Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 276 - Haystack tower

Chapter 276 - Haystack tower

KINABUKASAN ay gumanda na ang panahon kaya sinimulan na nila ang pagha-hike sa Haystack Mountain. Salamat sa 'Trail Finder' app at may sinusundan sila na nagiging gabay nila patungo sa pakay na tower. Matatagpuan ito sa summit ng bundok.

Makapal ang snow sa paligid habang sa bawat paghinga nila ay may lumalabas na usok. Hindi naman ganoon kahirap ang hiking habang dinadaan nila ang gubat. Si Eros ang nangunguna habang nakasunod si Devorah at Lexine, si Night ang nagpaiwan sa dulo at nakamasid sa paligid.

Isang maliit na river ang kailangan nilang tawirin. Inalalayan ni Eros si Devorah na hakbangin ang mga bato.

"Give me your hand," nag-offer si Night kay Lexine pero tinangihan siya nito at sinabing kaya nitong mag-isa.

Kumibit balikat na lang si Night at pinauna ito. Pero nasa kalagitnaan pa lang sila ng pagtawid nang madulas ang sapatos ni Lexine sa inapakang bato. Buti na lang at mabilis ang reflexes ni Night at agad nahawakan ang kamay at bewang ng dalaga.

"Sabi na kasi, akin na ang kamay mo," kinuha ni Night ang kamay ni Lexine at hindi na ito binitiwan kahit pa tumangi ito. Inalalayan niya ito hanggang sa makatawid sila.

Pero agad din bumitaw ng kamay si Lexine pagkatapos at nauna nang naglakad. Sumunod si Night at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng jacket.

Nagpatuloy pa sila sa paghi-hiking hanggang sa marating nila ang summit na may taas ng 1,716 feet above the ground. Tumingala ang lahat at namangha nang makita ang matayog na Haystack Tower. Gawa sa malalaking bricks ang 50 feet height at 22 feet diameters na tower. Napaliligiran ito ng mga kalbo na puno gawa ng kalamigan ng panahon.

"This tower was build in 1929. This was not the original grave of my grandfather but the elders decided to moved Louisse Gibbons to this place, after our family's enemies tried to burn his dead body in 1928," paliwanag ni Eros sa mga kasama pagkapasok nila sa loob.

"Kahit patay na siya may nagtatangka pa rin sa bangkay niya?" Tanong ni Lexine.

"Well, they honestly don't care about his body. Maraming dinala ang great grandfather ko sa hukay niya bukod sa Devils heart, kaya marami ang nag-iinteres sa mga bagay na yun."

Maliit at masikip lang ang loob nito habang meron itong isang hagdan na paikot patungo sa taas. Kinapa-kapa ni Eros ang mga bricks sa walls hanggang sa mahanap niya ang tamang bato, "Here."

Tinutok niya ang hintuturo at unti-unting humiwalay ang piraso ng brick mula sa iba. Sa loob nito mayroong secret lock. Isang bakanteng bilog ang nasa gitna.

"Do you have the key?" tanong ni Devorah.

"Of course," kinuha ni Eros ang necklace na nasa loob ng jacket at hinubad. Ang palawit nito ay isang bilog na gold pin na may letter 'G' na naka-engraved sa gitna, "Only the eldest son of each generation have this pin. This is from Louisse Gibbon at pinapasa to sa bawat panganay na lalaki."

Nilagay ni Eros ang gold pin sa bakanteng bilog. Lumapat ito at 'di nagtagal ay nakarinig sila ng ingay. Tila magic na kusang gumalaw ang mga bricks sa kanilang harapan hanggang sa lumitaw ang secret entrance pababa sa underground.

Naunang pumasok si Eros at sumunod ang bawat isa. Madilim at malamig sa loob habang binabaybay nila ang batong hagdan. Gamit ang mahika ay gumawa ng apoy si Eros na nagsilbing ilaw nila.

