Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 308 - I’m saving you

Chapter 308 - I’m saving you

MAINIT na nagpupulong-pulong ang magkakaibigan sa loob ng Moonhunters. Bawat isa ay tensiyonado sa labis na pag-aalala para kay Lexine higit na ngayong nalaman nila na nagdadalang tao ito.

Nakapatong ang cellphone ni Night sa ibabaw ng lamesa habang nakatayo siya sa gitna ng sala at tila poste na hindi gumagalaw. Nakahalukipkip siya at hindi nagbibitaw ng tingin dito. Kanina niya pa inaabangan na mag-text o tumawag si Miguel kung saan sila magkikita pero mahigit limang oras na ang nakalilipas at wala pa rin siyang nakukuhang kahit na ano.

Bawat minutong lumilipas ay mas lumalakas ang bahalang nararamdaman niya lalo pa't nasa panganib ang buhay ng mag-ina niya.

Nakakabingi ang katahimikan sa paligid at wala ni isa ang nais magsalita. Hanggang sa umilaw ang cellphone at mabilis pa sa hangin na dinampot ito ni Night. Sabay-sabay na kumilos ang lahat at tumingin sa screen. Agad niyang binuksan ang message.

Unknown number: Meet me at XXXX

"Anong plano mo Night?" tanong ni Elijah sa kanyang likuran.

Binulsa niya ang cellphone at mas madilim pa sa gabi ang mga mata niya, "Babawiin ko si Lexine. I need the sword."

Malaki ang pagtutol ni Miyu, "You can't go there alone Night! Malakas ang kutob ko na patibong yun ni Lucas baka mapahamak ka!"

"Miyu is right, isa pa, hindi pa natin alam kung nasaan ang Devils Heart, siguradong magagalit si Lexine kapag ginalaw natin ang espada ni Lucas. Dahil sa oras na mapunta sa hari ng kadiliman ang espada katapusan na nating lahat," mahabang paliwanag ni Eros.

Galit na lumingon si Night sa huli, "At ano? Buhay ng mag-ina ko ang malalagay sa kapamahakan!?"

"Night! Kung nandito si Lexine sigurado akong ganito rin ang sasabihin niya!"

Hinablot ni Night ang kwelyo ni Eros at nangigigil na dinikit ang mukha, "I don't care! Ibigay mo sa akin ang espada!"

"Patayin mo na ako pero hindi ko ibibigay sa'yo!" matatag nitong tangi na hindi nagpapatinag sa nag-aapoy niyang mga mata.

Lalong nagdilim ang mata ni Night at sinuntok ng malakas si Eros sumubsob ito sa sahig. Akmang susugod pa siya ulit pero mabilis siyang pinigilan ni Elijah sa balikat.

"Night tama na!"

Pero ito naman ang hinablot niya sa buhok sabay binalibag sa sahig saka mabilis na pinaibabawan at sinakal, "Ilabas niyo ang espada!"

Natataranta si Miyu at Devorah sa isang tabi at 'di alam kung paano aawatin ang mga lalaki.

"Night! Stop that! Ano ba 'wag kayong mag-away!" sigaw ni Devorah.

Hindi na makahinga si Elijah sa mahigpit na kamay ni Night. Maliksing bumangon si Eros at hinumpas ang kamay. Gumalaw ang lamesita sa sala at hinagis niya kay Night pero agad nakatalon ang huli paalis sa ibabaw ni Elijah at nakaiwas. Tumama ang lamesita sa pader.

Lalong nangalaiti sa galit ang prinsipe ng dilim. Gusto nila ng sakitan hindi niya ito uurugan. Pinalabas niya ang espadang si Gula at madilim na tumitig sa mga kaibigan. Sa mga sandaling ito wala siyang ibang iniisip kundi ang kagustuhan na mabawi ang mag-ina.

Nanghihinang tumayo si Elijah habang hawak pa ang leeg, "Night, kumalma ka, kailangan natin ng maayos na plano para mailigtas si Lexine."

Natigilan siya sa sinabi nito.

"Tama si Elijah, please Night, makinig ka sa amin. We need to help each other. So please, makinig ka muna sa amin…" pakiusap ni Devorah, "Mas lalong mapapamahamak si Lexine at ang anak niyo sa oras na mapasakamay ni Lucas ang espada niya."

Doon siya tuluyang natauhan at dahan-dahang humupa ang dibdib niya. Pumikit siya at ilang ulit na bumuntong hininga upang linisin ang isipan at 'wag magpalamon sa nagbabagang emosyon. Hindi siya dapat magpadalos-dalos ng desisyon, tama ang mga kaibigan niya. Ilang sandali pa at muli na siyang humarap sa mga ito na nas kalmado.

