Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 105 - Sometimes Love Just Ain't Enough

Chapter 105 - Sometimes Love Just Ain't Enough

Laine's Point of View

HILA- hila ako ni Nhel hanggang sa parking lot sa kabila ng pagpo-protesta ko.Nang makarating kami sa kotse nya ay inalalayan nya akong makasakay sa passenger's seat at pagkatapos nagmamadali ng sumakay sa driver's seat.Parang takot yata na takasan ko sya.

Nang makaupo na sya ay tinignan nya lang ako ng matiim at hindi naman nagsalita.Nagpawala ng malalim na buntung-hininga at pinaandar na ang sasakyan.

Sumiksik na lang ako sa may bintana at tinanaw na lang yung dinaraanan namin.Ayaw ko syang kausapin.Baka isipin nya bati na kami.Asa!

Nagulat akong napatingin sa kanya ng mapansin ko na iba ang way na tinatahak namin.

" Oy teka, teka lang! Saan mo ako balak dalhin? Hindi ito ang way papunta sa amin ah.Sabi ko na nga ba may binabalak ka na hindi maganda!Ibalik mo ito Nielsen, naku sinasabi ko sayo, hindi ka magtatagumpay sa kung ano man ang binabalak mo!" litanya ko sabay halukipkip.

Natatawa syang tumingin sa akin. Kaasar naman tong gwapo na to! High blood na ako tapos sya naman relax lang.In fairness, na miss ko ang nakatawang mukha nya.Ang gwapo nga kase!

" Pwede ba Alyanna, gusto ko lang magkape kasi medyo inaantok ako.Ang dami mo ng sinabi dyan.Samahan mo na lang muna ako."

Napahiya naman ako sa sinabi nya.Ano ba kasi nangyayari sa akin ngayon? Nagiging assumera yata ako ng taon.Pahiya ako dun ah!

" Bakit hindi mo naman kasi sinabi agad! Malay ko ba!"

" Hindi ka pa rin talaga nagbabago."

" Akala mo lang yun! Wag mo na nga akong kausapin. Hindi tayo bati."

" Hahaha..seryoso?" aliw na aliw sya na kung makatawa akala mo ngayon lang tumawa.

" Makatawa ka naman dyan, akala mo ngayon lang tumawa!" naisatinig ko bigla yung naisip ko.

" Ngayon nga lang, simula nung umalis ka." biglang sumeryoso ang mukha nya.

Hindi na ako kumibo.Feeling ko may dumaang anghel dahil pareho kaming tumahimik.

Nang makarating kami sa Baywalk ay inihimpil nya ang sasakyan sa gilid ng isang kainan dun na may tindang kape.Wala na ring gaanong tao dahil gabi na rin.Nang makabili ay niyaya nya ako na maupo sa may batuhan na nakaharap sa dagat.

Deja Vu!

Ganito rin kasi nung mag-celebrate kami ng Valentine's day way back, nakaupo lang kami pinapanood ang dagat.

Inalalayan nya akong maupo sa mahabang upuang bato na medyo mataas.Mabuti na lang nakapagpalit ako kanina ng damit, naka-pants na ako kaya hindi ako nahirapan. Nakaupo lang kami na nakatingin sa malawak na dagat habang umiinom ng kape.

Nang maubos ang kape ay humarap sya sa akin.

" Bakit pakiramdam ko iniiwasan mo ako?" seryosong tanong nya na medyo ikinagulat ko.Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

I sighed.

" No Nhel, hindi ko lang siguro alam kung paano ang tamang approach.Alam mo yun, hindi naman maganda yung pagtatapos natin, tapos nasa sitwasyon tayo ngayon na may iba na tayong kasama.Pakiramdam ko, wala naman na tayong dapat pag-usapan, it shows naman di ba? You're with Marga at may anak kayo and I'm with Anton. At hindi naman kasing open minded ni Anton yang si Marga.Isa pa,yung....y-yung nangyari sa atin nung gabi.."

" Pinagsisisihan mo yun?" pagalit na putol nya sa sasabihin ko.

