"BABY, I want to finger your butt hole," Night huskily mumbled in her ears.
Susmaryosep! Hindi pa nga niya naibabalik ang kaluluwa niya sa katawan may bago na naman itong request? Anong klaseng compensation ba ang gusto ng pilyong prinsipe ng dilim? Baka bukas imbalido na siya! Pero hindi itatangi ni Lexine na tumalon sa kakaibang pananabik ang dibdib niya. They never did it on that part yet and this is the first time Night asked for it.
"You'll love it, I promise I'll be gentle," he said in an assuring and tempting voice.
Sa mga ganitong pagkakataon napapatunayan ni Lexine na totoong devil ang boyfriend niya sa lakas nitong mang-seduce at pasunurin siya sa mga gusto nito. Gamitan ba siya nang pang-aakit, paano pa siya makakatangi?
Lexine looked him in the eyes as Night's brown eyes were begging to her like how a little boy pleaded for a chocolate bar, "Please… cupcake?"
The kinky thought of doing something beyond their comfort zone makes her more excited, and Lexine was surprised that she's becoming bolder in sex as time goes by. The fact that she agreed to wear sexy costumes confirms how much lascivious desires she also possesses within her.
Pero naisip niya na dapat give and take din. Kung may request ito dapat meron din siyang nakahandang kapalit. Hanggang sa may naisip siyang ideya.
She mischievously smiled, "On one condition."
"Anything you want…" Night gave her sweet little kisses on the lips.
"Mag-sorry ka kay Miguel."
Natigilan si Night at mabilis na umasim ang mukha, "Fuck! No way!"
"Edi hindi 'din," ngumuso si Lexine.
"Seriously? Why are you blackmailing me?!" sa inis ni Night ay umalis ito sa ibabaw niya at umupo sa tabi habang humalukipkip na parang bata, "I will never apologize to that mother fucker."
Niyakap ni Lexine ang braso ng nobyo at malambing na hinalikan ang balikat nito, "Baby, may kasalanan ka kay Miguel, at least say sorry."
"Tsk! Hilingin mo na kahit ano, kahit ibili pa kita ng isang island pero hinding hindi ako magsosorry sa tarantadong yun."
"Night naman…"
"Bakit kailangan kong mag-sorry sa gagong yun?!"
"Kasi hindi tama ang ginawa mo sa kanya."
Hindi makapaniwalang tinignan siya ni Night, "Wala akong pakielam kung tama o mali ang ginawa ko pero hinding hindi ako magsosorry sa kanya."
"Night—"
"Lexine. End of discussion," matigas na sabi nito habang hindi maalis ang inis sa mukha.
Nawala na ang mood ni Night kaya tumayo na ito sa kama saka dumiretso sa banyo. Padabog na sinara pa nito ang pinto. Mabigat ang loob na naiwan si Lexine.
Hay… ang gusto lang naman niya ay magka-ayos ang dalawa.
Hindi sila nagpansinan ni Night hanggang sa makatulog sila.
***
KINABUKASAN ay bumisita si Lexine sa hospital nang makareceived ng message kay General Michael na gising na si Miguel. May dala siyang flowers at basket of fruits nang pumasok siya sa private ward nito.
Nahihiya si Lexine dahil sa ginawa ni Night at hindi niya maiwasang ma-guilty dahil siya ang dahilan ng alitan ng dalawa na nauwi pa sa mas brutal na sakitan.
"Miguel…"
Lumingon si Miguel at tipid na ngumiti. Puro pasa ang mukha nito, may tahi sa kilay at labi. Habang may nakabalot na puting bandage sa mga mata. Kumirot ang puso niya nang makita ang itsura nito.
Lumapit siya at nilapag ang mga dala sa lamesa, "Kamusta na ang pakiramdam mo?"
"I'm fine, bugbog lang 'to, malayo sa bituka."
Umupo siya sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ni Miguel, "I'm really sorry for what happened. Ako na ang humihingi ng pasensya sa ginawa ni Night."
