Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 113 - Don't Know Much

Chapter 113 - Don't Know Much

Laine's Point of View

" What's your plan now? Makikipagkita ka na ba kay Nhel? " tanong ni Anton sa akin.

One week na kami dito sa Pilipinas at dito kami sa bahay namin sa Dasma tumuloy. Kasama na naming umuwi sila daddy at si Aliyah. Nakapag-file na kami ng divorce and after a few months pa namin makukuha ang resulta.Pero ginagawa na ng mga lawyers namin ang lahat para mas mapadaling lumabas ang resulta.May lawyer na umaayos dun sa Switzerland at meron din dito sa bansa. Inayos na rin namin yung conjugal properties namin at balak kong dito na manirahan sa Pilipinas for good.

" I already talked to our lawyer. Hinihintay ko lang yung marriage contract namin from NSO then yung birth certificate ni Aliyah na ililipat na sa pangalan ni Nhel, from Del Rio to Mercado. It's quite a long process but our lawyers promised me that they will do everything they can to make it quick. Kapag ayos na ang lahat saka ako makikipagkita sa kanya."

Anton drew a deep breath.

" Ang lalim nun ah!" puna ko.

" Medyo nalulungkot lang ako, five years din ninyong dala ang pangalan ko. You know, parang nasanay na ako na nandyan kayo tapos ngayon bigla na lang wala na.Kahit alam ko na darating tayo talaga sa ganito, nakakalungkot pa rin na natapos na yung nakasanayan ko na."

Malungkot ko syang tinignan.Simula nung dumating kami dito sa bansa, hindi na namin siya kasama sa iisang bahay. Dito kami sa Dasma at sya sa bahay ng mga magulang nya which is a few drive away from our house kaya madali lang nya kaming mapuntahan.

Alam na ng parents nya ang lahat, kasama namin sila dad na nagpaliwanag na sinegundahan din ni lolo bigboss. Nagdamdam sila nung una pero nung marinig nila si lolo na magpaliwanag, nakakaunawang tinanggap nila ang lahat. Umiiyak nga ang mommy nya ng malaman nito na hindi anak ni Anton si Aliyah. Sobrang minahal kasi nila ang anak ko pero nangako naman ako sa kanila na kahit hiwalay na kami ni Anton hindi ko ilalayo sa kanila ang bata at walang mababago sa relasyon namin sa kanila.

" Ton nangako naman ako na hindi kami lalayo ni Aliyah sa inyo. Walang mababago sa tunguhan natin kahit na nabago na ang relasyon natin bilang mag-asawa. After all, you are still Anton, my bestfriend."

Lumapit siya sa akin then he hugged me tight.

" Yeah, I know. Mami-miss ko lang ang mga luto mo at pag-aasikaso mo sa akin."

" Lianna can do that, I'm sure. She's domesticated than I am."

" Oo naman but the cooking skills, walang tatalo sayo dun. Kahit siya aminado naman sa bagay na yun."

I chuckled a little. " Okay ganito na lang, kapag may gusto kang kainin, just call me and I will cook it for you."

" Really?"

" Yeah, malakas ka kaya sa akin!"

" Okay , sinabi mo yan ha? Wala ng bawian."

" Oo naman. Alam ko naman kung gaano ka katakaw." asar ko sa kanya.

" Yeah right! I can't deny that basta sa luto mo."

" Heh! Bolero.Talaga bang sasama ka sa amin sa Sto.Cristo?" pag-iiba ko ng topic.

Dad planned to go home in Sto.Cristo.He missed tito Phil as well as mom misses tita Bining. I want to protest baka nandoon kasi si Nhel but dad encourage me to talk with Nhel's family. He said that, it's about time to tell them the truth at ng makilala na rin nila si Aliyah.

" Yeah, I'll bring Lianna with me."

" Oh that's nice, para makapamasyal naman sya dun at makita nya ang mga magagandang tanawin sa lugar namin."

" Basta you'll tour us around at papatikim mo sa amin ang specialty ng Sto.Cristo."

" Haay, pagkain pa rin talaga ang nasa isip mo."

Natawa sya ng malakas.." Oo naman!"

He pinched my nose then kiss me on the forehead. " Okay I have to go baka naiinip na sa akin si Aliyah sa ibaba."

" You two take care,okay ?"

He smiled and wave at me then close my room's door gently. May date sila ni Lianna at gusto nito na isama si Aliyah. Pumayag naman ako dahil close naman din ang anak ko kay Lianna and she loves her so much. I know someday my daughter will understand our situation. Sana lang hindi siya maguluhan kapag ipinakilala ko na sya kay Nhel, ang tunay nyang ama.

________________

Nhel's Point of View

IT'S been almost two months the last time I saw Laine. Yun yung hinatid ko sya sa ospital because she passed out during our photo shoot. Mabuti na lang at huling shot na yun bago sya nahimatay. I rushed her to the hospital. I didn't leave her kahit sinabi na ni Anton na siya na ang bahala. Nag-aalala ako ng husto sa kanya pero nung dumating na ang mga magulang ni Anton napilitan akong umalis dahil ayoko naman na magtaka pa sila.

