Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 277 - Ashtma

Chapter 277 - Ashtma

BIGO ang mga mukha ng apat habang naglalakad sila pabalik. Hindi nila nahanap ang Devils heart at nawawala pa ang bangkay ng lolo ni Eros. Inabot na sila ng hapon sa pagbaba at ilang oras na lang ay magtatakipsilim na.

"Pwede pahinga muna sandali, ang sakit ng mga paa ko," angal ni Devorah at umupo na parang bata habang hinihimas ang binti.

"Let's have a break, may ilog doon," tinuro ni Night ang direksyon kung saan natatanaw niya ang tubig.

Naglakad sila patungong ilog at pansamantalang nagpahinga. Nag-ipon na rin ng tubig mula sa ilog si Eros gamit ang tumbler at inabot kay Devorah. Samantala, naglakad-lakad naman si Night sa paligid at kinuha ang pakete ng yosi sa bulsa saka nagsindi ng isang stick.

Walang maririnig kung 'di huni ng mga ibon at malamig na simoy ng hangin. Makulimlim ang ulap at mukhang may paparating na naman na bagyo kaya kailangan nilang makabalik agad at hindi maganda na abutan sila ng snow storm sa gubat.

Ilang sandali pa at tumayo sa tabi niya si Lexine, "Can I have one?" pero hindi na siya nito inantay pa dahil kinuha na nito agad ang pakete sa kamay niya at nag-ipit ng stick sa labi. Kinuha rin nito ang lighter sa isang kamay niya ang nagsindi.

Natigil sa paghithit si Night at 'di makapaniwalang tumingin kay Lexine, "When did you start smoking?"

Humithit si Lexine at bumuga ng usok sa ilong at bibig, "Six months ago."

Nakaramdam ng inis si Night at mabilis na kinuha ang stick sa labi ni Lexine at tinapon. Nanlaki ang mata nito sa ginawa niya, "What the hell?"

"Don't smoke. Hindi bagay sa'yo," mariin niyang sabi.

Natawa ng mapakla si Lexine, "At sino ka para sabihin kung ano ang bagay at hindi sakin?" inirapan siya nito at muling kumuha ng stick sa pakete pero mabilis na binawi ni Night ang pakete sa kamay nito at tinapon sa malayo.

"Wala ka nang i-yoyosi."

Napanganga nang malaki si Lexine. Binubuwiset talaga siya ng demonyong ito at kung maka-akto ay akala mo nobyo niya pa rin.

"I can't believe this!" She stopped her feet in frustrations.

"Yes! And I really can't believe what had you been doing with yourself Lexine! Ang lakas mo nang uminom para kang lalaki, kung manamit ka para kang kinakapos sa tela at pakita ka ng pakita ng cleavage mo! Alam mo ba kung paano ka tignan ng mga lalaki sa paligid mo ha? Ngayon naman nagyo-yosi ka na?!" galit na galit na sigaw ni Night.

Lalong umusok ang ilong ni Lexine sa matinding inis, "Ano ba ang pakielam mo kung gusto kong uminom, magpakita ng suso at manigarilyo! Sino ka ba ha? Boyfriend ba kita!? Asawa ba kita!?" nanlalaki ang mata niya.

Napipikon na si Night sa inaasal nito, "Tumigil ka na sa katigasan ng ulo mo. Stop being a brat!"

"Ako pa ngayon ang brat? Paano ako naging brat? Just accept the fact that I'm not the old Lexine who is prim and proper, weak, and a cry baby! I've changed!"

Sa inis ni Night ay kinuha niya ang pulsuhan nito at hinila palapit sa kanya, "Bakit mo ba ginagawa 'to? Para inisin ako?"

Nagpumiglas si Lexine pero mahigpit ang kapit ni Night sa kanya, "Bitawan mo ako! Bakit naman ako mag-aaksaya ng effort para inisin ka? Sarili mo lang ang iniinis mo!"

Mas lalo siyang hinila ni Night, "Tumigil ka na!"

"Ikaw ang tumigil sa pakikielam sa akin!"

Sa paghahatakan nilang dalawa muling nasilip ni Night ang peklat sa pulsuhan ni Lexine na hawak niya. Nagdilim ang mata niya at nanigas ang panga. Inangat niya ang sleeves ng jacket na suot nito.

