NORMAL na busy day sa headquarters para sa lahat. Kasalukuyang may video conference si Lexine at ang buong grupo sa iba't ibang leaders ng Moonhunters around the world.
Gamit ang hologram 3D ay tila nakaupo rin at kasama nila sa mahabang table ang iba pang twenty four leaders from twenty four sub agencies from Southeast Asia, North America, South America at Africa.
"That's all for today everyone. I'll see you guys again on the next meeting," sabi ni Lexine.
"Thank you Ms. Lexine," sabay-sabay na turan ng lahat. Mabilis na namatay ang hologram at nawala na ang mga ito.
Tumayo si Elijah at nag unat-unat ng katawan, "Hay grabe! It's been an exhausting week! Dapat mag-set naman tayo ng outing puro na lang tayo trabaho, meetings, mission! Wala na tayong social life," reklamo ng bampira.
"That's a good idea, bakit hindi tayo mag-set ng team building, what do you think Lexine?" suwestiyun ni Eros.
Saglit na nag-isip si Lexine at pinagmasdan ang nag-aasam na mukha ng mga kaibigan. Kung sabagay, simula nang tinayo nila ang Moonhunters last year ay never pa silang nagkaroon ng outing. Dahil unang taon nila kaya naman dikdik ang lahat sa pagta-trabaho at pamamalakad ng buong Headquarters at bilang siya ang isa sa mga founder ay mas mabigat ang responsibilidad niya.
"Sige na Lexine… maybe three days and two nights would do," dagdag ni Miyu na katulad ng iba ay nakikiusap rin ang mga mata.
Napabuntong hininga siya. Ano pa ba ang magagawa niya gayong pinagtulungan na siya ng mga kaibigan?
"Okay, set it by the end of the month. I'll clear all our schedules and move our meetings."
"Yesssssss!" tila mga high-school student na excited sa field-trip ang reaksyon ng bawat isa.
"Gusto ko nang makakita ng beach!" sigaw ni Elijah.
"Kailangan na natin bumili ng bagong swim wear! Sale sa H&M ngayon!" tili ni Miyu, "Let's go shopping Dev."
"Sige ba!"
"Mukhang kailangan ko na bumalik sa gym," sabi naman ni Elijah at pumi-flex pa ng braso, "Nawawala na ang muscles ko kakaharap sa laptop."
"Babe, sexy ka pa rin kahit wala ka ng abs," biro ni Miyu.
"Hey! Meron pa 'no!"
"Wala na kaya, tabs na 'yan eh!" dinutdot dutdot ni Miyu ang tyan ng bampira.
"Ikaw kasi! Lagi mo akong pinapakain, tumataba na ako!"
Nagtawanan ang magkakaibigan nang tumunog ang cellphone ni Lexine at lumabas ang notifications. Pagtingin niya, may red alert na naman na nagtuturo sa isang pakalat-kalat na demon sa city. Sinasabi ng tracker na nasa isang malapit na factory ito.
"Hey, may huhuliin lang ako sandali. Elijah, ikaw na ang bahala humarap sa meeting natin with the ASEAN leaders."
Tumayo si Lexine at kinuha ang jacket at susi ng kotse saka nagmamadaling lumabas ng meeting room na hindi na binigyan si Elijah nang pagkakataon para makatangi pa.
"Akala ko naman tapos na ako sa meeting today, meron na naman," nagmamaktol na napakamot na lang ang bampira sa ulo.
Sinundan ni Lexine ang tracker at tinuro siya nito sa isang bakanteng factory sa Sta. Ana, Manila. Huminto ang itim na Gran Turismo Maserati sa tapat ng malaki at kinakalawang na gate.
Madilim ang lugar dahil sira ang ilaw sa mga poste habang isolated ang factory at malayo sa mga bahay-bahay. Nakapulupot ng malaking chains at lock ang gate kaya umakyat si Lexine na parang akyat bahay at walang kahirap-hirap na nakapasok sa loob.
Nilabas niya ang white feather mula sa bulsa, umilaw ito at naging espada. Pinakiramdaman niya mabuti ang paligid. Napakatahimik at kahit kaluskos ay wala siyang naririnig. Dahan-dahan niyang hinakbang ang mga paa habang alerto ang mga mata.