Then after a couple of weeks, pumunta ako ng Montreal para sa pay check ko at nalaman ko mula sa secretary ni bigboss na umalis na pala sila ni Anton at bumalik na ng Switzerland.

Nanlumo ako at hindi ko inaasahan ang balitang yon. Kahit na sinabi ko sa sarili ko na maghihintay pa rin ako sa kanya at hindi susuko, nakakaramdam pa rin ako ng hindi maipaliwanag na sakit sa puso ko. Isipin ko pa lang na kasama nya si Anton dun with their daughter, naninibugho na ako. I only want Laine for me, she is mine and I love her with the love that was more than love. I don't know much of what is happening between her and Anton, I still love her and willing to wait for her. Maybe space is all she needed right now to fix things,then so be it. I'll give it to her.

" Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa hinihintay ni Mark." nakasimangot na bungad sa akin ni Marga.One week na syang nakabalik mula Singapore kaya naman uwian na naman ako sa Sto.Cristo.

" Marga, it's Friday at alam mo na marami akong tinatapos kapag ganitong walang pasok kinabukasan. Sana ipinaliwanag mo yun sa bata."

" Hindi naman yun makikinig sa akin at ipipilit pa rin na hintayin ka!"

I sighed deeply.My goodness, it's already past 11pm at gising pa rin ang bata. Siya ang ina pero hindi man lang nya asikasuhing patulugin ang bata.

Hindi na ako kumibo, dumiretso na lang ako sa room ni Mark at nadatnan ko na gising pa nga ito.

" Hey buddy, why are you still awake? It's already late at hindi maganda sa bata ang nagpupuyat." lumapit ako sa sa kanya and pat his head. Kumapit naman ito sa leeg ko at hinalikan ako sa pisngi.

" I'm waiting for you papa. I can't sleep without you beside me." he said.He pouted his lips. He's so cute. Nawawala ang pagod ko kapag ganon sya. He's only 3 years old but he talks like a big boy.

" Ok buddy I'll take a shower first then I'll read you your favorite book."

" Yes papa!"

Nang matapos akong maligo ay tinabihan ko na ang bata at binasahan ng paborito nyang libro. Tabi kami palagi kung matulog. Matagal na nung huli kaming magkatabi ni Marga sa pagtulog. Ayaw ko lang na maulit yung pamimilit nya sa akin na may mangyari sa amin. Faithful ako kay Laine at ayokong sumira sa ipinangako ko sa kanya na hindi ko ibibigay ang katawan ko kay Marga.

Naniniwala si Laine na sumira ako sa pangako ko sa kanya dahil may anak kami ni Marga. Well, Mark is really my son but Marga never had me. Never ever.

At sasabihin ko lang sa kanya ang totoo kapag naipaliwanag na rin nya sa akin ang mga bagay na hindi ko maintindihan sa pagitan nila ni Anton.

" Papa I want to go to lolo Phil and lola Bining tomorrow. I missed them so much." he said half asleep.

" Okay buddy we will visit them tomorrow." I promised him as we both drifted to sleep.

KINABUKASAN maaga pa lang niyaya na ako ni Mark na pumunta kila mama.

" Papa let's go, I want to eat lola Bining's specialty in breakfast. I asked mama to come with us but she refused to because she has a lot of work to do." masayang turan nya. Mukhang excited na talagang umalis at may sukbit pang maliit na backpack sa likod na naglalaman ng mga gamit nya. Tila gusto nyang magtagal kami kila mama. Gusto ko rin naman yun kaysa makasama si Marga maghapon. Mabuti nga hindi sya sumama dahil marami talaga syang bitbit na trabaho kundi nungkang payagan nya kami ng hindi sya kasama.

" Okay buddy let's go!" at iginiya ko na sya sa aming sasakyan at ng masiguro kong nakaayos na ang seatbelt nya ay pumunta na ako sa driver's seat at nagmaneho na papunta kila mama.

Pagdating sa bahay nila mama ay napuna kong may nakaparadang bagong van na hindi pamilyar sa akin. Siguro may bisita sila mama. Kaya sa kabilang side ng kalsada na lang ako nag park at pagkatapos inalalayan ko na si Mark pababa ng sasakyan.

Bukas ang gate at ang main door kaya diretso na kaming pumasok. Narinig ko na may mga boses na nagkakasiyahan sa dining room. Tinambol ng kaba ang dibdib ko ng marinig ko ang pamilyar na boses na masayang nagsasalita. Hinila ako ni Mark kaya kahit parang alanganin akong pumasok sa dining room ay napilitan ako.

Huminto silang lahat ng makita kami. Parang radyo na nilagay sa mute ng tumahimik ang paligid.

Dumoble ang tibok ng puso ko ng makita ko ang mga nasa hapag na kasama nila mama sa almusal.

" Ikaw pala Nhel. Kumusta ka na?"