Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 321 - Lilith’s grave

Chapter 321 - Lilith’s grave

SA ILALIM ng bilog at maliwanag na buwan sa madilim na kalangitan, mayroon isang malaki at matayog na lumang kastilyo na nakatayo sa isang tago at hindi kilalang isla. Napalilibutan ito ng matataas na walls habang mahigpit na gwardiyado ng sandamakmak na demons. Maririnig ang malakas na hampas ng alon sa mga nagtataasang bato sa kapiligiran ng isla.

Nakasabog ang hindi mabilang na mga bituin sa kalangitan at nagkalat ang mga itim na uwak na lumilipad-lipad. Habang humahampas ang malakas at malamig na simoy ng hangin sa mga dahon at sanga ng mga nagtataasang puno sa paligid. Nakadagdag sa mababang temperatura ng panahon ang tila mga ulap na kapal ng fogs na umiikot sa kapaligiran.

Isang itim na usok ang lumilipad sa itaas ng malaking kastiyo hanggang sa pumasok ito sa isang bintanang nakabukas na matatagpuan sa ikatlong palapag. Mula sa mga usok ay mabilis na lumitaw si Night at alertong nagmasid. Bakante ang napasukan niyang silid.

"Ira," nagliwanag ang tattoo sa kanyang kanang pulsuhan.

Mula sa anino niya sa sahig, lumitaw ang itim na likido at mabilis na nag-form ang anyo ng itim na balabal na lumulutang sa kanyang harapan.

"Master…"

"I need you to find Lilith's grave."

"Masusunod Master," agad itong naglaho.

Maingat pa sa pusa ang mga paa ni Night habang naglalakad, binuksan niya ang pinto, sumilip sa labas at nang masigurong walang ibang dumadaan ay saka niya ito tuluyan binuksan.

He needs to find where Lucas hid Lilith's grave as soon as possible. Minsan na siyang tumira dito noong bata pa siya, kung kaya't kabisado niya ang pasikot-sikot ng malaking kastilyo.

Nagpatuloy siya sa pagbaybay sa malawak at mahabang pasilyo. Higit na malaki ang Bones Castle, subalit mas nakakahilo ang pasikot-sikot ng kastilyo ng Hari ng Kadiliman. Isa-isa niyang pinihit ang mga pintuang nadadaanan, may iilang bukas at may iilang naka-lock.

Nakarinig si Night ng mga yabag na papalapit kaya agad siyang nagtago sa likuran ng malaking 'gargoyle' statue na nakatayo sa gilid.

Dumaan ang mga rumorondang demons pero hindi siya nito napansin hanggang sa makalayo ang mga ito. Biglang lumitaw si Ira sa kanyang tabi.

"Master, nahanap ko ang bangkay ni Lilith."

Tumaas ang sulok ng bibig niya, "Good."

Agad niyang sinundan si Ira at dinala siya nito sa tower na matatagpuan sa pinakatuktok ng kastilyo. Tumingala si Night at sinundan ng tingin ang napakataas at spiral na batong hagdanan na nadikit sa pabilog na dingding ng tower. Wala itong harang sa gilid.

"May dalawang lethium demons ang nakabantay sa tuktok Master," bulong ng um-e-echo na boses ni Ira sa gilid niya.

"You know what to do."

Mabilis na naging itim na usok ang anino at lumipad hanggang sa tuktok. Dumaan lang ito at umikot sa ulo ng dalawang bantay. Nawalan na agad sila ng malay.

Mabilis na nakaakyat si Night sa pinkatuktok kung saan naabutan niyang nakahandusay sa sahig ang dalawang bantay. Tulad ng inaasahan, may protection spell ang pintuan, isang lumiwinag na asul na tubig ang harang nito.

"Can you break the protection spell?" tanong ni Night.

Lumutang si Ira sa tapat ng lagusan. Lalong nagliwanag ang purple niyang mga mata sabay nag-chant ng isang spell. Lumabas ang mga purple na usok mula sa kanyang balabal at dahan-dahan itong umikot-ikot sa hangin hanggang sa dumikit ito sa lagusan.

Nanatiling nakatayo si Night at nagmamasid, matapos ang ilang sandali ng nanigas ang tubig na harang at nag-yelo saka unti-unti itong nag-crack at nabasag.

He smirked, "Good job Ira, stay here, guard me."

"Mag-iingat kayo Master."

Agad pumasok si Night sa loob. Hindi niya inaasahan ang nakita. Sa gitna ng malaking bulwagan may pabilog na butas na naglalaman ng tubig. Isang puting liwanag ang nakatutok dito mula sa itaas. Kumikinang ang tubig na tila may mga diyamanteng lumulutang doon.

