TAHIMIK ang buong grupo habang nagpupulong-pulong sila sa sala ng office. Nakaupo si Lexine sa sofa katabi ang asawa habang nakapalibot ang mga kaibigan.
Pababalik-balik naman na naglalakad si Eros sa harapan nila na hindi mapakali. Hindi nakatiis si Elijah, "Man, can you please sit down, ako ang nahihilo sa likot mo."
Hindi pinansin ni Eros ang bampira at nagpatuloy sa ginagawa habang kanina pa siya naglalabas ng mabibigat na buntong hininga. Napakalaki ng problemang kinakaharap nila at hindi siya mapapalagay.
"So kung wala ang devils heart sa labi ni Louisse Gibbon, nasaan ito?" tanong ni Devorah.
Sabay-sabay na bumagsak ang balikat ng lahat. Ayon kasi kay Eros, nang tumawid siya sa Arch of the centuries, nagtagumpay siyang matagpuan ang labi ng great grandfather niya. Iyon nga lang ay wala doon ang devils heart na labis niyang ipinagtataka.
"I'm very sure, lahat ng mga importanteng pagmamay-ari ni Louisse Gibbon, dinala niya hanggang sa hukay. So paano mawawala ang Devils heart?"
"Hindi kaya, naipamana niya sa mga anak o apo niya?" tanong ni Miyu.
"We would know. Bago namatay siya namatay, nag-iwan na siya ng mga bagay na gusto niyang ipamana. Devils heart is not included."
"Paano kung nanakaw na pala ng mga kalaban nang hindi niyo alam? Ilang beses niyo nang nilipat ang labi niya, what if merong nakasalisi?" tanong naman ni Night.
Nahinto sa paglalakad si Eros at malalim na nag-isip, "Posible."
"But the question is, sino ang nagnakaw?" tanong ni Elijah.
Kanina pa malalim ang pag-iisip ni Lexine. May isa siyang bagay na pilit na inaalala, "Eros, pwede ko bang makita ulit ang drawing ng devils heart?"
Tumungo si Eros, "Sure," binuka nito ang isang palad at lumitaw ang itim na aklat. Binuklat niya ang black book sa pahina kung nasaan ito at inabot kay Lexine.
Pinagmasdan mabuti ni Lexine ang drawing. Malaki ang pulang dyamante at ancient ang disenyo. Pilit niyang pinipiga ang utak dahil pakiramdam niya nakita na niya noon ang kwintas na ito.
Napansin ni Night ang labis na pagsalubong ng kilay niya, "May problema ba?"
"I think… parang nakita ko na kasi ito dati, iniisip ko lang kung…"
Bumalik sa isipan ni Lexine ang tunog ng takong ng sapatos na naglalakad patungo sa kanya. Sunod niyang naalala ang puti at mahabang buhok na sumasayad sa sahig, pulang gown na mahapit sa makurba nitong katawan at malagong dibdib ng isang babae, may kwintas itong suot na may pulang diyamante hanggang sa naalala niya ang mukha nito at malapusang mga mata na hinding hindi niya makakalimutan.
Napasinghap ng malakas si Lexine, "Lilith."
Sabay-sabay na napakunot noo ang lahat at tumingin sa kanya.
"Lilith?" ulit ni Night.
Panay ang pagtungo ni Lexine at tinignan ang bawat isa, "Naalala ko na, I'm sure na nakita ko ang kwintas na suot ni Lilith noong dinukot niya ako. Ito yun, the devils heart, hindi ako pwedeng magkamali."
Napaisip nang husto ang bawat isa.
"Kung ganoon ay maaaring ninakaw ni Lilith ang devils heart kay Louisse Gibbon," saad ni Eros habang iniisip niya kung paano iyon nangyari.
"Pero saan natin makikita ang bangkay ni Lilith?" tanong ni Devorah.
Nagdilim ang buong mukha ni Night at tumayo mula sa pagkakaupo, "I know where to find it."
"Sasama kami Night," agad presinta ni Elijah.
Umiling siya, "No, it's too dangerous, sa loob ng teritoryo ni Lucas nakatago ang labi ni Lilith. Ako ang kukuha mag-isa."
Agad humawak si Lexine sa braso ng asawa, "Night, baka mapahamak ka, paano kung saktan ka ulit ni Lucas, kung kontrolin ka ulit ni Santi?"
"Tama si Lexine, you're still under the cursed Night," segundo ni Eros.
"Alam ko, but as long as I'm wearing this fairy tears," pinakita niya ang transparent beads na suot sa kanang pulsuhan, "I can control myself."
"Night…"
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ni Lexine at hinaplos ito sa pisngi, "I promise, I'll come back safe. Don't worry."
Malaki ang pagtutol na nararamdaman ni Lexine dahil natatakot siya na muling mapahamak ang asawa niya sa kamay ng hari ng kadiliman. Ngunit si Night lang ang makakakuha ng devils heart at kailangan nila yun para tuluyang masira ang espada ni Lucas.
Mabigat man sa kanyang kalooban ay kailangan niyang magtiwala na hindi pababayaan ng Maykapal ang asawa niya.
Later that day ay nagpakita sa kanila si Cael upang magbigay ng panibagong babala.
"Lexine, kailangan mo nang umalis sa lalong madaling panahon. Nagkaroon ng pagpupulong ang mga Elders at mga Arkanghel. Nagbotohan sila at napagdesisyon ng nakararami na kunin ang anak mo. Ipinadala ako ni Pinunong Gabriel upang bigyan ka ng babala."
Nagilalas ang bawat isa sa masamang balita. Lalong nanlumo si Lexine at nanghihinang napaupo sa sofa. Ang inaasahan niyang mga Arkanghel na tutulong sa kanila ay tumalikod na rin. Paano nangyari ito?
Sunod-sunod na umagos ang mga luha niya sa mata, "Bakit? Bakit nila kailangan idamay ang anak sa lahat ng ito? For heavens sake! Inosente siya!"
Lumuhod si Night sa tapat niya at pinunasan ang kanyang luha, "Hindi ko hahayaan na saktan nila ang anak natin."
"Kailangan niyo nang magmadali. Parating na ang mga Elders kasama ang mga Arkanghel, mas malaki ang pwersa nila at hindi niyo sila kakayanin. Magtago na kayo," muling babala ni Cael.
Nag-usap ang magkakaibigan kung saan nila maaring dalhin si Lexine at ang anak nito nang makaisip si Devorah ng idea.
"Alam ko na kung saan kayo pwedeng magtago."