Chapter 91 - Ending

Laine's Point of View

SOBRANG sakit ng naramdaman ko ng marinig ko mula kay Nhel na ikakasal na sila ni Marga.Kahit na alam ko ng mangyayari ito dahil yun ang hiniling ni Mr.Quinto,masakit pa rin pala kapag kinumpirma na at mula pa mismo sa taong minahal mo ng buong buhay mo.

Umuwi sya sa bahay namin isang araw bago ang kasal nya kay Marga.Abala na kasi ito sa kasal nila kinabukasan kaya hindi na sya sinundo.Kinuha nya ang pagkakataon para makauwi sa akin.

Nasa bahay na sya nung dumating ako.Pagpasok ko pa lang ng front door ay sinalubong na nya ako ng mahigpit na yakap at siniil ang labi ko ng mapusok na halik.Gumanti naman ako dahil sobrang nangungulila ako sa kanya.

" God I missed you so much babe!Para akong mababaliw pag hindi kita nakikita."saad nya habang pinapaliguan ng halik ang buong mukha ko.

" Ako rin beh sobrang miss na kita.Hindi na halos ako makatulog kakaisip sayo."

Tinitigan nya ako ng buong pagsuyo ng marinig nya ang sinabi ko.Hinaplos nya ng marahan  ang mukha ko at tumigil ang mga daliri nya sa labi ko.Siniil nya muli ako ng mapusok na halik at naglakad kami papuntang sala ng hindi pinuputol ang halik.Umupo sya sa couch at kinandong nya ako ng nakapaharap sa kanya.His hands rested on my waist while my hands are on his head running my fingers though his hair.

The next thing I knew,we are lying on our bed both naked.Walang sinayang na sandali si Nhel sa pagpapadama nya ng pag~ibig sa akin.Sinulit nya talaga ang mga natitirang sandali namin.Halos baliwin nya ako sa sensasyong ipinapadama nya sa akin sa buong magdamag.

Madaling araw na nung tumigil kami at nakatulog ng magkayakap dahil sa matinding pagod.

Paggising ko ng umaga,kinapa ko agad ang katabi ko pero wala na sya.Napaiyak na lang ako.Sana ginising nya ako bago sya umalis para nakapag~paalaman naman kami.

Tamad na tamad akong bumangon.Masakit ang buong katawan ko and I was sore down there.Pero kahit ganito ang pakiramdam ko,hindi naman maikakaila na naging maligaya kami ni Nhel kagabi at isa iyong alaala na babaunin ko sa paghihiwalay namin.

Naligo ako at nagbihis, pagkatapos ay pumunta na ako ng kusina para kumain.May nakahain na sa mesa at may sulat na nakapatong dito.

" Babe I cooked for you.Eat well.I didn't wake you up coz I know you're tired at ayokong makita mo akong umalis dahil alam kong masasaktan lang tayo pareho.Maaga ang kasal 10am at yun na siguro ang pinaka malungkot na sandali ng buhay ko.Mahal na mahal kita babe at maghihintay ako sa pangako mo na babalikan mo ako at ipaglalaban."

Hilam na ako sa luha ng mabasa ko ang sulat ni Nhel.Tumingin ako sa wall clock namin,10am na at sa mga oras na ito ay ikinakasal na sya kay Marga.

Tumakbo ako sa silid namin at dun umiyak ng umiyak.Kinuha ko ang picture nya na naka patong sa bedside table namin.Para lang akong tanga na kinakausap ang litrato nya habang patuloy lang sa pag~iyak.

" Ang daya~daya naman,bakit ganon? Wala naman tayong hinangad kundi maging maligaya sa piling ng isat~isa. Wala naman tayong sinaktan o inagrabyado na tao.Simula pagkabata wala akong minahal kundi ikaw lang. Sayo ko ibinigay ang lahat ng first ko. Ikaw ang nagturo sa akin ng salitang love,ikaw ang naging mundo ko,ang inspirasyon ko.Bumuo tayo ng mundo nating dalawa.Akala ko maayos na ang lahat dahil kasal na tayo pero bakit mag~isa na lang ako ngayon? Beh ang sakit naman nito,hindi ko alam kung kakayanin ko to.Mahal na mahal kita.. Ahhhhhh...! "

Ibinabato ko ang lahat ng mahawakan ko.Sobrang sakit namang magbiro ng tadhana sa amin ni Nhel.Kung sana bumuka na lang ang lupa at kainin na ako ng buo.Hindi ko alam kung paano ako sa mga susunod na araw na wala sya sa tabi ko.Hindi ko alam kung paano ko bubuuin ang sarili ko ngayong wala na sya at iba na ang kasama.Pakiramdam ko durog na durog ako.Durog na durog.

