Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 96 - I'm Still Not Over You

Chapter 96 - I'm Still Not Over You

Laine's Point of View

" Baby hurry up baka ma-traffic tayo hindi tayo umabot sa oras ng kasal ng mga kaibigan mo." untag sa akin ni Anton,nauna pa sya sa akin na nakabihis samantalang ako tulog pa sya gumagayak na ako.

" Andyan na hubby wait lang." sagot ko.

Lumapit sya sa akin at inakbayan ako.

" Alam mo kanina ka pa nakabihis pero parang ayaw mo pang umalis. Hindi ka pa ba ready na umuwi ng Sto.Cristo?Come on, tell me para magawan natin yan ng paraan."

" Ton sa tingin mo ba ito na yung right time para magkita kami? Parang hindi ko pa yata kaya na makita sya ulit."

" Baby kung hindi ngayon kailan pa?Paano maaayos yung mga dapat ayusin kung hindi ka pa ready na makita sya? Siguradong hindi naman kayo makakapag-usap agad ngayon,it will take time.Hindi naman pag nagkita kayo ngayon mag-uusap kayo agad na parang walang nangyari,hindi ganon kadali yun baby.Just act normal or just ignore him for now if you're not ready yet." kinabig nya ako lalo at hinalikan sa ulo.

Hinarap ko naman sya at yumakap sa kanya.Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib nya at niyakap din nya ako,pinatong ang baba nya sa ulo ko.

" I'm so lucky to have you hubby.Lagi mong pinagagaan ang buhay ko."

" Baby,you're my wife and you know that I love you,right?"

" Yeah,I know that and thank you for being there for me."

" Sus,maliit na bagay baby.Kulang pa nga yon sa sobrang pag-aalaga mo sa amin ni Aliyah.You're the best wife and mother.Kung hindi lang may Nhel at Lianna,hindi na natin kailangang mag-divorce.Bagay din naman tayo,isang maganda at isang ubod ng gwapo." natawa naman ako sa sinabi nya.

" Haay tama ka.Pero ganun talaga,mahal nga natin ang isat-isa pero in-love naman tayo sa iba."

" Ganun talaga." hinalikan muli nya ako sa ulo.

" Halika na hubby, napagaan mo na loob ko,ready na ako."

" Sure kana?"

" Yeah! Hmmn.bango naman ni hubby ko." inamoy-amoy ko pa dibdib nya.

" Baby ano ba! Ikaw bumibili ng mga pabango ko bakit parang ngayon mo lang nagustuhang singhutin.Wag mong sabihing naglilihi ka?" asar nya sa akin.

" Sira,sininghot lang kita,naglilihi na agad? Hindi ba pwedeng nabanguhan lang sayo?"

" Hahaha.pikon na naman ang ale.Tara na nga,male-late na tayo sa kasal.Hinihintay ka na nila dun."

Nagtatawanan na kaming lumabas ng bahay.In fairness,nawala na yung kaba na nararamdaman ko kanina.Anton is indeed my happy pill.

_______________

Maaga kaming nakarating ni Anton ng Sto.Cristo. Linggo kasi kaya maluwag ang daan,walang traffic.Nung makarating kami ng simbahan hindi muna kami bumaba ng sasakyan,medyo nagpahinga lang muna ng konti.

" Baby,kapag nakita mo si Nhel,ano una mong gagawin?" bigla nyang tanong.Nakasandal kami pareho sa upuan na naka-slant.

" Hmm... Honestly, I don't know.Hindi ba awkward pag ganon? Ewan,basta I'll cross the bridge when I get there."

" Paano kung hindi ka nya pansinin o kausapin?

" Eh di I'll do the same.Ang pangit naman siguro kung ako pa ang magkakandarapa sa attention nya.Besides kasama kita,I'm sure lalo akong hindi papansinin nun."

" Yeah right! Pinagseselosan nga pala nya ako noon pa."

" Teka,bakit mo ba tinatanong yan sa akin? Alam mo naman na kanina pa ako kinakabahan sa napipintong pagkikita namin tapos ikaw naman dyan ngayon tanong ng tanong.Seselos ka noh?" asar ko sa kanya.

" Hindi naman slight lang.Wala naman akong issue sa mga ex. Gusto ko lang malaman kung ano gagawin mo para masalo kita kung sakali."

" Basta act normal na lang Ton.Kung paano tayo sa Switzerland,ganon na lang din."

