Laine's Point of View
TULOG na tulog si Anton ng bumalik ako sa room namin.Pinilit kong magising ng madilim dilim pa para walang makakita na nanggaling ako sa room ni Nhel na iniwan kong mahimbing din na natutulog.
Dahan- dahan akong tumabi kay Anton para hindi siya magising.Medyo nagulat ako ng marahan syang kumilos at kulungin ako sa yakap.
I sighed deeply.Heto na naman kasi yung guilt na nararamdaman ko.Binabagabag ako.
Humarap ako sa kanya at niyakap ko sya ng mahigpit.Hindi ko alam kung bakit ako naiyak ng maramdaman ko yung init ng katawan nya sa akin.Anton is a good man.Kahit naman nandito na kami sa Pilipinas at wala ng bisa ang kasal namin dito, hindi ko maiwasan na ma guilty talaga sa nagawa namin ni Nhel sa likod nya.
Yung sa kanila ni Lianna, alam ko naman na may nangyayari talaga sa kanila, sobrang honest sya na sabihin yun sa akin.Pero ako? hindi ko alam kung kaya ko ba na sabihin sa kanya yung nangyari sa amin ni Nhel. Feeling ko masasaktan sya kahit paano.
Naiyak na ako ng tuluyan ng dumaloy sa akin ang mga alaala namin sa Switzerland with our daughter Aliyah.Si Anton kasi yung tipo ng tao na sobrang magpahalaga sa pamilya. Mahal nya kami ni Aliyah at isa kami sa mga priorities nya.Isipin ko lang yun, hindi ko mapigilang hindi mainis sa sarili ko,hinayaan kong tangayin ako ng kahinaan ko.
" Hey baby what's wrong? Why are you crying?" in his husky voice.Narinig nya ang impit na pag-iyak ko kaya napatayo syang bigla at niyakap muli ako.
" Hubby k-kasi a-ano eh..." hirap akong magsalita dahil tuloy-tuloy ng dumaloy ang luha ko.." oh God I don't know how to say it."
" What happened? Nag-away ba kayo ni Nhel habang nag-uusap kayo? What? Tell me."
" Ton I'm sorry, I'm sorry." tuloy-tuloy ang pag-iyak ko habang mahigpit na nakayakap sa kanya.Panay naman ang halik nya sa ulo ko at hinahagod ang likod ko.
" Bakit ka nagso-sorry? Ano ba baby tinatakot mo ako sa pag-iyak mo!"
" Basta don't get mad at me when you found out.I love you hubby."
" Haisst! Ano ba kasi yun? Bihira kang mag I love you unless may mabigat kang dahilan.Sige na sabihin mo na. Hindi ako magagalit. Promise."
" Promise?"
" Oo nga!"
" Nagi-guilty ako sayo Ton."
" Why? Sabihin mo na nga kasi!"
" Hindi ka magagalit ha?"
" Baby ang kulit ha! Ano na nga!" pikon na sya.
" Ton nabarurot nya ako!"
" You what?" gulat nyang sambit.
" Ano ba! Ikaw nagturo sa akin nung term na yun tapos nagugulat ka!"
" Hindi yun eh! Pambihira naman baby oh, ang sabi ko mag-usap lang di ba?" iritadong turan nya.Sabi na magagalit sya eh.
" Sabi mo hindi ka magagalit eh bat ngayon umuusok yang bumbunan mo? " umiiyak kong saad.Hindi ko na mapigilan kasi yung reaksyon nya parang gusto nya akong sakalin.
" Ngayon dadaanin mo ako sa iyak mo.Alam ko naman na hindi kasalanan yun dahil asawa mo sya. Pero Laine naman, magkasama pa rin tayo.Sana man lang hinintay mo na makapag-divorce tayo." parang gusto na nya akong pingutin habang sinesermunan ako. Gigil na gigil eh.
" Hubby sorry na.Naging marupok ako.Kung ikaw din naman kapag ginagawa nyo ni Lianna yun,nagkwe-kwento ka pa nga pero tinatanong mo ba ako kung ayos lang ba sa akin? Asawa mo pa rin naman ako di ba?Nasasaktan din ako. Hindi pa rin tayo divorce nung ginagawa nyo yun.At lately, wag mong sabihin na hindi nyo ginawa yun nung ikinasal kayo secretly?" pangongonsensiya ko naman sa kanya. Hindi ko naman siya sinusumbatan pero parang ganon na nga.
