,anak?"

" Opo ma, nag-text na si Marga at pinauuwi na kami. Alam nyo naman yon parang dragon kung magalit. Mabuti nga pinayagan kaming pumunta dito ng hindi sya kasama."

" Pasensya kana anak ha?" malungkot na saad ni mama.

" Para saan naman yan ma?"

" Kung may nagawa lang sana kami ng papa mo noon para hindi natuloy yung kasal mo dyan kay Marga, sana masaya ka ngayon kapiling yung talagang mahal mo."

" Ma, masaya naman po ako dahil kay Mark." ngumiti ako kay mama para hindi na sya mag-alala.

" Anak, alam ko na masaya ka sa anak mo pero alam ko rin na hindi lubos ang kaligayahan mo dahil hindi maganda ang pagsasama nyo ng ina nya. Para kang isang preso na walang kalayaan."

" Ma huwag nyo na intindihin yon. Wala naman na akong magagawa sa kinahinatnan ng buhay ko. Ang mahalaga na lang sa akin ngayon ay ang anak ko. Siya na lang ang dahilan kung bakit natitiis ko pa na makisama sa ina nya."

Mama heaved a sigh at tinignan ako ng tinging may pang-unawa bago ngumiti.

" O siya, sige na pero bago kayo umuwi pwede bang ibili mo muna ako ng itlog sa poultry nila Ben? tutal may sasakyan ka dalawang tray na ang bilhin mo."

" Sige po, kayo na muna ang tumingin kay Mark dun kila kuya. Mamaya ko na sya kukunin pagkagaling ko kila Mang Ben."

" Sige anak ako na ang bahala."

Inabot sa akin ni mama ang pambili at pagkatapos sumakay na ako ng kotse para pumunta sa poultry ni Mang Ben.

Habang binabagtas ko ang daan papunta sa poultry, naisip ko na hindi maiiwasan ang hindi madaanan ang bahay nila Laine.Mauuna kasi itong madaanan bago makarating kila Mang Ben.Habang dumaraan sa pamilyar na lugar, biglang sumagi sa isip ko ang isang eksena almost 15 years ago.

Sakay ako nun ng bike ko papunta sa poultry nila Mang Ben ng muntik ko ng masagi si Laine at sumemplang ako.

Flashback:

" Naku naman, kuya magdahan- dahan ka naman kasi, paano kung nabunggo mo ako eh di nasaktan ako and worst baka nabagok pa ulo ko tapos dadalhin pa ako sa ospital, eh ayoko pa naman ang ospital, ayokong makakita ng mga taong may sakit na nasasaktan,ayoko ng mga gamit nila dun, I don't like the smell of the hospital basta ayoko dun, AYAW KO!"

" At isa pa, ang daming pwedeng pagsemplangan dyan oh, dito ka pa talaga malapit sa akin sumemplang kung di ka ba naman..... "

" O ano miss, tapos kana ba sa litanya mo?"

Buo pa rin sa isip ko yung litanya nya nung una kaming magkita. Naalala ko pa rin yung itsura nya na parang armalite na nagtatatalak sa akin.Pagkatapos nun ay palagi na lang kaming nagbabangayan kapag nagkikita kami. Not until that ferris wheel incident happened. And that's how it all started.

Mapait akong napangiti.Sana nanatili na lang kami sa panahong yon. Nung mga panahong masaya lang kaming dalawa at bumubuo ng mga pangarap.Yung mga panahon na magkatabi lang kami, magkahawak ang kamay na nakatingin lang sa langit habang nag-uusap. Na ang tanging problema lang namin ay yung kung paano namin haharapin ang bawat araw kapag hindi kami nagkikita ng ilang araw.

Kung maibabalik ko lang ang panahon.

SCREEETCHH...Mabilis akong napatapak sa preno ng may biglang lumabas na bata sa gate nila Laine at hinahabol yung bola.Buti na lang at napadako agad ang tingin ko sa gate at nakita kong may lumabas nung medyo ilang dipa na lang ang layo ko sa tapat ng bahay nila, kundi baka nabundol ko ang bata.