Laking pasasalamat na lang ni Lexine at hindi napuruhan ang mata ni Miguel. Ang sabi naman ng doktor ay hindi ito mabubulag. Kailangan lang ipahinga ng ilang araw.
Saglit na hindi kumibo si Miguel. Naisip ni Lexine na ito na rin ang pagkakataon para makausap niya nang maayos ang binata.
"Miguel… nagkabalikan na kami ni Night. I'm really sorry but I'm not the right girl for you."
Mahabang katahimikan ang namagitan sa dalawa. Noong gabi na binugbog siya ni Night ay narinig niya ang pagtatalo ng dalawa bago siya tuluyang nawalan ng malay. Ang akala niya nung una ay nagdedelihiryo lang siya pero totoo pala ang mga narinig at nakita niya.
Isang mabigat na bagay ang bumara sa dibdib ni Miguel. It's funny to think that this is the first time someone rejected him. Masakit pala.
Tumawa siya pero halata sa tunog na pilit lang, "So this is how it feels."
Natigilan si Lexine sa sinabi niya.
"Ganito pala ang pakiramdam nang mabasted. Mas masakit pa pala kesa ang mabugbog."
Malungkot na bumuntong hininga si Lexine, "You're a good guy Miguel but you deserve someone better. Someone that will love you truly."
"Why don't you say that to yourself Lexine?"
Napalunok siya sa pait ng boses nito.
"You're a wonderful woman and you deserve someone better. Bakit siya pa? Masama siya para sa'yo. Nakita mo naman kung ano ang kaya niyang gawin," naiinis si Miguel dahil hindi niya matangap na mas pinili ni Lexine ang isang halimaw.
"He will just make you cry."
"Alam ko… Alam ko na masama si Night, possessive, selfish, abusive at walang pinapakingan. He's a monster in the eyes of many. Nakakatawang isipin na demonyo ang mga kaaway ko pero ang lalaki mahal ko ay demonyo din. It's so ironic right?"
"Ang tagal ko din sinubukang pigilan yung sarili kong mahulog sa kanya noon. Kasi ang dami-daming rason sa kamay ko kung bakit hindi ko dapat mahalin ang katulad niya. Pero sa kabila ng lahat ng mga bagay na masama sa kanya, nakita ko pa rin yung kabutihan sa puso ni Night. Kahit gaano pa kaliit yun, mas pinipili ko pa rin na makita yung konting puso na mayroon siya kumpara sa lahat ng bagay na masama sa kanya."
"Ganoon naman ang pagmamahal diba? Tinuturuan ka niyang tignan kung ano ang maganda sa panget, kung ano ang mabuti sa masama, kung ano ang puti sa itim."
Hinaplos ni Lexine ang pisngi ni Miguel at binigyan ito nang magaan na halik, "I'm really sorry Migz. Sana mapatawad mo din si Night."
Hindi na sumagot o kumibo pa si Miguel kaya unti-unti nang naglakad si Lexine palabas ng ward. Sa huling pagkakataon ay nilingon niya ito na nanatili sa kinauupuan. Bago siya malungkot na ngumiti at lumisan.
Naiwan si Miguel sa kama na may pumatak na luha. Dahil ang totoo niyan ay mahal na niya si Lexine. At ngayon niya napatunayan na masakit pala ang magmahal.
Meanwhile, nang tuluyang nakalayo si Lexine sa private ward at nakasakay ng elevator ay saka naman pumasok ang isang nurse sa loob. Lumapit ito kay Miguel.
"How are you feeling sir?"
"Makirot ang dibdib ko," sagot ni Miguel.
Ngumisi ang babae at may kinuha na syringe mula sa bulsa, "Do you want to ease the pain?"
"Kung pwede lang yung pinakamataas na dosage ng pain reliever."
"I think this would help," tinusok ng nurse ang karayom ng injection sa leeg ni Miguel.
Agad natumba ang huli sa kama.
Nanliliit ang charcoal gray na mga mata ni Winter habang pinagmamasdan ang walang malay na binata.
She devilishly smirked, "You can no longer feel the pain."