Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 310 - The hero

Chapter 310 - The hero

TUMIGIL si Miguel sa ginagawa at nilingon si Lexine na nakapikit at umiiyak sa kama. Nagulat siya nang makita ang itsura nito. Nataratanta siya at agad binitiwan ang plies saka nilapitan ang kawawang dalaga.

"Lexine, please don't cry… I'm sorry if you got scared," hinaplos nito ang mukha ng dalaga pero nandidiring umiwas si Lexine at galit na tinignan siya sa mga mata.

"Hmmmm! Hmmmm! Hmmmm!"

"What are you saying?" tinangal niya ang tela sa bibig nito at sa gulat ni Miguel ay dinuraan siya ni Lexine sa mukha.

"Nandidiri ako sa'yo! Kinasusuklaman kita Miguel! Napakahayop mo!!!"

Nagsisigaw ito sa labis na galit. Pulang-pula ang buong mukha nito at basang-basa ng pawis at luha.

Pinunasan ni Miguel ang laway sa pisngi niya at malungkot na ngumiti kay Lexine, "You will thank me later, I'm doing you a favor. I'm doing this for you, Lexine."

"No! Ginagawa mo 'to para sa sarili mo! Para sa ego mo! Bakit hindi mo na lang tangapin na kahit kailan hindi kita mamahalin!? Kaya please lang itigil mo na ang kahibangan mo!"

"Ikaw ang nahihibang Lexine!" dumagundong ang sigaw niya sa apat na sulok ng silid, "Bakit mo sasayangin ang buhay mo sa isang halimaw na katulad nito?!" tinuro niya si Night, "Sasaktan ka lang niya, mapapahamak ka lang sa katulad niya!"

"Ikaw ang halimaw!"

Natigilan siya sa sigaw nito, "Hindi mo dapat pinagpipilitan ang sarili mo sa isang taong hindi ka mamahalin. Hindi mo dapat ginagawa ang lahat ng ito! Isa kang sundalo! Dapat alam mo kung ano ang tama at mali!"

Tumawa ng malakas si Miguel na para bang isang nakakatawang joke ang sinabi niya, "Tama ka! I'm a soldier. I fight in the war, in the bloody battle, I fight to protect the weak…"

Nagsimulang mamasa ang mga mata niya, "But I wasn't able to save my mom and my brothers…"

Natahimik si Lexine nang makita ang gumuhit na kalungkutan sa mga mata ni Miguel. Sa kabila ng galit na nadarama ay may kumurot sa puso niya at tumagos iyon sa kanyang buto.

"But I can save you."

Panay ang pag-iling niya sa lalaki, "No, you're not saving me, you're only saving yourself from sadness and pain. Duwag ka Miguel, dahil 'di mo kayang harapin ang problema mo at naghahanap ka ng madaling daan para makaalis sa kalungkutan."

Hindi nakapagsalita si Miguel. Muling bumalik sa isipan niya ang paghihirap na dinanas noong namatay ang mommy niya at naiwan siyang mag-isa. He was so weak and he can't fight the loneliness and angony. He felt useless that he can't do anything when his mother was sick.

Minaliit siya ng mga pinsan at tiyuhin niya na wala siyang silbi at isang bastardong anak sa labas. They infiltrated his mind that nothing but a nobody. At kahit sa loob ng Army, sa tuwing namamatay ang mga kapatid niya sa digmaan mas nadagdagan ang mga batong nakadagan sa puso niya.

He wanted to be strong so he can fight for the people that he cherished. He wished to be the hero in this cruel world. He wanted to prove to himself that he's not useless and weak like the little boy who always got bullied and chose to hide inside the cubicle.

"This is not you Miguel, I know you can hear me. I know you are a good person… please, tigilan mo na 'to nakikiusap ako."

Pinagmasdan ni Miguel ang kumikinang na mga mata ni Lexine dahil sa luha. Ang babaeng ito ang nagpakita sa kanya na hindi siya talunan. Na hindi siya walang silbi. Isa ito sa mga taong nagtiwalal sa kanya na isa siyang mabuti sundalo na may malasakit sa buong bayan na pinaglilingkuran. Pinaramdam sa kanya ni Lexine ang isang init na matagal na niyang hinahanap simula noong namatay ang ina niya.

Binigyan siya nito ng bagong pag-asa na may kaya siyang patunayan hindi lang sa lolo, pinsan at mga tiyuhin niya. Higit sa kanyang sarili.

"I just wanted to protect you Lexine," tuluyan ng tumulo ang mga luha sa mata ni Miguel.

Malungkot na ngumiti si Lexine dahil nararamdaman niya ang paghihirap na kinikimkim nito sa puso.

"You can protect me if you allow yourself to move on."

Natigilan si Miguel sa pag-iyak at natulala sa kanya.

"It's not your fault na nagkasakit ang mommy mo, it's not your fault na namatay ang mga kapatid mo sa digmaan. Stop blaming yourself for something that you can't control."

Sumagad hanggang sa pinakailalim na parte ng pagkatao ni Miguel ang mga salitang binitawan ni Lexine.

