Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 77 - Start of Something New

Chapter 77 - Start of Something New

Nhel's Point of View

NAGISING akong may ngiti sa labi ng maalala ko ang pangyayari kagabi.

Finally, engaged na kami ni Laine.Kinakabahan ako kagabi baka tumanggi sya dahil kaka-debut nya lang but I felt relief ng tanggapin nya ang proposal ko and she chose to stay with me.

Ok lang naman kung pipiliin nya ang sumama sa pamilya nya sa States dahil susunod din naman ako after ng graduation ko. Hayun nga lang kailangan ng konting sakripisyo dahil matatagalan ako ng konti bago makasunod.

Pero masaya lang din dahil pinili nyang manatili kasama ko at para na rin sa kagustuhan nyang magtapos sa University na pinapasukan nya.

Next week na ang alis nila tito Franz.Pansamantalang iiwan nila ang bahay nila dito at pangangalagaan na lang ng mga pinsan ni tita Paz. Pupuntahan na lang every other day para linisin.

Pagkaalis nila, lilipat na si Laine dito sa bahay namin.Bilang fiance nya, ako na ang bahala sa lahat ng kailangan nya.Ipapaayos na ni papa yung dating room ni ate para kay Laine. Hindi kami pwedeng magsama sa room ko kahit pa engaged na kami.

Hindi rin naman kami sang-ayon ni Laine sa ganun, mahirap na, baka makalimot ako o kundi man ako eh siya. Alam nyo naman na ubod ng pilya ang babe ko at hindi ko sya kayang i-resist pag ganon.

" Bunso gising ka na ba?" si papa yung narinig ko na kumakatok sa pinto ko.

Mabilis akong bumangon at pinagbuksan sya.

" Bakit po pa?" tanong ko.

" Ngayon na kasi aayusin yung magiging kwarto ni Laine, tanong ko lang kung anong kulay ba ang ilalagay dun sa wall nya?"

" Pa simple lang naman yung gusto ni Laine, light blue lang ayos na yun." sagot ko dahil kabisado ko na si Laine sa lahat ng bagay.

" O sige pag natapos ngayun yun pwede na syang maglipat sa isang araw, kaya lang may pasok nga pala kayo sa school." turan pa ni papa.

" Pagkaalis na lang po siguro nila tito Franz pa, dun na lang po kami maglilipat."

" O siya buti pa nga, pero mas maganda siguro magbawas-bawas na kayo ng ibang gamit nya habang wala kayong pasok para hindi kayo mahirapan masyado." suhestyon ni papa.

" Sige po pa, pupunta nga po ako mamaya dun dahil ngayon po ide-deliver yung regalong sasakyan kay Laine ng mga kuya nya.Ite-test drive po namin.Sabay na rin po ang paghakot sa ibang gamit nya."saad ko kay papa.

" O sige maiwan na kita, lumabas ka na para makapag-almusal na." sabi pa ni papa bago tuluyang lumabas ng room ko.

Naligo na ako. Pagkatapos ay pumunta na ako ng kusina at kumain ng almusal.

Dumating na yung mga mag-aayos ng room ni Laine, sinabi ko lang yung mga dapat nilang gawin at ng masiguro kong alam na nila ay umalis na ako para pumunta naman kila Laine.

__________________

Laine's Point of View

OMG! I can't believe it.

I am engaged now.

Tinignan ko ang daliri ko kung saan nakalagay ang engagement ring na binigay ni Nhel kagabi.

Gosh! Ang ganda!

Simple lang sya pero mukhang mahal. Ilang taon kaya nyang pinag-ipunan to?

Bumangon na ako at nagpunta sa bathroom para maligo.Ngayon nga pala darating yung regalo nila kuya sa akin.

Napangiti ako ng maalala ko nung isayaw ako ni kuya Frank kagabi. Binigyan nya ako ng susi bilang regalo nila sa akin.Sobrang saya ko dahil hindi biro ang halaga nun, pinaghati-hatian daw nilang lima ang pinambili.

Ang swerte ko talaga sa mga kapatid ko.

Muntik na akong mapasigaw sa gulat ng lumabas ako ng banyo.

Prenteng-prente na nakapasandal ng higa ang gwapong fiance ko sa kama ko.

Shemay! Nakatapis lang ako ng towel dahil yung isusuot ko ay nakalatag sa kama.

" W-what are you doing here? natataranta kong tanong.

" Is that the proper way to greet your handsome fiance? And by the way babe, you look hot." nang-aasar na naman sya.

" Beh naman eh, wag ka nga! Yung damit ko, andyan sa tabi mo." naasar kong sambit.

" O eh bakit hindi ka lumapit dito para kunin mo."paghamon nya pa.

" Kasi naman eh.Nakaganito lang ako oh." maktol ko pa..ngayon lang nya kasi ako nakitang nakaganito,nakatapis lang at walang kahit na ano sa loob.

" Oh eh ano naman.Ano mo ba ako?" sabi nya sabay dampot sa mga underwear ko at sinipat-sipat pa.

Nag-blush ako ng husto sa ginawa nya.Shocks! nakita na nya ang mga underwear ko.Nakakahiya!

" Baka naman pag nakita to ng mga deboto ng Nazareno eh mapagkamalan ka.hehe." pang-aasar pang lalo nya.

Natawa na ako sa sinabi nya kasi nga naman ang undies ko eh pang fiesta ng Quiapo.Kulay maroon.

" Abot mo na kasi eh, nilalamig na ako beh." pakiusap ko pa.

Tumayo naman sya at lumapit sa akin dala ang mga bihisan ko.Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa at ngising-ngisi pa ang loko.

