MAHABANG katahimikan ang namayani sa dalawa. Matapos marinig ni Lexine ang mga sinabi nito, hindi na niya alam kung ano pa ang dapat paniwalaan at maramdaman.
Sana ganoon na lang kadali tangapin ang lahat ng mga binitiwang salita ni Night. Pero kahit pagbalik-baliktarin pa rin ang mundo. Ito pa rin ang lalaking pumatay sa lolo niya.
Paano ba magpatawad? Ito ba ang isang bagay na pwede mong gawin ng overnight? Para ba itong isang switch ng ilaw na pwede mong i-on at i-off? Para ba itong mainit na tubig na iiwan mo lang sa lamesa at pagtapos ng ilang minuto ay malamig na?
Ganoon ba kadali magpatawad? Lalo na kung ang sugot sa puso mo ay tila walang hanggang balon sa sobrang lalim nito.
"Lexine…" dahan-dahang hinawakan ni Night ang magkabilang balikat ni Lexine, patuloy sa pag-iyak ang mga mata nito na halos namamaga na at ganoon din siya.
"I know that it's too much to ask for your forgiveness, pero mas pipiliin ko nang kamuhian mo ako habangbuhay, maging ligtas ka lang," pinagdikit ni Night ang kanilang mga noo at kinulong ang pisngi nito sa kanyang dalawang palad.
"I love you so much Lexine, and I'm really sorry for all my sin."
Pinikit ni Lexine ang mga mata. Pinilit niyang hanapin ang init sa kanyang pusong nanlalamig, sinubukan niyang suyurin hanggang sa pinakailalim ng kanyang pagkatao. Unti-unti niyang dinilat ang mga mata.
Subalit sa tuwing nakikita niya ang napakagandang tsokolateng mga mata na nasa kanyang harapan. Paulit-ulit na bumabalik ang alaala nang madugong pagkamatay ni Alejandro sa kanyang harapan. The pain was so traumatic for her and it was hard to forget. Nag-iwan ito ng malaking peklat sa kanyang puso.
"How can I love someone who killed my grandfather?"
Dahan-dahang tumuwid ng tayo si Night. Ang mga salita ni Lexine ay tila isang malakas na bagyo na dumaan at nag-iwan ng delubyo sa kanyang puso.
Pumihit patalikod si Lexine at umahon sa pool. Nanatili lang si Night na nakayuko at nanlalamig. Nagmadaling nilakad ni Lexine ang mga paa palayo sa lugar na iyon.
Palayo sa sakit at pighati na gusto na niyang makalimutan.
***
SUMUNOD si Elijah at Miyu sa Paris sa pag-aalala para kay Lexine. Kakarating lang nila sa mansion nang naabutan nila ang dalawa sa pool. Mabilis na umahon si Lexine at tumakbo palayo.
Nagulat si Lexine nang makasalubong ang dalawa, "What happened?" tanong ni Miyu.
Umiling si Lexine, "Let just please go home," aniya sa nanghihinang boses at mabilis na tumakbo palayo.
"Lexine!" sinundan ni Miyu ang kaibigan.
Naiwan naman si Elijah at lumingon kay Night na nanatili sa pool at nakatulala. Mabilis na nanlisik ang mga mata niya at galit na sinugod si Night.
"Night!"
Tumalon siya sa pool at sinuntok ng malakas si Night. Hinatak niya si Night mula sa ilalim ng tubig at hinagis palayo. Tumalsik si Night sa damuhan at nagpagulong-gulong. Maliksing tumalon papunta si Elijah, sa huli, pinaibabawan at pinaulanan ng suntok.
"Tarantado ka! Ano na naman ginawa mo kay Lexine! Gago ka talaga! Gago ka!!!"
Dumugo na ang ilong at kilay ni Night sa lakas at dami ng sapak na binigay sa kanya ni Elijah. Pero hindi nanlaban si Night at hinayaan lang siya sa ginagawa niya.
"Ano! Bakit di ka lumaban? Nasaan ang yabang mo!"
Sapak ulit, suntok ulit. Pero walang kibo si Night at parang manhid na tinangap ang mga kamao ng bampira hanggang sa mapagod si Elijah at binitawan na siya.
Hingal na hingal ang bampira.
Tumingala lang si Night sa madilim na langit, duguan ang mukha pero wala ito kumpara sa sugat sa puso niya.
"She can never forgive me Elijah, what should I do?" tumulo ang luha sa kanyang mata.
Natigilan si Elijah nang makita ang miserableng itsura ni Night. Kahit pa galit siya dito ay ito pa rin ang matalik niyang kaibigan at sa dami nang pinagsamahan nila. Kabisado na nila ang ikot ng bituka ng isat isa.
"Kapag ang baso, nabasag, idikit mo man gamit ang glue, may lamat pa rin, "makahulugang sagot niya.
Pumikit si Night at tinakpan ang mukha gamit ang braso saka humagulgol. Napamura si Elijah dahil nagsugat ang kamao niya. Pero mas masakit para sa kanyang makita si Night na nagdurusa.