Nakarating si Night at sinilip ito, sa loob nito nakalubog ang bangkay ni Lilith. Kung titignan ay para lang itong natutulog, suot nito ang pulang gown, ang mahaba at puti nitong buhok at tila sumasayaw sa ilalim ng tubig. Nakapikit ang maganda nitong mukha. Sa leeg nito nakasuot ang malaking pulang diyamante.

Tama nga si Lexine, na kay Lilith ang Devils heart. Maaaring isa sa mga alagad nito ang inutusan nitong magnakaw sa puntod ni Louisse Gibbon. Naalala niya na mahilig ang tiyahin sa mga alahas at palamuti.

Umupo muna siya sa gilid at sinawsaw ang isang paa, malalim ito. Kailangan niyang lumangoy pababa.

"Buti na lang at hindi pa ako naliligo," bulong ni Night sa sarili bago nag-ipon ng sapat na hangin sa dibdib at tuluyang nilublob ang sarili.

Agad siyang lumangoy pababa, una ang ulo, saka mabilis na pinadyak ang mga paa. Hindi niya inaasahan na mas malalim at mas malawak pa pala ito na tila malaking balon.

Madilim din sa loob at tanging ang puting liwanag mula sa itaas ang nagsisilbi niyang ilaw. Matapos ang ilang segundo ay narating niya ang bangkay ni Lilith na lumulutang habang ang dalawang kamay nito ay nasa magkabilang gilid.

'Hindi naman siguro didilat ito' aniya sa isip.

Dahan-dahang nilapit ni Night ang kamay sa kwintas. Kumakabog ang dibdib niya sa kaba hanggang sa tuluyan niya itong nakuha at mabilis na hinatak. Pinagmasdan niya ang kumikinang na pulang diyamante sa gitna nito. Nakahinga siya ng maluwag.

Nanatili pa rin na nakapikit ang bangkay ng tiyahin niya. Hindi niya napigilan pagmasdan ang mukha ni Lilith, sayang lang at nasira ang kanilang relasyon. Tila bumalik sa alaala niya ang mga pinagsamahan nila noong ito pa si Luwinda. Naging mabuti itong tiyahin at kapatid sa kanyang ina.

'It's nice to see you again, Luwinda' bulong niya sa isip.

Samantala, sa likuran ni Night lumitaw ang isang pares ng umiilaw na mata. Nasundan ito ng isa pa, pangalawa hanggang sa sunod-sunod na lumitaw ang limang pares ng mga mata.

Naramdaman ni Night ang nakakakilabot na presensya sa kanyang likuran at dahan-dahang lumingon. Nanlaki nang husto ang mata niya nang lumitaw ang isang halimaw na may limang ulo, mukha silang higanteng 'eel' pero katulad ng pirana ang matutulis na ngipin.

'Holy Crap!'

Sabay-sabay na bumuka ang bibig ng limang ulo at handa na siyang sungaban. Mabilis na pinalabas ni Night si Gula at agad sinanga ang unang ulo na lumapit sa kanya. Lumangoy siya patalikod.

Muling sumugod ang dalawa, hinumpas niya ang espada at naputol niya ang ulo ng isa, habang ang pangalawa naman ay kumagat, muntik na siya doon pero nakaiwas siya. Tinusok niya ang gitna ng ulo nito at naghihiyaw ang halimaw sa sakit.

May tatlo pang ulo ang galit na nag-aabang sa kanya. Masyado silang marami, kailangan niya ng karagdagang pwersa.

"Avaritia!" He summoned his fifth slave.

Nagliwanag ang tattoo niya sa kaliwang tadyang. Isa itong baliktad na krus at may nakalingkis na thorns. Mula doon lumabas ang green na usok at nag-form sa harapan niya ang isang lalaki na berde ang balat, puti ang umiilaw na mata, may kaliskis sa noo, balikat at braso nito. Kalahati ng katawan nito ay buntot ng isda. Isang 'Merman'

Tinaas ni Avaritia ang dalawang kamay at lumitaw mula doon ang mahahabang thorns. Tila mga lumalangoy na ahas at mabilis na kumapit ang mga ito sa tatlong ulo ng halimaw at mahigpit na lumingkis. Sa sobrang higpit ng kapit nito at gamit ang matatalim na thorns ay sabay-sabay na naputol ang mga ulo. Sumabog ang itim na dugo ng halimaw sa sa tubig.

Nagtagumpay sila. Ngumiti si Avaritia kay Night at muling bumalik sa kanyang tattoo. Hindi na nag-aksaya pa ng panahon ang prinsipe ng dilim at mabilis na lumangoy pataas.