Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 80 - Third Party

Chapter 80 - Third Party

Nhel's Point of View

HINDI ko alam kung bakit medyo kinabahan ako dun sa sinabi ni Marga kanina.

Tuwiran nya kasing sinabi na lahat ng gusto nya, nakukuha nya.

At hindi naman ako manhid.Alam ko na nun pa na talagang malaki ang pagka~gusto nya sa akin.Lantaran nya na pinapakita yon sa akin lalo na kapag wala si Laine.

Umiiwas lang talaga ako.Pero ngayon nag~uumpisa na syang gumawa ng move para mapalapit sa akin.

Dapat alerto kami ni Laine at maging maingat habang wala pa kaming naiisip na pangontra sa maaaring maisipang gawin ni Marga.

I heaved a very deep sigh.

Lord please protect my relationship with Laine.

" Ang lalim nun beh ah.What's bothering you? tanong ni Laine na paupo na sa tabi ko sa sofa, galing sya sa kusina.

" It's Marga. " tugon ko.Pumihit ako paharap sa kanya at tinitigan ko sya sa mata.

Tinignan nya ako ng matiim.She knew me so well and she knows whenever I'm worried.

" Nagbitaw sya ng word kanina, she said, what she wants, she gets.And we both know kung ano ibig nya sabihin dun.Babe medyo kinakabahan ako sa maari nyang gawin kung sakali.At nag~uumpisa na syang lumapit sa atin ngayon." turan ko.

Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat ko at medyo pinipisil~pisil nya para kumalma ako.

" Beh I told you, maging alerto lang tayo at wag bibitaw sa isat~isa ano man ang mangyari.

Napangiti ako sa sinabi nya at sa ginagawa nya sa balikat ko.I'm very lucky to have her in my life.My worries easily fades away even with just a single word coming from her.

" Tiwala lang.And of course,yung faith natin sa Lord. " saad nyang muli at ibinaba nya ang isang kamay nya sa isang kamay ko at pinisil ng marahan.

" Halika nga dito babe." untag ko sabay nguso sa kandungan ko para dun sya umupo. I just want to embrace her and be close to her.

Umupo naman sya at iniyakap nya ang mga braso nya sa leeg ko.Pinagdikit nya ang mga noo namin.

" Saan naman ako kukuha ng lakas kung matatakot ka? Ikaw ang aking knight in expensive Lacoste polo shirt tapos kay Marga lang kakabahan ka.Paano na ang Lois Lane ni Clark Kent kung nanghihina sya? " malambing nyang saad.Natatawa ako sa sinabi nya.Tama sya, ako ang protector nya kaya bakit ako matatakot sa isang bagay na hindi pa naman dumarating.

" Basta dito ka lang babe sa tabi ko.Whatever happens,just stay." sabi ko habang hinahaplos ang likod nya.

Hinawakan nya ako sa mukha at dinampian ng magaang na halik ang labi ko.

" Oo naman.Tinanggap ko na ang proposal mo kaya bakit kita iiwan.Basta promise lahat ng mangyayari pag~usapan natin para hindi na maulit yung nangyari nun."

Malapad akong napangiti sa ginawa nya.

" Bakit ang bilis naman nun?" tanong ko.

" Ang alin? " painosenteng tanong din nya.

" Yung kiss." nakangising sagot ko.

" Eh paano ba dapat? " painosenteng tanong muli nya.

" Ganito oh.. Umm." sagot ko sabay mabilis na inabot ang labi nya at ginawaran sya ng banayad na halik sa umpisa.

Nang lumaon ay bumilis ang paggalaw ng mga labi namin, yung banayad sa simula ay naging mapusok na.Kahit kailan hindi ko pagsasawaan ang ganitong moment namin.

Hanggang sa pangapusan na kami pareho ng hininga at sabay na tumigil.

" I love you babe.Kung hindi rin lang ikaw sa huli wag na lang.

_____________

HABANG lumilipas ang araw, walang ginawa si Marga kundi ang lantaran nyang pagpapakita ng interes sa akin.

