Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 278 - Never let go again

Chapter 278 - Never let go again

BINITIWAN ni Night si Lexine at hinaplos ang magkabila nitong pisngi, pareho na silang nahihilam sa sariling luha.

"Walang kapatawaran ang mga ginawa ko. I hurt you. And I will never ask for your forgiveness coz I know that I don't deserve it. But if I will have the chance to bring back the time. I would still do what I did."

Tumingala si Lexine at sinalubong ang tsokolate nitong mata.

"Babaliin ko pa rin ang kahit anong patakaran. Kakalabanin ko pa rin kahit sino. Isa-sakripisyo ko pa rin ang sarili ko mabuhay ka lang… kahit na magalit ka sa akin habang buhay… kahit na magdusa ako sa bawat segundo ng buhay ko. Kahit wala nang matira para sa akin."

Buong pagmamahal na pinagmasdan ni Night ang magandang mukha ni Lexine. Pinahid niya ang mga luha nito gamit ang hinlalaki at hinaplos ang buhok nito at tinignan ito sa mga mata.

"Dahil sa lahat ng kasamaan at kasalanan ko sa mundong ito… ang mahalin ka ang tanging mabuti na ginawa ko."

Pakiramdam ni Lexine may kamay na mahigpit na kumapit sa puso niya. At isa-isang bumalik ang lahat ng mga bagay na pinagdaanan nila ni Night. Mula sa unang gabi na namatay siya at pinagkalooban siya nito ng kiss of death. Ang mga panahon na ginagawa ni Night ang lahat maging ligtas lang siya. Noong kinalaban nito maging sarili nitong tiyahin, maging sarili nitong ama. Nang hindi ito nag-alinlangang makipagsugal sa fruit of sin mabawi lang siya sa mundo ng mga kaluluwa.

Hindi perpekto si Night, at ganoon din siya. Demonyo si Night, at may parte ng pagkatao niya na anghel. Liwanag at dilim. Puti at itim. Mabuti at masama. Alam nila na ang malaki ang kanilang pagkakaiba pero pinili nila ang pag-ibig sa kabila ng mga bagay at dahilan na hindi sila maari.

Pareho silang nadadapa at nagkakamali. Ang pagdurusa niya, ay pagdurusa din nito. Ngunit ang busilak na pag-ibig na meron sila para sa isa't isa ang tangi nilang magiging sandata para patuloy na lumaban sa malupit na tadhana.

Ang pagmamahal na ito ang nagpapatotoo na kahit sino ka pa sa mundo. Mabuti ka man o masama. Makasalanan ka man, o hindi. Lahat ay may malaking puso na kayang magmahal at karapat dapat na mahalin din.

"If being with me hurt you so much. I promise… from now on, you will never see me again."

Nag-iwan si Night nang mainit at madiin na halik sa noo ni Lexine. Ito ang ipapabaan nito sa kanya hanggang sa huling pagkakataon. Pinakawalan nito ang kanyang mukha at dahan-dahang naglakad palayo.

Naestawa si Lexine sa kinatatayuan habang pinagmamasdan itong unti-unting nawawala sa kanyang paningin. Ang likod nito, balikat, at ang nagdudugo nitong sugat.

Sugat? Bakit may sugat si Night? Doon niya lang naalala ang pagsagip nito sa kanya sa Tower kanina.

Tila isa itong batong pumukpok sa kanyang ulo para magising siya ng tuluyan. Mula noon hanggang ngayon. Ginagawa ni Night ang lahat para iligtas siya… lahat ipagkakaloob nito para sa kanya.

Only her… For her… Always her.

Ang makita itong unti-unting nawawala sa paningin niya ay nagbigay sa kanya ng malaking pangamba na tuluyan na rin itong mawawala sa buhay niya.

And it scares her… intensely and deeply terrified her.

"Night!"

Nahinto sa paglakad si Night at lumingon. Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Lexine at mabilis na hinakbang ang mga paa. Kung nasasaktan siyang nakikita ito… mas masasaktan siya kung tuluyan itong mawawala sa buhay niya.

Tinapon ni Lexine ang sarili agad kinawit ang mga braso sa leeg nito saka siniil ng nag-aalab na halik.

Ang madilim at nanlalamig na mundo ni Night ay muling nabigyan ng buhay at init nang muling maramdaman ang mga labi niya. Mahigpit na pinulupot nito ang mga braso sa maliit niyang katawan at hinagkan ng buong higpit.

Unti-unting pinakawalan ni Lexine ang mga labi ni Night at hinaplos ito sa pisngi, "Susubok ako ulit… susugal ako ulit… lalaban ako ulit… "

Masayang-masaya ang puso ni Night at ganoon din ang mga ngiti na sumilay sa kanyang labi. Sa sobrang pag-uumapaw ng kaligayahan na nararamdaman niya ay pinaulanan niya muli si Lexine nang maliliit na halik sa labi, sa ilong, sa pisngi, sa mata at pabalik sa labi nito.9

"I love you so much… I love you… I love you… I love you, I love you, I love you baby…" paulit-ulit niyang sinabi at dahil para siyang sirang plaka kaya 'di na napigilan ni Lexine na mapabungisngis.

"I love you Lexine… fuck… I love you talaga eh," ulit ni Night na may gigil.

Tuluyan nang natawa si Lexine, "I love you too Night… talaga din."

At muli nilang pinagdikit ang mga labi at pinaramdam ang busilak na pagmamahal na kahit ilang beses man silang subukin ng tadhana ay babalik pa rin sila sa isa't isa at hindi bibitaw.

Sa pagkakataong ito. Hinding hindi na sila bibitaw pang muli.