ANG nakikita ng lahat na higanteng dragon sa kanilang harapan ang totoong anyo ng prinsipe ng dilim. Nanlalaki ang mata ng bawat isa habang nakatulala kay Night dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay pinakita nito ang 'true form.'
Kasalukuyang bitbit ni Cael si Lexine nang mapatigil sila matapos masilayan ang higanteng dragon na halos sumasakop sa kabuuan ng malaking bulwagan. Hindi makapaniwala si Lexine sa nakikita ng mga mata. Pakiramdam niya nanaginip lang siya.
"Night…"
Humalahak nang malakas si Lucifer, "Are you challenging me now, my dearest son?"
Tumaas ang sulok ng bibig ni Night, "I think it's about time to replace you as the King of the Underworld."
Imbis na magalit ay nakaramdam ng matinding excitement si Lucifer.
"Challenge accepted."
Tinusok ni Lucifer ang espada sa lupa saka lumuhod at yumuko. Ngayon hawak na niya ang kanyang espada nagbalik na rin ang isang bagay na pinutol sa kanya noon ng Ama.
Nagsimulang umubok ang dalawang itim na bagay sa kanyang likuran. Napahiyaw at napa-ungol nang malakas si Lucas. Hanggang sa tuluyan itong lumaki at bumuka ang itim na pakpak.
Tumayo si Lucifer at tumawa. Sa likuran niya pumapagaspas ang malaki at nakakatakot na pakpak.
"Up in the sky, shall we?" ngumisi si Lucifer at mabilis na lumipad pataas.
Agad sumunod si Night. Umilaw ang buo niyang katawan at tuluyang nakipagkaisa sa dragon. Lumipat siya pataas at gamit ang malaking ulo, nasira ang bato-batong kisame at sabay silang lumipad ni Lucas pataas sa mga ulap.
Patuloy ang pagkulog at pag-kidlat sa madilim na kalangitan. Lumipad sila pareho sentro ng higanteng ulap na umiikot sa kalangitan. Maliksing sumugod si Lucifer hawak ang kanyang espada patungo kay Night. Subalit binuka ng dragon ang malaking bibig at nagbuga ng asul na apoy. Agad pinakilos ni Lucifer ang mga pakpak at lumipad pataas, nakaiwas ito.
Humiyaw ng ubod ng lakas ang dragon, "RAAAAWWWWRRRRR!!!!"
Sinundan nito si Lucifer na lumipad pataas sa makakapal na ulap at pumasok sa sentro nito. Nakipagpatintero silang dalawa sa mga kidlat at kulog sa paligid. Muling sumugod si Lucifer at mabilis na umikot-ikot, nakarating ito sa ibabaw ng dragon at gamit ang talim ng espada ay nahiwa nito ng mahaba ang likurang bahagi ng dragon.
Napahiyaw ang dragon kasabay ng malakas na kulot at kidlat.
"RAAAAAAWWWWRRRR!!!!"
Nagpatuloy ang mag-ama sa matinding labanan.
Samantala nakalabas na ng kastilyo ang lahat. Nababahalang nakatingala si Lexine habang pinapanood ang nangyayari sa kalangitan. Kailangan niyang tulungan si Night.
Lumapit siya kay Elijah at hiningi ang athame. Inabot naman ito ng bampira.
"What are you planning to do Lexine? You're still wounded."
"Hindi ko hahayaang magwagi si Lucifer," matatag niyang sagot.
"Cael, kailangan ko ang tulong mo," agad siyang lumapit sa anghel na tagabantantay, "I need your wings."
Muling nagbuga ng apoy ang dragon ngunit nakaiwas pa rin si Lucifer. Sumugod ang malaking ulo nito sa direksyon ni Lucifer at sinalubong naman ito ng huli. Nang malapit nang mag-pang abot ang dalawa, tumagilid si Lucifer at gamit ang espada, muli siyang nakahiwa sa gilid ng ulo ang dragon. Isang mahabang sugat muli ang binigay niya na mas lalo nitong kinahiyaw.
"RAAAAAAAWWWWWRRR!"
Nakita ni Daniel ang paglipad ni Cael bitbit si Lexine. Natatalo na ang Tagasundo sa hari ng kadiliman. Hindi maari na wala silang gagawin. Tinawag niya ang mga kapatid na Arkanghel.
