Laine's Point of View
NAPANGITI ako nung maalala ko yung mga nangyari kagabi.Sa wakas nagkasundo na kaming muli ni Nhel.Sa loob ng eight months na hindi kami nagkita pareho kaming nasabik sa isat-isa,lalo na sya, patunay na yung halos ayaw na nyang humiwalay sa akin at panay ang halik na halos maubusan na ako ng hininga.
Natutuwa ako at maayos na kami ulit.Nakakaya ko ng kalimutan yung naging dahilan ng pansamantala naming paghihiwalay.Mas hindi ko kakayanin yung tuluyan na syang mawalay sa akin.
" Kumusta kayo ni Nhel, baby? Mommy told me that he went here after the party." tanong ni dad over breakfast.
I smiled at them.
" Yeah, we're ok now.Back to each other's arm. I guess."
" Oh that's good.We're happy for you, for both of you.At sana wag ng maulit yung ganon, nakita namin na pareho kayong nahirapan."sabi ni dad.
Ngumiti lang ako, yung ngiting umabot na sa mata.Well, feeling ko mas in-love ako ngayon.Ganon naman talaga di ba? Kapag ang isang relasyon ay dumaan sa isang pagsubok at napagtagumpayan nyo yon,tiyak na mas magiging matibay at matatag pa ang pagmamahalan nyo .
Yun ang nararamdaman namin ni Nhel ngayon.Mas may kilig at uhm dahil medyo nag-mature kami may konting da moves na sya ngayon at medyo lumalampas kami ng konti sa limitations namin.
Napangiti ako ng maalala ko yung nangyari kagabi, haaay aga-aga ang init.
" Ang ganda ng ngiti mo ah,mayroon ba akong hindi alam ha anak?"si mommy na parang nagtatampo.
" Hay mom, I'll tell you some other time, hindi naman ako naglilihim sayo di ba?"sagot ko.
" Oy ano yun ah, bakit kayo lang dalawa at hindi ako kasali?" nanggagalaiti pa si daddy.
" Haha.dad you know, girls talk." sabi ni mommy.
" Oo nga po dad, bakit pag kayo ni Nhel ang nag-uusap hindi naman kami kasali ni mommy." singit ko.
" Whatever!" dad exclaimed and rolled his eyes at naka W sign pa.
Nagtawanan na lang kami sa reaksyon nya.Ang cute nya kaya.
A day after.....
" Beh are you free this weekend?" tanong ko kay Nhel.
Andito kami ngayon sa swing namin, dito kami tumuloy pagkatapos nilang mag-usap ni dad.
" Why?" tanong din nya.
" May photo shoot ako ulit sa Montreal,wala akong kasama,maghapon pa naman yun ngayon kasi two days na lang." sagot ko.
" Bakit weekends na ang schedule ng shoot mo ngayon? tanong nya.
" Hindi na kaya ng sched ko yung dating schedule nila.Kaya pag may pasok ako sa school sila yung nag-aadjust ng sched nila ng shoot." paliwanag ko.
" I see, kaya lang half day ako pag Saturday, pero magpapaalam ako, once lang naman para masamahan kita.Teka lang, paano ka nag-shoot nung nakaraan eh di ba nasa States ka?" tanong nya.
Patay, ang alam nga pala nya nasa States ako, hindi namin napag-usapan yun kagabi.Sabihin ko na nga, bahala na, hindi naman siguro sya magagalit.
Kaya sinabi ko na ang lahat-lahat sa kanya.Na sa loob ng ilang buwan nandito lang ako sa Pilipinas.Lahat ng nangyari sa akin sa loob ng ilang buwan na hindi kami magkasama ay sinabi ko sa kanya.
Nang matapos ako ay mataman ko syang tinignan.Gusto kong makita kung ano ang reaksyon nya sa lahat ng narinig nya mula sa akin.
He heaved a deep sigh.He didn't utter any a word.Matiim lang syang tumingin sa akin.Hindi ko mabasa ang damdaming nakapaloob sa mga tingin nyang yon sa akin.He looks serious.
Is he mad?
