Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 287 - True soldier

Chapter 287 - True soldier

PAGPASOK nila sa Grand Ballroom ay tila magnet na dumidikit sa kanila ang mga mata ng mga taong nasa loob. Nasa mukha ng mga kalalakihan ang labis na paghanga habang ingit naman ang mga kababaihan.

Pinakilala ni Miguel si Lexine sa mga kaibigan nito at mga ilang kamag-anak higit sa mga pinsan nitong lalaki na katulad ni Miguel ay miyembro din ng AFP.

"Guys, this is Lexine Alonzano, here are my cousins Lieutenant Colonel Richard Madrigo from Philippine Army and Commander Carlo Madrigo from Philippine Navy."

Nakipagkamay si Lexine sa dalawang binata. May ka-date si Richard na isang sikat na artista habang isang beauty queen naman ang ka-date ni Carlo. Tinignan siya mula ulo hanggang paa ng dalawang babae habang malagkit naman ang tingin sa kanya ng dalawang binata.

"It's good to meet you Lexine, paano kayo nagkakilala nitong si Miguel?" tanong ni Carlo.

"Hulaan ko sa Revel? Xylo? O sa Pink Ladies?" may panunudyo na sabat ni Richard.

"Oh my gosh, nagpupunta ka ng Pink Ladies?" di makapaniwalang tanong ng beauty queen.

"Yeah, General Benjamin always bring me there," sagot ni Miguel.

"Si Migz kasi ang paboritong isama ni Lolo sa mga ganoong lugar kasi patok sa GRO ang charisma niya," sagot ni Carlo na sinundan ng nakakaasar na tawa.

Nagtawanan ang buong grupo maliban kay Miguel at Lexine. Nagtitimpi naman si Miguel na patulan ang pang-iinis ng mga ito.

"Oh my gosh, so scary, uso pa naman ang HIV ngayon," maarte na sabi ng artista at kung tignan si Miguel ay parang diring-diri.

"Kadiri ah, for sure positive ang mga GRO sa Pink Ladies," dugtong ng beauty queen.

Nagtawanan ulit ang mga ito.

Tumaas ang kilay ni Lexine sa kaartehan ng dalawang babae at nagpantig ang tenga niya sa mga tawanan nila, "Hindi dapat ginagawang katatawanan ang mga taong positive sa HIV. Mas lalo ang pang-dirian. Tao din sila na katulad natin. Ang karapatan natin ay karapatan din nila. It doesn't mean na porque may sakit sila ay mabababa na ang tingin niyo sa kanila. Hindi niyo kinataas na walang kayong sakit."

Napabuga ng hangin ang dalawang babae. Nagtaas ng kilay ang beauty queen, "Why are you so defensive about them? Hulaan ko, GRO ka siguro sa Pink Ladies."

Napasipol si Carlo at Richard at buong lagkit na tinignan si Lexine.

"Damn bro, totoo pala na dekalidad ang mga babae sa Pink Ladies," ngising aso na sabi ni Richard.

Hindi na nakapagtimpi pa si Miguel at galit na hinarap ang mga ito pero maagap na pinigilan siya ni Lexine sa braso, "Hindi ako papayag na binabastos ka nila," galit na bulong ni Miguel.

"Calm down Migz, don't stoop down to their level," aniya sa kalmadong boses.

"But—"

Wala nang nagawa si Miguel nang si Lexine ang nag-step forward para harapin ang mga ito.

"Tama ka, dekalidad nga ang mga babae sa Pink Ladies. I know coz I've been there, I saw it with my own eyes."

Mas lalong nadisgusto ang itsura ng dalawang babae na tila diring diri sa kanya.

"At hindi rin ibig sabihin na dahil nagta-trabaho sila sa club ay masama na silang babae. It's their choice to choose that profession. Kahit ano pa ang trabaho mo sa mundo as long na wala kang tinatapakang ibang tao o ginagawang masama sa kapwa mo there's nothing to be ashame of. Mas nakaka-awa pa nga yung mga taong masyadong matataas ang tingin sa sarili at nakalimutan na nilang ibaba ang mga paa nila sa lupa."

"I pity that kind of people, nakasuot lang ng magandang damit pero umaalingasaw naman na parang basura ang mga ugali. Sumasakit ang ilong ko kasing amoy na amoy ko ang mga baho niyo."

Nangigigil na lumapit ang beauty queen at tinangkang sampalin si Lexine, "How dare you!"

Pero mabilis na nasanga ni Lexine ang kamay niya at matalim itong tinignan, "Pinaghirapan ng kaibigan ko ang make up ko, kaya 'wag na 'wag mong idadapo yang madumi mong kamay sa mukha ko."

"You bitch!" sinubukang pumiglas ng beauty queen pero wala itong laban sa kapit ng kamay ni Lexine. Tinulak niya ito at napasandal ito sa kasamang celebrity. Nasa mukha nito ang pagkagulat at labis na inis.

"At kayo," sunud na dinapuan ni Lexine ng tingin ang dalawang binata, "Naturingan kayong opisyal ng AFP pero masyadong malalaki ang ulo niyo. Hindi bagay sa mga katulad niyo ang title na hawak niyo."

Carlo smirked, "Sino ka naman para pagsabihan kami? Eh GRO ka lang?!"

Ngumisi si Lexine.

