Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 65 - Maling Akala

Chapter 65 - Maling Akala

Laine's Point of View

" Sige na Laine pumayag ka na.Sa tingin ko kaya mo na syang makita ng hindi na nasasaktan. Ilang months kana namin inoobserbahan at sa tingin namin hindi ka na affected.Birthday naman nya at ikaw ang surprise namin sa kanya.Sige na please." pakiusap ni Rina sa akin.

I sighed.

Oo, kaya ko na nga siguro, kasi pag binabalitaan nila ako paminsan-minsan tungkol sa kanya ay wala ng kurot sa puso kundi sobrang pagka-miss na sa kanya yung nararamdaman ko.

May surprise party kay Nhel bukas dahil debut nya.At heto nga kinukulit nila ako na pumunta.Hindi naman sa ayaw ko, kaya lang mukhang awkward naman dahil tiyak andun yung babaeng ipinalit nya sa akin.At oo, tanggap ko na rin yun pero mahal na mahal ko pa rin sya, walang nabago.

" Eh bakit ako? Hindi naman sa ayaw ko kaya lang syempre ang awkward naman nun dahil nandun syempre si Peachy." nasabi ko na yung nasa loob ko.

" Saan naman nanggaling yang information na yan? Haller! Walang party na matutuloy kung nandun yun, eh kay ate Merly pa lang banned na yun." anunsyo naman ni Candy.

" What do you mean? Hindi ba sila ni Nhel?" nagtatakang tanong ko.

" Hoy Laine saan mo naman napulot yang balitang yan? Paano magiging sila eh galit na galit si Nhel at ang buong pamilya nya sa babaing yun dahil sa nangyari.Hindi mo ba naisip yun? Hindi naman itatapon ni Nhel yung apat na taon nyo at di hamak na lamang na lamang ka dun.Kaya paano mo nasabi na sila na?" sabi pa ni Candy.

Sinabi ko yung nasaksihan ko nung mismong birthday ko ng sumilip ako sa school ni Nhel.

" Sana sinundan mo sila dahil kami yung inaantay nila nun kaso na traffic kami kaya sinalubong na lang kami sa may kanto.Sumulpot nga lang yung babaing yun.Sa dinami-dami ba naman ng araw na pinagtataguan at iniiwas-iwasan ni Nhel yung Peachy na yun, nung araw pa na yun sya natyempuhan .Kung hindi sana kami na-traffic baka nagkaayos na kayo nung araw na yun at kung lumabas ka rin sana sa pinagtataguan mo.Para sayo talaga yung celebration na yun na hinanda ni Nhel.Nag-celebrate kami ng birthday mo kahit wala ka, sinama nya kami kasi ayaw na nyang mangyari yung mag-isa sya gaya nung anniversary nyo, kaso hindi din namin masyadong na-enjoy dahil nga sa pagsama nung babaing yun na kung maka-angkla pa kay Nhel akala mo maaagawan." mahabang paliwanag ni Rina.

Nagulat ako sa mga narinig ko sa kanila.Nakaramdam ako ng bigat sa dibdib at panghihinayang.

Bakit ba kasi inuna ko yung pag-eemote ko nung araw na yun? Bakit ba hindi ako nag-isip nun?

Gosh, naturingang Valedictorian at dean's lister, hindi naman ginamit ang utak nung mga oras na yon.Puro selos at sama ng loob ang pina-iral ko nun, hindi ko naisip na hindi naman ganun katanga si Nhel para patulan yung babaeng naging dahilan ng paglayo ko.

Puro ako akala, pinaniwalaan ko kung ano lang yung nakikita ko, hindi ko ginamit yung pakiramdam ko, yung utak ko na kasing taas ng IQ ni Einstein.Char!

Shet, kawawa rin pala si Nhel.Puro damdamin ko lang ang inintindi ko at nakalimutan kong nasasaktan din naman sya.Ilang buwan yung nasayang sa amin dahil lang sa pag-iinarte ko.

Nakakahiya! Ang tanga-tanga ko..

Hindi ko alam na umiiyak na pala ako dahil naramdaman ko na lang na nakayakap na si Rina sa akin at pinupunasan naman ni Candy ang luha ko.

