Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 320 - Run and hide [2]

Chapter 320 - Run and hide [2]

Mount Jiuhua Huangshan, China

Isang maliit na temple ang itinayo ng mga ninuno ng mga Dela Fuentes sa isang tagong bayan sa isang bundok sa China. Karamihan sa mga naninirahan dito ang pinakamamatandang Babaylan ng kanilang angkan.

"Maari kayong tumuloy dito sa mga susunod na araw. Ligtas kayo sa lugar na ito at hindi kayo pababayaan ng mga Babaylan," paliwanag ni Devorah kay Lexine at Night.

"Maraming salamat Dev," tipid na ngumiti si Lexine.

"Apo Maan, maraming salamat sa tulong niyo," niyakap ni Devorah ang pinakamatanda at 'Punong Babaylan' ng kanilang angkan.

Hindi tulad ng ibang healers na mga bata pa ang itsura, si Apo Maan ay namumuhay na ng mahigit isang libong taon. Kulubot na ang kanyang mga balat, puro puti ang mahaba at kulot nitong buhok ngunit maganda pa rin ang tindig. May hawak itong kahoy na tungkod na may maliit na bolang kristal sa pinakatuktok.

"Walang anuman Devorah, tungkulin nating mga Babaylan na tulungan ang kahit sinong nangangailangan, hindi maaatim ng ating angkan na pabayaan ang isang inosente at musmos na sangol," mabagal ang pananalita nito at malumanay.

Dumapo ang tingin ng halos hindi na makadilat na mata ni Apo Maan kay Lexine, lumapit ito at hinimas ang kanyang tiyan. Sumilay ang magandang ngiti nito sa labi.

"Isang napakagandang bata ang iyong dinadala."

"Maraming salamat po sa pagpapatuloy niyo sa amin dito," sinserong saad ni Lexine.

"Thank you so much Apo Maan," dugtong naman ni Night.

"Mabuti pa at magpahinga na kayo, malayo pa ang inyong nilakbay," inalalayan ni Devorah na makalakad palabas ang matanda. Nagbigay siya ng maliit na ngiti sa mag-asawa bago lumisan ng silid.

"Night, natatakot ako, paaano kung masundan nila tayo dito?" nababahalang hinarap ni Lexine ang asawa.

"Hush, maingat tayong nagpunta dito, hindi nila basta-basta matutunton ang lugar na 'to," hinaplos nito ang pisngi niya, "I won't let them hurt our child," hinalikan ni Night ang noo niya.

Hinimas ni Lexine ang tiyan, "Bakit ba nangyayari ang lahat ng ito? Bakit kailangan madamay pa ang anak natin sa kaguluhang ito?" hindi na naman niya napigilan ang pagpatak ng mga luha sa mata.

Bilang ina, walang ibang gusto si Lexine kundi ang kabutihan ng kanyang anak. Masakit sa kanya na kailangan nilang tumakbo at magtago. Anong klaseng buhay ang mararanasan nito kung palagi na lang silang magtatago sa mga tumutugis sa kanila? Hindi iyon ang pinangarap niya para sa kanilang anak.

"Hanggang kailan natin kailangang tumakbo?"

Hinimas-himas ni Night ang buhok niya habang tahimik siyang umiiyak sa balikat nito, "We will do everything to protect our child, we will fight this together."

"Yes, always, together," hinigpitan niya ang yakap sa asawa.

Kahit anong mangyari ay magkahawak kamay sila ni Night na kahaharapin ang mga pagsubok na nag-aantay. At gagawin nila ang lahat upang protektahan ang kanilang anak.

***

LUMIPAS ang ilang lingo na naging tahimik ang pananatili ni Lexine at Night sa templo ng mga Dela Fuentes. Kasama nila si Devorah at Eros habang naiwan naman si Miyu at Elijah upang magpatakbo ng Moonhunters.

Nakatulong na napalilibutan sila ng mga kabundukan at malamig na klima kung kaya naman naging kumportable si Lexine. Idagdag pa na puro Babaylan ang mga ito kaya't todo alaga ang lahat sa kanyang pagbubuntis. Inaasahan na rin nila ni Night na dito na siya manganganak.

Pero ang payapa nilang paninirahan ay hindi rin magtatagal dahil sa misyon na kailangan pa nilang tapusin.

"Sigurado ka na ba talaga Night na mag-isa ka lang pupunta? Pwede kitang samahan," nag-a-alalang tanong ni Eros.

"You need to stay here Eros, I need you to protect my family," nilagay ni Night ang isang kamay sa balikat nito at pinakatitigang mabuti ang kulay karagatan nitong mga mata.

Sa tinginan pa lang nagka-intindihan na ang dalawang lalaki. Ipinagkakatiwala ni Night ang buhay ng kanyang mag-ina sa Warlock. Maingat na tumungo si Eros, hindi nito bibiguin ang prinsipe ng dilim.

"Mag-iingat ka Night," yumakap si Devorah sa kanya.

"Thanks Dev, please take care of Lexine."

Tumungo ito, "Makakaasa ka."

Dahan-dahang umupo si Night sa kama kung saan tahimik na natutulog ang kanyang asawa, sinadya niyang umalis nang hindi nito nalalaman dahil siguradong pipigilan siya nito. Kailangan niyang makuha ang devils hearts sa lalong madaling panahon nang sa ganoon ay masira na nila ang espada ni Lucas. Malakas ang kutob niya na 'di magtatagal at susugod na rin ang panig ng hari ng kadiliman at kailangan nila itong maunahan.

Hindi siya papayag na mapahamak ang mag-ina niya. Kailangan matapos na ang kasamaan ni Lucas. Higit na mapanganib ito kaysa sa mga Elders at Arkanghels.

Hinalikan niya ang noo ni Lexine at maingat na bumulong, "I love you so much baby… gagawin ko ang lahat para protekahan ka at ang anak natin."

Sa huling pagkakataon ay pinagmasdan niya ang magandang mukha ng asawa bago tumayo at naglakad palabas ng silid. Nagbigay siya ng huling tingin kay Eros at Devorah bago tuluyang naglaho.