DAHIL sa dami ng bisita na pumalibot sa kanila ay hindi nagkaroon ng pagkakataon si Lexine na makausap nang masinsinan si Miguel. Naparami na rin ito ng inom ng alak dahil sa kasiyahan.
Pagdating ng uwian ay lasing na si Miguel. Halata sa namumula nitong mukha ang pagka-tipsy at bahagyang gumegewang na pagkilos. Nakaalalay na si Lexine sa paglalakad ng binata habang naka-akbay ito sa kanya.
Palabas na sila ng parking nang umilaw ang cellphone niya sa hand bag. Dahil nakaalalay siya kay Miguel kaya hindi niya masagot ang tawag. Hindi niya alam na mula kanina pa tumatawag si Night dahil naka-silent ang phone niya. Mayroon na itong 212 missed calls at 478 text messages.
Bahagyang nadulas si Miguel paghakbang nila sa hagdan kung kaya't na out of balance silang dalawa at natumba sa sahig.
Napaibabaw si Lexine kay Miguel, "Migz, lasing ka na, tara na tumayo ka dyan at magbo-book na lang ako ng grab para ihatid ka sa condo mo."
Sinubukan niyang itayo si Miguel pero hinila siya nito at muli siyang nasubsob sa dibdib nito. Halos magtama na ang kanilang mga labi sa sobrang lapit ng mukha sa isa't isa. Mapungay na ang mata ni Miguel habang nakatitig sa kanya.
"Lexine… " hinaplos ni Miguel ang pisngi niya at pinakatitigan siyang mabuti.
"Miguel, lasing ka na…"
"You're so beautiful Lexine, I've never felt this with any woman before," bumaba ang tingin ni Miguel mula sa mata niya hanggang sa kanyang nakauwang na labi, "I think I already love you…"
Nagulat si Lexine sa sinabi nito, "Miguel, may kailangan akong sabihin sa—"
Pero mabilis na kinabig ni Miguel ang batok niya at siniil siya nang mainit na halik. Sa sobrang gulat niya hindi agad siya nakapagreact, tinangka niyang itulak si Miguel pero hindi nito pinakawalan ang ulo niya.
Biglang may humatak sa kanya palayo kay Miguel. Mabilis ang mga sumunod na nangyari. Hinablot ni Night ang kwelyo ni Miguel at hinagis ito sa kabilang panig ng parking lot. Nagpagulong-gulong ito sa sementadong sahig.
"Night!" napasigaw si Lexine pero hindi man lang siya nilingon ni Night.
Nag-aapoy ang mata nito sa galit at wala na itong ibang naririnig dahil nang mga sandaling iyon nagdidilim na ng husto ang paningin ng prinsipe ng dilim.
Mabilis na nakarating si Night sa tapat ni Miguel at pinaibabawan ang huli saka pinaulanan ng suntok sa mukha. Nangigigil ang buong sistema niya, nanginginig ang mga kalamnan niya at parang binabalot ng apoy ang buong katawan niya sa labis na init na nararamdaman.
"Night! Stop! Please! Night!"
Pero walang naririnig si Night at patuloy sa pagpapaulan ng suntok kay Miguel. Muling niyang hinablot ang kwelyo nito at nilapit ang mukha, "Putangina kang hayop ka! Sisiguraduhin ko talagang gagawin kong impyerno ang buhay mo," nagkikiskis ang ngipin niya sa labis na galit.
Kahit sa panghihina dahil sa dami ng suntok na natamo at nagdudugong labi at ilong, nakapagsalita pa rin si Miguel. Ngumisi pa ito at nang-iinis, "Tsk, gawin mo, wag ka puro satsat."
Lalong nagdilim ang mata ni Night at hinablot ang leeg ni Miguel, buong diin niyang hihigpitan ang kapit dito hanggang sa magkulay ube na ang mukha ng binata.
"Hindi pa kita papatayin para araw-araw mong pagsisihan na binuhay pa kita," umismid si Night at kinuha ang isang kamay ni Miguel. Tinapat niya ito sa mukha ni Miguel at walang awang tinangal ang kuko ni Miguel sa hintuturo. Nagsisigaw ang huli sa labis na sakit.
"Ahhhhhhhhhh!"
Nagilalas si Lexine sa nakita at napatakip ng mukha.