Patuloy lang ako sa pag~iyak.Sa mga sandaling ito ay kasal na sya sa babaing may sapak sa ulo.

Sige lang Marga magpakasaya ka na sa pagsira mo sa buhay namin ni Nhel pero pagbalik ko ihanda mo ang sarili mo dahil sa ayaw at sa gusto mo,babawiin ko sayo ang pag~aari ko.

_____________

THEY say,love is like a rubber band held at both ends by two people.When one leaves, it hurts the other.

Oo tama,kasi nung umalis si Nhel sobra akong nasaktan to the point na gusto ko ng mawala na lang.

Palaging tumatawag ang pamilya ko sa akin para aliwin ako.Gusto nga nila na umuwi na ako sa kanila para daw makalimot ako pero tumatanggi ako. Ayokong iwan ang bahay namin ni Nhel baka bumalik kasi sya.

Para lang akong tanga na umaasa pa pero alam ko naman na malabo yon sa ngayon,bantay sarado sya nung babaing yon.

Dumaan pa ang mga araw pero para lang akong robot na kumikilos.Palagi rin akong nahihilo dala marahil ng stressed sa mga nangyari.Alam na ng bigboss ang mga nangyari dahil napapansin nya ang katamlayan ko pag pumapasok ako sa opisina.Hindi naman ako naglihim sa kanya ng magtanong sya.Para ko na rin syang ama at alam ko na naiintindihan nya ako.Maging si Anton na apo nya ay naging malapit na rin sa akin.Silang maglolo ang karamay ko ngayon sa pinagdadaanan ko.Siguro kung wala sila malamang mabaliw na ako.

Pinupuntahan din naman ako ni Candy at Rina,dinadamayan nila ako at iniiwasan na lang naming pag~usapan ang mga nangyari.Hindi na rin sila nagbabanggit ng kahit ano tungkol kay Nhel.

Tumawag si Nhel nung anniversary namin na dapat sana ay araw yon ng kasal namin.Sinabi ko sa kanya na yun na ang huli naming pag~uusap para hindi na kami parehong masaktan.Ayaw nyang pumayag pero dahil nagmakaawa ako sa kanya dahil mas lalo akong nasasaktan,napilitan na rin syang pumayag.

Araw ng photo shoot namin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at mararamdaman ko dahil siguradong magkikita .Sinabihan ko si Anton na huwag nya akong iiwan sakaling dumating si Nhel.

Nasa photoshoot room na ang mga modelo ng bumaba ako mula sa opisina ko. Sinalubong ako ni Anton sa pintuan pa lang.Iginala ko ang tingin ko sa paligid. Nagulat ako ng magtama ang tingin namin ni Nhel at nagtaka ako dahil katabi nya sa upuan si Marga.

Anong ginagawa ng may sapak na yan dito, model din ba sya? Grabe lang makabakod ang isang to.

Nagsimula na ang photo shoot. This time, si Anton ang kapareha ko at kami ang unang sinalang.Nararamdaman kong pinapanood kami ni Nhel. Nang di sinasadyang mapatingin ako sa kanya. Nakita kong masama ang tingin nya kay Anton dahil sobrang lapit nito sa akin.

Hala,selos ka eh ikaw nga kasama mo pa yang bruha sa tabi mo.Kung makaangkla pa sayo wagas!

Napansin kong kinakausap sya ni Marga pero hindi nya pinapansin dahil nasa akin ang buong atensyon nya.

Nang matapos kami ni Anton,siya na ang sumunod at si Pia ang partner nya.Ka batch nya ito kaya lang sa akin sya na~partner dahil bagay kami at hindi nag~iilangan dahil may relasyon nga kami.Pero ngayon sinadya ni bigboss na kay Anton ako ipareha dahil nga alam nya yung nangyari sa amin ni Nhel.

Narinig ko ang photographer na panay ang paulit sa mga pose nila ni Pia.

" Nhel ano nangyayari sayo parang wala ka sa sarili mo? Hindi mo ba magawa dahil iba ang partner mo?Hindi ka naman dating ganyan ah." puna ng photographer.