" No! I don't regret it! " medyo pasigaw kong sambit. " pero kasi nahihiya ako kay Anton, asawa ko pa rin naman sya at maayos kaming nagsasama.Isa rin yun sa reason kung bakit parang umiiwas ako sayo.Honestly, ayoko na ulit maulit yon para kasing hindi tama."

q

" Wala akong nakikitang mali dun Laine.Mag-asawa tayo.Legal na mag-asawa.At nandito na kayo sa Pilipinas kaya ako na ang asawa mo at walang mali sa nangyari.Kung sayo,wala lang yun, sa akin yun ang pinaka memorable na gabi sa akin bukod dun sa una natin.And I enjoyed every moment of it."

" Didn't I tell you earlier that I don't regret it? It's just that my guilt was eating me up.I respect Anton as well as our marriage.Intindihin mo sana yon."

" Hindi mo rin kasi naiintindihan Laine kung bakit ako nagkakaganito.Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na mayroong tayo.Ang tagal kong naghintay sayo pero ngayong nandito ka na,unti-unti naman akong pinapatay sa selos kapag nakikita kita na iba na ang kasama.Hindi ko kayang patayin ang selos na nararamdaman ko kung paanong hindi ko rin kayang patayin ang pagmamahal ko sayo.Nabubuhay na lang ako sa alaala natin Laine at hindi ako papayag na hindi ka bumalik sa akin.Hindi man sa ngayon pero sa darating na mga araw, ibabalik kita kung saan ka nararapat." determinadong turan nya.

" May anak ka na kay Marga. Kung siguro wala ay madali para sa akin ang bawiin ka sa kanya."

" Nangyari na yun Laine at yung bata na lang ang nagpapasaya sa akin nung mawala ka."

" Sa tingin mo ba Nhel madali para sa atin ang magsama uli? Marga won't set you free lalo na may anak ka sa kanya."

He drew a deep breath.

" Handa na ako dyan bago ka pa man bumalik.Kung wala akong nagawa noon, this time ako ang kikilos para maibalik kung ano ang nararapat sa ating dalawa."

Napamaang ako sa sinabi nya.Hindi ko alam na may balak pala syang ganito.All this time, akala ko ako ang gagawa ng paraan para mabawi ko sya, isa yun sa mga agenda ko kung bakit ako bumalik dito.Dahil sa aming dalawa, siya yung mahihirapang kumawala dahil kay Marga, sa pagiging obssessed nito sa kanya at idagdag pa na may anak na sila.Medyo nagdadalawang isip na nga ako dahil sa bata pero sabi ni Anton kailangan ko raw ipaglaban ang karapatan ko.

At sa narinig kong determinasyon nya, parang gusto ko na ring sundin yung suggestion ni Anton.Ang lumaban para sa karapan ko.Pero alam ko hindi magiging madali yun sa ngayon, mahirap kalaban si Marga.At hindi pa rin kami ayos ni Anton, kailangan muna namin mag divorce at ayusin ang conjugal properties namin at custody ni Aliyah.Kailangan din namin ang mahabang paliwanag sa parents ni Anton.

I heaved a deep sigh.Ang dami pala naming problemang dapat ayusin at kahit dalawa kaming lumaban ni Nhel para sa relasyon namin, hindi rin magiging madali.

" Nhel may asawa rin ako.Kung ano man binabalak mo para sa ating dalawa, hindi magiging madali.Isipin mo rin ang anak mo."

" Mahal mo pa ba ako Laine?" bigla nyang tanong.Hindi ako makasagot agad.Paano nya naitanong pa yon? Hindi ba nya naramdaman yun nung gabing may mangyari sa amin?

" Hindi ka makasagot dahil si Anton na ang nandyan!" mapait na turan nya sabay turo sa tapat ng dibdib ko.

" Nhel of course mahal ko si Anton dahil asawa ko sya at siya yung nandun nung mga panahong kailangan kita!" nakita ko yung sakit na bumalatay sa mukha nya nung marinig ang sinabi ko.