"Eto? Ano 'to? Bakit mo sinasaktan ang sarili mo?! Are you out of your mind?!"

Natigilan si Lexine nang makita ang peklat. Isang marka na nagpapaalala sa kanya ng lahat ng sakit at pagdudurusan na pinagdaanan niya. Mabilis na namuo ang luha sa kanyang mata nang muli niyang tignan si Night.

"Yes, I tried to kill myself," matigas niyang sambit habang tinitignan ito sa mata nang hindi kumukurap.

Mabilis na bumalik ulit ang lahat sa dibdib niya na para bang may isang timba ng tubig ang bumubuhos sa kanya. Nalulunod siya at umaapaw ang lahat kaya kailangan niyang ilabas.

"Because it hurt damn much."

Saglit na namayapa ang katahimikan sa pagitan nila. Mabilis na sumilay sa mga mata ni Night ang pagsisisi dahil alam niyang kasalanan niya ang lahat.

"Hindi mo alam kung anong klaseng impyerno ang pinagdaan ko nang pinatay mo ang lolo ko sa harapan ko. Hindi mo alam kung gaano mo ako dinurog hanggang sa maliliit na piraso. Hindi mo alam kung anong klaseng paghihirap ang naramdaman ko habang gumigising ako sa umaga at naalala ko lahat… lahat ng mga bagay na meron tayo."

Lumuwag ang kapit ni Night sa pulsuhan niya at nagsimula nang mamasa ang mga mata. May mabigat na bagay ang bumara sa lalamunan niya. Gusto man niyang magsalita ay tila naputol ang dila niya.

"I gave you my whole heart Night, I gave you my trust. Naniwala ako sa'yo… naniwala ako sa mga pangako mo na matibay tayo. Naniwala ako na mabuti ang puso mo pero anong ginawa mo? Pinatay mo ang lolo ko."

Sunod-sunod na lumandas ang mga luha sa kanyang pisngi. Masyado nang umaapaw ang dibdib niya at hindi na siya makahinga at gusto na lang niyang ilabas lahat ng sakit at baka sakaling mabawasan.

"Sa tingin mo ba madali sa akin lahat ng ito? Makita ka… marinig ang boses mo… makasama ka sa iisang lugar? Hirap na hirap itong puso ko Night," tinuro niya ang dibdib, nanginginig ang kanyang labi at nagsisimula nang tumalon ang kanyang dibdib na para bang hinihika na siya.

"Pakiramdam ko para akong may ashtma kasi hindi ako makahinga kapag nandyan ka."

Muling binalot ng nakabibinging katahimikan ang dalawa. Ilang piraso ng luha ang kumawala sa mga mata ni Night habang hinahabol ni Lexine ang sariling hininga sa bigat ng dibdib niya nang mga sandaling iyon.

"Gusto ko man kalimutan lahat pero hindi kasi ganoon kadali eh, masakit pa rin… ang sakit-sakit pa rin. At alam mo kung ano ang pinakasamakit sa lahat? Dahil sa kabila ng lahat ng galit na nararamdaman ko sa'yo…"

Dinu-duro niya ang dibdib ni Night nang buong hinanakit, "Sa kabila ng lahat ng kahayupang ginawa mo! Kahit na para mo na rin akong pinatay!"

Ilang ulit at humugot nang malalim na hangin si Lexine dahil kinukulang na siya ng hangin sa baga sa labis na pag-iyak. Pumikit siya at sinambit ang mga sumunod na salita sa nanghihinang boses.

"Mahal na mahal pa rin kita…"

Tuluyang nagiba ang buong mundo ni Night at mahigpit na niyakap si Lexine. Kung maari lang na wag na niya itong pakawalan, kung kaya lang pawiin ng mga yakap niya ang sakit at galit sa puso nito. Kung pwede na lang na ipasa lahat sa kanya para hindi na ito magdusa.

Pero paano niya gagawin iyon kung siya ang dahilan ng paghihirap nito?

Mas makabubuti ba kung tuluyan na lang siyang lumayo na para hindi na ito masaktan?