"What's the plan?"

***

MALAKAS na hampas ng alon at malamig na simoy ng hangin ang unti-unting humatak kay Lexine pabalik sa kamalayan. Pinilit niyang idilat ang mabibigat na talukap. Bahagyang umiikot pa ang mundo niya habang pinagmamasdan ang madilim na paligid. Dama niya ang lambot ng kutson sa likuran. Una niyang napansin ang mga picture frame na nakasabit sa dingding sa kanyang kaliwa. Tapos nakita niya ang couch, lamesita, lampstand at iba pang furnitures.

Nang umayos ang paningin niya doon niya napagtanto na nasa loob siya ng isang bahay. Sinubukan niyang bumangon pero hindi siya makakilos. Saka niya napansin na nakatali pala ang mga paa at kamay niya sa bawat korner ng kama. Doon siya mabilis na nagpanic at nagsisigaw.

"Tulong! Tulungan niyo ako! Tulong!"

Pero kahit anong lakas ang ibigay niya upang makawala sa tali ay walang silbi. Nanghihina ang mga kalamnan niya habang pauloy na tumutusok ang kirot sa kanyang sintido.

Muli niyang pinagmasdan ang paligid. Ang mga pictures frame na nakadisplay ay litrato ng isang batang lalaki at magandang babae. Sa unang tingin ay alam niyang mag-ina ito. Mula pagkababy ng anak nito, hanggang sa graduation day, at kung ano-ano pang masasayang memories.

Paano ba siya napunta dito? Kanino ang bahay na ito? Nang bigla niyang naalala ang huling nangyari bago siya nawalan ng malay. Napasinghap siya ng malakas.

"Gising ka na pala. Kumain ka muna."

Napatingin siya sa bukas na pintuan ng kwarto at doon nakatayo si Miguel habang may hawak na tray ng pagkain. Walang reaskyon ang mukha nito nang dahan-dahang naglakad palapit sa kanya. Nilapag ni Miguel ang tray sa side table at lumuhod sa tabi niya saka hinaplos ang kanyang mukha.

Nanginginig ang labi ni Lexine, "Miguel nasaan tayo, ano 'to? Bakit ako nakatali?"

"This is my mothers house. That's my mom."

Muli niyang pinagmasdan ang pictures. Doon niya nakumpirma na si Miguel nga ang batang lalaki.

"Miguel, bakit mo ginagawa 'to?"

Walang buhay ang mga mata nito na nakatitig lang sa kanya at panay haplos sa kanyang mukha na tila isa siyang manika na kinahuhumalingan nitong pagmasdan, lalo siyang kinikilabutan sa mga haplos nito. Hindi ito ang Miguel na kilala niya.

"I'm saving you from hell."

'Di na napigilan ni Lexine ang mga luhang pumapatak, "Miguel, please, don't do this…"

Mula sa pisngi niya dahan-dahang lumipat ang mga daliri ni Miguel sa nanginginig niyang labi at marahan itong hinaplos. Mas lalo siyang nakaramdam ng takot sa ginawa nito. Para itong wala sa sarili. Pinagmamasdan ng walang buhay nitong mga mata ang bawat parte ng kanyang mukha na tila ba minemorya ang mga iyon.

"An angel like you doesn't deserve a demon like him, you deserve better Lexine…"

Panay ang iling niya, "Miguel, please tigilan mo na ito. Kasal na ako kay Night. Siya ang mahal ko."

Ang malamig na mata nito ay biglang nag-apoy sa galit, "Impyerno lang ang magiging buhay mo sa kanya Lexine!"

Mas lalo siyang naiyak sa takot sa nakikitang mabilis na pagbabago ng anyo nito.

Kasing bilis ng hangin na bumalik sa pagkamalumanay ang mukha ni Miguel at muli siyang hinaplos, "Ako, nandito ako, aalagaan kita, mamahalin kita, hindi ako halimaw na katulad niya."

Hindi makapaniwala si Lexine sa nakikita ng mga mata. Ano ang nangyayari kay Miguel at tila nababaliw na ito?

"Miguel… please…"

"Huwag kang mag-alalala. Di ko hahayaan na masira ang buhay mo sa kamay niya. I'm here to protect you from that monster."

Tumayo si Miguel at naglakad palabas ng silid.

"Miguel! Miguel pakawalan mo na ako please, Miguel! Miguel please!"

Pero kahit anong sigaw niya ay 'di siya nito pinapansin. Sinarado muli nito ang pinto at naiwan siyang umiiyak at nag-iisa.