Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 324 - Saving the prince of darkness

Chapter 324 - Saving the prince of darkness

"EROS, DEVORAH, pinagkakatiwala ko sa inyo ang anak ko," taimtim na nakatingin si Lexine sa natutulog na si Ayesha sa bisig ni Devorah. Hinimas-himas niya ang maliit nitong mukha.

"Lexine, mag-iingat ka," ani Devorah.

Tumungo siya, "Salamat."

"Lexine, are you really sure about this?" nababahalang tanong ni Eros.

Hinarap niya ang lalaki at tinignan sa mata, "Hindi ko pababayaan ang asawa ko. Babawiin ko si Night at tatapusin ko na ang kasamaan ni Lucas."

Kasing tatag ng bato ang determinasyon sa kanyang boses at hinding-hindi na siya mapipigilan.

Ilang sandali pa at pumasok ang isang dalagang Babaylan sa silid, "Nandito na po ang inyong mga kaibigan."

Sabay-sabay silang lumabas ng templo. Sa tapat ng fountain natagpuan nilang nakatayo si Elijah, Miyu, Orgon at Olive. Nasa mukha ng bawat isa ang tapang ng loob para sa kahaharapin nilang pinakamalaking digmaan ng kanilang buhay.

Lumapit si Lexine sa mga kaibigan at unang hinarap si Miyu, "Dinala mo ba ang espada?"

Tumungo ito at hinumpas ang isang palad. Lumabas ang purple na kulay ng mahika at lumitaw ang espada sa kanilang harapan.

Nagdilim ang mata ni Lexine habang pinagmamasdan ito. Ngayon gabi sisiguraduhin niya na hindi siya aalis ng kastilyo ng hari ng kadiliman hangga't hindi niya ito napapatay.

"Ang athame?" tanong naman niya kay Elijah.

"Yup, I have it," pinakita nito ang nakasukbit na punyal sa likod ng bulsa ng pantalon nito.

Tumungo rin si Orgon at Olive sa kanya. Sa huling pagkakataon ay humarap si Lexine sa buong angkan ng mga Dela Fuentes. Lahat sila ay nakatayo sa harap ng templo. Sa gitna naroon si Apo Maan, katabi nito si Devorah at Eros.

"Mag-iingat ka natatanging Nephilim, asahan mong ipagdadasal namin ang inyong kaligtasan. Ang basbas ng buong angkan ng Dela Fuentes ang ay sasama sa inyo," mabagal na turan ng Punong Babaylan.

"Maraming salamat po Apo Maan."

Lumapit si Lexine sa anak at hinalikan ito ng matagal at madiin sa noo, "Ayesha, anak, pangako, babalik si mommy kasama ang daddy mo. Mabubuo muli ang pamilya natin."

Mabigat para sa kanya na iwanan ang anak pero mas mabigat sa kalooban niya na nasa peligro ang buhay ng pinakamamahal na asawa.

Nagbigay sila ng huling pamamaalam sa bawat isa bago binalot ng nakasisilaw na liwanag at tuluyang naglaho.

Tumingala ang Punong Babaylan sa langit, "Ama namin na siyang lumikha sa lahat, nawa'y inyo pong gabayan ang natatanging Nephilim. Isang busilak at tunay na pag-ibig ang kanilang magiging sandata laban sa hari ng kadiliman. Ang kabutihan ay mananaig laban sa kasamaan."

***

NAGTATAGO sa likod ng anino at mga halaman ang buong grupo habang pinagmamasdan ang labas ng malaking kastilyo. Mahigit isang oras na rin simula ng nakarating sila. Tahimik lang nilang pinag-a-aralan ang paligid na napalilibutan ng sandamakmak na demons.

"We need to find Night as silent as possible," bulong ni Lexine.

"I was able to gather the blueprints of this massive castle, nahahati ito sa dalawang wing with ten floors and two basements. Unfortunately, dalawa ang dungeon nila. Meron sa first wing at second wing. For sure isa sa dalawa naroon si Night," mahabang paliwanag ni Elijah.

Tumungo si Lexine, "Then we have to divide our group. Orgon and Olive, pumunta kayo sa first wing, kaming tatlo ang magtutungo sa second wing."

"Okay, got it," sagot ni Olive.

"Mag-iingat kayo," saad naman ni Orgon.