Pagpasok niya sa loob ng factory ay mas madilim at malamig. Isa itong dating pagawaan ng mga processed foods. Kinakalawang na ang mga makina at kagamitan habang binabalot ng agiw. Kinuha ni Lexine ang cellphone sa bulsa at hindi na gumagalaw ang tracker. Ibig sabihin ay nandito lang ito sa loob at nagtatago.
Unidentified ang species ng demon kaya siguradong hindi basta-basta ang hinahanap niya. Kailangan niyang maging mas maingat at alerto sa paligid.
Dumiretso pa sa loob si Lexine. May naririnig siyang mga tunog ng bubuwit na pakalat-kalat sa sulok-sulok, maging tunog ng patak ng tubig na tumaba sa metal. Bumigat ang paghinga niya dahil nararamdaman niya ang malakas na presensya ng demon.
Isang iglap ay may shadow na mabilis na dumaan sa kanyang likuran. Maliksi siyang pumihit pero wala siyang nakita. Hinigpitan niya ang kapit sa hawakan ng espada habang nakatutok sa unahan. Naningkit ang mga mata niya at hinanap ang nagtatagong demon.
Isang shadow ulit ang dumaan sa kaliwa. Pumihit siya pakaliwa pero nawala agad ito. Muli itong dumaan sa kanyang kanan at pagpihit niya ay wala pa rin siyang nakita.
Nauubos na ang pasesnya niya, "Lumabas ka, harapan mo ako," matatag niyang sigaw.
Muling dumaan ang shadow sa likuran niya at pagpihit niya ay may spotlight na umilaw sa gitna. Sampung dipa ang layo sa kanyang kinatatayuan. Pero imbis na matakot ay gulat ang naging reaction ni Lexine nang makita ang isang pamilyar na binata na nakatayo sa ilalim ng puting ilaw habang natatakpan ang mukha ng malaking boquet ng red roses.
Napanganga si Lexine at 'di makapaniwala. Naglakad palapit ang binata na nanatiling nagtatago sa bulaklak hanggang sa huminto ito isang dipa ang distansya sa kanya.
Humalukipkip si Lexine na hindi na mapigilan ang ngiti sa labi.
"Ano na naman ang gimik mo Night?"
"I'm sorry…" mahinang bulong nito na nagtatago pa rin sa bulaklak. Para itong batang humihingi ng apology sa nanay dahil may ginawang kalokohan.
"Talagang pinapunta mo pa ako dito para mag-sorry?"
"Para surpirse," binaba ni Night ang bulaklak at inabot sa kanya saka ngumuso at nagpacute, "Na-surprise ka ba?"
Umikot ang mata ni Lexine at tinangap naman iyon, "Ikaw ha, bakit nagiging masyado ka nang ma-keso? Hindi ka naman ganyan dati," aniya na pinipigilan mapangiti pero ang totoo ay kinikilig siya sa mga pakulo ni Night.
Lumapit si Night sa kanya, "Ayaw mo ba? Diba gusto niyong mga babae ang maginoo pero medyo bastos?"
Ang lakas ng tawa ni Lexine sa kapilyuhan ng nobyo.
"I'm sorry cupcake… kakabalikan lang natin pero puro away na tayo," malambing na niyakap siya ni Night at hinalikan sa noo.
Bumuntong hininga si Lexine at di na napigilan ang ngiti sa labi, "Apology accepted."
"Nagustuhan mo ba ang flowers?"
"Yes, I love it, thank you."
Hinalikan siya ni Night sa lips, "Then everyday I'll send you flowers."
Mas lumaki ang ngiti ni Lexine, "Ikaw ha, ano ba ang nakain mo at lumalabas ang pagiging romantiko mo?"
Pilyong ngumiti si Night at bumulong sa kanya, "Ikaw, ano ba ang palagi mong pinapakain sa akin?"
"Ang bastos mo talaga!" natatawang hinampas niya ito sa balikat.
Niyakap siya ni Night mula sa likuran at hinalikan ang leeg niya, "Uwi na tayo, pakainin mo na ako ulit."
Pumainlanglang ang malakas na tawa ni Lexine sa buong factory.