" Really? Eh sweet tayo dun,sure ka na sa harap ng ex mo ganun tayo?"

" Yeah why not, I'm sure kasama rin naman nya yung wife nya dyan.Halika na nga baka nandun na sila Candy gusto ko na silang makita." untag ko sa kanya.

Nauna syang bumaba pagkatapos umikot sya para pagbuksan ako ng pinto at alalayang bumaba.Lagi nyang ginagawa ang ganitong pagsisilbi sa akin simula nung ikasal kami sa Switzerland.Gentleman din ang lolo nyo.

Inakbayan nya ako habang naglalakad kami papunta sa simbahan,nung medyo malapit na kami nasalat ko ang likod nya na basa na ng pawis.Nataranta naman akong hagilapin ang towel na nasa bag ko.

" Wait,wait hubby basa ang likod mo. Hindi mo na naman sinabi,mamaya nyan maospital kana naman pag natuyuan ka ng pawis sa likod.Tigas din ng ulo eh." litanya ko habang pinupunasan ko yung likod nya at ilagay ang towel dun.

" Sorry na baby,hindi ko naman napansin.Ang init kasi nitong pinasuot mong polo sa akin." reklamo naman nya.

" Eh wala kana man ng ibang ganyang kulay sa motiff nila.Mamaya magpalit ka na lang,may dinala akong extra clothes natin dun sa sasakyan kasama nung mga pasalubong natin sa kanila."

" Haay sarap talaga ng may misis na girl scout."

" Naman.Ang swerte mo di ba?"

Pagkapasok namin ng simbahan, may mga mangilan-ngilan ng tao na naghihintay.May mga nakaupo na sa dulong upuan na nung dumating kami ni Anton ay agad ng bumati sa akin.Mga kamag-anakan ni Rina yung ilan kaya medyo natambay kami ni Anton saglit at pinakilala ko sya sa kanila bilang asawa ko.

Nang mapadako ang tingin ko sa harap,malapit sa altar.Nakita ko si Pete na may kausap.Nakatalikod ito sa amin at nakaupo dun sa unang row ng mga upuan.

Nung malapit na kami sa kanila saka pa lang ako nakita ni Pete at tinawag.

" Laine!" pero yung kausap nya hindi man lang lumingon.

Hila-hila ko si Anton ng lumapit ako kay Pete.Niyakap ko sya at gumanti rin naman sya ng yakap.

" Grabe Pete miss na miss ko na kayo.Atlast,ikakasal na kayo ni Rina." turan ko ng kumalas ako sa yakap nya.

" Na missed ka rin namin Laine.Actually kasal na kami sa huwes ni Rina 3 years ago bago ako nag abroad. Ngayon lang ang church wedding kasi kadarating ko lang.Ikaw,kumusta ka na?"

" Ok lang ako,kadarating lang din namin.Si Anton nga pala." pakilala ko sa kanya sa kasama ko.

" Hubby si Pete,barkada ko at better half ni Rina."

Nagkamay sila ng may nagsalita bigla sa likod namin.Hindi na namin napansin yung kausap ni Pete kanina.

" Bro labas muna ko saglit,may kukunin lang ako sa kotse."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang napaka pamilyar na boses na yun.Na kahit kailan hindi ko nakalimutan.Lumingon si Anton pero ako nanatiling nakatalikod,hindi ko alam kung paano ako aasta sa harap nya.Ngingiti ba ako? Babatiin ko ba sya? Naramdaman ko ang pagpisil ni Anton sa kamay ko na hawak nya kaya tumingin ako sa kanya.Sumenyas sya na nakaalis na yung nagmamay-ari ng boses kanina.Kaya naman lumingon na ako at nakita ko na naglalakad na nga sya palabas ng simbahan.

Ang lakas ng tibok ng puso ko.Nanlalambot ako na umupo sa upuang inalisan nya.Tumabi naman si Anton sa akin na panay ang himas sa braso ko.Alam nya na nate-tensed na ako.

Naramdaman ko pa rin yung kirot sa puso ko nung marinig ko ang boses nya.Akala ko sa nakalipas na limang taon wala na yung sakit, meron pa pala.

" Baby, are you alright?" malungkot akong tumingin sa kanya at tumango.

" Nagulat lang ako hubby but I'm ok now."

Nagulat lang talaga ako.Unang~una,hindi ko inaasahan na nandirito na sya agad sa church ,walang binanggit si Rina nung tumawag sya sa akin.Ang alam ko kasi inilayo na sya ni Marga sa kanila,kaya naman nagulat ako ng makita ko sya. Alam ko hindi maiiwasan na magkita kami but not this soon.And I'm not prepared for it.

