MATAPOS ang hapunan ay tumambay muna ang magkasintahan sa balcony upang magpahangin habang umiinom ng mainit na kape.
"I'm sorry kanina. Ganun lang talaga si Papang, over protective kasi 'yun saka dito talaga sa probinsya, tradisyunal ang mga tao," paliwanang ni Lexine sa katabi.
Ngumiti si Night at inakbayan siya habang nakaupo sila sa kawayan na upuan, "It's okay. Don't worry about me. I will do everything to prove to your parents that I'm the right man for you."
Sinandal ni Lexine ang ulo sa balikat nito at sabay nilang pinagmasdan ang mga bituin sa madilim na kalangitan. Sariwa ang malamig na hangin habang naamoy niya ang dahon at putik. Isang bagay na-missed niya ng husto. Di tulad sa Manila na puro polusyon ang masisinghot mo.
"Thank you for coming here with me. I'm sure kayang-kaya mong mapalambot ang puso ni Papang. Basta susundin mo lang kahit anong gusto niya at mahuhuli mo rin ang kiliti nun."
"Pero ang totoo kinakabahan ako sa Papang mo, mas nakakatakot pa siya sa kahit anong demonyo o halimaw na nakalaban ko."
Ang lakas ng tawa ni Lexine at hinarap ang nobyo, "Ikaw pa ba? You're the mightiest demon prince of the Underworld. Wala kang kinakatakutan na kahit ano."
Natigilan si Night habang pinagmamasdan ang magandang mukha ng dalagang kaharap. Ang totoo ay may isang bagay na kinakatakutan ang prinsipe ng dilim. Iyon ay si Lexine.
Muli niyang naalala ang kinamumuhiang ama na si Lucas. Sigurado siyang hindi ito titigil hangga't hindi nakukuha ang espada. Noon ay natakot siyang labanan ang hari ng kadiliman hindi sa kadahilang mas malakas ito sa kanya at nababahala siyang hindi mananalo. Dahil ang tanging bagay kinakatakot niya ay kapag sinaktan nito si Lexine. Kaya niyang tiisin ang kahit anong sakit at pagpapahirap na ibigay ni Lucas sa kanya. Higit pa ngayon na hawak siya nito sa leeg.
Sa tulong ng beads bracelet na nakuha niya sa isang Babaylan na pinakilala ni Valac ay nagagawa niyang kontrolin ang katinuan laban sa halimaw na nasa loob niya hangga't suot-suot niya ito. Ngunit alam ni Night sa sarili na hanggang ngayon ay hawak pa rin ni Santi ang kaluluwa niya at maaaring dumating ang panahon na hindi na naman niya makokontrol ang sarili.
Isa pa sa matinding inaalala niya ang tungkol sa espada. Sinabi niya lang kay Lucas na bigyan pa siya ng konting oras para mahanap ang espada na tinatago ni Lexine pero kasinungalingan lang iyon. Sinasakyan niya lamang ito nang sa ganoon ay maprotektahan niya si Lexine. Pero sa oras na mahanap nila ang Devils heart ay walang pagdadalawang isip na sisirain niya ang espada.
Hinahanda na niya ang sarili sa malaking labanan na magaganap sa pagitan nila ng sariling ama. Gagawin niya ang lahat upang protektahan si Lexine sa hari ng kadiliman. Hindi siya papayag na magtagumpay ito sa masasama nitong plano higit na ang saktan ang babaeng pinakamamahal niya.
Kumunot ang noo ni Lexine nang mapansin ang pagkabalisa ni Night, "Hey, are you okay?"
Tumikhim si Night at inayos ang sarili, "Oo naman… napagod lang ako kanina kasi na-tensed ako ng sobra sa Papang mo."
Malambing na hinaplos ni Lexine ang magkabilang pisngi ni Night, "Mabuti pa matulog na tayo at malayo rin ang binyahe natin kanina."
"Good night kiss ko muna, " ngumunguso na binaba nito ang mukha upang halikan siya sa labi pero nang mapasulyap si Lexine sa pintuan ng balcony ay agad nanlaki ang mata niya nang makita ang madilim na mukha ni Sergio na nakatitig sa kanila.
Automatic na gumalaw ang reflexes ni Lexine at tinulak nang malakas si Night palayo sa kanya. Diretso itong nahulog sa upuan at flat ang pwetan sa sahig.
"Aray!"
