Chapter 89 - Ruined

Laine's Point of View

TILA bombang sumabog sa harap ko ang mga sinabi ni Mr.Quinto.Pilit nakikipagtalo si tito Phil sa kanya pero hindi nya ito pinapakinggan.Pinal na ang desisyon nya na ipakasal ang anak nya kay Nhel.

Gusto kong sabihin na hindi maari dahil kasal si Nhel sa akin pero naunahan ako ng takot sa maari nyang gawin kay Nhel.Ayokong mauwi sa wala ang lahat ng pinaghirapan nya kung makakaladkad sa kahihiyan ang pangalan at buong pagkatao nya.

Tumingin si Nhel sa akin na parang nagpapasaklolo pero nung magsasalita na sana ako ay bigla akong naunahan ni Mr.Quinto.

" Alam nyo ang kaya kong gawin kaya kung ako sa inyo sundin nyo na ang hinihingi ko.At ikaw Laine, kung hahadlang ka mawawala kay Nhel ang lahat.Kaya kung mahal mo sya,palayain mo na lang sya."

Biglang nag~init ang ulo ko sa sinabi nya.Napapailing na lang ako sa nangyayari pero kailangan ko ng pikit matang desisyon para sa kaligtasan ni Nhel kahit alam kong pareho kaming masasaktan.

" Mawalang galang na po.Sino po kayo para diktahan ako sa maari kong gawin? Maaring magagawa nyo nga kay Nhel yang mga sinabi nyo pero maaatim ba ng konsensya nyo na sirain ang buhay ng may buhay mapagbigyan lang yang kapritso ng anak nyo? Sige,palalayain ko si Nhel pero sa ngayon lang dahil sisiguruhin ko sa inyo na babalik ako para kunin muli ang pag~aari ko.At ikaw Marga,hindi mo lubusang maaangkin yan dahil sa oras na tumalikod ako,dala ko ang puso nya na nasa akin na nuon pa man.Hindi ka magiging maligaya sa kanya,tandaan mo yan! " iyon lang at tuloy~tuloy na akong umalis.Hindi ko na pinakinggan ang pagtawag ni Nhel at nila tita Bining sa akin.Alam kong hindi nila ako masusundan dahil pinipigilan sila ng kunsintidor na si Mr.Quinto para pag~usapan ang kasal na kailanman ay hindi magiging valid,hangga't buhay ako at humihinga.

Pagdating ko sa bahay nila ay nandun ang apat na kaibigan namin,nakikibalita.

" Laine,nagulat ako sa nangyari.Kagabi ng iwan namin si Nhel para ihatid itong si Candy at Rina,medyo nahihilo raw sya.Sabi ko huwag na syang uminom at babalikan namin sya.Pagbalik namin ni Wil,wala na sya don at ang sabi umuwi na raw.Kaya umuwi na lang din kami." paliwanag ni Pete.

" Pero ang ipinagtataka ko lang,bakit mahihilo si Nhel sa isang bote lang ng beer? Kilala ko ang kapasidad nya unless may naglagay ng kakaiba sa iniinom nya." saad naman ni Wil.

" Mukha ngang ganon ang nangyari Wil,dahil tulog na tulog sya kahit niyugyog na sya ni tita,hindi pa sya nagising agad.Kaya hindi ako naniniwala dun sa ipinagpipilitan nila na may nangyari daw."

" Kilala ko rin si Nhel pag nalasing. Natutulog lang talaga yun kaya malamang wala talagang nangyari sa kanila.Ano ang balak nila ngayon? " tanong ni Pete.

I sigh." Hayun kailangan daw pakasalan nya si Marga kundi idedemanda sya at ipapakulong and worst tatanggalan pa sya ng lisensya sa pagiging engineer."

" What?! " sabay~sabay silang napanganga sa gulat sa sinabi ko.

" Pumayag ka? Paano ka na? Paano na kayo ni Nhel? " naaawang tanong ni Rina.

Hindi ko na napigilan ang mapahagulgol.Pinipilit ko pa rin mag-sink in sa akin ang mga nangyayari.Paano na kami ni Nhel,ang halos walong taon na relasyon na binuo namin.Ganon na lang ba yon?

" Laine,sana lumaban ka.Paano na ang kasal nyo next month? Yung mga pinundar nyo? Ano yon kay Marga mapupunta lahat? Ano sya sinuswerte! " galit na saad ni Candy.

