Nhel's Point of View
MAGANDA ang gising ko ngayong araw.Syempre okey na ulit kami ni Laine at nasabi ko na sa kanya yung totoong feelings ko for her.
Uumpisahan ko na ang panliligaw ko sa kanya.Pero gusto ko munang kausapin si tito Franz tungkol dito.
Kinakabahan ako.
Kahit naman close kami ni tito Franz, ibang usapan na to.Mahigpit sya pagdating sa mga anak nyang babae,lalo na kay Laine kasi bata pa ito.Bahala na, ang importante maging honest ako kay tito at gusto kong malaman nya na seryoso ako sa anak nya.
Naligo na ako at nagbihis.Pagkatapos inayos ko na yung mga gatas na ihahatid ko kay tito Franz.Ako na ulit ang magdadala ng gatas simula ngayon, tsaka may ibibigay ako kay Laine na ginawa ko 3 months ago pa.Sana magustuhan nya.
Sakay ng bike ko, dumiretso na ako kila Laine.Nag doorbell ako at si tita Baby ang nagbukas.
" Good morning tita Baby! Gising na po ba si tito Franz?" bati ko.
" Morning din Nhel.Nasa dining room na sila kumakain." sagot nya at pumunta na kami sa dining.
" Good morning po sa inyo.Tito heto na po yung gatas nyo!" bungad ko sa kanila..wala yata si Laine ah.
" Ay salamat anak buti naihabol mo at malapit na kaming matapos." si tita Paz.
" Pasensya na po kasi hinintay ko pa po yung nagdadala nyang gatas." hinging paumanhin ko.
" Okey lang yun hijo. Umabot pa naman tsaka si Laine na ang iinom nung iba paggising nya"..si tito Franz.
So tulog pa pala ang mahal na prinsesa ko.
" Halika saluhan mo kami, na missed kana naming kasabay..tita Baby bigyan mo nga ng plato si Nhel." si tito Franz uli.
Kumain na rin ako.
Pagkatapos naming kumain pinagayak na ni tita Paz yung tatlong bata.
" Eh tito may sasabihin po sana ako sa inyo." naku po kinakabahan yata ako.
" Ano yon, importante ba? Pwedeng pagbalik na lang namin bukas kasi baka hindi ako maka- concentrate sa sasabihin mo nagmamadali kasi kami." sabi ni tito.
" Ah okey lang po tito kahit sa ibang araw na lang.Saan po lakad nyo? sabi ko.
" Susunduin namin yung kapatid ko sa airport tapos tutuloy kami ng Baguio.Hanggang bukas kami dun."
" Ah eh sige po sa ibang araw na lang siguro.Uwi na po ako." sabi ko.
" Pasensya kana anak, pero kung wala kang gagawin ngayon, samahan mo muna si Laine dito habang wala kami.Sila lang ni tita Baby dito.Ayaw nyang sumama kasi pagod daw sya.Maglalagay na lang daw ng Christmas decor dito sa bahay.Tulungan mo na lang." sabi ni tito Franz.
" Okey po tito, mamaya na lang po ako uuwi pag nagising na si Laine."
" Buti pa gisingin mo na, aalis na kami.
Tinulak ko na yung wheelchair ni tito papunta sa room nila at dumiretso na ako sa room ni Laine.
" Salamat anak.Salamat din dahil bati na ulit kayo ni Laine."
Ngumiti lang ako at lumakad na.
Pagdating ko sa harap ng pinto ni Laine kumatok ako, baka gising na sya.Pero walang sumasagot kaya pinihit ko yung door knob at bumukas naman.
Nakahiga pa sya sa kama nya pero nakatalikod kaya hindi ko alam kung gising na.Nakayakap sya sa mahabang unan at nakadantay pati yung paa nya kaya nakita ko yung legs nya dahil cotton shorts yung pantulog nya.
Napalunok ako kasi ang puti ng legs nya at ang balbon, flawless.
Naku Nielsen pumikit ka!
