Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 331 - A hero to remember

Chapter 331 - A hero to remember

NILINGON ni Lexine si Miyu, Elijah, Olive at Orgon. Bago pa man sila dumating sa kastilyo ay nakabuo na sila ng plano. Alam nilang kailangan nilang isuko ang espada kay Lucas, wala silang ibang pagpipilian. Napakaliit lang ng porsyento na maari silang manalo gamit ang natitira nilang alas: ang athame.

Ito lang ang tanging armas na may kakayahang makapatay ng kahit anong immortal na nilalang. Handa silang sumugal ngayon gabi, kahit pa tila tuldok lang ang pag-asa nila na manalo. It's now or never.

"Ibibigay ko na, please, pakawalan mo lang ang mag-ama ko," aniya sa nakikiusap na boses.

"Le… xine… wag…"

Pero iling lang ang sinagot ni Lexine kay Night. Naglakad palapit si Miyu at tumayo sa tabi niya. Masama ang tingin nito kay Lucas bago humarap sa kanya.

Sabay na humugot ng malalim na hangin ang dalawang babae habang nag-uusap sila sa mata. Tumungo si Miyu at nilahad ang dalawang kamay, gamit ang mahika ay pinalabas niya ang tinatagong espada.

Nanlaki ng husto ang tsokolateng mga mata ni Lucas sa labis na pananabik.

Muling nagpalitan ng makahulugang tingin si Miyu at Lexine. Sa hudyat ng huli, dahan-dahang pinalapit ni Miyu ang lumulutang na espada sa harapan ni Lucas.

Buong sigla na tumayo ito mula sa trono na may kumikinang na mga mata. Wala itong ibang nakikita ng mga sandaling iyon maliban sa pinaka-inaasam na espada na kay tagal na panahon nitong hinanap.

"At last…" he breathed deeply, devouring the addictiong scent of his mighty blade that he has yearned for so many years.

Nanginginig ang mga kamay niya maging buong kalamnan sa bawat parte ng katawan habang unti-unting inaabot ang hawakan ng espada.

All the years of waiting are now over. He can rule the entire world universe with this enormous sword. It was the most critical missing piece of his body. He felt imcomplete without it. But now, fate had ultimately crossed his hands.

Isang pulgada na lang ang distansya upang mahawakan ni Lucas ang espada nang biglang dumagundong ang napakalakas na pagsabog. Sa lakas nito nanginig ang buong paligid at tumapon ang maliliit na debris mula sa kisame. Maririnig ang malakas na hiyawan sa labas.

Isang Lethium Demon ang mabilis na lumapit, "Panginoon, sinusugod tayo ng mga Anghel, napakarami nila!"

"What!?!"

Sinamantala ni Lexine at Miyu ang pagkakataon. Agad nagtapon ng kapangyarihan si Miyu dahilan upang sumabog ang harapan ng trono. Kasabay nun ang pagtalon ni Olive at Orgon sa kanilang werewolf form upang sugurin si Lucas.

Mabilis na tumakbo si Lexine sa harapan at inagaw ang espada. Naputol ang kapangyarihan na kumo-kontrol kay Night kung kaya't natumba ito sa sahig. Sakto naman ang paglapit ni Elijah upang buhatin ang kaibigan at itakas ito palayo. Tumakas si Winter bitbit si Ayesha. Agad naman itong hinabol ni Miyu.

Napaibabawan ni Orgon si Lucas habang nilapa naman ni Olive ang Lethium Demon sa tabi. Nagbukas-sara ang malaking bibig ng itim na lobo upang kagatin si Lucas pero isang humpas lang ng kamay nito at may malakas na pwersa ang tumulak kay Orgon palayo. Tumama ang katawan nito sa pader at nag-crack iyon sa lakas ng impact saka natabunan ng mga bato.

Nangigigil na tumayo si Lucas at ang kampante niyang mukha ay tuluyang nasira nang makita na nawawala na ang kanyang espada.

"NEPHILIM!!!!!"

Malakas na dumagundong at nag-echo ang sigaw niya na maririnig hanggang sa labas ng kastilyo. Natakot ang mga ibon sa kagubatan sa paligid at lumipad sa himpawid.

Biglang lumindol at yumanig ang buong kaharian kasabay niyon ang pag-guhit ng nakangingilabot na kidlat sa madilim na langit. Pansamantalang natigil ang matinding labanan ng mga anghel at demonyo sa paligid ng kastilyo. Nanginig ang lahat sa lakas ng alulong ng hari ng kadiliman na nagpatayo sa kanilang mga balahibo. Maging si Daniel, Gabriel at Cael na kasalukuyang tumatakbo patungo sa bulwagan ay napatigil dahil sa malakas na lindol.

"Up here!"