Di nagtagal at natumbok nila ang underground mausoleum. Sa gitna nito nandoon ang stone casket. Tinatamaan ito ng puting ilaw mula sa itaas. Yellowish ang kulay nito at may mga naka-ukit na disenyo sa paligid. Hindi man maintindihan ni Lexine kung ano ang mga nakasulat alam niyang 'Babayin' ang mga letra nito.

Puro bato ang paligid at agaw pansinin ang isang horse statue na nakatayo gamit ang dalawang paa nito at nakapwesto sa likuran ng stone casket. May nakasakay na Greek warrior na nakasuot ng armor at may hawak na sphere sa kaliwang kamay habang sa kanan naman ay isang shield.

"Here it is, the great Louisse Gibbon's grave!" nilahad ni Eros ang dalawang braso sa bato na tila nagpapakita ng magic show.

Maiging nag-obserba si Night sa paligid. Naninigkit ang mga mata niya. Tila may mali dahil kanina niya pa napapansin na masyadong tahimik ang paglalakbay nila. Kung ayon sa kwento ni Eros na marami ang nag-iinteres sa mga bagay na pagmamay-ari ni Louisse Gibbon bakit tila masyadong madali para sa kanila na matumbok ito?

Tumayo si Eros sa harapan ng stone casket at tinapat ang dalawang kamay. Gamit ang mahika ay unti-unting umusog ang takip nito.

"Something is wrong," bulong ni Night.

Narinig ito ni Lexine, "What do you mean?"

Tuluyang naalis ni Eros ang takip at lumapit. Buong pag-aasam na dinungaw niya ang ulo pero agad din natigilan nang makita kung ano ang laman nito.

"What is this?"

Nagkatinginan ang magkakaibigan, "Bakit?" tanong ni Lexine.

Sabay-sabay na lumapit ang tatlo at katulad ni Eros ay nagulat din ang kanilang reaksyon dahil ang loob ng stone casket ay walang laman!

"Where's is Louisse Gibbon?" tanong ni Eros sa nagpapanic na tono.

"Are you sure na dito talaga nilipat ang labi niya?" tanong ni Devorah.

"I am sure. Isa pa, ako lang ang may hawak ng golden pin sa aming magkakapatid dahil ako ang unang apo sa generation namin. Imposible na mabubuksan ito ng ibang member of Gibbon Family not unless…"

Napamura si Eros, "Jacko," he hissed, "Sigurado akong si Jacko ang may kagagawan nito."

"Saan natin ngayon mahahanap ang Devils heart?" nababahalang tanong ni Lexine at napahawak sa noo.

Sa inis ni Eros ay sinipa niya ang isang piraso ng bato na nakakalat sa sahig. Tumama ito ng paanan ng horse statue.

Patuloy sa pag-iisip ang bawat isa kung ano ang susunod na hakbang. Hindi nila namalayan ang biglang pag-ikot ng ulo ng greek warrior na nakasakay sa kabayo. Tumingin ito sa kanila. Sumunod na gumalaw ang kamay nito na may hawak na sphere.

Nakarinig si Night nang tunog nang nawawasak na bato at napatingin sa gawi ng statue. Mabilis na nanlaki ang mata niya nang makitang nabuhay ang Greek warrior at ang kabayo nito. Maliksi itong sumugod sa kanila.

"Look out!"

Agad niyang niyakap si Lexine at tinulak sa kabilang panig. Sabay silang natumba sa sahig. Mabilis din na nakaiwas si Eros at Devorah na tumalon naman sa kabila.

Napamura si Night. Sinasabi na nga ba niya at may mali. Muling sumugod ang greek warrior habang mabilis na tumatakbo ang kabayo nito patungo sa kanilang direksyon. Umilaw ang tattoo ni Night sa pulsuhan at lumitaw si Gula.

Hinawakan niya ang hawakan gamit ang dalawang kamay at inantay ang pagdating ng kalaban.

