Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 306 - Best wishes

Chapter 306 - Best wishes

"SHE'S fine you don't have to worry Night, napagod lang ang asawa mo," malumanay na sabi ni Devorah habang hinihimas siya sa balikat.

"Masyado mo kasing ginalingan Night eh, ayan tuloy," pang-aalaska ni Elijah.

Pero wala sa mood makipag inisan si Night kaya tinignan niya lang ng masama si Elijah. Naurong naman agad ang dila ng bampira, "Ah… labas muna pala ako. See you guys later."

Hawak-hawak lang ni Night ang kamay ni Lexine habang tahimik itong nakahiga sa sofa. Hinalikan niya ang kamay nito.

"Baby, I'm sorry…"

"Wag mo sisihin ang sarili mo, it's not your fault," saad ni Devorah.

Bumuntong hininga si Night at tumayo saka humarap kay Devorah, "Yosi lang ako Dev. Please call me if she wakes up."

Tumungo ito, "Sure."

Matapos ang ilang minuto ay unti-unti nang nagkamalay si Lexine. Agad siyang nilapitan ni Devorah, "Lexi… how are you feeling?" inalalayan niya itong umupo.

Napahawak si Lexine sa ulo, "What happened? Where's Night?"

"Nag-yosi lang. Hinimatay ka kanina habang sumasayaw siya," kwento nito na hindi maitago ang ngiti sa labi.

Napapikit si Lexine nang muling may tumusok na kirot sa sintido niya. Inabutan siya ni Devorah ng baso ng tubig saka umupo sa kanyang tabi habang hinihimas ang likod niya.

"Lexine, may tatanong sana ako sa'yo…"

Naubos niya ang tubig, "Ano 'yun?"

Kinuha ni Devorah ang baso at nilagay sa side table saka siya hinarap. Mayroon ibang ningning sa mga mata nito na pinagtataka lalo niya.

"When was the last time… you had your period?"

Napakunot ang noo niya sa tanong nito at saglit na nag-isip. Kinuha niya ang cellphone at tsinek ang calendar. Matapos magbilang ay napasinghap siya dahil ngayon niya lang na-realized na delayed siya.

"Oh my God…" napahawak siya sa bibig.

Napangiti ng matamis si Devorah. Nang mahawakan niya ang katawan ni Lexine kanina habang binibigyan ito ng paunang lunas ay naramdaman na agad niya kung anu ang dinadala nito.

"You mean…" hindi mabuo ni Lexine kung ano ang sasabihin.

Hinawakan ni Devorah ang dalawa niyang kamay, "Yes, you're pregnant. Magiging parents na kayo ni Night."

Napabuga ng hangin si Lexine. Ilang segundo pang nag-hang sandali ang utak niya bago naproseso ang lahat. Naluluhang niyakap niya nang buong higpit si Devorah sa sobrang tuwa.

"I'm going to be a mom! I can't believe it!"

Hinawakan niya ang tiyan. Sobrang lumolobo ang puso niya sa labis na kaligayahan nag-uumapaw ang pakiramdam niya. Hindi na siya makapag-antay na sabihin kay Night ang magandang balita.

"Nasaan si Night? I need to see him," kinuha niya ang phone at tinawagan agad ito pero tumunog ang ringtone ng cellphone ni Night na naiwan pala.

"Just stay here. Ako na ang tatawag sa kanya," prisinta ni Devorah. Hindi niya pa muna binangit kay Night dahil gusto niya na si Lexine ang unang magbalita.

"Okay thank you Dev."

Umalis si Devorah at naiwan si Lexine na hindi maalis ang ngiti sa labi. Panay ang haplos niya sa kanyang tiyan at kinakausap ito, "My little angel. I can't believe I have you here inside me. Mommy is so excited. I promise to take care of you with all my heart…"

Ilang sandali pa at may pumasok sa loob ng silid. Masayang tumingala si Lexine upang sabihin kay Night ang good news pero natigilan siya nang makita kung sino ang dumating.

"Congratulations…"

***

PAGDATING ni Night at Devorah sa kwarto ay nawawala na si Lexine.

"Where did she go?"

"Iniwan ko lang siya dito," nagtatakang sagot ni Devorah.

