Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 274 - Saranac Lake

Chapter 274 - Saranac Lake

NAKAABANG na ang Black Phantom Max 7 or BPM07 sa gitna ng malawak na airport. Mahaba at malapad ang puti at makintab nitong katawan. Habang mababasa ang mga bold font and black letters na "Black Phantom" sa itaas ng mga bintana. Two point seven meters ang sukat nito at kasya sa loob ang isang Master bedroom na may queen bed, dresser at bathroom. Mayroon pa itong six-seater dining table, mini bar at six lazy boy.

Binati ng mga naka-abang na dalawang babaeng stewardess at dalawang lalaking Captain sila Lexine, Night, Eros at Devorah. Umakyat sila sa stair at sinalubong ng luxury ambience sa loob. Brown at dirty white ang kulay ng interior ng private Jet na pagmamay-ari ni Elijah. Carpeted ang sahig, gawa sa shiny and coated na woods ang mga tables habang leather naman ang mga upuan.

Umupo si Eros at Devorah sa likuran habang umupo naman si Lexine sa unahang bahagi. Ang katapat na upuan naman nito ang inokupa ni Night. Naka-suot ng itim na Prada shades si Lexine at inabala ang sarili sa pagbabasa ng magazine.

Limitado lang ang kakayahan ng teleportation powers ni Night. Kaya niya lang puntahahan ang mga lugar na nadayo na niya. He had been in New York but not in Saranac. At gusto niya rin na paminsan-minsan ay magpalipas ng oras. A comfortable and luxury flying experience is not bad after all.

Ilang sandali pa at naghanda na sila para sa take off. Nadinig ang babaeng boses sa speaker, "Ladies and gentlemen, this is Jessie and I'm your chief flight attendant. In behalf of Captain Ryan Smith and Captain James Gomez and the entire crew, welcome aboard….."

Matapos ang ilang announcement sa satefy demonstration at kung ano-ano pa at nag-take off na ang Jet at lumipad na sila patungong Aridonrack Regional Airport.

Matapos ang halos humigit 18 hours na flight ay nakarating sila sa pakay. Dahil buwan ng November kaya malamig at may snow ang weather, nakadagdag pa na bulubundukin ang nakapaligid sa buong lugar na tinatawag na Aridonrack Mountains.

Sinundo sila ng van pagkarating nila sa airport upang magtungo sa rest house na tutuluyan nila. Malapit ito sa Saranac Lake, kung saan din matatagpuan ng Haystack Mountain na siyang pakay nila.

Isang bungalow na wood house ang tinuluyan nila. Cozy at homey ang feeling ng buong bahay. Halos manginig si Lexine sa lamig lalo na at makapal ang snow sa labas. Mahina pa naman siya sa malalamig na klima.

Isang matandang ginang ang sumalubong sa kanila, "Good evening beautiful gentlemen and ladies, my name is Tessa," pakilala nito na may magandang ngiti.

Bumati pabalik ang apat. Inalalayan sila ni Tessa na makapasok sa loob. Naka-ready na ang fireplace sa gitna ng sala at parang batang tuwang-tuwa si Lexine at nagmadaling nagtungo sa tapat nito.

"Oh my God, finally, something warm!" tinapat niya ang tila nagyeyelong kamay sa tapat ng apoy. Umupo si Devorah at Eros sa sofa at nanatili naman nakatayo si Night at nagmamasid sa kabuuan ng bahay.

"There's a snow storm occurring during the night, so expect that the temperature would be worser," paliwanag ni Tessa, "By the way I will show your rooms, come."

Sumunod silang apat sa ginang. Hindi naman kalakihan ang rest house. Nasa 100 sqm lang ang sukat nito at may porch sa labas, "Here is the kitchen, the common bathroom is over here. We only have two rooms available because the third one have a leakage at the ceiling."

Nagkatinginan ang apat na magkakaibigan. Nanlaki naman ang mata ni Lexine sa narinig.

"Here are the keys," abot ni Tessa, "If you need anything, I left a note with my number on the fridge."

"Thank you Tessa," sabi ni Eros sabay kuha sa susi. Naghabilin pa ng ilang mga bagay ang ginang bago sila iniwanan.

Humarap si Eros sa mga kasama, "So… we will occupy this room, dun na kayo sa isa," binigay ni Eros ang susi kay Night pero maagap na kinuha ito ni Lexine.

Nagkatinginan si Eros at Devorah na may nanunuksong mga mata. Pumasok na ang dalawa sa kwarto para makapagpahinga. Naiwan si Night at Lexine.

Ngiting-ngiti naman si Night, kung pumapabor nga naman ang tadhana.

"Anong klaseng ngiti yan? Akala mo papayagan kitang matulog sa kwarto? Dyan ka sa sala matulog!" inirapan siya ni Lexine at pumasok sa loob ng bakanteng silid.

Hindi naman makapaniwala si Night, "What? Nakita mo naman ang lamig ng panahon dito tapos sa sala mo ako patutulugin? How come you become so heartless?"

"Kasing lamig naman ng yelo ang puso mo so I think makakaya mo na yan," nginisan siya ni Lexine at aktong isasara na ang pinto pero maagap na pinigilan ito ng kamay ni Night.

Sinubukan isara ni Lexine pero wala siyang laban sa lakas nito. Nakipagtulakan siya dito hanggang sa tuluyang natulak ng binata ang pinto at nakapasok sa loob.

"Oh, malaki naman pala yung kama, kasyang-kasya tayo!" at home na humilata si Night sa kama.

Inis na pumamewang si Lexine, "Ano ba, hindi ka sabi pwedeng matulog dito!"

Tinaas ni Night ang dalawang braso at inunan sa ulo, "Bakit ba ang arte mo? As if never pa tayong natulog nang magkatabi? Parang noong isang araw lang ang sarap pa ng pagkakayakap mo sa akin at halos ubusin mo na ang amoy ng kili-kili ko kakasinghot mo."

Lalong namula ang mukha ni Lexine sa inis, para siyang electric kettle na nagbabadya nang mag-ingay, "Excuse me, lasing lang ako nun, okay? Isa pa, baka nakakalimutan mong wala ng tayo? Kaya hindi ka pwedeng matulog dito! Labas!"

Pero hindi nagpatinag si Night, "Whatever, buhatin mo ako palabas kung gusto mo."

Lumaki ang butas ng ilong ni Lexine at inis na nagdadabog, "Fine, edi ako ang matutulog sa sala! Hmp!" mabilis siyang lumabas habang nagpapadyak sa inis.

Ngisi-ngisi naman si Night na humiga sa kama, "Tignan lang natin kung matiis mo ang lamig, babalik ka rin sa akin."

Related Books

Popular novel hashtag