HUMINTO ang itim na R8 Audi Coupe sa kalsada at bumaba si Night saka tumingala habang tinatanaw ang nag-iisang nakatayong bahay na matatagpuan malapit sa hangganan ng bangin. Ito ang address na binigay sa kanya ni Miguel sa Bataan.
Malayo ito sa kabihasnan. Sa ilalim ng cliff humahampas ang malakas na alon ng dagat. Habang maliwanag ang bilog na buwan sa madilim na kalangitan na nagsisilbing liwanag.
Mag-isa siyang dumating tulad ng napagkasunduan nila. Pumasok siya sa sa masukal na gubat at doon dumaan patungo sa pakay na bahay. Ilang minutong paglalakad at narating niya ang tuktok. Isang two storey house ang natagpuan niya. May maliit itong bakod at porch sa harapan.
Muling naalala ni Night ang huling sinabi ni Elijah bago siya umalis ng Moonhunters.
"Night, I hacked everything about Miguel. I found a secret."
"Ano 'yun?"
Pinakita nito ang hawak na laptop at nandoon ang mga lahat ng informations na nakuha nito, "When his mother died Miguel suffered from mental illness. He got a major depressive disorder. Pabalik-balik siya sa hospital. He have a psychiatrist and went through numerous therapies. After a few years, he was able to manage his disorder at pumasok sa military. But the war triggered all his anxieties. Until now, he's taking his medication and therapies."
Napamura siya ng malutong at lalong nagdilim ang buong mukha.
"Miguel is dangerous Night, you need to be more careful. He's not what we thought he was."
Sinimulan na ni Night na humakbang papasok sa bahay. Napakatahimik ng buong lugar at tanging hampas ng alon sa ilalim ng bangin ang maririnig habang malimig ang simoy ng hangin at umaalingasaw ang alat ng dagat.
Bukas ang pinto pagpihit niya ng doorknob. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at lumangitngit iyon. Madilim ang kabuuan ng buhay. Pumasok siya habang pinakikiramdaman ang paligid. Tsinek niya ang sala, kusina at dining area pero walang tao. Tumingala siya sa itaas, natatanaw niya ang mga pintuan ng kwarto. Maingat at tahimik siyang umakyat sa hagdanan. Naririnig ang maliliit na tunog ng paglangitngit ng kahoy sa bawat pagdikit ng sapatos niya.
Sa tuktok ng hagdan natagpuan niya ang apat na pintuan sa second floor. Isa-isa niyang binuksan ang mga ito. Inuna niya ang nasa kaliwa pero wala doon si Lexine. Sinunod niya ang katapat nitong pinto pero CR iyon. Naglakad siya sa kabilang panig. Dalawang pinto na lang ang 'di niya pa nabubuksan. Inuna niya ang nasa dulo, naka-lock iyon.
May narinig siyang kaluskok sa loob, dinikit niya ang tenga sa pintong kahoy at narinig ang maliit na tinig ni Lexine. Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon at agad sinipa ang pinto at natagpuan si Lexine na nakaupo at nakatali sa kama habang may tela sa bibig nito.
"Hmmm! Hmmm! Hmmm!" nanlalaki ang mata nito at panay ang iling.
"Lexine!"
Nagmadali siyang pumasok pero ilang hakbang pa lang ng may pumukpok ng malakas sa ulo niya dahilan para matumba siya sa sahig.
Pagtingala niya nakita niya si Miguel na nakatayo sa likod ng pinto at may hawak na pigurin.
"Kamusta, Grim reaper?"
Nangagaliiti siya sa labis na galit at handa na itong sugurin nang bigla siyang hindi makakilos.
Ano'ng nangyayari?
Tumawa ng malakas si Miguel at naglakad paikot sa kanya. Doon lang napagmasdan ni Night ang kahoy na sahig. May nakaguhit na pentagram at naroon siya sa gitna. Napalolooban ito ng isang spell.
Panay ang pag-ungol ni Lexine sa kama na walang magawa dahil sa pagkakatali at telang nasa bibig. Umiiyak at nagmamakaawa ito pero hindi ito pinakikingan ni Miguel.