"Bagay kayo ni Miguel, ang mga anak kasi sa labas bagay sa mga pokpok," sabat ni Richard at sabay na nagtawanan ang dalawa.

Lalong nangalaiti si Miguel sa narinig at nagdidilim na nang husto ang paningin pero pinigilan pa rin siya ni Lexine.

"Oh! Migz! Lexine! Nandito na pala kayo!"

Sabay-sabay na napalingon ang lahat nang lumapit si General Benjamin. Kasunod nito ang tatlo pang middle aged men. Mabilis na umayos si Carlo at Richard na parang maamong mga tupa.

"Happy birthday General," sabay na nag-bow ang dalawa. Dahil hindi naman sila naka-uniform kaya hindi nila kailangan mag-salute.

"Salamat, oh, at mukhang naipakilala mo na Miguel si Ms. Lexine sa mga pinsan mo," sabi ni General, "Maganda na magkakilanlan na kayo lalo na kapag nagsimula na ang special training ng AFP under Moonhunters."

Napanganga ang dalawa sa narinig, "Moonhunters?" sabay nilang sabi.

"Yes, Moonhunters, Ms. Lexine is the founder of Moonhunters. She's also the well known agent Milih Pen."

Halos malaglag na ang panga ni Carlo at Richard sa sahig. Mabilis silang nakaramdam ng hiya nang makilala kung sino ang babaeng nasa harapan nila.

"I-ikaw si M-milih P-pen?" kanda utal-utal na sabi ni Richard.

Lexine smiled sweetly, "Ako nga, so I'll see you guys in the training soon. I'm sure you'll enjoy the boot camp."

Nanginig ang dalawa sa takot. Bukod sa kwento na umiikot sa buong AFP tungkol sa galing makipaglaban ni Milih Pen. The fact na ito ang founder ng Moonhunters ay isang mabigat na bagay. Matapos nila itong hamakin pero kumpara sa babae ay para lang silang langam.

At sa klase ng tingin na pinapakita sa kanila ni Lexine siguradong magiging impyerno ang buhay nila sa boot camp. Pinagpawisan ang dalawa at napalunok nang madiin.

Samantala, pinakilala naman ni General Benjamin ang tatlong lalaki na mga anak nito at mga Colonel at Major General sa Army, isa sa kanila ang daddy ni Miguel.

"Kamusta naman itong si Miguel sa field training niyo Lexine, hindi ba nagpapasaway si Captain?" tanong ni General Benjamin.

Ngumiti nang matamis si Lexine, "Actually General…" sumulyap si Lexine kay Miguel at tinignan ito nang makahulugan bago humarap muli sa matanda, "Captain Miguel Madrigo had been a good trainee. Napakasipag, maaasahan, at may leadership skills. You are very lucky to have a grandson like Miguel. Ang mga taong katulad ni Miguel na mahal ang tungkulin niya ang kailangan ng bayan natin para protektahan ang mga mamamayan ng Pilipinas."

Magiliw na tumawa si General Benjamin at buong proud na tinapik si Miguel sa balikat, "Hindi nga ako nagkamali na si Miguel ang maging representative ng AFP. I'm very proud of you Miguel. Keep up the good work."

Sobrang na-touched ang puso ni Miguel nang marinig iyon mula sa kanyang lolo lalo na at nakikinig din ang mga tito at pinsan niya na nangmamata sa kanya. Higit ang kanyang daddy na tahimik lang pero hindi maitatago sa mukha na masaya ito.

"You raised a true soldier, Michael," tapik ni General Benjamin sa daddy ni Miguel.

"Thank you General," bahagyang yumuko si General Michael at makahulugang tumingin sa anak.

Nagpaalam na si General Benjamin sa kanila para magtungo sa ibang bisita. Buong ingit na tinignan ni Carlo at Richard si Miguel dahil ito ang napuri ng kanilang lolo. Inis na naglakad paalis ang mga ito kasama ang dalawang babae na masama pa rin ang tingin kay Lexine.

"Hey, thank you for that, I appreciate," napangiti ng malaki si Miguel.

"Huwag ka pa magdiwang dahil hindi pa tapos ang final assesment ko sa'yo," turan ni Lexine.

"So masipag, maasahan at may leadership skills pala ako," sabi ni Miguel at bumalik na naman ang pagiging pilyo sa mga mata, "Pero parang may nakalimutan kang sabihin."

Tumaas ang kilay ni Lexine, "Ano na malandi ka?"

"Hindi, na gwapo ako."

Umikot ang mata ni Lexine.

"By the way, ang galing mo kanina, you always surprised me, 'wag mo naman masyadong galingan, ikaw din, na-i-inlove na ako sa'yo."

Napalunok si Lexine sa narinig mula kay Miguel lalo na kung paano siya nito tignan nang buong paghanga.

"Uhm, Miguel, may sasabihin sana ako sa'yo."

"Sasagutin mo na ako?" buong pag-a-asam na sabi nito.

Naputol ang pag-uusap nila nang biglang namatay ang ilaw at natira ang spotlight sa stage. Nagsalita ang host dahil simula na ng program. Malakas na nagpalakpakan at naghiyawan ang mga tao.

Napabuntong hininga si Lexine. Ang hirap naman ng sitwasyon niya. Hindi rin madali na mambasted ng dalawang magkasunod. Hay, mukhang kailangan na niyang pagupitan ang buhok sa sobrang haba.