Hinanap ni Night ang asawa sa ibang CR at sa paligid ng kwarto pero wala ito. Nakita niya ang cellphone nito sa sofa at dinampot iyon, "She left her phone."

May hindi magandang pakiramdam si Night at mabilis na dinumbol ang dibdib niya sa kaba.

Hinanap nila si Lexine sa buong Fernwood Gardens pero umabot na sila ng dalawang oras ay hindi pa rin nila ito makita.

"Sorry man, di naman siya nakita," Eros apologized.

Nasabunutan ni Night ang sariling buhok sa labis na pag-aalala, "Fuck, where is she?"

Biglang nag-vibrate ang cellphone niya at isang unknown number ang tumatawag.

"Hello?"

"Best wishes."

Nanigas agad ang panga ni Night at mabilis na nagdilim ang mga mata nang makilala kung sino ang tumawag, "Hayop ka nasaan ang asawa ko, 'wag kang magkakamaling saktan si Lexine dahil papatayin kita," nagkikiskis ang ngipin niya sa labis na galit.

Tumawa ito nang nakakaloko sa kabilang linya, "Don't worry, she's safe and sound. I'm not like you na isang halimaw."

Nakatuon ang mga mata nito sa daan habang nagmamaneho gamit ang kaliwang kamay at hawak naman ang phone sa kanan. Nilingon nito sa Lexine sa rear view mirror na tahimik na natutulog sa backseat.

"Hindi lang kuko mo ang tatangalin ko pag nagalusan ang asawa ko."

Nababahala ang magkakaibigan sa mga naririnig mula kay Night. Sigurado na silang may dumukot kay Lexine.

Tumawa muli ito, "I can't wait for that. Listen to me, Grim Reaper. Prepare the sword and meet me alone, or else you won't ever see again your beloved wife."

Natigilan si Night. Bakit nito kailangan ang sword? Mabilis na pumasok sa isip niya si Lucas. Lalo siyang nangaliiti sa galit. Humigpit ang hawak niya sa cellphone at nanginginig ang buong mukha.

"Hayop kang animal ka, pagpipira-pirasuhin ko talaga bawat parte ng katawan mong putangina ka."

Isang malakas na halakhak ang sinagot nito, "Pinagsisihan mo na ba ngayon na hindi mo pa ako pinatay?

Lalong nagdilim ang buong mukha ni Night. Dapat talaga ay pinugutan na niya ng ulo ang hayop na iyon! Gusto niyang magwala at sumigaw sa sobrang galit na nadarama pero pinilit niyang ayusin at pakalmahin ang sarili. Ilang ulit siyang bumuntong hininga bago nagsalita.

"Saan tayo magkikita?"

Umismid si Miguel, "I'll text you the address. Uulitin ko, meet me alone and bring me what I want. Alam mo naman na siguro kung ano ang kapalit," binaba na nito ang tawag.

"Ahhhhhhhhhhh!" sa sobrang galit ni Night sinipa niya ang basurahan na nasa tabi. Hindi pa siya nakuntento kaya pinagsusuntok naman niya ang pader hanggang sa magdugo ang kamay niya.

Papatayin niya si Miguel. Sisiguraduhin niya na magbabayad ito sa ginawa nitong pagdukot sa asawa niya. Hindi-hindi niya ito patatawarin at kahit katiting na awa ay hindi niya ipagkakaloob dito.

"Anong nangyari Night, nasaan si Lexine?" nag-aalalang tanong ni Miyu.

"Dinukot siya ni Miguel."

Sabay-sabay na napasinghap ang lahat. Napamura ng malakas si Elijah, "Sinasabi ko na nga ba at hindi mapagkakatiwalaan ang gagong yun!"

"We need to save her!" giit ni Miyu, "Ano ba ang kailangan ni Miguel bakit niya ginagawa ito?"

Madilim na humarap si Night sa lahat, "He wants the sword."

Mas lalong napanganga ang lahat.

"How… Shit! Kasabwat niya si Lucas!" nangigigil na turan ni Miyu.

Nababahalang lumapit si Devorah at hinawakan si Night sa braso, "Night may kailangan kang malaman…"

Napakunot ang noo niya, "Ano yun?"

"Buntis si Lexine."