Tumingala si Lucas at nakita si Lexine na nakatayo sa ibabaw ng batong railings sa ikalawang palapag.

Nakangisi ito na tila pilyang batang nakikipaglaro, "Come and get it, asshole."

Nagdilim ng husto ni Lucad at ramdam iyon ng lahat ng nasa paligid niya. Ang pinaka-ayaw ni Lucas sa lahat ay pinapaikot siya na parang turumpo, dahil siya dapat ang nagmamanipula at hindi ang kabaligtaran.

Bumalot ang napaka-itim na aura sa kabuuan ng hari ng kadiliman. Umangat ang mga paa niya sa lupa habang lumalabas mula sa kanyang katawan ang nakakatakot na itim na kuryente. Binalot ng itim na ugat ang leeg at mukha niya habang umitim ang mga mata. Sabay-sabay na nabasag ang mga salamin sa paligid.

"You bitch!"

Mabilis na lumipad si Lucas patungo kay Lexine at agad siyang tumakbo. Pero higit itong maliksi at tuluyang nahablot ang buhok niya. Napatingala si Lexine sa lakas ng pwersa nito halos mapunit ang kanyang anit.

Nangigigil na dinikit ni Lucas ang labi sa tenga niya, "You even dare to make a fool of me, huh, Nephilim."

Nagkiskis ang ngipin ni Lexine at gamit ang espada nito ay sinugatan niya ang braso ni Lucas na nakahawak sa buhok niya. Nabitawan siya nito at maliksi siyang pumihit paharap sabay humpas ng espada. Pero agad sinanga ni Lucas ang atake niya gamit ang isang palad, di alintana ang malalim at nagdudugong hiwa na gawa ng patalim.

Sinakal siya nito sa leeg habang nanlilisik ang itim nitong mata na tumatagos hanggang sa buto niya.

"You're nothing compare to my power. You're just a weakling dirty little bitch who seduced my son and now you dare to fight against me," mas humigpit ang kapit nito.

Hinawakan ng dalawang kamay ni Lexine ang braso ni Lucas pero para itong bato sa tigas at 'di siya makawala.

"I'll give you what you asked for," nagsimulang lumabas ang itim na usok sa bibig ni Lucas na tumusok sa ilong at bibig niya.

Nangisay sa labis na sakit si Lexine, tumirik ang mata niya at hindi siya makahinga. Tila milyon-milyong mga karayom ang tumutusok sa kanyang mga laman.

Sumabog ang pader sa gilid ni Lucas dahilan upang mabitawan siya nito.

"Let go of her!"

Lumingon sa likod si Lucas at nakita si Miguel na nakatutok ang baril sa kanya. Hindi na ito nag-aksaya pa ng oras at mabilis na nagpaulan ng bala.

Pero sinalo lang ni Lucas ang lahat ng putok habang dahan-dahan itong naglalakad palapit sa kanya na parang isang matigas na bato at hindi alintana ang mga balang tumatama at lumulusot sa katawan nito.

Sa isang iglap ay nakatayo na si Lucas sa harapan ni Miguel. Ngumisi ang demonyo, "Such a fine hero Captain Miguel. Well then, I'll make your dreams come true."

Nilusot ni Lucas ang kamay sa dibdib ni Miguel. Nanlaki ang dalawang mata niya sa gulat. Dinukot nito ang puso niya at pinakita sa kanyang harapan, tumitibok-tibok pa ito at nababalot ng dugo.

"Miguel!!! Hindeeeeeee!!!" sigaw ni Lexine na nanghihina at nakaupo sa sahig.

Tila gripo ang dugo na umaagos sa butas ng dibdib ni Miguel bago ito natumba at napaluhod. Natulala si Miguel habang nakatingin sa mukha ni Lexine na namumutla at nanlalaki ang mga mata.

Bumagal ang buong mundo ni Miguel. Wala siyang ibang naririnig na para bang tumahimik ang paligid. Pinagmasdan niya ang pag-iyak at sigaw ni Lexine habang pilit itong gumagapang palapit sa kanya, nakataas ang isang kamay nito na gusto siyang abutin.

Ito ang huling pamamaalam niya. Masaya siyang nakilala si Lexine, ang mahalin ito ang isang bagay na hindi niya kailanman pagsisisihan. Mabilis na bumalik sa alaala niya ang lahat ng bagay na pinagsamahan nilang dalawa. Maiksi man ito, iyon ang mga masasayang araw ng buhay niya at dadalhin niya ang lahat ng yun saan man siya mapunta.

Sa huling pagkakataon, malungkot na ngumiti si Miguel sa dalaga bago tuluyang nadapa sa sahig na dilat ang mata at wala ng buhay.

Tinapon ni Lucas ang puso ni Miguel sa sahig at tinapakan.

"Hayop ka!!!"