Halos araw~araw ay nagpapadala sya ng pagkain na sila mama lang ang kumakain. Nagbibigay ng kung ano~ano na ibinabalik ko rin naman dahil wala namang dahilan para tanggapin ko. At isa pa,pangit talagang tignan.

Minsan naman nagpapasama sa kung saan~saan. Nung una pinayagan ako ni Laine na pagbigyan ko na pero nung lumaon parati na lang nyang ginagawa, with or without Laine's approval.

Hinahayaan na lang namin ni Laine dahil napag~usapan na naming dalawa yun.Maging alerto lang kami at wag magpaapekto.

Akala namin ni Laine makakawala na kami kay Marga pag nag~umpisa na uli ang second sem.Pero isang linggo pa lang ang nakakalipas simula nung magpasukan, nagulat ako ng lumabas ako ng campus, nandoon si Marga sa gate at inaabangan ako.Naalala ko magkatabi nga pala ang university na pinapasukan namin.Hindi ko lang alam kung paano nya nalaman ang schedule ko.

Nagpasama syang bumili ng libro dahil wala daw ganun dun sa mga pinahiram ko sa kanya.Tumatanggi ako dahil maghihintay sa akin si Laine sa bahay, pero halos magmakaawa na sya dahil wala daw naman syang kakilala sa Maynila.Kinunsensya pa ako.Kaya hayun napilitan akong samahan hanggang dun sa boarding house na tinutuluyan nya.

Pagdating ko sa bahay, isang yamot na yamot na Laine ang inabutan ko.

Nakalimutan ko na nag~request nga pala ako sa kanya ng beef kaldereta kanina bago kami pumasok ng school.Tapos pinauna na nyang kumain sila Candy at Rina dahil wala pa nga ako.

Sinabi ko yung nangyari at katakot~takot na paglalambing ang ginawa ko para makakain na kami ng isa sa mga specialty nya.

" Siguro dapat sunduin na kita sa school mo everyday para hindi ka na nya puntahan." sabi nya ng mawala na yung inis nya.Nag~umpisa na syang maghain para makakain na kami.

" Mabuti pa nga babe.Dinaig ka pa sa pagiging clingy nya.She's my worst nightmare." naiiritang saad ko.Nakapagsalita tuloy ako ng hindi maganda.

" Beh! " bulyaw nya sa akin.

" Sorry if I sounded rude.Nakakairita na kasi." hinging paumanhin ko.

" Alright let's not talk about it.Todo iwas na lang para wala ng problema." suhestyon na lang nya.

" Let's get married babe para matapos na." sambit ko na nagpadilat ng husto sa mga mata nya.

" Hello! Naririnig mo ba yang sarili mo? Gusto mo bang magalit sila sa atin pag sumuway tayo sa pinag~usapan. "

Napakamot ako ng ulo ko. Mahirap nga pala pag sumuway kami sa mga magulang namin. Ayaw namin silang biguin dahil naging supportive sila sa relasyon namin ni Laine. Iyon lang ang tanging pakiusap nila tapos susuwayin pa ba namin?

Aisst! Kung bakit naman kasi may sumulpot na namang asungot sa mundo namin ni Laine? Kairita!

Kumain na lamang kami at napagkasunduan na susunduin na lang nya ako everyday sa school.

Naging tagumpay naman yung ganung set up namin.Nung minsang puntahan ako ni Marga sa school inabutan na nya si Laine na naghihintay sa akin sa may gate. Dun na sya nagpa~park sa harap ng gate mismo para agad syang makita ni Marga.Kinaibigan nya ang mga guard para hindi sya pagbawalan sa pagpa~park dun sa harap.Kaya simula nun hindi na ako pinupuntahan ni Marga sa school.

Dinalangan na rin namin ang pag~uwi ng Sto.Cristo pag weekends para maka~iwas din.Okay lang naman kila mama dahil sinabi namin yung dahilan.Buti na lang hindi alam ni Marga kung saan kami nakatira dito sa Manila.Maging yung apat na kaibigan namin ay nag~ingat ng husto para hindi makakuha ng lead si Marga.