Tinaas ng Greek warrior ang hawak na sphere at nakahanda na upang tusukin siya. Pero maagap na hinumpas ni Night ang espada upang tabigin ang atake nito at tumilapon ang sphere palayo.

Muling humarap ang kalaban sa kaniya at sumugod ulit. Tumalon si Night at mabilis na inatake ang ulo ng Greek warrior pero sa gulat niya ay hindi ito tinablan at kumiskis lang ang espada niya sa bato.

"Shit!"

Kumilos si Eros at nagpalabas ng mahika. Nag-chant siya ng isang spell, kasabay ang pagliwanag ng kanyang mata at dalawang kamay. Nagtapon siya ng sunod-sunod na energy ball sa kalaban pero wala pa rin itong epekto at hindi nasisira ang statue.

Nilabas ni Lexine ang golden bow at tinutok ang arrow head sa warrior. Habang nakapikit ang mata niya at inaasintado ang kalaban ay napaisip siya. Siguradong may dahilan kung bakit nabuhay ang statue at iyon dapat ang kailangan niyang hanapin.

Ginala niya ang mata at nagawi ang tingin sa puting ilaw na na nakatutok sa puntod sa ginta na nangagaling sa itaas. Wala naman kakakiba doon. Nilibot niya pa ang tingin hanggang sa nangibabaw sa kanyang mata ang isang sculpture ng ulo ng lalaki na matatagpuan sa gitnang itaas kung nasaan nakapwesto ang kabayo kanina.

Umiilaw ang mata nito. Tama! Iyon ang kailangan niyang tirahin. Nilipat ni Lexine ang pagtutok sa arrow head sa direksyon ng ulo. Pero napalingon ang Greek warrior sa kanya at nahuli ang balak niyang gawin. Tinaas nito ang kamay at tila magnet na lumipad pabalik ang sphere sa palad nito. Agad nitong hinagis ang hawak sa direksyon niya.

"Lexine!" sigaw ni Night at agad nag-dive patungo sa babae. Natulak niya si Lexine palayo at pareho silang natumba sa sahig pero dumaplis ang patalim ng sphere sa balikat niya.

"Are you okay?" nag-aalala niyang tanong kay Lexine.

"Okay lang. Kailangan natin masira yun! Siya ang nagpapagalaw sa statue," tinuro ni Lexine ang ulo ng lalaki.

"Okay, I'll distract this fucker and you aim the head."

Tumungo si Lexine. Sabay silang tumayo ni Night. Sumugod si Night sa Warrior at pareho nilang pinagtulungan ni Eros ang kalaban. Sinamantala ni Lexine ang pagkakataon at inasintado ang ulo.

Nang makuha ang tamang point ng target, bumilang siya ng tatlo at pinakawalan ang nock sa daliri. Kasing bilis ng hangin na tumama ang nagliliwanag na arrow diretso sa noo ng ulo.

Sumabog ito at lumabas ang nakasisilaw na liwanag.

Tuluyang nawalan ng buhay ang Greek warrior at kabayo nito bago nanigas muli at bumalik sa pagiging statue. Pero agad namang nanginig ang lupa dahilan para matumba silang lahat. Kasabay ng lindol ang pagbagsak ng mga bato sa paligid.

"We need to get out now!" sigaw ni Eros.

Nagmadali silang tumakbo paakyat ng hagdan hanggang sa marating nila ang tuktok at nakalabas ng tower. Sabay-sabay silang nasubsob sa lupa. Paglingon nila pabalik. Nasaksihan nila ang tuluyang pag giba ng buong tower.

Hingal na hingal ang lahat habangnagpapalitan ng tingin. Muntik na sila doon pero salamat at walang nasaktan.

"Is everyone alright?" tanong ni Eros.

Sabay-sabay na tumungo ang bawat isa at exhausted na humiga sa lupa habang naghahabol ng hangin sa dibdib.