"Papatayin kitang hayop ka!" nagkikiskis ang ngipin ni Night habang matalim ang mga mata kay Miguel. Hindi niya maigalaw ang kahit anong parte ng katawan niya dahil sa mahikang nakapalibot sa pentagram. Daig niya pa ang matigas na rebulto at kahit mukha niya ay 'di niya maikibot kahit kaunti man lang.
Hindi niya rin magagamit ang kanyang kapangyarihan. He was trapped!
Pumainlanglang sa apat na sulok ng silid ang baliw na tawa ni Miguel, "Dapat noon mo pa ginawa yan. Mali mo na binuhay mo pa ako," nagdilim ang mga mata nito at binuksan ang drawer sa gilid.
"Did you bring what I want?"
"Pakawalan mo muna si Lexine," matigas na sagot ni Night. Ang totoo ay wala siyang dalang kahit na ano. Nasa malapit lang ang mga kaibigan nila. Ang plano ay magbibigay siya ng senyas sa oras na mailigtas niya si Lexine at saka susugod ang mga ito ngunit sa kasamaang palad ay na-trapped siya.
Umismid si Miguel at lumingon sa kanya, "Huwag kang atat, nagsisimula pa lang tayo."
May kinuha ito sa drawer. Isang pliers. Tinaas nito ang hawak at lumapit sa kanya.
Nagigilas si Lexine sa nakita. Panay ang pag-iling niya ngunit kahit anong sigaw niya tanging pag-ungol lang ang lumalabas.
Nababaliw na lumuhod si Miguel sa harapan ni Night. Doon nakumpirma ng huli na totoong may sira ang utak nito.
"Nasobrahan ka na sa tunog ng putok ng baril kaya pumutok na rin ang mga ugat dyan sa utak mo! Isa kang baliw!" nangigigil niyang turan.
Humalakhak si Miguel at napailing, "It's better to be mentally ill than be a monster like you. Papatikim ko lang sa'yo kung ano ang pinatikim mo sa'kin. I'm pretty sure na parang kagat lang ng langam ang mararanasan mo."
Kinuha nito ang kamay niya at pinuwesto ang pliers sa kanyang daliri.
Nagwawala na sa kama si Lexine habang panay ang pagbuhos ng luha sa kanyang mata, "Hmmmmm! Hmmmmm! Hmmmmm!"
Nababahalang humarap si Night sa asawa. Kaya niyang tiisin ang kahit anong torture pero hindi niya maaatim na makita ito ni Lexine.
"Baby, close your eyes."
Mabilis ang pag-iling ni Lexine habang patuloy ito sa paghagulgol.
"Close your eyes Lexine, please."
Walang magawa si Lexine kundi ang sumunod. Dahil hindi niya rin makakaya na makitang mahihirapan si Night. Baka bumigay ang puso niya. Dahan-dahan siyang pumikit.
Inipit ni Miguel ang nguso ng plier sa unang kuko ni Night at walang awa itong tinangal.
"AHHHHHHHH!"
Lalong lumakas ang hagulgol ni Lexine nang marinig ang hiyaw ni Night. Basang-basa na ang mukha niya sa luha pero pinilit niyang manatiling nakapikit.
"One down, nine to go," demonyong ngumiti si Miguel at sinunod naman na tangalin ang kuko ni Night sa pangalawang daliri.
"AHHHHHHHH!"
Buong giliw na tumawa si Miguel nang makita ang nagdurugong mga daliri ni Night na para bang isang batang nasisiyahan sa nilalaro nitong apoy, "Masarap ba Grim reaper?"
Pawisan ang mukha ni Night nang tumingala sa kanya, imbis na magalit ay nginisian niya lang ito para lalo itong asarin, "Yan lang ba ang kaya mo? Mas masakit pa ang kagat ng langam."
Lalong nanginig ang bagang ni Miguel, "Huwag kang mag-alala dahil patikim pa lang 'yan. Susunod ko naman ang mga ngipin mo."
Tinangal ni Miguel ang pangatlong kuko niya at lalo siyang napahiyaw sa sakit.
"AHHHHHHHHH!"