" I'm sorry! Ang tanga-tanga ko.Naturingan akong matalino pero hindi ako nag-iisip.Puro damdamin ko lang ang inintindi ko at nakalimutan ko na nasasaktan din pala sya.Imbes na ayusin ko agad lumayo pa ako.God, nasaktan ko si Nhel ng husto.Ano pang mukha ang ihaharap ko sa kanya nyan? " umiiyak na sabi ko.

" Laine kaya nangyari yan sa inyo para siguro mas maging matatag pa kayo.Walang ibang gusto si Nhel ngayong birthday nya kung hindi ang makita ka.Ayaw nga nya mag-celebrate kahit pa debut nya.Ayusin nyo yan at gawin nyong aral yang nangyari para hindi na maulit pa.

Sumama ka na sa amin para maging masaya naman sya sa birthday nya.He's been through a lot.And I think it's about time to make up for the lost times." pangaral ni Rina.

" Friend, nahihiya ako sa kanya.For eight months of not being with him is really hard as hell.Wala akong ginawa kung hindi isipin yung sakit na dinulot sa akin nung nangyari at  hindi ko man lang kinonsidera yung damdamin nya sa ginawa kong pag-iwan sa kanya.May hindi pa ko ready na nalalaman gayung gustong-gusto ko naman na syang makita.Ang arte-arte ko.Ang tanga-tanga ko.Binulag ako ng maling akala.I think, I don't deserve his love anymore." patuloy ko sa pagitan ng pagluha.

" Laine, stop it.You deserve each other.At walang ibang minahal si Nhel kundi ikaw lang.Mag-usap kayo, ayusin nyo yan, sayang ang relasyon na binuo nyo simula pa pagkabata.Tahan na! I'm sure pag nakita ka ni Nhel lalong mai-inlove sayo yun, mas lalo kang gumanda ngayon.Nakakaganda ang college life noh?" pag-alo pa ni Rina.

Napangiti na ako sa sinabi nya.In fairness, napansin ko nga na mas maganda ako ngayon.

Mahuhumaling ka Nhel...Haha.charot!

" O siya, gayak na at kailangang umuwi na tayo ng Sto.Cristo para tumulong sa pag-aasikaso nung party ni Nhel..Bukas pa ang uwi non kaya pwede ka ng sumama umuwi ngayon." putol ni Candy.

Inayos ko na ang sarili ko at naghanda na para sumama sa kanila pag-uwi.Dinala ko na rin lahat ng mga binili ko para kay Nhel na itinago ko lang.

_____________

" Baby, at last you're home! We missed you anak." natutuwang salubong ni daddy sa akin.

" Haha.si dad talaga, last week lang po ako nandito ah." natatawang sabi ko kay dad.

" Missed ka naman talaga namin ah.Why are you here,anyway?Tapos na ba ang drama mo?Are you done hiding from Nhel?" tanong ni dad na parang nang-aasar.

" Ayaw nyo na ba ako dito dad? nagtatampong tanong ko.

" No baby, hindi ganon.Gusto ko na ngang umuwi ka na dito during weekends at gusto ko na rin na ayusin nyo ni Nhel yang relasyon nyo.Pareho lang kayong nasasaktan." sabi ni dad.

I heaved a heavy sigh.." Yeah, dad that's why I'm here.It's his birthday tomorrow and we're planning to surprise him with a party.And maybe dad it's about time to fix what is broken between us.Hindi ko na rin po kaya na wala si Nhel sa buhay ko."   sagot ko kay dad.

" Sige anak, nandito lang kami na mga magulang nyo.Kami ang higit na matutuwa pag nagkaayos kayo.Anyway, naghanda rin kami nila tito Phil mo para kay Nhel,debut nya na kaya kailangan bongga.Buti pa magpahinga ka na muna magpapahanda ako ng meryenda kay tita Baby." sabi ni dad at naglakad na papuntang kusina.

Kinagabihan, hindi na naman ako agad dalawin ng antok.Yakap ko ang picture ni Nhel at nag-iisip ng mga sasabihin ko sa kanya bukas.Umaasa ako na maaayos namin agad ang gusot sa pagitan namin.

Tumayo ako at binalik na ang picture nya sa bedside table ko.Binuksan ko ang drawer at inilabas ang gift ko sa kanya para ibalot.Magustuhan sana nya.

Nang matapos kong balutin ang gift ko sa kanya ay humiga na ako para matulog.

Syempre nag-pray muna ako.I hope everything will be alright tomorrow.

So help me God.