Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 307 - Taken

Chapter 307 - Taken

TAHIMIK na pinagmamasdan ni Miguel ang dahan-dahang paglalakad ni Lexine sa aisle habang nakatayo siya sa isang sulok. She was the most beautiful bride he ever saw. But his heart was contracting hardly he can't breathe properly.

Madilim ang mga mata niya habang nakatitig kay Night nang ihatid si Lexine ng mga magulang nito sa huli. She deserves someone better, not a monster like him. Nagkuyom ang mga palad niya nang maalala ang pag-uusap nila ni Lucas ilang lingo na ang nakakaraan.

"May hawak si Alexine na isang bagay na pagmamay-ari ko, ang aking espada.Kailangan mong makuha yun. Sa oras na mabigay mo sa'kin ang gusto ko. Ipagkakaloob ko sa'yo si Alexine…"

Kumunot nang husto ang noo ni Miguel sa kaharap, "Paano si Night?"

Dahan-dahang naglakad si Lucas patungo sa kaliwang korner ng silid at nagsalin ng whisky sa dalawang baso. Lumapit ito sa kanya at inabot ang isa. Tinangap naman niya iyon.

Malalim na tumitig ang tsokolateng mata nito sa kanya at nakapagbigay iyon ng kakaibang kilabot sa buo niyang katawan, "You will use him to give you the sword. He would everything for Lexine."

Napailing si Miguel, "But he's too powerful. Tignan mo nga ang ginawa niya sa akin," tinuro niya ang mukha, "Isa siyang halimaw," nangigigil niyang turan.

Umismid si Lucas, "Mas halimaw ako sa kanya."

Napalunok ng madiin si Miguel dahil naramdaman niya ang mabilis na pagbalot ng malamig na aura sa kabuuan nito. Unang meeting pa lang nila ng lalaki pero nasisiguro niyang higit na mapanganib ito kay Night o kanino man.

"I can help you with Night, just do everything I say."

"P-paano mo naman maibibigay sa'kin si Lexine?"

Ang matigas na mukha ni Lucas ay lalong nagdilim habang unti-unting tumaas naman ang sulok ng bibig nito. Sapat na ang maliit nitong kilos para manginig si Miguel sa takot. His brown eyes maybe beautiful but it possess a kind of dark power that nobody can't defeat. Alam niya na sa mga sandaling ito ay nakikipagsugal na siya sa isang tunay na demonyo.

Pero ano ba ang mawawala ka sa kanya? Simula nang makaharap niya si Night ay wala na siyang dapat katakutan pa. Kung ito lang ang magiging paraan para mapunta sa kanya si Lexine gagawin niya. He's going to save her with that horrendous beast.

"I can erase all her memories with Night and replace it with yours. How was that?" Lucas mischievously smiled at him.

Nagtigas ang bagang ni Miguel at nagkuyom ang mga palad. Noon sa mga digmaan na kinaharap niya sa pakikipagbakbakan sa mga terrorista, wala siyang nagawa upang iligtas ang mga kapatid niyang sundalo. Gabi-gabi siyang binabangungot ng madudugong nakaraan. Pinakamasakit na yugto ng buhay niya nang wala rin siyang nagawa para iligtas si Red.

Muling sumagi sa alaala niya ang pagkamatay ng matalik na kaibigan mismo sa kanyang bisig. At iyon ang isang bagay na pinagsisihan niya. Ngayon, hindi na siya muling magkakamali pa. Hindi niya hahayaan na wala siyang gagawin, ililigtas niya si Lexine sa isang impyernong buhay na hindi nito deserve. Walang maibibigay si Night sa babae kundi kapamahakan lang at hindi-hindi niya iyon maatim na mangyari.

He will protect her, love her and take care of her. He won't let an angel fall with a demon. He will make sure of that.

"Cheers," tinaas ni Lucas ang hawak na baso.

Nakipag-cheers siya dito saka nilagok ang alak gamit ang nanginginig na kamay. Inisang tunga niya ito at naramdaman ang init ng guhit sa kanyang lalamunan habang nalasahan ang pait sa kanyang dila. Pero ilang sandali lang at may kakaibang init siyang naramdaman na tumusok sa kanyang dibdib na mabilis na gumapang sa buo niyang katawan. Nangangati ang lalamunan niya at nahirapan siyang huminga. Nabitawan niya ang baso at nabasag ito sa sahig. Napaluhod si Miguel habang hawak ang leeg.

Hindi siya makapagsalita at tumingala kay Lucas na may demonyong mga ngiti sa labi.

"Welcome to the darkness."

***

"CONGRATULATIONS!"

Natigilan si Lexine nang mag-angat ito ng tingin, "M-miguel?"

Prenteng nakatayo siya sa pintuan habang nakapamulsa, "Gusto ko sanang sumigaw kanina ng… itigil ang kasal. Pero na-late ako ng dating."

Napanganga ito sandali matapos ay tumawa ng pilit, "Ikaw talaga, nakapalamabiro mo. Ha! Ha! Ha!"

Napangisi siya sa reaction nito na halatang sinusubukang tumawa. Naglakad siya papasok at tumayo sa harapan nito. Tumayo na rin si Lexine upang salubungin siya.

"Kamusta ka na? Thank you at nagpunta ka," tipid itong ngumiti. Taimtim na nakatingin si Lexine sa mukha niya na may konting bakas pa mula sa pagkakabugbog ni Night. Pagaling pa lang ang mga galos at tahi sa kanyang kilay at bibig. Pero mas masakit ang sugat na naiwan sa kanyang puso at 'di iyon basta-basta gagaling.

Hinaplos ni Lexine ang kaliwang mata niya na hindi niya pa maidilat ng maayos. Iyon kasi ang mas napuruhan sa ginawa ni Night.

"I'm really sorry Miguel."

Kinuha niya ang palad nito sa kanyang mukha at inabot ang isang maliit na kahon.

"Ano 'to?"

"My gift for you. Open it."

Tila bata na na-excite magbukas si Lexine at dahan-dahang inangat ang takip. Isang itim na usok ang lumabas mula doon na agad tumusok sa ilong nito dahilan upang mabilis itong mawalan ng malay.

Sinalo niya ito sa bewang at agad pinangko. Sa backdoor siya mabilis na dumaan upang hindi makita ng mga bisita sa labas. Agad niyang pinasok si Lexine sa likod ng kotse at nagmadaling nagmaneho paaalis.