Nung tignan ko sya sa kabilang side tulog pa sya kaya dali- dali kong kinuha yung kumot na nasa paanan na nya at kinumutan sya.Umupo ako dun sa chair ng vanity table nya at pinagsawa ko ang mata ko sa pagmamasid sa kanya.Ang ganda nya talaga, hindi nakakasawang tignan.
Nang bigla syang magising.Medyo nag-inat pa muna sya at hindi nya pansin na naroon ako. Nanlaki ang mga mata nya ng makita nya ako.
" Hi,Laine! Good morning!" bati ko na nakangiti.Ang cute nya pala pag bagong gising.
" Morning! Why are you here?"in her husky voice.
" Pinapagising kana ni tito, aalis na daw sila."
" What I mean is, bakit nandito ka sa bahay ang aga pa ah."
" Gusto kitang makita!" maluwang ang ngiti na sagot ko.
" Tigilan mo ko Nielsen, kagigising ko lang!"
" Pikon kana naman Alyanna.Isa yun sa dahilan.Nagdala rin ako ng gatas tsaka may ibibigay ako sayo."
" Ano naman yon aber?"
" Nasa labas, mamaya na.Maghilamos kana muna."
" Okey!" at dumiretso na sya sa CR ng kuwarto nya.
Hinintay ko lang sya habang nakaupo na ako dun sa sofa sa kuwarto nya.Napansin ko yung bedside table nya.Nandun na uli yung picture naming dalawa.Napangiti ako, ibinalik na pala nya kasabay ng pagtanggap nya sa akin pabalik sa buhay nya.
" Ganda ng ngiti mo ah!"
Nagulat ako nung magsalita sya.nakabihis na sya ng floral dress na spaghetti strap.Ang ganda talaga!
" Wala lang, masaya lang kasi okey na uli tayo." sagot ko.
" Hmm.Ako rin naman.Masaya pala yung paggising mo eh mukha ni keroppi ang makikita mo.hahaha."
tuwang sabi nya.
" Keroppi?" naguguluhang tanong ko.
" Ah di mo kilala si keroppi?Never mind! Tara na sa labas.hahaha" natatawang sabi nya.
" Alyanna Maine! Sinumpong na naman yang kapilyahan mo?Sino yun? Hahalikan kita pag di mo sinabi kung sino yun!" pananakot ko.
" Hahaha.wala namang ganun Nielsen hindi pa ako ready.Pero sige sasabihin ko na baka nga totohanin mo yang banta mo eh."
" Si keroppi yung palaka dun sa Sanrio.hahaha" sagot nya.
" Aha! Palaka pala ha? Huwag kang makalapit- lapit sa akin lagot ka ngayon." banta ko.
" Oy,teka lang, taym pers hehehe".
nang-aasar pa sya.
Hinabol ko sya kaya lang malapit na sya sa pinto kaya nakalabas na sya.Ang daya talaga.Pilya!
" Hoy! Ano nangyari dyan sa inyo?"
narinig namin si tito.
" Eh dad si Nhel kasi inaaway na naman ako!" sabi nya.
" Anong ako, ikaw nga dyan tinawag mo ako ng palaka!" sabi ko.
" Hay naku! Tumigil na kayong dalawa dyan.Aalis na kami, bahala na muna kayo dyan.Huwag nyo kunsumihin si tita Baby ha? bilin ni tita Paz.
" Opo mom.Pasalubong namin ha? Strawberries." si Laine.
" Okey! Nhel samahan mo na muna sila dyan anak.Paalam ka muna kay kumare para hindi ka hanapin." si tita Paz uli.
" Sige po.Ingat po kayo." sabi ko.
" Sige salamat anak."
Umalis na sila at hinatid na namin sa may gate.
" O kayong dalawa wag na kayong mag-aaway ha? Maglagay na kayo ng Christmas decor, nilabas ko na lahat dun sa bodega." sabi ni tita Baby.
" Sige po tita kami na bahala, magbe- breakfast lang ako." sagot ni Laine.
At pumunta na si tita Baby sa room nya at kami naman ni Laine ay dumiretso na ng kusina na magkahawak- kamay pa.