" So, wala na talaga.Yung nangyari sa atin nung gabing yun, init lang ba ng katawan?Ang sakit naman Laine, dahil ako hanggang ngayon ikaw pa rin,walang nagbago.Kung saan mo ako iniwan nandun pa rin ako.I didn't move a bit.Kahit pakiramdam ko pagod na ako, hindi pa rin ako huminto sa pag-asam na babalik ka.Five years Laine, five long years of pain and longing.Umaasa ako, naghihintay pero ngayong nandito kana,mas masasaktan pa pala ako lalo na't malaman ko mismo sayo na mahal mo si Anton." medyo gumaralgal ang boses nya at ng tignan ko ay may luha na palang naglalandas sa pisngi nya.Nasasaktan ako pag nakikita ko syang umiiyak dahil sa akin.Hindi nya ako naintindihan.

Kinulong ko ng mga palad ko ang mukha nya at pinunasan ang mga luha nya. Kahit kailan talaga hindi sya nahihiyang maglabas ng emosyon nya sa harap ko. And I love him more because of that.

" Nhel hindi ganon.Hindi ganon yun. Mahal kita Nhel.Mahal na mahal hanggang ngayon, walang nagbago. Yung sa amin ni Anton, iba yun eh. He loves me and I love him but not as much as I love you.Mahirap ipaliwanag kung ano yung meron kami, it's complicated. Malalaman mo rin sooner or later.Sa ngayon kasi komplikado ang lahat sa pagitan nating lahat. At isa pa, we have a daughter kaya mas lalong gugulo kung malalaman nya na magulo ang lovelife ng mga magulang nya."

" So may anak ka na rin pala?" mahinahon na sya pero kababakasan pa rin ng lungkot at sakit ang bawat katagang binibigkas nya.

" Oo kaya mas mahirap kung magsasama tayo dahil may mga batang maguguluhan."

" Kaya kong tanggapin ang anak mo Laine basta bumalik ka lang sa akin."

Nakatingin lang ako sa mukha nya.Binabasa ko ang sinseridad sa mga salita nya at wala akong nakikitang pag-aalingan sa kanya ng sabihin nya yun.Determinado talaga sya na balikan ako at tanggapin ang bata.

Kinabig ko sya palapit sa akin at niyakap sya ng mahigpit.Yumakap din sya sa akin at naramdaman ko na hinalikan nya ako sa ibabaw ng ulo ko.

" Babe I love you so much.And I'm ready to accept everything about you including your daughter.Basta't bumalik ka lang sa akin dahil hindi ko na kayang wala ka sa buhay ko.Please babe, pagtulungan nating ayusin ito."

I sigh..." Nhel hindi magiging madali ang lahat.Oo, mahal natin ang isat-isa pero minsan hindi sapat ang pagmamahal lang kapag may ipinaglalaban ka.Kailangan din ng tibay ng loob at pagtitiwala.Yun ang wala tayo nun kaya naghiwalay tayo.Hindi naging matibay ang loob natin at nawalan tayo ng pagtitiwala sa pagmamahalan at kakayahan natin para lumaban.Pareho tayong sumuko para matahimik na lang.Kaya ang ending pareho tayong nag- suffer at may mga tao ng na-involved sa buhay natin."

" Okay let's take it slowly but surely.Basta mangako ka na dalawa tayo dito.Walang susuko at tiwala lang.Okay ba yun babe?"

I just nodded and hug him tight.

Oo Nhel that's what I really wanted.Lalaban ako para sa karapatan ko at sa pagmamahalan natin.

" Let's go uwi na tayo!" untag nya at inalalayan nya na ako.HHWW kami hanggang makarating sa sasakyan nya.

Bumibyahe na kami pa Edsa. Pero nang makarating kami ng Makati ay dire-diretso lang syang nagmaneho at nilampasan ang village namin.

Nagtataka ko syang tinignan at ng tumingin sya sa akin ay may pilyong ngiti na sumilay sa kanyang mga labi.

" Uuwi tayo babe sa bahay natin."

Naku naman! Patay na talaga ako kay Anton nito.

Habang nakikipagharutan ang pusa, maglalaro din ang daga.