TINUTOK ng Cyborg ang baril sa direksyon ni Elijah at nagpaputok. Maliksing tumakbo si Elijah at sinundan agad siya ng mga bala nito. Mabilis na tumakbo si Miyu patungo sa likuran ng Cyborg. Tinaas niya ang dalawang kamay at nag-chant ng isang spell. Sabay na nagliwanag ang kanyang mata at kamay. Nagpalabas siya ng fire ball at magkasunod na tinapon sa direksyon nito.
Tinamaan ito sa parte kung saan nakakabit ang machine arm. Kumapit ang apoy at nasunog ang buong braso nito hanggang sa balikat. Galit na lumingon sa gawi niya ang Cyborg at tinutok sa kanya ang baril, hindi alintana ang apoy na bumabalot sa katawan nito.
"Miyu! Watch out!" sigaw ni Elijah sabay tumalon.
Alertong nagpalabas ng protection shield si Miyu kung kaya't hindi siya tuluyang tinamaan ng bala. Muling kumapit si Elijah sa ibabaw ng balikat ng Cyborg at binuka nang malaki ang bibig. Kinagat niya ang leeg nito at binaon ang matutulis na pangil sa balat, sumirit ang dugo nito.
Muling nagpakawala ng sunod-sunod na fire ball si Miyu. This time sa paa naman niya ito tinira. Nasaktan ang Cyborg dahilan upang mawalan ito ng balanse at mapaluhod.
Pinakawalan ng mga pangil ni Elijah at leeg nito na may malaki ng tapyas sabay dinura ang laman sa sahig. Patuloy na umagos ang dugo mula doon na tila gripo. Pero hindi pa rin namamatay ang Cyborg.
Kinawit niya ang isang braso sa leeg nito habang ang malayang kamay ang ginamit niya upang suntukin nang sunod-sunod ang mukha nito. Di niya alintana kahit mabali ang buto niya sa pagsuntok sa metal.
"Argh!!! Die, you son of a metal bitch!!!""
Nabasag ang salamin sa kaliwang mata ng metal mask nito habang nayupi ang kalahati. Muli sanang susuntukin ni Elijah ang mukha ng Cyborg nang biglang nahinto sa ere ang kamao niya.
Nanlalaki ang mata ng bampira matapos makilala kung sino ang taong nasa likod ng maskara.
"M-miguel?"
Nakita ni Lexine ang lahat nang nangyari at nagmadaling umalis mula sa pinagtataguang pilar upang mas makita ang mukha ng Cyborg.
"Miguel!" malakas niyang sigaw. Hindi siya makapaniwala, ano ang nangyari dito?
Pero wala ito sa sarili at mabilis na hinablot sa leeg si Elijah gamit ang machine na kamay. Umangat ang mga paa ni Elijah mula sa sahig at halos lumuwa ang dila nito.
"Miguel, please stop!" tumakbo palapit si Lexine.
"Lexine, no! Come back here!" pero walang nagawa si Night upang pigilan ang asawa.
Nanlilisik ang mata ni Miguel habang patuloy sa pang-gigigil sa leeg ni Elijah, sa mga sandaling iyon gusto na nitong baliin ang leeg ng bampira at ihiwalay ang ulo sa katawan nito.
Samantalang natigilan naman si Miyu dahil katulad ni Lexine, hindi niya din gustong saktan ang lalaki.
"Miguel please, makinig ka sa akin, ako 'to si Lexine!"
Lumingon si Miguel sa kanya. Lalong namuo ang luha sa mga mata ni Lexine nang makita ang itsura nito. Hindi niya alam kung anung klaseng eksperimento ang ginawa ni Lucas sa kaibigan niya. Binalot ng pagsisisi at takot ang kanyang dibdib. Inosente si Miguel pero katulad ng masaklap na kapalaran ng mga taong malalapit sa kanya ay nadamay na rin ito.
"Lexine, g-get a-away from him, h-he's d-dangerous!" nahihirapang turan ni Elijah.
Pero matigas ang ulo niya at di siya nakinig sa kaibigan. Dahan-dahan niyang hinakbang ang mga paa habang nakataas ang dalawang palad na tila inaamo ang isang mabagsik na lion.
