BUMAON ang nagliliwang na arrow sa likuran ni Lucas sabay umusok. Napa-igtad ito sa kirot na naramdaman. Dahan-dahan itong humarap kay Lexine. Nakatutok ang arrow head sa direksyon nito.
"Papatayin kita!!!"
Sunod-sunod siyang nagpakawala ng mga arrow na tumusok sa iba't ibang parte ng katawan nito, sa balikat, braso at tiyan. Umuusok ang lahat ng tinatamaan nitong parte sabay nalulukot ang mukha, pruweba na nasasaktan niya ito.
Sabay ang pag-aapoy at pagbagsak ng bagyong luha sa kanyang mga mata. Patuloy na naglakad si Lucas palapit sa kanya.
"Ahhhhhhhhhhh!"
Muli siyang nagpakawala ng dalawang arrow na bumaon sa dalawang tuhod nito dahilan upang mapaluhod ito sa sahig. Tadtad na ng mga arrow ang umuusok nitong katawan.
Tumayo si Lexine at dinampot ang espada saka dahan-dahang naglakad palapit. Hinawakan niya ang hawakan nito gamit ang dalawang kamay. Nakatingala sa kanya ang hari ng kadiliman pero walang takot na sumisilay sa mata nito.
Sasabog na ang dibdib ni Lexine sa labis na galit habang matalim na sinalubong ang tsokolateng mata sa kanyang harapan. Sa lahat ng inosenteng buhay na nawala dahil sa kagagawan nito. Mula kay Kristine, Alejandro at Miguel. Ipaghihiganti niya ang mga kaibigan at mahal sa buhay.
"Ahhhhhhhhhhh!"
Tinaas niya ang dalawang kamay at handa nang pugutan ito sa ulo nang lumusot ang isang patalim sa kanyang tiyan. Nahinto ang mga kamay ni Lexine at yumuko. Mabilis na kumalat ang dugo sa kanyang damit. Nabitawan niya ang espada, natumba at napahiga sa sahig.
Tumingala siya at nakita na nakatayo si Camille hawak ang patalim na may bahid ng kanyang dugo. Nakasuot ito ng itim na balabal at kulay silver ang buhok. Ang nakikita niya ngayon ay ang tunay na anyo ng babae bilang Lethium Demon.
"C-camille?" hindi siya makapaniwala na ang pinagkatiwalaang empleyado at tinurin niyang kapamilya ay isa palang traydor.
Bumalik sa alaala niya ang pag-uusap nilang magkakaibigan noong matapos silang mabigo na mahanap ang devils heart sa Haystock tower at sa posibilidad na may langaw sa loob ng Moonhunters.
Nasa harapan na niya ang langaw na iyon.
Ngumiti si Camille sa kanya, "Hello, Ms. Lexine."
Tumayo si Lucas sa tabi nito, "Magaling Snow, maasahan ka talaga. Pareho kayo ng kakambal mong si Winter."
"K-kambal?" di makapaniwalang bulong ni Lexine.
Isang 'fraternal twins' si Winter at Snow kung kaya't hindi sila magkamukha. Ito ang naging espiya ni Lucas at lihim na nagre-report ng bawat galaw ng buong grupo sa loob ng Moonhunters. Sa loob ng isang taon ay sinubukan ni Snow na mahanap o makakuha ng clue kung saan mahahanap ang espada ngunit nabigo ito.
Ito rin ang nagsabi at nagbigay ng suwestiyun kay Lucas na gamitin si Miguel dahil alam nitong may pagtingin ang huli kay Lexine. Sa katunayan ay palihim itong nakikipagkita kay Miguel noon upang lasunin ang utak ng binata at sinusulsulan itong agawin si Lexine kay Night. Ito rin ang dumukot kay Ayesha.
Dinampot ni Snow ang espada sa sahig at inabot sa hari ng kadiliman. Tuluyang gumuho ang buong mundo ni Lexine nang makita na hawak na ito ni Lucas at wala man lang siyang nagawa kundi panuorin ito habang nanghihina at nauubusan na ng dugo.
Walang kapantay ang ngiti sa mga labi ni Lucas nang lumapad ang palad niya sa hawakan ng kanyang espada.
"Ahh, I've missed the feeling of this sword."
Agad niyang naramdaman ang malakas na kapangyarihan na matagal niyang inasam-asam. Sa wakas at babalik na ang kanyang natatanging lakas bilang Arkanghel. Ang espadang ito ang kukumpleto sa kanyang natatanging kapangyarihan bilang tagapangalaga ng kalikasan.
"AHAHAHAHAHAHA! AHAHAHAHAHAHA!"
Pumainlanglang ang malakas na halakhak ni Lucas sa buong kastilyo kasabay niyon ang sunod-sunod na pagdagundong ng kulog at kidlat sa kalangitan.
