"MARAMING SALAMAT at pinaunlakan niyo ang aming imbitasyon mga pinunong Arkanghel," nakaupo si Kreios sa gitna ng pitong mga trono na nasa unahan habang nakatayo sa harapan nila ang anim na Arkanghel.
Si Daniel mula sa hukbo ng Anghel na Taga-oras, si Gabriel mula sa hukbo ng mga anghel na Tagabantay, si Michael na mula sa hukbo ng mga anghel na Mandirigma, si Uriel mula sa hukbo ng mga Tagatala, si Zachael mula sa hukbo ng mga Tagalingkod at si Raphael na pinuno ng mga hukbo ng Taga-ugnay."
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na bumababa ang lahat ng ginagalang at makapangyarihang Arkanghel ng Paraiso ng Eden sa mundo ng mga kaluluwa. Isa lamang ang ibig sabihin nito: may napakahalagang bagay na kailangan nilang bigyan ng pansin.
Tumayo si Kreios at taas noong humarap sa anim, "Batid kong alam na ninyo kung bakit kami nagpatawag ng pagpupulong. Hindi dapat ipagsawalang bahala ang tungkol sa pulang tinta na lumitaw sa aklat ng buhay."
Makahulugan na nagkatinginan si Gabriel at Daniel.
"Ang pagkakaroon ng supling ng isang anghel at isang isinumpang demonyo ay hindi maaari. Hindi pwedeng masira ang balanse ng mundo na aming pinangangalagan sa maraming taon. Ang batang nasa sinapupunan ng Nephilim ay malaking panganib sa buong mundo."
"Paano niyo naman nasabi na magiging mapanganib ang bata?" hindi na nakapagpigil si Gabriel na magtanong.
Napaismid si Kreios at pailalim na tumingin kay Daniel, "Siguro naman ay alam niyo kung anong klase ng gulo ang dinulot ng pagkakapanganak ng panibagong Nephilim."
Nagtigas ang bagang ni Daniel pero pinilit niyang huwag sumagot at manahimik.
"Batid ko din alam niyo kung gaano kalaking gulo ang dinulot noong binali ng Tagasundo ang isang patakaran upang buhayin si Alexine kahit nakatakda na itong mamatay."
"Pero itinakda ng isang propesiya ang muling pagsilang ng panibagong Nephilim hindi ba?" komento naman ng Arkanghel na si Michael.
Hindi na nakapagpigil na manahimik si Daniel,"Ang Ama din ang nagbigay ng desisyon na bigyan ulit ng pagkakataong mabuhay ang aking anak, nakakalimutan mo na ba Kreios? Sigurado akong nasaksihan mismo ng iyong mga mata ang pagtalon ni Alexine sa mata ng Samsara," matatag na saad niya habang hindi bumibitiw sa mainit na titig ng pinuno ng mga Elders.
Nagtigas ang bagang ni Kreios at palihim na nagkuyom ang mga palad. Nanliit ang kanyang mata at ramdam niya ang init na dulot ng mga tingin ng Arkanghel.
Nagbulungan ang mga Elders at ang mga Arkanghel.
"Hindi ko iyon nakakalimutan pinunong Daniel, subalit, hindi pa rin kami makapapayag na ipanganak ang batang nasa sinapupunan ng Nephilim. Nananlantay ang dugo ng isang isinumpang demonyo sa batang iyon"
"Tama si Kreios," tumayo na rin mula sa kanyang trono si Hadeo, "Ang ibig sabihin ng pulang tinta ay babala. Binibigyan tayo ng babala ng aklat ng buhay."
Muling nagbulungan ang lahat. Nababahala si Gabriel at Daniel sa nakikitang reaksyon ng bawat isa, higit ang mga kapwa nila kapatid na Arkanghel.
"Ito ang unang pagkakataon na mangyayari ito, hindi ba kayo natatakot para sa buong sanlibutan? Paano kung maging halimaw nga ang kanilang anak? Nanganganib ang buhay ng mas nakararami," dugtong naman ng Elder na si Crate.
"Subalit isa lamang itong musmos at inosenteng sangol, ano ang karapatan natin na kitilin ang isang buhay?" tanong ng Arkanghel na si Raphael.
"Nakita kong tunay na magkaugnay ang Nephilim at Tagasundo, nakatakda silang mag-ibigan."
Bilang pinuno ng Anghel ng Tagaugnay, o mga soulmates sa madaling salita, alam mismo ni Raphael na si Lexine at Night ang nakatakdang magkatuluyan.
"Totoo ba ang sinasabi mo pinunong Raphael?" tanong ng Elder na si Athenna, "Itinakda ang Nephilim at Tagasundo?"
"Oo, totoo ang tinuran ko. Magkaugnay ang kanilang mga kaluluwa. Nakatakda silang magmahalan."
Bahagyang nakahinga ng maluwag si Daniel at Gabriel sa narinig. Habang napasimangot naman si Kreios.
"Pero hindi ibig sabihin ay nakatakda na rin silang magka-anak! Sinasabi niyo ba na mali ang aklat ng buhay? Pulang tinta ang sumulat sa pangalan ng kanilang anak. Isa itong babala! Sinasabi niyo ba na dapat nating isawalang bahala ang aklat ng buhay?"
Mas lalong nag-ingay ang pagbubulungan ng lahat. Bawat isa ay may kanya-kanyang opinyon, ngunit, hindi alam kung ano ang dapat sundin.
"Bakit hindi tayo magkaroon ng pagboboto?" suwestiyon ni Kreios.
Kumabog nang malakas ang dibdib ni Daniel dahil nararamdaman niyang hindi maganda ang magiging resulta ng botohan. Madilim ang tingin niya sa mukha ni Kreios na may mala-ahas na ngiti sa mga labi.
***
KASALUKUYANG masaya ang pagkaka-upo ng hari ng kadiliman sa malaking kama habang napalilibutan ng magaganda at seksing mga alipin. Dalawa sa mga ito ang humahalik sa kanyang leeg at tenga, habang dalawa naman ang nagtatago sa ilalim ng kumot at abala sa trabaho ng mga ito upang paligayahin siya.
Lumitaw ang itim na usok sa tapat ng kama. Nakatayo ang walang emosyon na si Winter at bahagyang yumuko, bilang pagbigay pugay sa kanyang pinuno.
Napaungol si Lucas sa sarap na nararamdaman ng mga sandaling iyon, habang panay hagikgikan naman ng apat na babae.
"Ano ang iyong balita?" aniya sa pagitan ng hinahabol na hininga.
Hindi man lang apektado ang tila yelong mukha ni Winter sa nakikitang kalaswaan sa kanyang harapan, "Umakyat ang mga Elders sa mundo ng mga tao at tinangka nilang tugisin ang anak ng Nephilim, ngunit nabigo sila."
Biglang tumawa ng malakas si Lucas at pumainlanlang ang halakhak niya sa buong silid.
"I'm soon to be a grandfather... What a pleasant gift from above!" sarkastiko niyang tinaas ang dalawang palad sa langit at nasundan ulit ng tawa.
Nasundan ng mas maraming pag-ungol ang buong silid habang nagkagulo ang apat na babae sa ilalim ng kumot. Kuminang sa labis na ligaya at sarap ang tsokolateng mata ng hari ng kadiliman saka tumingala at sumandal sa headrest ng kama.
"I can't wait to see my grandchild."