"Please, Miguel, I know you can hear me, stop this, hindi kami kaaway."
Subalit mas lalo lang na humigpit ang kapit ng metal sa leeg ni Elijah dahilan upang umubo ito sa hirap at kawalan ng hangin. Nagkukulay-ube na ang mukha ng bampira.
Lalong nabahala si Lexine at nagpabalik-balik ang tingin sa dalawang binata. Muli niyang inalala ang lahat ng masasaya nilang pinagsamahan ni Miguel mula noong unang beses niya itong nakita sa Pink Ladies Nighclub. At kahit pa halos hindi na niya makilala ang itsura nito, hindi pa rin niya binibitiwan ang pag-asa na maililigtas niya ang kaibigan.
Tinignan niya si Miguel nang mabuti sa mga mata. Ang mga matang iyon na minsan nagpaalala sa kanya na muling ngumiti noong mga panahon na nakalimutan na niya kung paano.
"Captain Miguel Madrigo," mahinang tawag niya sa pangalan nito.
Ang walang buhay na mata ni Miguel ay unti-unting nagbago. Ilang sandali itong natulala habang hindi bumibitaw ng titig sa kanya.
"Le… xine?"
Napangiti si Lexine, "Ako nga, ako ito Miguel."
Doon lang tuluyang nagising si Miguel at muling tinignan si Elijah. Dahan-dahan niyang niluwagan ang kamay. Bumagsak si Elijah sa sahig na naghahabol ng hininga. Agad itong nilapitan ni Miyu.
"Wha… what happened?" bulong ni Miguel na kausap ang sarili. Hanggang sa mabilis na bumalik sa memory niya ang lahat.
Muli siyang pinuntahan ni Winter at dinala dito sa kastilyo. Pinutol ni Lucas ang kaliwang kamay niya bilang parusa sa pagkabigo niyang makuha ang espada. Saka nito isinagawa ang karumal-dumal na eksperimento sa katawan niya. Ngayon, ay tuluyan nang nasira ang buhay niya dahil sa maling desisyon na magpasakop sa hari ng kadiliman.
Pinagmasdan ni Miguel ang sarili. Ibang-iba na siya ngayon kumpara sa dati. Hindi na siya ang dating sundalong minsan nangarap na maging bayani ng bansa. Nanghihina siyang napaluhod at umiyak.
"I'm sorry Lexine, hindi dapat ako nakipagkasundo sa kanya, this is all my fault."'
Labis ang paninikip ng dibdib ni Lexine dahil sa nangyari sa kaibigan. Isa lang ito sa maraming naging biktima ni Lucas.
Pumailanlang ang malakas na palakpak sa kabuuan ng lugar. Napalingon ang lahat sa hari ng kadiliman.
"Explendid show, I was entertained."
"Itigil mo na ang lahat ng ito Lucas," nagbabaga pa sa apoy ang mga mata niya.
"Sige, tigilan na natin ang larong ito. Let's proceed to the main event of this celebration."
Inangat ni Lucas ang isang kamay. Isang malakas na pwersa ang mabilis na humila kay Night at tumilapon ito sa harapan.
"Night!"
Tinaas ni Lucas ang palad at umangat mula sa sahig si Night. Binalot ito ng kuryente at nangisay sa labis na sakit.
"Argghhhhhh!!!"
"Night!" tumakbo si Lexine palapit sa asawa.
"Give me what I want or I'll kill your beloved husband and daughter in front of you."
"Huwag, please, huwag!" tinaas niya ang dalawang kamay at halos lumuhod siya sa harapan nito habang panay ang pag-iling.
Umismid ang demonyo, "Come on, I hate waiting."
Panay ang pag-agos ng luha sa mata ni Lexine habang pinagmamasdan ang naghihirap na asawa sa kanyang harapan at sa anak nila na nasa bisig ni Winter. Gising na ito at panay ang pag-iyak. Mas doble ang pagkadurog ng puso niya na marinig ang iyak nito.
"H-huwag, L-lexine," bulong ni Night sa nahihirapang boses.