Masama ang tingin ni Sergio habang nakahalukipkip na nakatayo sa pintuan ng balcony. Nanlalaki ang mata ni Lexine at natatarantang tumayo, "P-papang…" alanganin ang ngiti niya.
Hindi na nakapagreklamo pa si Night sa masakit na pagkakahulog dahil nataranta na rin siyang umayos ng tayo.
"Gabi na matulog na kayo," malamig na utos ni Sergio.
"Opo Papang, sige po matutulog na kami. Good night," lumapit si Lexine sa ama at humalik sa pisngi nito.
"G-good night po," alanganin sabi ni Night dahil masama ang titig sa kanya ni Sergio na para bang babalatan na siya ng buhay.
Sinundan niya si Lexine patungo sa kwarto pero nakakailang hakbang pa lang siya nang magsalita ulit ito, "At saan ka pupunta?"
Nagtatakang lumingon si Night, "M-matutulog na po, diba pinapatulog niyo na po kami?"
"Oo nga, sinabi ko nga yun. Pero sinong nagsabi sa'yo na tabi kayo ng matutulog ng anak ko? Hindi pa kayo kasal kaya hindi pa kayo pwedeng matulog nang magkatabi. Hala! Dun ka sa guest room matulog!" tila General sa isang Army na utos ni Sergio.
Napalunok si Night nang madiin, "S-sabi ko nga po 'dun sa guestroom."
Naningkit ang mata nito sa kanya at dinikit ang mukha, "I'm watching you," gamit ang dalawang daliri ay tinuro nito ang mata tapos tinuro ang mata niya.
Alanganing ngumiti si Night, "Hehe, s-sige po, matutulog na po ako."
Talagang hindi ito nagbitaw ng tingin sa kanya hanggang sa pumasok siya sa loob ng guestroom. Wala siyang nagawa kundi mapakamot na lang sa ulo at napabuntong hininga habang pinagmamasdan ang malungkot na kama.
***
PAG-GISING ni Lexine kinabukasan ay agad niyang hinanap si Night dahil wala na ito sa guestroom. Naabutan niya si Sandy at Katherine na nagluluto ng agahan sa kusina.
"Mamang, nasaan po si Night?"
Mula sa paghihiwa ng gulay ay lumingon ito sa kanya, "Ah, maagang ginising kanina ng Papang mo at sinama mag-igib ng tubig."
"Ha? Bakit? Eh may gripo at shower naman sa kubeta."
"Ate nawalan ng tubig kanina madaling araw," sagot ni Sandy na naghuhugas ng pingan sa lababo. Doon niya lang napansin ang isang balde na nasa paanan nito.
Naglakad siya papuntang bintana upang dumungaw sa labas ng bahay nila at natanaw niya si Night na nagbo-bomba sa poso sa bakod nila. Hindi napigilan ni Lexine na mapangiti at the same time kiligin sa nakikita. Dahil topless lang naman ang makisig na prinsipe ng dilim habang pume-flex ang mucles nito sa pagbo-bomba. Tumatagtak na ang pawis nito mula sa noo na gumagapang sa leeg, pababa sa katamtamang ubok ng chest nito pababa sa matitigas nitong eight pack abs. Habang tila pila sa MRT ang nakahilerang balde-balde na pag-iipunan nito ng tubig.
Maging iyong mga babaeng kapitbahay nila ay nakadungaw na sa bakod at mga nangingisay sa kilig habang pinapanood ang nobyo niya.
"Ke bagal-bagal mo namang mag-bomba bata ka! Madami pa itong nakapila oh! Bilisan mo at aabutan tayo ng pagputi ng uwak bago ka makaipon ng tubig!" sermon ni Sergio na nakaupo kawayan na bench sa gilid ng bahay nila habang nagbabasa ng diyaryo at umiinom ng kape.
"Sir yes sir!" masiglang sagot ni Night na animo masunuring sundalo at mas binilisan ang pagbomba sa hawakan ng poso.
Lumingon siya sa itaas at nakita ang nakangiting mukha ni Lexine habang nakapalumbaba sa bintana at pinapanood siya.
"Good morning beautiful," bumuka ang bibig niya pero walang lumabas na tunog sabay kumindat.
Hindi na napigilan ni Lexine ang kilig dahil kahit sa pagbobomba ng kinakawalang na poso ay napakagwapo pa rin ng soon to be husband niya.
Spell ganda? L. E. X. I. N. E.