"Kailangan natin tulungan ang Nephilim at ang Tagsundo!"
Sabay-sabay na lumipad pataas sa langit ang anim na Arkanghel.
Muling sumugod si Lucifer at nasugatan muli ang dragon sa ulo.
"HAHAHAHA! Is that all you got, huh? What a waste!"
Lalong nagwala si Night at humiyaw.
"RAAAAAWWWWWWRRRR!!!:
"Anak!" sigaw ni Daniel, humabol sila sa dalawa.
"Mga pinuno," nagulat si Cael na makita ang anim na Arkanghel.
"Kasama niyo kami sa labang ito," sagot ni Gabriel.
Napangiti si Lexine at nagpasalamat. Sabay-sabay silang lumipad patungo sa hari ng kadiliman.
"Lucifer!" sigaw ni Daniel.
Lumingon si Lucifer. Natigilan ito nang makitang napaliligiran na siya ng mga Arkanghel.
"Tama na ang kasamaan mo," tinaas at tinutok ni Daniel ang espada sa direksyon ni Lucifer. Kasabay niyon ang lima pang espada mula sa limang Arkanghel.
Nakasisilaw na liwanag ang lumabas mula sa kani-kanilang mga espada na nagsanib-sanib pwersa at diretsong tumama sa direksyon ni Lucifer. Pero mabilis na tinutok ni Lucifer ang espada at nagpakalawa ng itim na kapangyarihan at sinanga ang puting liwanag mula sa anim na Arkanghel.
Anim na kapangyarihan laban sa isa. Nakipagtagisan ng lakas ang liwanag at itim.
"AHHHHHHHHHHHH!" humiyaw si Lucifer nang buong lakas habang nanginginig ang dalawang braso na nakahawak sa espada.
"I'm going to kill all of you!!!"
Mas lumakas ang kapangyarihan na lumalabas sa espada ni Lucifer, unti-unting naka-sulong ang itim laban sa puting liwanag ng anim na Arkanghel.
Patuloy silang nakipagtagisan ng lakas.
"Alexine! Ngayon na!" sigaw ni Daniel.
Sabay na tumungo si Lexine at Cael, mabilis na lumipad si Cael bitbit si Lexine. Mas dinoble ng anim na Arkanghel ang kanilang pagtutulungan. Sabay-sabay na lumakas ang puting liwanag, umabante ito at umusog naman paatras ang itim na kapangyarihan ni Lucas. Halos limang metro na lang ang distansya at malapit na itong matalo.
Lumipad si Cael sa ibabaw ni Lucifer. Lakas loob na tumalon si Lexine.
"AHHHHHHHHHH!"
Lumanding siya sa ibabaw ng likuran ng pakpak ni Lucifer, kinawit ang isang braso sa leeg nito at diretsong sinaksak ang dibdib gamit ang athame. Napahiyaw si Lucifer sa labis na sakit sabay nahinto sa pakikipagtagisan ng kapangyarihan.
"Go back in hell where you belong, asshole," buong lakas na diniin ni Lexine ang talim ng athame sa dibdib ni Lucifer.
Lumabas ang dugo sa bibig nito habang nanlalaki ang mga mata. Hindi ito makapaniwala na tuluyan siyang nagapi ng isang Nephilim.
Nabitawan ni Lucifer ang espada na diretsong nahulog. Agad naman lumapit si Cael upang kunin sa balikat si Lexine. Humarap si Lucifer sa kanya, mababasa sa mukha nito ang pagkabigo at sa kauna-unahang pagkakataon ay sumalamin ang takot at kabiguan sa kulay tsokolateng mga mata ng hari ng kadiliman.
Ang mukha ng Nephilim ang huling nasilayan ng ipinatapong Akanghel bago ito nahulog. Tila bumalik sa alaala ni Lucifer ang unang beses na pinatapon siya sa langit. Wala siyang ibang nakikita kundi mga ulap sa kanyang itaas habang mabilis na bumababa.
Sa pangalawang pagkakataon, siya ay muling nahulog mula sa kalangitan, sa pagkakataong ito, hindi na siya makakabangon pa.