He heaved a sigh..Bigla syang kumalma.
" Sorry baby,iba kasi pag babae ang gumawa, parang natatapakan ang pride namin.I know it's unfair to you because I'm doing it with Lianna inside our marriage.Hindi ko na naisip na ganito rin pala ang nararamdaman mo,nasasaktan din kita.I understand you now but please don't do it again,hanggat hindi pa tayo divorce at hindi pa kayo maayos.Okay ba baby?"
I nodded and embrace him tightly.Ayaw namin pareho na may samaan kami ng loob. Kaya nga as much as possible,honest kami sa isat-isa. Walang lihiman, pinag-uusapan namin lahat ng problema, rule na namin yun noon pa.
" Sorry ulit ha, hubby?"
" Okay na tayo dun. Huwag na lang uulit baka hindi maganda ang mangyari sa susunod.Remember, hindi pa maayos ang sitwasyon ninyo. What if one day,Marga will find out? It's a big disaster baby and I don't like that to happen."
" Yes and thanks for your concern hubby.Sobrang guilty ako akala mo ba."
" Wala yon! Alam mong mahal kita."
" Oo na, tara tulog na ulit tayo.Embrace mo naman ako hubby." lambing ko at isiniksik ko pa ng husto sarili ko sa kanya.
" Eiw, ayoko nga! You smell like barurot." lumayo pa na akala mo diring-diri sa akin.
" Arte neto! Naligo kaya ako noh.Pag ikaw dyan kung makayakap ka sa akin wagas kahit na katatapos mong umiskor kay Lianna,nagreklamo ba ako? Layo na dyan kung ayaw mo." inis na inis ako.
" Hahaha..napikon kana naman.Halika na dito, binibiro lang kita." hinila nya ako palapit sa kanya at niyakap ako ng mahigpit. Hinalikan nya din ako sa ulo.
Yun lang naman ang hinihintay ko para makatulog ako ng payapa.Yung okay kami ni Anton.Sobrang abnormal man ng relasyon namin, ang importante nagkakaintindihan kami.Nagmamahalan sa paraang kami lang ang nakakaalam.
MEDYO tanghali na nung magising kami.Maya-maya lang nakarinig kami ng sunod-sunod na katok sa pinto.
Pupungas-pungas akong bumangon at pinagbuksan ang kumakatok.Si Candy ang nasa labas, ngumiti ng makita ako.
" Insan tara na breakfast na raw tayo.Sabay -sabay na raw kasi aalis na sina Rina after para sa honeymoon nila sa Boracay."
" Ah sige sunod na kami agad ni Anton, magliligpit lang muna kami.Thanks insan."
" Sige maghihintay kami sa dining, bilisan nyo lang." tuluyan na syang umalis at binalikan ko naman si Anton para ligpitin na ang higaan namin.
Ilang minuto lang ay lumabas na kami ni Anton ng room para puntahan ang mga kasama namin sa dining room para mag breakfast.
Nakaakbay sya sa akin at nagtatawanan pa kami ng matigilan kami pareho ng mabungaran namin si Marga at Nhel na nag-uusap sa sala.
Napatingin sila pareho sa amin.Hindi nakatakas sa paningin ko ang madilim na mukha ni Nhel ng mapatingin siya sa mga braso ni Anton na nakaakbay sa akin.Si Marga naman ay ang awtomatikong pag-ismid nya sa akin.
Laki talaga ng problema sa amin ng mga to!
Binati kami ng mga inabutan namin sa hapag kaya naman nagsimula na kaming umupo ni Anton ng makita naming kumilos na sila para kumain.
Hindi ko pa nalalagyan ng pagkain ang plato ni Anton ng maramdaman ko na may umupo sa tabi ko, pasimple akong sumulyap at nakita kong si Nhel pala yon. Wala si Marga.
Hindi ko na lang siya pinansin at tinuloy ko na lang ang pagsisilbi kay Anton.Nang marinig kong magsalita si Wil.
" Nasaan si Marga, Nhel? Hindi ba sya sasamang mag breakfast?" tanong ni Wil.
