Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 323 - Ayesha

Chapter 323 - Ayesha

WALANG katumbas na kasiyahan ang nararamdaman ni Lexine habang tahimik na pinagmamasdan ang natutulog na sangol sa kanyang tabi. Pakiramdam niya nanaginip pa rin siya dahil hindi siya makapaniwala na ang munting anghel na ito ang dinala niya sa loob ng siyam na buwan.

Taimtim niya lang itong pinapanood habang natutulog. Minimermorya ang bawat parte ng maliit nitong mukha. Mula sa mata, ilong, mahabang pilikmata at labi. Sa katunayan ay kamukhang kamukha ito ni Night, lalo na at namana ng anak nila ang perpekto at matangos na ilong ng prinsipe ng dilim.

"She looks exactly like Night," natutuwa na komento ni Devorah na nakaupo sa gilid ng kama.

Napangiti si Lexine habang hinahawakan ang napakaliit at malambot nitong kamay, "She does," pero agad din siyang natahimik matapos maalala ang asawa.

Sa kabila ng kasiyahan na dulot ng kanilang anak ay hindi pa rin mapanatag ang loob niya sa labis na pag-aalala.

"Hindi pa rin ba nako-contact ni Eros si Night?"

Bumuntong hininga ito at napailing, "He still failed."

Mas bumigat ang didbib niya sa narinig. She can't completely celebrate the born of their child if Night was not with them.

Hinalikan niya ang kamay ng anak, "Ayesha, daddy loves you so much. Let's pray for his safety," bulong niya dito.

Same that day nang magpatawag ng pagpupulong si Apo Maan sa buong templo upang bigyan ng basbas ang bagong sangol. Nagpunta ang lahat ng Babaylan sa loob ng main hall. Bawat isa ay nakasuot ng kulay orange na tela na tumatakip sa buong katawan nila. Sa gitnang unahan nakatayo ang punong Babaylan at sa harapan nito naroon si Ayesha at nakahiga sa ibabaw ng batong lamesa na pinatungan ng malambot na tela. Nakatayo si Lexine, Eros at Devorah sa tabi nito.

"Isang karangalan ng angkan ng mga Dela Fuentes na maipanganak ang anak ng natatanging Nephilim, at bilang punong Babaylan nais kong magbigay ng basbas sa batang ito," mabagal ang pananalita ni Apo Maan ngunit dahil sa labis na katahimikan sa paligid ay sapat na ang katamtamang lakas ng boses nito upang marinig ng lahat.

Lumingon ito kay Lexine at nagbigay ng magandang ngiti bago muling humarap kay Ayesha. Itinaas nito ang dalawang kamay habang hawak ang tungkod at tumingala sa kalangitan.

"Sa ngalan ng kapangyarihan ng kalawakan at mga bituin, sa basbas ng inang kalikasan at biyaya ng Ama ng sanlibutan, ako, si Apo Maan na punong Babaylan ay pinagkakalooban ang batang ito ng isang natatanging regalo."

Umilaw ang dilaw na liwanag sa mga mata ni Apo Maan kasabay niyon ang pagbalot sa kanya ng dilaw na aura na tila sumasayaw na mga usok. Pumasok ang malakas na ihip ng hangin sa loob ng templo. Sabay-sabay na lumuhod ang lahat ng Babaylan sa paligid gamit ang isang tuhod, niyuko ang kanilang mga ulo at pumikit. Ganoon din si Devorah. Tahimik nilang binibigay ang kanilang mga basbas.

"Ang kanyang magagandang palad ay magiging kasing bango ng matatamis na bulaklak, kasing ganda ng bukang liwayway, at kasing init ng araw na siyang magbibigay ng liwanag at buhay sa bawat bagay at nilalang na kanyang mahahawakan."

Umikot ang dilaw na usok mula sa loob ng bolang kristal sa dulo ng kahoy na puntod. Unti-unti itong sumayaw sa ibabaw ni Ayesha na nanatiling tulog ng mahimbing at walang kamuwang-muwang sa mga bagay na nangyayari sa paligid.

Niyakap ng nakasisilaw na liwanag ang buong katawan ng sangol bago sumabog ang maliliit na glitters at umulan sa ibabaw nito. Napangiti ng malaki si Lexine matapos ang seremonyas. Lahat ng Babaylan ay sabay-sabay na tumayo upang magbigay bugay sa natatanging bata na pinagkaloob sa kanila ng Maykapal.

Ngunit ang pananahimik nila ay pansamantala lamang dahil lingid sa kanilang kaalamanan na parating na ang pinakamabigat na pagsusubok na kanilang haharapin.

Pangatlong araw na simula nang lumisan si Night upang kunin ang Devils heart. Nararamdaman ni Lexine na may hindi magandang nangyari.