Nagpaalam na ang dalawa at naglaho sa anino. Nagtinginan naman ang tatlong magkakaibigan bago nagsenyasan at sa pamamagitan ng mahika ni Miyu madali silang nakapasok sa loob.

Sa isang malawak at madilim na bulwagan lumitaw ang tatlo. Dahil napag-aralan na ni Elijah ang blueprint kung kaya alam nila kung saan sila lulusot upang makarating sa basement ng second wing kung nasaan ang dungeon.

Maingat nilang naiwasan ang mga rumorondang demons sa paligid. Nagtago muna sila sa likuran ng batong poste. Naunang sumilip si Elijah at nakitang may dalawang demons na nakatayo sa tapat ng gate patungo sa dungeon.

"May bantay," bulong niya.

"Ako na ang bahala," maingat at mabilis na lumipat si Miyu sa kabilang poste na mas malapit sa unahan. Gamit ang hintuturo, umilaw ito at naglabas ng purple na usok. Tinuro niya ang dalawang bantay at lumipad ang mga usok at pumasok sa ilong ng dalawa saka ito mabilis na nawalan ng malay at bumagsak sa sahig.

Lumingon siya kay Elijah at Lexine nagtatago sa pader sabay kumindat.

"Galing talaga ng babe ko," nangingisi na lumapit si Elijah sa nobya at mabilis itong hinalikan sa lips.

Umikot ang mata ni Lexine sa dalawa, "Sa harapan ko pa talaga kayo naglandian. Let's go, we need to find Night as soon as possible."

Maingat niyang sinipat ang paligid at nang masigurong wala ng mga bantay ang naiwan ay agad siyang lumapit sa bakal na gate. Nakalock iyon. Pero gamit ang mahika ni Miyu ay mabilis nila itong nabuksan.

Maingat na tinulak niya ang gate at pumasok sa loob. Madilim ang batong hallway na tinahak nila. Kumuha si Elijah ng isang light torch na nakasabit sa gilid upang magsilbing liwanag. Sa dulo ng hallway may spiral na hagdanan na pababa sa basement. Binaybay nila ito.

Natumbok nila ang dulo at bumungad sa kanila ang madilim, mabaho at malamig na dungeon. Naunang naglakad si Elijah at nang sandaling tamaan ng liwanag mula sa apoy ng torch ang dingding ay biglang napatili si Miyu. Sa labis na takot ay napaupo ito sa sahig.

Agad lumapit si Lexine sa kaibigan, "Bakit Miyu?"

Nanginginig na tinuro nito ang nasa harapan. Lumapit si Elijah at tinapat ang torch. Nanlaki ang mga mata nila nang masilayan na ang buong dingding ay gawa sa iba't ibang mukha ng tao. Tila bato na patong-patong ang mga pugot na ulo, nakabuka ang kanilang bibig, dilat ang mata at inaagnas ang mga balat.

Napatakip ng ilong ang tatlo, kaya pala mabaho dahil sa amoy na dulot ng mga patay.

"Anong klaseng lugar ito?" bulong ni Lexine habang nalukot ang kanyang mukha.

Inalalayan ni Elijah na makatayo si Miyu, "Let's go, we're not safe to stay here."

Agad silang nagpatuloy sa paglalakad.

Meanwhile, kung tahimik ang naging pagpunta ng tatlo kabaligtaran naman kela Orgon at Olive. Hindi sinasadyang natabig ni Olive ang isang nakasabit na lampara sa gilid na nagsanhi ng ingay.

Nakita sila ng mga bantay na demons at agad sinugod.

"Shit!" napaatras si Olive.

"Ako na ang bahala sa kanila, hanapin mo ang Tagasundo!"

Agad tumalon si Orgon at kasing bilis ng hangin na lumobo ang kanyang buong katawan, napunit ang damit at nag-transform sa malaki at itim na lobo. Tinulak ng malaking ulo niya ang mga sumusugod na kalaban. Habang panay bukas at sara ng bibig at handa nang sakmali ang mga ito.

Nagdadalawang isip si Olive na iwan ang kuya niya.

"Anu pa ang hinihintay mo! Umalis ka na!" sigaw nito.

Napilitan siyang tumakbo palayo upang hanapin kung saan nakakulong ang prinsipe ng dilim.