" Tapos na raw sya.Nandoon na sa kotse at dun na lang daw ako hihintayin." sagot nya na parang walang gana.Kaya naman pala sa akin tumabi, wala ang guardia civil.
" Grabe talaga yun.Sinundo ka na dahil nate-threatened na naman yun kay Laine." walang prenong sabi ni Candy.
" Labs! Ayan kana naman." sita ni Wil sa kanya.
" Oh eh totoo naman.Pero hindi na sya dapat matakot dahil nandito na si Anton, may asawa na si Laine." nagkatinginan kami ni Anton.Kung alam mo lang Candy.
Matapos ang breakfast, nagpaalam at nagpasalamat sina Pete at Rina sa aming lahat tapos nauna na silang umalis dahil before lunch ang byahe nila papuntang Boracay.Kami naman ay nag-kanya-kanya ng ligpit ng gamit at isa-isa na ring nagpaalam pagkatapos.
Nagpaalam na kami ni Anton kay Wil at Candy na syang maiiwan sa resort para asikasuhin ang mga taong maglilinis ng kalat na naiwan.
Pasakay na kami ni Anton sa kotse namin ng makita namin si Nhel na pasakay na rin sa kotse nya kung saan naghihintay si Marga.
Tinapunan lang nya ako ng makahulugang tingin then sumakay na sya at nagmaneho ng mabilis palayo.
Nagkatinginan na lang kami ni Anton at sumakay na rin ng sasakyan namin.
MEDYO maluwag ang trapiko ng paluwas na kami.Namataan ko pa ang billboard ko nung nakalabas na kami ng NLEX.Ngayon ko lang napansin dahil tulog ako nung dumaan kami dito kahapon ng umaga.
" Hubby napansin mo ba kahapon ang billboard ko na yan nung dumaan tayo?"
" Yeah! Actually, I' ve already seen it a couple of times.At hanggang ngayon sobrang proud pa rin ako sayo. It was done in good taste." nakangiti sya habang minamasdan ang billboard ko.
Suot ko ang lingerie na bagong produktong ng Montreal.
" Talaga Ton? Well, thank you."
" You're welcome baby.Look at the other side." sambit nya at lumingon naman agad ako upang mamangha sa nakita ko.
Si Nhel lang naman at suot ang male undergarment na ila-launch din ng Montreal one of this days.
" Hoy matunaw yan! Grabe ka makatingin parang hindi mo nakita kagabi yan ng live ah!" asar nya at hinawakan pa ako sa bibig na kunway itinitikom.Salbahe talaga.Namula naman ako sa sinabi nya.Naalala ko na naman yung mainit na tagpo namin ni Nhel kagabi.
" Pwede ba Antonio Jaime tigilan mo ako.Bakit ikaw hindi ka yata pinagawaan ng billboards ni lolo?" tanong ko.
" Sino maysabi sayong wala? Meron din ako sa papasok naman ng SLEX, pa south ako,kaming dalawa ni Pia." tukoy nya sa isang ka modelo namin na ka batch ni Nhel.
" Ow talaga? Sige sasadyain ko yan one of this days."
" Wag na baby, nakikita at nahahawakan mo naman ako ng personal di ba?" pilyong ngiti nya sabay wink pa sa akin.
" Sira! iba syempre pag sa billboards. At para maging proud din ako sayo pag nakita ko.Isisigaw ko pa na, hoy kayo! asawa ko yang machong tinitignan nyo!" sabay pa kaming tumawa ng malakas.
" Wag lang kayong sabay tumingin ni Lianna ha? Baka sabay din kayong pareho ang isinisigaw, patay tayo dun maguguluhan ang mga tao nun kung sino ba talaga sa inyong dalawa." natatawa pa ring turan nya.
" Oo nga ano? Ang weird pala pag nagkataon."
Tahimik na kami ng binabagtas na namin ang daan pa Edsa.Pagdating ng Guadalupe nandoon ang isa kong billboard katabi ng kay Nhel.Swimwear naman ang suot namin na isa rin sa mga bagong produkto na ila-launch dito na naumpisahan ko na sa Switzerland years ago.
I sighed.Talaga si lolo bigboss kahit sa billboards man lang pilit nya kaming pinagsasama ni Nhel.
Umaasa din ba sya?