" Ang aga-aga babe naiinitan ako.Dalian mo magbihis kana baka mag-apoy dito sa kwarto mo kahit naka-aircon."

Nagmamadali na akong pumasok uli sa bathroom para magbihis.

Mahirap na, baka magalit ang dragon at bigla na lang bumuga ng apoy.

Sinaluhan nya akong mag-breakfast,coffee lang naman yung kanya dahil kumain na raw sya sa kanila.

Saktong nakatapos na kaming  kumain nung tawagin kami ni mommy dahil dumating na raw yung gift nila kuya.

Isang bagong-bago at makintab na kulay gray na Honda Civic ang bumungad sa amin paglabas namin ni Nhel ng bahay.

Grabe! Gusto kong maluha.Deserve ko ba ito?

" Dad?!" tinignan ko si daddy ng tinging nagtatanong.

Nahulaan naman nya agad ang gusto kong itanong.

" You deserved it baby.You're a good sister to your siblings.You always make them proud.That's one of the reason kung bakit ginusto kong matuto kayong mag-drive ni Nhel at isa pa wala kang driver dahil kasama rin kasi namin si Gusting sa US para maging driver din namin dun."

Niyakap ko ng mahigpit si daddy sa sobrang saya na nararamdaman ko and at the same time, nalulungkot din dahil mami-miss ko sila ng sobra.

" Go, call your big brothers and thank them."he commanded.

Nagmamadali akong pumasok ng bahay para tawagan ang mga kuya ko.Habang sila naman nila Nhel ay tuwang-tuwa na sumakay sa bagong sasakyan na iniwan na ng mga nag-deliver.

Narinig ko na lang ang pag-ugong nito tanda ng pag-arangkada nila para i-drive test.

Haha..ang daya! Iniwan nila ako.

_____________

Mabilis na lumipas ang mga araw.Sabado na at ngayon na ang araw ng alis ng pamilya ko patungong US.

Nandito kami ngayon sa airport hinatid namin sila ni Nhel kasama si tito Phil at tita Bining.

Nag-rent na lang kami ng malaking van para kasya kaming lahat pati ang mga bagahe nila.

Tinawag na ang flight nila, niyakap ko sila isa-isa at hinalikan. Walang tigil naman si mommy ng kabibilin ng kung ano-ano sa amin ni Nhel.

Walang patid ang luha ko habang kumakaway sa kanila palayo sa akin hanggang sa makasakay na sila ng eroplano.

God keep them safe, protect them from any danger.

Nung makauwi na kami ay kila Nhel na ako tumuloy.Maayos na at kumportable naman ang room ko dito sa kanila.Nandito na ang halos lahat ng gamit ko, yung naiwan ay bukas na lang namin kukunin sa bahay.

Hinatid ako ni Nhel sa bagong silid ko dahil panay pa rin ang tulo ng luha ko.

Nakaupo kami sa kama.Yakap nya ako at panay ang hagod sa likod ko at manaka-nakang hinahalikan ako sa ulo bilang pag-comfort sa akin.

" Haay! Paano na lang ako kung wala akong Nhel sa tabi ko?" sambit ko nang mahimasmasan ako.

Nakangiting hinarap nya ako at pinisil ang ilong ko.

" Eh di kawawa ka naman dahil walang ubod ng gwapo, ubod ng bait at mapagmahal na yayakap sayo para i-comfort ka." mayabang at mapagbiro na sambit nya.

" Uy, bigla yatang humangin!" natatawang sabi ko at kinulong ko ng mga palad ko ang mukha nya.

" Atleast napatawa na kita di ba?"sambit nya.

" Yes beh..hmm..I love you." binibigyan sya ng maraming smack sa labi habang binabanggit ko ang huling kataga.

Tinanggal nya ang mga kamay ko sa mukha nya at sya naman ang nagkulong ng mukha ko sa mga palad nya.Ginaya nya yung ginawa ko sa kanya at ng magsawa ay bahagya akong tinulak pahiga sa kama at dumagan sa akin.

Nakatitig lang sya sa akin habang inaalis yung ilang hibla ng buhok ko na tumabing sa mukha ko.

Maya-maya ay buong kapusukan nyang sinakop ang labi ko na tinugunan ko naman agad ng kaparehong intensidad.

Matagal.

Mapusok.

Nakakadarang.

Ngunit pinipilit ko pa rin ang presence of mind ko.Hindi bale yung ganitong pa-MOMOL, carry na basta't bukas lang ang kamalayan namin para maiwasan yung all the way.Hindi pa pwede, bawal pa.

Subukan kaya namin yung touch-touch.Yung petting and necking na sinasabi ng badingerzi na si Carly.

Ano kaya ang feeling?

Heh, pervert ka Laine! Kung ano-ano pumapasok sa isip mo.

Try lang! Fiance ko naman to.

Yung necking siguro sa neck lang yun.

Hehe.Pilya alert.pilya alert!

Kaya nagulat pa si Nhel ng iwan ko ang labi nya, hinila ko sya palapit sa akin at hinalikan ko sya mula sa earlobe nya pababa sa collarbone nya.

Alam kong nag-eenjoy sya pero pinigilan nya ako.

" Babe what are you doing?" namamanghang tanong nya.

" Necking! Hindi ba ganito yun?" inosenteng tanong ko.

Napangiti sya ng malapad at amuse na amuse na nakatingin sa akin.

" Why? Hindi ba ganun yung necking? At saka ano naman yung petting beh? Pwede ba nating i-try?" inosente ko uling tanong.

Tuluyan na syang napatawa ng malakas.Actually, humahalakhak na nga ang mokong.

Hala bakit kaya?

Nakakatawa ba yun?