Christmas vacation ng tumulak kami ni Laine papuntang US para makasama ang pamilya nya sa holiday season.First time ko mag~travel sa ibang bansa at hindi ako pinabayaan ni Laine at nila tito Franz.Very accomodating sila sa pagto~tour sa akin sa ibat~ibang lugar sa US at talagang nag~enjoy ako ng husto.

Marami kaming dalang pasalubong kila mama at sa mga kaibigan namin nung umuwi kami after ng New Year.

Balik school na naman kami at naging sobrang busy naman ako sa thesis ko.It's a good thing na magkasama kami ni Laine sa apartment. That way hindi namin napapabayaan ang isat~isa kahit na sobrang busy ako.

Si Marga? Hayun parang natigil na yata sa kahibangan nya.Hindi pa namin sya nakikita ni Laine simula nung umuwi kami galing US.Pero hindi pa rin kami nagpapaka~kampante dahil baka may iba syang binabalak kaya sya nanahimik.

Few days to go, graduation ko na.At last makakamit ko na ang diploma na limang taon ko ring pinaghirapan.Para sa magulang ko at kay Laine syempre na inspirasyon ko kung bakit ga~graduate ako with Latin honors.

Masaya kami ng sumapit na ang araw ng graduation ko.Kumpleto ang pamilya ko and of course ang babe ko.Nag~overseas call sila tito Franz para batiin ako.Masaya sila sa karangalang natanggap ko.At sinabi pa na hindi sila nagkamali sa akin bilang mamanugangin nila.May trabaho na rin daw na naghihintay sa akin dahil inirekomenda na nya ako sa kumpare nya dun sa kung saan ako nag~OJT.After fifteen days, mag~start na agad ako dahil nag~retire na yung department head ng Engineering at swerteng ako ang papalit sa kanya.

Napaka laking blessing dahil hindi na ako mahihirapang maghanap ng trabaho at mataas pa agad ang posisyon.

Makakaipon pa kaming lalo ni Laine kahit pa patuloy pa rin naman yung modelling career naming dalawa.

Natapos ang graduation ceremony at nagmamadali ko na silang nilapitan kung saan sila nakapwesto sa isang bahagi nung auditorium.Masayang inabot ko kila mama ang diploma ko at kay Laine naman yung medal ko.

Naluluha syang tinanggap yun at niyakap pa ako ng mahigpit sabay sambit sa akin ng congratulations.

Kumain kami sa isang class na restaurant pagkatapos.Blow~out yun ni Ate Merly dahil sobrang proud sya sa akin.

A day after ng graduation, nakatanggap kami ng tawag ni Laine from Montreal.Pinapapunta kami kinabukasan para sa rehearsal. Magkakaroon kami ng fashion show para sa pag~launch ng mga bagong apparels for summer which will be held after a week.

Naging puspusan ang rehearsals namin para sa fashion show.Na~meet at nakasama rin namin yung ibang models ng Montreal.Nakita rin namin yung bagong male model na nagpapa~cute kay Laine nung nakaraang shoot namin.Apo pala ito ng may~ari ng Montreal at Anton del Rio ang name nya.

Lumapit sya agad pagkakita nya kay Laine at bumeso pa.Pagkakita nya sa akin ay biglang napangisi.

Lokong to ah, balak pa atang aswangin ang fiancee ko.

" Hello there gorgeous! malapad na ngiting bati nya kay Laine.Sarap ihampas sa pader ang nguso nito.Kung hindi ka lang apo ng big boss kanina pa kita hinagis sa labas.

Ngumiti ng pilit si Laine.At nagulat na lang kami pareho sa sumunod nyang tinuran.

" Tayo ang magka~ partner sa fashion show Laine.Ni~request ko kanina sa office." mayabang na saad nya.

What!!! Ano daw?

Naku naman.May panibagong asungot na naman ba?