Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 311 - No second chance

Chapter 311 - No second chance

HINIRAM ni Lexine ang cellphone ni Miguel at tinawagan ang mga kaibigan. Matapos ang ilang minuto ay nakarating ang mga ito. Muntik nang suntukin ni Elijah si Miguel pero maagap na humarang si Lexine.

"Please, tama na, ayoko nang may masaktan pa."

"Oh my God, Night, ano'ng nangyari sa kamay mo?" nagilalas si Devorah nang makita ang duguang mga daliri ni Night.

"Kinagat ng langam," sagot nito na madilim ang titig kay Miguel.

"Okay, don't worry, I know how to break this," sinimulan na ni Eros na mag-recite ng isang chant. Umilaw ang mata nito at dalawang kamay. Sumunod na nagliwanag ang guhit ng pentagram bago binalot ng apoy ang paligid nito saka tuluyang nasira ang spell.

Sa wakas at nakagalaw na si Night.

Tinalon ni Lexine nang mahigpit na yakap ang asawa at kinulong naman siya nito sa mga bisig habang pinaghahalikan ang tuktok ng kanyang ulo.

Madilim na tumingin ang buong grupo kay Miguel na hindi makatingin sa kanila. Umupo ito sa kama habang nakayuko at umiiyak.

"Miguel…" malungkot na pinagmasdan ni Lexine ang binata. Naaawa siya para dito. Naging biktima lang ito ng kasamaan ni Lucas na katulad ng nangyari kay Lilith at sa iba pa.

"Iwan niyo na ako," halos bulong na lang ang lumabas sa bibig ni Miguel.

"Night, ano ang desisyon mo?" tanong ni Elijah. Isang sabi lang ni Night at talagang tatapyasin niya ang leeg ni Miguel sa sobrang gigil niya sa ginawa nito.

Nakikiusap na tumingin si Lexine sa asawa, "Please, Night…"

Saglit na pinagmasdan ni Night ang magandang mukha ng asawa tapos lumipat kay Miguel na nanatiling 'di umiimik at nakayuko. Ilang ulit siyang bumuntong hininga.

Masyado nang maraming pinag-daanang stress si Lexine at ayaw niyang dagdagan pa iyon lalo na at buntis ito. Isa pa, matapos ang lahat ng nangyari alam niyang may kasalanan din siya. Sinaktan man siya ni Miguel, sinaktan niya rin ito. Patas lang sila.

Muli niyang tinignan ang asawa at hinaplos ang pisngi nito. Kinuha ni Lexine ang kamay niya at binaba sa tiyan nito saka ngumiti at kuminang ang mga mata.

"Magiging tatay ka na."

Ang mga salita ng asawa niya ay tila araw na nagbigay ng init at liwanag sa madilim at malamig niyang gabi. Labis ang kaligayahan na humaplos sa puso ni Night sa napakagandang balita. Isang bagong biyaya ang pinagkaloob sa kanila ng Maykapal at wala ng espasyo pa ang kahit anong galit sa puso niya sa mga sandaling iyon. Ang kaligtasan ng mag-ina niya ang importante sa lahat. Wala na siyang ibang hihilingin pa.

Masayang ngumiti si Night at hinalikan sa labi si Lexine.

"I'll promise to be the best father and husband."

"I know you will," hinaplos nito ang mukha niya.

Muli niyang kinulong si Lexine sa mga bisig at tinignan si Elijah at Eros.

"Umalis na tayo."

Bumagsak ang mukha ni Elijah dahil gusto niya talagang bigyan ng leksyon si Miguel. Tututol pa sana siya pero pinigilan siya ni Miyu at umiling ito senyales na huwag na siyang umapela pa.

Bumuntong hininga ang bampira. Ano pa ba ang magagawa niya kung iyon na ang desiyon ng lahat.

"Fine, pasalamat ka masaya si Night ngayon kasi magiging tatay na siya. Tsk!"

"Huwag kang mag-alala kasi hindi kita gagawing ninong," biro ni Night.

Napanganga si Elijah sa narinig, "What!? Are you serious!? Mawawalan ng pinakagwapo at pinakagalanteng ninong ang anak niyo!"

Nagkatawanan ang magkakaibigan. Natuloy ang asaran ng mga ito at isa-isa nang naglakad palabas ng kwarto habang naiwan si Miguel na hindi kumikibo sa kama.

Sa huling pagkakataon nilingon ni Lexine ang binata at wala siyang ibang hiling kundi ang mapabuti ito at tuluyan nitong mapatawad ang sarili. Mabigat ang puso niya na naglakad palabas habang kaakbay si Night.

Lumabas ng bahay ang magkakaibigan at naglakad palayo. Di alintana ang babaeng nakatayo sa bubong habang lihim na nagmamasid sa kanilang mga kilos. Masama ang tingin ni Winter sa mag-asawa. Hindi na naman sila nagtagumpay sa kanilang plano. Walang silbi ang mortal na si Miguel at siguradong hindi matutuwa ang kanyang Panginoon sa balita.

Pumasok si Winter sa loob ng kwarto at natagpuan si Miguel na tulala habang nakaupo sa kama.

"Tigilan niyo na ako. Hindi ko mabibigay ang gusto ng Panginoon mo, layuan niyo na ako."

Naglakad siya papasok sa loob at huminto sa harapan nito.

"Hindi tumatangap ang Panginoon ng pagkakamali."

Nababahalang tumingala si Miguel. Bumakas sa mukha nito ang labis na takot.

"Ano'ng gagawin niyo?"

Tumaas ang isang sulok ng labi ni Winter at sinakal sa leeg si Miguel. Binuka niya ang bibig at lumabas doon ang isang itim na usok. Gumapang ang usok papasok sa ilong at bibig ni Miguel. Nangisay ang huli habang unti-unting binalot ang leeg, mukha at buong katawan ng itim na ugat hanggang sa umabot ang kapangyarihan sa mga mata at naging kulay itim.

Nangingisay na natumba si Miguel sa sahig. Humiyaw siya ng ubod ng lakas habang tumunog at nabali ang kanyang mga buto. Matinding kirot ang bumalot sa buo niyang katawan.

"AHHHHRRRGGGGGGHHHHH!!!"

Malamig pa sa yelo ang mukha ni Winter habang pinagmamasdan ang kanyang paghihirap. Sa dingding ng kwarto makikita ang anino ni Miguel na nakabaluktot sa sahig habang unti-unting lumobo ang likuran nito habang maririnig ang malakas na tunog ng paglagatok ng mga buto.

Nagpatuloy sa pagpapalit ng anyo si Miguel at isang malaking bulto ng anino ang tumingala sa itaas at nagwala.

"RAAAAAAAAWWWWRRRRRRR!"

Nag-echo ang paghiyaw nito sa ilalim ng bilog na buwan.

***

Special mention to my fabulous co-author : FEIBULOUS!

I recommend her novel: LOVE ME, MY PRINCE.

Kung hindi niyo pa nababasa, ay naku! You're missing half of your life! De charot! Kung gusto niyo magka-diabetes sa kilig, basahin niyo yun! May kasama din maaksyong bakbakan at bitch-slapping ng tsinelas!

Related Books

Popular novel hashtag