" Kahit lumaban ako,paano naman si Nhel? Iniisip ko ang magiging kahihinatnan nya pag hindi nya sinunod si Mr.Quinto.Kaya kong magtiis alang-alang sa kanya, pero nagbitaw ako ng salita na babalik ako para bawiin ko ang akin.Kaya yung mga pinundar namin sa amin lang yon,wala syang magiging karapatan don at huwag nyong mabanggit~banggit sa kanya ang tungkol don.At kung ipipilit nya na magpakasal sila,sige lang,magiging invalid yon pag bumalik ako."

Tila nagulat naman sila sa huling tinuran ko pero wala namang naglakas ng loob na magtanong.

Inayos ko ang ilang gamit ko at akmang pupunta na ako ng cr para magbihis ng magtanong muli si Candy.

" Saan ka pupunta Laine? "

" Lalayo pansamantala. Bibigyan ko lang ng kasiyahan si Marga sa ngayon pero babalik ako para bawiin ko uli kung ano ang akin."

Umalis ako sakay ng kotse namin.Iniwan ko na lang ang ibang gamit ko dahil ako ang may karapatan sa bahay nila bilang asawa ni Nhel.At alam ko naman na hindi patitirahin nila tita Bining ang babaing may sapak sa bahay nila.

Umuwi ako sa bahay namin ni Nhel. Dun ako umiyak ng umiyak hanggang sa makatulugan ko na ang pag~iyak.Hindi ako tumawag kila daddy,hahayaan ko na lang na si tito Phil ang magsabi.

Kinabukasan.Biyernes santo.

Pinilit kong bumangon para kumain pero wala akong gana,tulad ng okasyon ngayon ang nararamdaman ko.Kung pwede lang na bumuka ang lupa at kainin ako nito para hindi ko na maramdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Gusto kong magalit. Gusto kong magwala pero kahit gawin ko yun ay hindi na mababago ang katotohanan na naagaw na sa akin ang buhay at pag~ibig ko.Nagdasal ako na tulungan NIYA kami ni Nhel na makayanan ang lahat ng ito.

Nung tanghali na ay napilitan na akong kumain. Hindi dapat dinadamay ang pagkain sa ganito.Tsaka kailangan kong mabusog para may lakas ako pag umiyak uli ako mamaya.

Pagkakain ay naligo na ako.Pagkatapos balik na naman sa pag~iyak.Hindi ko alam kung kailan titigil at matatapos ito. Siguro kusa na lang itong titigil pag wala ng mailabas.

Nung mag~gagabi na, naulinigan kong may nagbukas ng gate.Alam kong si Nhel yun dahil sya lang naman ang may duplicate key.Ni-lock ko yun kanina.

Pumikit ako ng marinig ko ang yabag nya papunta sa silid namin, para akalain nyang tulog na ako.

Naramdaman kong lumundo ang kama dahil umupo sya sa gilid.

Hinaplos nya ang mukha ko at pinunasan ang mga luhang naglandas kanina sa pisngi ko.

Narinig kong umiiyak sya pero pinanatili ko ang pagkakapikit ko.

" Babe,I'm sorry, alam mong hindi ko kayang gawin yong mga ibinibintang nila sa akin. Tulog ako at alam kong walang nangyari talaga.Tuso si Marga, ginawa nya ang lahat para madala ako sa sitwasyong ito.She ruined everything.Ayoko syang pakasalan. Ikaw lang ang gusto kong makasama at alam natin pareho na hindi ko sya maaaring pakasalan.Pero babe,kayang gawin ni tito Victor ang mga sinabi nya.Gusto kong takasan ang lahat at magpakalayo~layo na lang tayo. Pero kanina nagbanta na naman sya na pati ikaw ay idadamay niya sa gagawin nya.Hindi ko kakayanin na pati ikaw ay madamay. Hindi bale na ako na lang.Kaya kong magtiis,wag lang ikaw."

Dun na ako dumilat ng marinig ko ang sinabi nya.Umupo ako para mapantayan sya.Nagkatitigan kami at pareho na kaming lumuluha ngayon.