Bumukas ang pintuan ng bulwagan at sabay-sabay na nakarating si Daniel, Gabriel at Cael ngunit huli na ang lahat dahil hawak na ni Lucas ang espada. Nanigas sa kinatatayuan ang tatlo dahil sa mga nasasaksihan ng kanilang mata.
Ang pakikipaglaban ni Elijah, Orgon at Olive sa mga demons ay napahinto nang makita ang nangyari. Nanlalaki sa takot ang mga mata nila.
Samantala, sa isang sulok kung saan iniwan ni Elijah ang nanghihina na si Night. Tumingala siya at natanaw ang malakas na paghalakhak ni Lucas sa second floor.
"No…"
Tinaas ni Lucas ang hawak na espada. Gumapang ang napakalakas na enerhiya na nagmumula dito patungo sa braso at buong katawan niya. Isang napaka-itim at nakakatakot na aura ang pumapaikot sa mahabang patalim nito, kasabay ang itim na mga kuryente na dumoble sa laki at lakas.
Ramdam na ramdan ng hari ng kadiliman ang pagbabago sa kanyang katawan. Bumalot sa buong katauhan niya ang inaasam na lakas at kapangyarihan na walang kapantay sa buong kalawakan.
Muling gumuhit ang nakakatakot na kidlat sa kalangitan at diretsong pumasok sa loob ng bintana. Tumama ito sa dulo ng espada.
Nasilaw ang lahat sa liwanag na dulot ng kidlat. Nahinto ang nagaganap na digmaan ng anghel at mga demonyo, ramdam nilang lahat ang napakalakas na kapangyarihan na yayanig sa buong mundo.
Ang mga Arkanghel na si Michael, Zachael, Uriel at Raphael na kasalukuyang nakikipaglaban ay nahinto rin at nababahalang nagpalitan ng tingin. Alam na agad nila kung ano ang nangyayari. Sumasalamin sa mga mata nila ang labis na takot.
Tuluyang pumasok sa loob ng katawan ni Lucas ang liwanag. Umilaw ang mata niya habang umuusok ang espada.
Natulala sila Daniel, Gabriel at Cael dahil nangyari na ang pinakakinatatakutan nilang lahat. Muling nagbalik ang ipinatapong Arkanghel.
Lumipad si Lucas pababa ng ground floor upang harapin ang mga dating kapatid. Sakto naman ang sabay-sabay na pagdating ng apat pang Arkanghel sa bulwagan. Nagmadali silang sumunod matapos maramdaman ang pagbabalik ng presensya ng dating Arkanghel.
"Lucifer," bulong ni Daniel.
Malakas na humalakhak si Lucifer sa harapan ng mga dating kapatid, "Ikinagagalak kong muli kayong makita mga minamahal kong Arkanghel. What a lovely reunion isn't it?"
Walang makasagot sa anim. Alam nilang lahat kung gaano ito kabaliw sa at kasakim sa kapangyarihan na naging dahilan ng pagkahulog ng napakaraming anghel sa Paraiso ng Eden.
"Just like the good old days in the ancient shitty paradise, ahh, how long has it been? Hundred… thousand of years? It only seems like yesterday to me."
"Itigil mo na ang kahibangan mo Lucifer, kahit kailan hindi mo mahihigitan ang Ama," matatag na saad ni Daniel.
Tumawa nang malakas si Lucifer, "My, my, my brother Daniel. The great lover of the history."
Nagkuyom ang mga palad nito sa pagpipigil.
"You know what Daniel, I'd like to send my indebtedness to you. Because of your foolishness in love, a fucking prophecy was fullfiled and voila! The new Nephilim was born. Then once upon a time, your daughter and my son fell deeply shit in love, and they would do everything to keep each other in their lovey-dovey arms. Ahh, such a perfect and romantic love story. It was so spectacular it almost made me shed a tear," tumawa ito na tila nababaliw.
"Isn't it pitiful how you stupid weaklings got crazy because of your emotions? Haaaay, an insane thing called love."
Nanatiling walang imik ang anim na Arkanghel at nagpatuloy sa paglilitanya si Lucifer. Tinaas niya ang espada, dinikit ang talim nito sa kanyang mukha at hinaplos-haplos na para bang mukha ng isang babae. Saka ito muling tumawa
"This is my one great love," pinagmamasdan niya ang espada na para bang ito ang pinakamagandang nilalang na nakita ng mga mata niya.
Muli siyang humarap sa mga Arkanghel, "Why don't we all behold how marvelous my love is?"
Nabahala ang anim sa biglang pagkislap ng mata ni Lucifer. Inangat nito ang espada at sinimulang tawagin ang malakas na kapangyarihan ng kalikasan. Bilang siya ang dating pinuno ng hukbo ng mga Anghel na Tagapangalaga ng kalikasan ay may kakayahan siyang kontrolin ito.
Binalot ng ubod ng lakas at walang katulad na kapangyarihan ang buong katawan ni Lucifer na nagmumula sa kanyang espada.