Dali-dali akong lumabas ng sasakyan at pinuntahan ang bata na nakayuko at pilit inaabot yung bola na naipit naman sa mga siit ng nakatumbang puno.Hindi alintana ang nangyayari sa paligid nya.Bahagya akong sumulyap sa loob ng bakuran para alamin kung may kasama sya pero tila yata wala syang kasama dahil walang tao sa garden nila.

Tinulungan ko syang kuhanin ang bola at ng makuha ko ay hinarap ko sya at inabot ko sa kanya.

Napamaang ako ng mapagmasdan ko ang mukha ng bata. Parang pamilyar sa akin ang itsura nya pero hindi ko alam kung saan ko ba nakita.

Parang may humaplos na kung ano sa puso ko ng tignan ko sya sa mga mata.Hindi ko maipaliwanag kung ano ang damdaming lumukob sa akin..it felt strange!

" Hey little girl, are you alright? Here." tanong ko sabay abot nung bola sa kanya.

" I'm fine. Thank you mister."  ang sarap pakinggan ng boses nya,parang may naramdaman akong kakaibang saya ng marinig ko ito. Bakit ganon? Sino ba ang batang ito? Bakit parang may connection kami na hindi ko maipaliwanag?

" You're welcome. What's your name little girl?" nakangiting tanong ko.

" Oh sorry mister. My mommy told me not to give my name to strangers." wow smart din ha.

" If you happen to live in that house, that means I'm not a stranger because tito Franz and tita Paz are my friends and I used to go there when I was a kid."

" Really?" namimilog ang mata nya ng marinig ang sinabi ko.

" Yeah, so may I know now the name of this beautiful girl in front of me?"

" Well, my name is Aliyah and your friend Franz is my lolo.What about you mister,what is your name?" malapad ang ngiting tanong nya.

" I am Nhel." pakilala ko at inabot ko ang maliit nyang kamay para sa shake hands.

" Nice to meet you Mr.Nhel." natawa ako kasi napaka bibo nya,akala mo malaking tao ang nagsasalita.

" Nice to meet you too.You can call me tito Nhel princess."

" Yeah,tito Nhel it is....just like tito Rogen,tito Earl and tito Drake."

Muli akong napamaang ng banggitin nya ang pangalan ng mga kapatid ni Laine.

Posible ba na ito ang anak nila ni Anton?

Magtatanong na sana ako ng may babaeng lumabas sa gate. Naka-uniform ito na parang sa ospital,yung scrub suit.

" Hey, Aliyah your lolo is looking for you."

" Wait yaya, I have a new friend here."

Tumingin sa akin ang yaya at bahagyang ngumiti.

" Sir ipapasok ko na po sya kanina pa kasi hinahanap ni Sir Franz eh, tumawag kasi si sir Frank at hinahanap sya."

Ngumiti ako at tumango.Baka ito na nga yung sinasabi kanina ni tito Franz na anak ni kuya Frank.

" Bye tito Nhel." turan ni Aliyah habang kumakaway sa akin.

" Bye Aliyah." kumaway na rin ako.Pumasok na sila at ng mawala sila sa paningin ko ay tumalikod na ako at pumunta na sa sasakyan ko.

Magaan ang pakiramdam ko na sumakay muli ng kotse at nagmaneho patungo sa poultry ni Mang Ben.

Hindi ko mawari kung bakit may kakaibang saya akong nararamdaman habang kausap ko ang batang yon kanina.Mukhang dala-dala ko pa ang sayang yon dahil ng mapadako ang tingin ko sa rear view mirror ay parang naka plaster na yung ngiti ko.

Parang nakita ko na talaga sya eh, pero hindi ko lang maisip kung saan.

Siguro kung hindi kami nagkahiwalay ni Laine baka may anak na kami na ganon kaganda at ka-smart.

Hay Nhel mangarap ka na lang, libre naman yun wala pang tax!