Isang halimaw na ang nakikita ni Miguel sa kanyang harapan, hindi pa nakuntento si Night kaya ang isang kuko naman niya sa hinlalaki ang tinangal nito.
"Ahhhhhhhhh!"
Nagdudugo na ang daliri ni Miguel. Pero patuloy pa rin si Night sa kabaliwan, "Mata mo naman ang dudukutin ko," tinusok ni Night gamit ang dalawang hinlalaki ang mata ni Miguel.
Nagsisigaw ito sa sakit, "Ahhhhhhhh!"
Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Lexine at agad na tinulak si Night, "Please huwag!"
Agad dinaluhan ni Lexine sa Miguel at nakitang namimilipit na ito sa labis na sakit. Hindi naman tuluyang nadukot ni Night ang mata nito pero halos hindi na makilala ang mukha ni Miguel sa labis na bugbog habang nakapikit naman ang mga mata nito na nagdudugo. Nababahala siya na baka mabulag ito sa nangyari.
"Oh my god, Miguel… Miguel," natataranta siya at nag-aalala sa labis na torture na dinanas nito. Galit na nilingon niya si Night, "Anong ginawa mo!?"
Nang mga sandaling iyon tila muling nakita ni Lexine ang totoong demonyo sa pagkatao ni Night. Ang totoong prinsipe ng dilim.
Nag-aalab sa labis na galit ang mukha ni Night pero higit ang sakit na nararamdaman niya nang makita nang sariling mga mata na pinagtataksilan siya ni Lexine. Higit pa na mas kinakampihan nito si Miguel.
"Bakit mo ginawa mo yun Night!" tumayo si Lexine at hinarap ang binata.
"Nagtatanong ka pa?" galit na sabi ni Night.
Natigilan si Lexine, "Look, mali ang iniisip mo, yung nakita—"
"Malinaw ang nakita ko. Ano? Gusto mong bumawi sa sa'kin ha?! Gusto mo kong gantihan kaya lumalandi ka sa likod ko ha!?" sumigaw na sa labis na galit si Night.
"Pwede bang pakingan mo muna ako!"
Galit na hinablot ni Night ang braso ni Lexine, "Paano mo ipapaliwanag na nakikipaghalikan ka sa lalaking yan!?'
"Hindi ko ginusto yun! Si Miguel ang humalik sa akin!" sigaw ni Lexine, "Please, paniwalaan mo naman ako."
Pero nang mga sandaling iyon ay mas higit na nilalamon si Night nang matinding selos, "Tawag ako ng tawag sa'yo hindi mo ako sinasagot, hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka dito!"
"Dahil alam kong hindi mo ako papayagan!"
"Edi lumabas din sa bibig mo! Nagsisinungaling ka sa akin! Are you cheating on me!? Ito ba ang ganti mo sa akin ha!?" nag-aapoy na ang mata ni Night at humigpit nang husto ang kapit niya sa braso ni Lexine.
"Nasasaktan ako Night!" sinubukan pumiglas ni Lexine pero bingi si Night sa mga iyak niya.
"Putangina ina naman Lexine! Nasasaktan din ako! May damdamin din ako!"
Natahimik siya nang makita ang labis na hinanakit sa mga mata ni Night, "Night… I'm sorry, please…"
Binitawan siya ni Night, tumalikod, pumamewang habang nagtaas-baba ang dibdib nito para pakalmahin ang sarili. Pinanghilamos nito ang buong palad sa mukha at hinagod ang buhok.
Pero nag-aapoy pa rin ang mata nito nang harapin siya ulit.
"Putangina talaga eh!" malutong ang bawat salita niya, "Nakita kitang nakikipaghalikan anong gusto mong maramdaman ko ha?! Putangina Lexine! Para mo na akong iniputan sa ulo! Tang-ina naman!"
Buong pangigigil ang bawat salitang binibitiwan ni Night na para bang sa pagmumura na lang niya gustong ilabas lahat ng galit na nararamdaman.
Hindi na paawat ang mga luha ni Lexine dahil alam niyang may pagkakamali siya, "I'm sorry kung hindi ako nagpaalam agad sa'yo, ayoko lang kasing tangihan si General Benjamin, please pakingan mo naman ako Night. Hindi ko naman ginusto na halikan ni Miguel."
Lalong nagdilim ang mukha ni Night at parang gusto na namang sugurin si Miguel.
