Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 264 - Heal yourself

Chapter 264 - Heal yourself

NAABUTAN ni Miyu si Lexine na umiiyak sa labas ng mansion habang nakaupo sa hagdanan ng main door. Basang-basa ito at panay galaw ng balikat. Bago siya makahakbang palapit ay lumapit sa kanya si Johan na may dalang bimpo. Kinuha niya ito at nagpasalamat. Malungkot na tumingin si Johan kay Lexine bago sila iniwan.

Lumapit si Miyu at pinatong ang bimpo sa balikat ni Lexine. Natigil sa pag-iyak ang dalaga at tumingala kay Miyu.

"I'm here to listen," umupo si Miyu sa tabi nito.

Ilang sandali na tinignan ni Lexine ang kaibigan at 'di na niya napigilan ang sarili. Sa tagal ng panahon na pinilit niyang maging matatag at matibay, dumating din ang araw na sumabog na ang lahat at gusto na lang niyang ilabas ang bigat sa dibdib niya. Mahigpit siyang yumakap kay Miyu at humagulgol na parang bata.

Makalipas ang ilang minutong pag-iyak ay tumahan na si Lexine.

"Hindi ko na alam kung ano pa'ng dapat kong maramdaman Miyu. Dahil sa tuwing pinipikit ko ang mga mata ko bumabalik sa isip ko ang ginawa niya sa lolo ko. At sa tuwing nakikita ko siya bumabalik din lahat ng sakit dito sa puso ko."

"At alam mo kung ano yung pinakamasakit? Dahil kahit sa paglipas ng panahon, kahit sa kabila ng galit sa dibdib ko, sa kagustuhan kong maghiganti… hindi pa rin siya nawawala dito sa puso ko," muling bumagsak ang mga nag-uunahang luha sa pisngi ni Lexine.

"Paano ko tatangapin lahat ng rason niya, paano ko gagawin yun? Paano ko bubuksan ulit itong puso ko? Paano? Kasi durog na durog na 'to eh," tinuro niya ang dibdib, "Sinasabi ng isip ko na intindihin lahat ng sakripisyo na binigay niya, pero itong puso ko, hindi na niya kaya dahil pagod na pagod na siya. Paano ko pa siya papatawarin?"

Patuloy sa paghagod si Miyu sa likod ni Lexine at taimtim na nakikinig. Matapos ang ilang sandali ay may naalala siyang isang bagay na 'di niya sinasabi sa ibang tao na kahit kay Elijah ay di niya nabangit.

Tumingala si Miyu sa dagat ng mga bituin sa madilim na kalangitan, "When my dad left us because of another woman, nagtanim din ako ng malaking galit dito sa puso ko. Siguro kaya ako lumaking rebelde kasi 'di ko matangap ang ginawa sa amin ni daddy. 'Di ko matangap na pinagpalit niya si Mom over someone else. I felt that he abandoned not only my mom but also me."

Natigil sa pag-iyak si Lexine at lumingon kay Miyu, "I saw how devasted mom was after their divorce. Pero bilib ako sa mommy ko dahil ginawa niya ang lahat para palakihin ako ng maayos, mabigay sa'kin lahat ng kailangan ko. She was my hero. But then isang araw, when I entered highschool, dad appeared again in front of our house. Gusto 'daw niya akong kunin at pag-aralin sa Canada. Can you imagine how furious I was when he said that? Grabe, susunugin ko na ang buong bahay namin sa pagwawala ko."

"I can surely imagine na nag-transform ka na naman sa pagiging angry bull girl mode mo," sagot ni Lexine at sabay silang nagkatawanan ni Miyu.

Tumagal lang ng ilang segundo ang kanilang tawanan bago muling nagpatuloy si Miyu, "But what made me angrier was when my mom agreed. Sabi ko sa kanya, paano niya nagagawa na ipamigay ako sa tatay kong siraulo? How could she still smiled at him na parang nakalimutan na niya lahat ng kasalan ng dad ko sa amin dalawa? All the cheating and dishonesty that he did to my mom. How could she forgive him?"

"What my mom answered me… Miyu, sa lahat ng bagay na pinagsamahan namin ng daddy mo isang beses lang siyang nagkamali. But that one mistake was nothing compare to all the good things Manuel did for the two of us. He was a good husband and a father, but we need to accept the fact that people are not perfect and they make mistakes. Your father and I, were not happy anymore. We had to separate ways because it's better for the both of us. May pagkukulang din ako sa kanya bilang asawa, at ganoon din siya."

"Sabi niya pa… gusto kong alalahanin mo Miyu lahat ng masasayang memories na mayroon kayo ng daddy mo, at yun ang itatak mo sa puso mo, hindi mo na makakalimutan ang ginawa niyang kasalan, pero dapat mas hindi mo rin kalimutan lahat ng kabutihan na binigay niya. Iyon ang lagi mong babalikan, at matutunan mo din siyang mapatawad."

Lumingon si Miyu kay Lexine at hinawakan ang dalawa nitong kamay, "Sabi nila lahat ng bagay sa nakaraan di mo na dapat binabalikan, pero minsan, kailangan mo pa rin, because the things from the past will remind you the good memories that you had cherished. Masakit man yan o masaya. Panget man yan o maganda. It will continue to remind you how big is your heart and it's capability to love."

"Lexine… I know and I believe, na may init pa rin diyan sa puso mo. Use that tiny little spark hiding in the depth of your heart to heal yourself. Kasi di mo magagawang magpatawad, kung di mo muna gagamutin ang sugat sa puso mo."

"Kaya ayun, sumama ako sa Dad ko sa Canada, I get to meet my half brothers and sisters, my dad's new wife. They treated me as a family. I was able to forgive my father because I let myself to see the good in him," tumingin siya kay Lexine sa mga mata.

Masayang ngumiti si Lexine at muling hinagkan nang ubod ng higpit ang kaibigan, "Thank you Miyu."

Sa mga bisig nito naging panatag ang kanyang puso..