At sa tono ng pananalita nya parang may galit sya o kung hindi man ay tampo marahil.

Siya pa ngayon ang may ganang magtampo o magalit eh sya naman ang unang sumira sa pangako?

Walang kumikibo sa aming tatlo,mabuti na lang dumating si Candy para sabihin na parating na ang bride.

Tuwang~tuwa na niyakap ako ng mahigpit ni Candy pagkakita sa akin.

"Grabe insan ang ganda~ganda mo lalo.At ang bongga sa lahat ay ang naglalakihang billboards sa daan.Hindi ka na ma~reach. Ibang version kana ngayon."

" Heh ako pa rin ito insan.Talaga nakita mo na yung billboards? Sa totoo lang hindi ko pa nakikita yun.Syanga pala, this is Anton,my husband." pakilala ko sa kanya kay Anton.

" Oh,so totoo nga ang bulong sa akin ni Rina.Ikaw ha hindi ka man lang nang~imbita sa kasal mo." may pagtatampong turan nya.

" Pupunta ka ba naman kaya kung sakaling nag~invite ako? " tanong ko na nakataas pa ang kilay.

" Well, hindi nga dahil malayo yun.Anyway,next year kami naman ni Wil ang ikakasal,hindi pwedeng wala ka ha? "

" Syempre naman no,eto nga dumating ako para kay Rina at Pete kahit mahal ang pamasahe."

" Hahaha.subukan mo lang na mag~MIA kundi lagot ka sa dalawang yan."

Nag~usap pa kami ni Candy hanggang sa natigil lang kami ng dumating ang bridal car na lulan na si Rina.

Magsisimula ng mag~march ang buong entourage.Napakaganda ni Rina sa suot nyang wedding gown.Hindi ko maiwasang hindi maisip yung wedding gown ko na pinagawa ni Nhel nuon.Napakaganda nito,simple lang pero elegante.Sa isang sikat na designer nya pa ito pinagawa.Sayang lang at hindi nagamit. Nandun lang ito dun sa bahay namin.Naisip ko pa ang bahay namin,kumusta na kaya ito? siguro one of this days magpapasama ako kay Bryan para mabisita ito.

Naputol ang pag~iisip ko ng kausapin ako ng wedding coordinator, susunod na daw kami sa maglalakad.Nagulat ako ng mapatingin ako sa kapareha ko, ang ex ko pala.Best man nga pala sya at maid of honor ako.Malamang sinadya ito nung mga ikakasal.

Nanginginig ang kamay ko nung sabihan ako ng wedding coordinator na humawak ako sa braso ng partner ko.Shemay,baka mahalata pa ng kumag na ito na nate~tense ako.

Hindi ko maihakbang ang mga paa ko nung kami na ang lalakad.

Ano ba naman makisama naman kayo mga paa!

Nagulantang na lang ako ng bigla syang bumulong sa tenga ko.

" Relax Mrs.Mercado,ako lang to."

in his cold tone, hindi kababakasan ng ano mang emosyon ang gwapo nyang mukha.Galit nga yata.

Ano raw? Mrs.Mercado? Tss!

Automatic na humakbang ang mga paa ko ng marinig ko ang sinabi nya.Ano yon,adrenaline rush?

Natapos ang kasal ng hindi ko na gaanong namalayan.Paano ba naman,panay ang tingin ko sa ex ko na tila hindi naman ako pansin.At talaga naman na napahanga nya ako sa suot nyang 3 piece suit.Hindi ko lang pinapahalata,nakakahiya rin kay Anton.Pero ang damuho,lalo yatang gumwapo.Mas naging matipuno ang kanyang katawan. Parang wala kaming pinagdaanang pagsubok nuon.Baka magaling lang mag~alaga si Marga kaya ganon.Parang may kurot sa puso ko ng maisip ko yon.

Tinawag kami para sa picture taking at lahat ng kuha namin ay kami ang magkatabi.Napapitlag pa nga ako dun sa huling kuha na kasama ang mga kinasal,umakbay ba naman sa akin at kinabig pa ako ng husto palapit sa kanya.Nung tignan ko sya ay blangko lang ang ekspresyon nya.Nakatingin sya sa gawi ni Anton at ng mapatingin ito sa kanya ay sinamaan nya ito ng tingin.