__________
Nhel's Point of View
SARI-SARING emosyon ang naramdaman ko ng marinig ko ang lahat ng sinabi ni Laine. Tungkol sa mga nangyari sa kanya sa nakalipas na walong buwan na hindi kami magkasama.
Galit?
Lungkot?
Panghihinayang?
Galit nga ba ako dahil wala akong nagawa para pigilan sya sa pag-alis nya nun? Galit nga ba ako dahil iniwan nya ako?Siguro nung una oo pero nung maintindihan ko kung ano yung nangyari,yung galit ko napalitan ng lungkot dahil umalis si Laine na dala ang puso ko, yung lungkot na tiniis ko dahil hindi ko sya nakikita at nanghihinayang ako sa mga panahon na kailangan nya ako pero wala ako sa tabi nya.
Pareho kaming nasaktan sa mga panahon na yun at tama sya mas magandang kalimutan na lang at mag-umpisa muli kami.
This time alam na namin pareho kung paano protektahan ang relasyon namin.
Mataman lang syang nakatingin sa akin na tila binabasa nya ako.
Hinila ko sya at niyakap ng mahigpit, walang salita na namutawi sa akin at parang naintindihan nya na ang ibig kong sabihin sa yakap ko sa kanya.Niyakap din nya ako na parang ipinapaunawa nya rin sa akin kung ano ang nararamdaman nya.
Nanatili lang kaming ganon ng walang kahit anong pangungusap, sapat na ang mga yakap.
Sometimes it's better to put love into hugs than to put it into words.
Nung kumalas kami sa isat-isa parang napakagaan na ng pakiramdam ko.Siguro dahil naintindihan na namin pareho yung naging pagkakamali namin sa nangyari.Feeling ko nga parang mas naging close pa kami ngayon at nag matured na rin kami pareho.
Niyakap ko sya mula sa likuran.Eto yung posisyon na gustong-gusto nya, parang safe na safe daw ang pakiramdam nya pag ganitong yakap ko sya.
Yun naman talaga ang role ko sa buhay.I was born to protect her, to take care of her and to love her.At kung sakali mang masaktan sya at umiyak muli, mas doble ang sakit nun sa akin.
Kumalas sya sa yakap ko sa kanya at tumingin sa akin ng mataman.Hinaplos nya ang aking mukha.Kinuha ko ang kamay nya at hinalikan ang likod ng palad nya.
" Let's just move on babe, but it doesn't mean that we forget about things.It just mean we have to accept what happened and go on with our lives." madamdaming sabi ko.
" Yeah,you're right, life must go on.But you have to forget what hurt you but never forget what it taught you.At marami akong natutunan sa nangyari especially on how to deal with the unexpected things.Life is very unpredictable at kailangan ready tayo palagi sa mga pagbabago coz you'll never know what comes next di ba?" sabi nya na punong-puno ng sinseridad.
" Tingin ko nag-matured ka ng husto sa loob ng eight months na hindi tayo magkasama ah.Lakas maka-hugot." biro ko sabay yakap uli sa kanya mula sa likuran.
" Oh, di ba nga sabi ko marami akong natutunan.Tsaka at this age dapat matured na talaga ako, remember I'm turning 18 for the next few months." malambing nyang sagot habang hawak ang kamay ko.
" Ah oo nga, magde-debut na ang babe ko,ano balak mo dun?" tanong ko.
" Simple lang.Family and friends lang natin kasama sa isang dinner.I don't like parties alam mo yun"sagot nya.
" Yeah, I know, ako rin naman ganon din di ba? kaya lang sinurprise nyo ko eh but I'm thankful dun sa effort nyo nung birthday ko especially yung pagbabalik mo, my best birthday ever." natutuwang sabi ko.
She chuckled at humarap sa akin.
" I love you so much Nhel, I can do everything just to make you happy.Period.No erase.Basta yun lang, mahal kita." nakangiting sabi nya.
" I love you more.Enough for the dramas hindi bagay sa atin, pang romcom ang genre natin babe.Basta wala ng iwanan ha?." sabi ko at hinalikan ko sya sa noo ng madiin.
" Walang iwanan!" sabay naming sabi at nagtawanan pa.