"I choose to love Night despite of him being a monster, tama ka, kapamahakan ang kahaharapin ko sa piling niya. Pero lahat ng pagsubok na yun magkahawak kamay naming haharapin. Lalaban ako na katabi siya, nagsumpaan kami sa Panginoon na habang buhay mamahalin at aalagaan ang isa't isa sa hirap at ginhawa."

"At kung maging impyerno man ang buhay ko kasama si Night wala akong pagsisihan dahil hindi ako matatakot sa kahit anong pagsubok na nag-aantay dahil alam kong nandyan kami para sa isat isa. Asawa ko si Night, at sabay namin haharapin ang lahat."

Lumingon si Lexine sa asawa na taimtim lang na nakatingin sa kanya, nasa mukha ni Night pagmamahal na nararamdaman nito. Na katulad niya ay iisa sila ng iniisip. Katulad ng sinumpaan nilang pangako mula noon hanggang ngayon. They will always fight together.

Binalik ni Lexine ang mga mata kay Miguel at pinakatitigan itong mabuti sa mata, "I need him for our little angel."

Nagulat si Miguel sa narinig at napatingin sa tiyan ni Lexine. Nanlalaki ang mga mata niya,"You… you're pregnant?"

Maliit na ngumiti si Lexine at tumungo, "Magiging pamilya na kami Miguel. If you wanted to save me, please save the future of my baby. Ayokong lumaki siyang walang tatay."

Tuluyang tumagos ang mga huling sinabi ni Lexine sa puso ni Miguel. He knew so well how it feels to grow up without a father. Mag-isa siyang pinalaki ng mommy niya at nakita niya kung paano ito naghirap sa buhay. Masakit para sa isang anak na makitang gabi-gabi umiiyak ang kanyang ina dahil hindi nito kapiling ang tatay niya na dapat ay katuwang nito. Pero dahil isang kabit ang mommy niya kung kaya't wala itong ibang magagawa kundi ang palakihin siya ng mag-isa at maghanap buhay para lang mabigyan siya ng magandang kinabukasan.

He still clearly remembers all the hardship his mother experienced just to provide him everything. Naging sakitin pa siya noong bata siya kaya kinailangan ng ina niya na magdoble kayod lalo na't 'di naman ito nakapagtapos ng pag-aaral. Mas naging doble ang paghihirap nito ng tamaan ito ng sakit ng breast cancer. At wala siyang nagawa para matulungan ito.

Pinagmasdan niya ulit ang tiyan ni Lexine at marahang hinawakan. Napasingap si Lexine sa ginawa niya pero tahimik niya itong hinimas. Isang munting anghel ang nasa loob nito, at hindi niya maaatim na maranasan ng anghel na ito ang paghihirap na naranasan niya noon.

Bumalik sa huwisyo ang isipan ni Miguel at narealize niya ang lahat ng kahibangang ginawa niya. Na tila nabuhusan siya ng malamig na tubig at tuluyang nagising sa masamang bangunot. Mabilis na umagos ang bagyong luha sa kanyang mga mata at malungkot na humarap kay Lexine.

"I'm sorry Lexine, patawarin mo sana ako sa mga nagawa ko," aniya sa pagitan ng paghikbi.

Nakahinga ng maluwag si Lexine sa narinig. Pinapatawad na niya ito dahil alam niyang nabulag lang si Miguel ng kalungkutan at nabulungan lang ito ng demonyo. Pero malaki ang paniniwala niya na mabuti itong tao.

"Salamat, maraming salamat."

Pinakawalan na siya ni Miguel mula sa pagkakatali. Nagmadali siyang lumapit kay Night na nanatiling hindi makagalaw sa loob ng pentagram.

"Paano makakaalis si Night dito?" nababahal niyang tanong.

Napailing ito, "I don't know how to break the spell."

Napatunganga siya, "So paano mo ba nagawa 'yan?"

"It's not me, it's Winter."

"Winter?" naalala ni Lexine ang demonyitang nakalaban ni Cael noon sa digmaan.

"They asked me to get the sword in exchange of erasing your memories."

Muling nagdilim ang mukha ni Lexine at Night sa galit, "Hindi ka dapat naniniwala ka sa kanila Miguel. Masama si Lucas, sa oras na makuha niya ang espada katapusan na ng buong mundo. Ginagamit ka lang niya sa masama niyang plano."

Nagulat si Miguel sa mga narinig. Hindi niya alam ang bagay na iyon. Mas lalo siyang binalot ng pagsisisi, "I'm sorry if I'm too weak and easily got deceived by the demon," yumuko siya sa sobrang hiya.

"Call Eros and Miyu, they might know how to break this fucking spell," naiinis na sabi ni Night at masama pa rin ang tingin kay Miguel, "Hindi pa tayo tapos."

Kung nauto nito si Lexine sa mga drama nito pwes siya hindi. Sa oras na makawala siya sa pentagram ay sisiguraduhin niyang pagbabayarin niya si Miguel sa ginawa nito.