" Sorry sir medyo pagod lang.Sige po ulit na lang." narinig kong sagot nya sa photographer.

Niyaya ko na lang si Anton na lumabas para makapag~concentrate na si Nhel.

" Masyadong affected si pare sa presence mo ah.Halata eh." saad ni Anton.

" Mukha nga kaya niyaya na kita." wika ko.

" Tara coffee muna tayo sa taas." untag nya.

" Wait CR lang ako." paalam ko at dumiretso na ako sa CR malapit sa photoshoot room.Siya naman ay nasa harap ng elevator maghihintay.

Paglabas ko ng cubicle,nagulat ako ng mabungaran ko si Marga na tila hinihintay ako.Hindi nga ako nagkamali, galit na galit sya ng harapin ako.

" Hoy!babae,tigilan mo nga ang pang~aakit sa asawa ko.Dahil sa kalandian mo,hindi nya magawa ng maayos yung trabaho nya! "

Wow!Pang~aakit? Malandi? Big word! Ako pa ngayon ang inakusahan nya ng ganyan.Sino kaya ang nang~agaw ng asawa ng may asawa?

" Watch your words Marga.Hindi ko na kailangang gawin yang ibinibintang mo. Kahit wala akong gawin makukuha ko ang atensyon niya, dahil simula nuon hanggang ngayon ako ang kahinaan nyang sinasabi mong asawa."

" How dare you! " gigil na sambit nya.

" No, how dare you! Huwag mo akong akusahan ng mga bagay na alam mong mas sayo nababagay.Ang kapal ng mukha mong sabihan ako ng ganyan gayong alam nating pareho na ako at tanging ako lang naman ang nagpapatibok ng puso nyang asawa mo.Kung ako sayo,try mong maging ako baka sakaling pansinin ka ni Nhel." matapang kong saad sabay talikod para lumabas na.

Pero nung malapit na ako sa elevator para puntahan si Anton,nagulat na lang ako ng may biglang humablot ng buhok ko.

Aray! Masakit ha.

Dahil nakatalikod ako at sobrang lakas nya dahil sa galit,nagawa nya akong saktan ng husto. Hindi lang sabunot kundi sampal na rin sa magkabilang pisngi ko at nararamdaman kong pumutok ang labi ko dahil sa nalasahan kong dugo mula rito. Nakuha rin nya akong isadlak sa sahig at doon sinaktan ng husto.

Hindi ako makalaban dahil nakadagan sya sa akin. Nanghihina na rin ako dahil nakaramdam ako ng kaunting sakit sa tiyan ko at parang nahihilo na rin ako.

" Dahil sayo kung bakit hindi ako mapansin ni Nhel kaya sisirain ko ang mukha mong yan." galit na galit sya at panay ang sampal at kalmot sa akin.Nakita kong humahangos si Nhel at inaawat sya.Naramdaman ko naman si Anton na umalalay sa akin para tumayo.

" Ilayo mo na ang babaeng yan pare baka hindi ako makapagpigil makalimutan kong babae yan." galit na turan ni Anton kay Nhel habang yakap ako at pinupunasan ng panyo nya ang mukha ko dahil sa naghalong luha at dugo mula sa labi ko na pumutok dahil sa lakas ng pagkakasampal ni Marga.

Nakita ko ang sakit na bumalatay  sa mukha ni Nhel ng pagmasdan nya ako pero hindi nya ako malapitan dahil pinipigilan nya ang galit na bruha.Sa halip kinaladkad na lang nya ito palayo dahil nagwawala nga ito.

Dinala ako ni Anton sa clinic para magamot at ng mabalitaan ng bigboss ay nag~aalalang pinuntahan nya ako dun.

" I should do something about it Laine.Sa nangyaring yan, naisip ko na ikaw na lang ang ipadala sa bubuksan nating branch sa Europe.Para hindi kana nya guluhin at ng sa ganon makalimot kana rin."

Nagulat ako sa sinabi ng bigboss pero naisip ko na maganda naman yung inaalok nya.Mas magkakaroon ako ng katahimikan kung lalayo muna ako pansamantala.Kung nandito ako sa bansa palagi lang akong masasaktan at iiyak dahil nakikita ko ang mga bagay na nakakapag~paalala sa akin kay Nhel.

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na pumapayag sa alok nya.

After all,it's a good choice.

So,why not?

Related Books

Popular novel hashtag