"Dev, wala pa rin bang balita si Eros?" nababahalang tanong ni Lexine habang bitbit niya sa mga bisig ang natutulog na si Ayesha.

Kasalukuyan silang nakaupo sa fountain na matatagpuan sa tapat ng templo. Sa paligid nakatambay ang ibang mga Babaylan at masayang nagku-kwentuhan. Ang ilang araw na pananatili ni Lexine sa templo ay napakapayapa ngunit dahil sa katotohanan na hindi pa rin nakakabalik ang asawa niya ay hindi niya magawang maging panatag.

Napabuntong hininga si Dev habang hinihimas ang maliit na mukha ni Ayesha, "Hindi tumitigil si Eros sa orasyon, pero wala pa rin talaga siyang makuhang kahit na anong sagot mula kay Night."

Gumawa ng isang spell si Eros upang magpadala ng mensahe kay Night pero ilang araw na at palagi pa rin itong bigo na makakuha ang responde mula sa huli.

Mas bumigat ang batong nakadagan sa dibdib ni Lexine, "Nararamdaman ko Dev, nasa panganib si Night," maluha-luha ang kanyang mata.

Hinawakan nito ang balikat niya at hinimas. Katulad niya, masama din ang kutob ni Devorah sa mga nangyayari.

Biglang umihip ang malakas na hangin. Sa sobrang lakas nito halos tangayin ang mga Babaylan, lumipad ang mga sanga ng puno, at kagamitan sa paligid.

Mabilis na naglabas ng protection spell si Devorah sa paligid nila ni Lexine kung kaya't hindi sila tuluyan natangay.

"Ano'ng nangyayari?" mahigpit na hinagkan ni Lexine ang anak habang hindi mapakali ang mata niya sa pagmamasid sa buong templo.

Maririnig ang malakas na hiyawan ng mga Babaylan, may kumakapit sa mga poste, may nagpagulong-gulong sa sahig, may nakabaluktot at kung anu-anu pa.

Isang maliit na pares ng pulang sneakers ang dahan-dahang umaakyat sa batong hagdanan paakyat sa templo.

Nakatayo sa kanilang harapan ang pitong taong gulang na bata. Huminto ang malakas na ihip na hangin at humupa ang paligid.

"Good day, Nephilim," maliit ang boses nito at makinang ang mabilog na mga mata. Pero sapat na ang presensya nito para maramdaman ng lahat na hindi ito ordinaryong bata lang.

"Sino ka?"

Umismid ito, "I'm very sorry, I am rude for not to introducing myself, my name is Santi."

Nang marinig ang pangalan nito ay mabilis na binalot ng galit ang buong sistema ni Lexine. Ito ang may kagagawan ng pagkakatali ni Night sa fruit of sin.

"Ikaw!" muntik na niya itong sugurin pero pinigilan siya ni Devorah sa braso.

Tumawa ang maliit na tinig ng bata, "Ako nga."

"Anung ginagawa mo dito?"

Nagmamadaling tumakbo si Eros mula sa loob ng templo at naabutan ang mainit na sitwasyon. Agad siyang humarang sa dalawang babae at tinaas ang nagliliwanag na kamay.

"Don't worry, I'm not here to hurt anyone. Nandito lang ako para maghatid ng mensahe mula sa hari ng kadiliman."

Nanlamig ang buong pakiramdam ni Lexine.

Binuka ni Santi ang isang palad at lumitaw ang isang bolang kristal. Umikot ang itim na usok sa loob nito at pinakita ang isang imahe. Nagigilas si Lexine nang makita si Night na duguan at sugatan, wala itong saplot na pang-itaas, nakagapos ang mga kamay at paa nito gamit ang makapal at matibay na chains na nakadikit sa pader. Tila isa itong lantang gulay.

Mabilis na bumara ang lalamunan niya at nagsisigaw sa galit, "Ano'ng ginawa niyo sa asawa ko! Mga hayop kayo!"

Sinasabi na nga ba niya. Nasa panganib ang buhay ni Night!

"Siguro naman ay alam niyo na kung ano ang mangyayari sa prinsipe ng dilim kapag hindi niyo binigay ang gusto ni Lucas. Mag-aantay ang hari ng kadiliman hanggang bukas ng gabi."

Ito ang huling mensahe ni Santi bago ito ngumiti ng nakakalibot at naglaho sa itim na usok.

Nanghihinang napaupo si Lexine sa fountain, agad umalalay si Devorah at Eros. Hindi paawat ang tulo ng luha sa kanyang mata at panginginig ng bagang sa magkahalong galit at pangambang nararamdaman.

Tulala siya, "Si Night, kailangan kong iligtas si Night."

Nagkatinginan si Devorah at Eros, katulad ni Lexine ay ito rin ang gusto nilang gawin.