"Please tama na… wala rin kasalanan si Miguel, hindi niya lang alam ang tungkol sa atin."
"Bakit hindi mo sinabi sa kanya?!"
"Sasabihin ko naman eh, masyado lang maraming bisita kanina kaya—"
"Bull shit Lexine! Wag mo kong gawing tanga! Putangina mahal kita pero putangina 'wag mo kong ginagalit!"
Napapikit si Lexine sa sigaw ni Night, "Please… 'wag naman tayo mag-away Night, pag-usapan naman natin 'to ng maayos," hindi na tumigil ang mga luha niya.
Pero sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin magawang humupa ng galit ni Night sa dibdib. Malaki ang insecurities ni Night dahil alam niyang sinira niya ang tiwala ni Lexine. Kaya ganoon na lang din ang laki ng takot at kaba niya sa dibdib sa posibilidad na maagaw si Lexine ng ibang lalaki.
Sinubukan ni Lexine na hawakan ang braso niya na nanginginig pa rin sa pagpipigil. Ngayon lang nakita ni Lexine na ganito ka galit si Night.
"Pag-usapan naman natin ito… Huminahon ka muna please… please… baby… please…" buong suyo niyang hinaplos ang mukha nito.
Ang naninigas na bagang ni Night ay unti-unting lumambot nang maramdaman ang init ng haplos nito, lalo na nang makita ang umiiyak nitong mukha. He cursed under his breathe. Gusto niya pang magalit pero kapag ganito na ang mukha ni Lexine tumitiklop na naman siya.
Putangina talaga!
"Baby…" ulit nito sa mas naglalambing na boses.
Napabuntong hininga si Night, ginamitan na siya ng "baby" ano pa ang laban niya? Hindi niya rin ito matiis.
"Tangina naman, bakit ba kasi mahal na mahal kita," kinabig niya ang likod ng ulo nito at niyakap ng mahigpit.
Haaay… wala na siyang pag-asa dahil baliw na talaga siya sa babaeng ito.
Yumakap na rin si Lexine sa kanya at umiyak na parang bata, "I'm sorry… baby, please 'wag ka ng magbeast-mode."
Hindi na napigilan ni Night na mapangisi sa narinig, "You need to compensate with me."
Tumungo si Lexine, "Promise, gagawin ko kahit anong gusto mo."
"Kahit ano?" lumabas na ang kapilyuhan sa mga mata ni Night at tinignan sa mukha si Lexine.
Marami na agad ang bagay na tumatakbo sa isip niya. Mukhang kailangan na niya mag-order sa shoppee ng sex toys, costumes, at kung ano-ano pa. Ano kaya ang ipapasuot niya kay Lexine? Bagay dito ang teacher, o kaya, nurse, pwede rin ang police woman! Pumasok na agad sa imaginations niya kapag pinosas na siya ni Lexine sa kama.
Allelujah! Gusto na niyang umuwi. Minsan okay din pala na siya ang tinotoyo dahil sa kanya ang pabor! Mula ngayon araw-araw na siyang magbi-beast mode.
Napalunok naman nang madiin si Lexine dahil mukhang mapapasubok siya ngayong gabi.
Pero naalala niya ulit si Miguel at mabilis na bumitaw kay Night upang alalayan ito. Hinimatay na ito sa mga tinamong bugbog, "Dalhin natin siya sa hospital."
Umismid si Night, "Let him die."
"Night!" sigaw ni Lexine.
Naiinis na lumapit si Night at binuhat si Miguel sa balikat. Siya man ang may kasalanan sa nangyari dito pero kasalanan iyon ni Miguel kung bakit siya nagalit kaya never siyang magi-guilty sa ginawa niya dahil kulang pa iyon.
Matapos nitong halikan ang cupcake niya! The fucking fuck! This guy had the nerves! Dapat ay tuluyan na niya itong binulag kung hindi lang siya pinigilan ng babae. Itapon na lang kaya niya ito sa Pasig River kapag nalingat si Lexine?
Kailangan niyang ipa-dentist si Lexine sa pinakasikat na Dental Clinic. Baka magka-singaw pa ang cupcake niya! Tatawagan niya mamaya si Johan para mag-book ng appointment.
Pero ang ending ay sinugod pa rin nila si Miguel sa hospital.