" Beh,alam kong inosente ka sa lahat ng ibinibintang nila.Pinlano na talaga nila yan para makuha kana ni Marga,at pinagbigyan nila ang kapritso ng anak nila.At kung hindi ka susunod sa gusto nila,magagawa talaga ni tito Victor ang banta nya sa atin. Alam mo kung gaano sya kalakas dahil sa posisyon nya sa munisipyo.Masakit,nasasaktan ako.Gusto kong lumaban. Alam ko na kaya ko kung pera din lang ang pagbabasehan at magagawa natin yun kung hihingi tayo ng tulong kila daddy. Ngunit may posibilidad na mawawalan din tayo ng katahimikan dahil gagawa at gagawa rin sila ng paraan para guluhin tayo and worst kung hindi nila sa atin magawa,sa pamilya naman natin.Madadamay pa sila."

" Ano babe,isusuko mo na lang ba ako? Paano tayo? Paano ang lahat ng ito? Hindi ko kaya babe na wala ka sa buhay ko. Asawa kita karugtong ka ng buhay ko.Mahal na mahal kita." lumuluhang sambit nya.Nasasaktan ako na nakikita syang ganito.Hindi ko rin kakayanin na wala sya sa buhay ko pero paano kung mawawalan din kami ng katahimikan at madadamay pa ang mga mahal namin sa buhay.

" Beh,kailangan nating magtiis pansamantala. Pahupain lang natin ang sitwasyon. Pangako babalikan kita basta ipangako mo na walang mangyayari sa inyo at hindi ka magkaka~anak sa kanya.Alam mong magiging invalid naman yang kasal nyo sa oras na bumalik ako at bawiin kita.Pagbigyan muna natin sila sa kahibangan nila ngayon. Pakisamahan mo si Marga. Magtitiis ako pero mangako ka na hindi ka gagawa ng ano mang dahilan para hindi kita balikan.Huwag mo ring ipapaalam sa kanya itong bahay natin,ayokong pati ito ay sakupin rin nya.Pansamantala lang beh,pangako babalik ako."

He heaved a deep sigh.He cupped my face and look straight in my eyes.

" Mahal kita sobra pa sa sobra.Kung yan lang ang paraan para matahimik tayo, gagawin ko kahit ang kapalit nito ay kalungkutan para sa akin.Magtitiis ako sa ngayon,pero ipangako mo na babalikan mo ako at ipaglalaban."

" Oo beh,pangako basta tuparin mo lang yung hinihingi ko. Huwag mong ibibigay sa kanya ang puso at katawan mo,akin lang yan at ako lang ang may karapatan sayo."

" Pangako babe,sayo lang ang buong ako."turan nya at inabot nya ang labi ko at ginawaran nya ako ng masuyong halik na tinugunan ko ng buong puso.

Pareho kaming lumuluha habang dinadama ang labi ng isat~isa.Hanggang sa bumaba ang halik nya sa leeg ko at nakaramdam ako ng sobra~sobrang pangungulila sa kanya kaya naman dinama ng mga palad ko ang malapad nyang dibdib sa ilalim ng t~shirt nyang suot.Narinig kong napaungol sya habang patuloy ako sa paghaplos sa dibdib nya at sa mga abs nya.Pinagsawa ko ang mga kamay ko dahil alam ko na baka huli na itong gagawin ko sa kanya.

Naramdaman kong inalis nya ang butones ng pantulog kong suot at bumaba ang halik nya sa gitna ng dibdib ko.Napasinghap ako ng haplusin nya ang isa kong dibdib habang ang labi naman nya ay nasa kabila na.

Kakaibang sensasyon ang nararamdaman ko ngayon,siguro dahil iniisip ko na mawawala na sya sa akin kaya dinadama ko ng husto ang mga halik at haplos nya na nakapagdudulot ng matinding init sa katawan ko.

Kung hihilingin nya na may mangyari na sa amin ngayon,hindi ako magdadalawang isip na magbigay sa kanya.Asawa ko sya at may karapatan naman syang kunin sa akin ang nararapat sa kanya.Patawarin nawa kami ng Diyos kung sakaling hindi kami tutupad sa pangako namin sa Kanya,dahil malabo na ang church wedding sa ngayon.Alam ko maiintindihan NIYA kami kung sakali man na sumuway kami sa pangako namin dahil biktima lang kami ng mapagbirong tadhana.

" Babe,let's make love."

Yun lang ang hudyat upang lubusan ko ng isuko ang sarili ko ng buong~ buo sa asawa ko na mahihiwalay na sa akin....

Pansamantala...