Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 257 - Ex lovers [1]

Chapter 257 - Ex lovers [1]

MULA sa lalaking nakahiga sa sahig at namimilipit. Lumipat ang mata ni Night sa butas sa pader.

"Another surprise for tonight," nangingisi na sabi ni Valac sa kanyang tabi.

Isang kaguluhan ang nagaganap sa labas ng private room. Nagwawala ang malaking grupo ng mga lalaki habang nakikipag-basag ulo. Wala na sana siyang pakielam sa mga ito at muling binalik ang atensyon sa nilalaro nang mabilis na nahagip ng mata niya ang isang mukha na hindi-hindi niya makakalimutan.

Nanlaki ang mata ni Night at agad napatayo ng tuwid. Nanginginig ang mukha niya habang nanlalamig ang buong katawan. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Ganito ba talaga mapaglaro ang tadhana?

"Lexine..."

Narinig ni Valac ang bulong ni Night at agad napansin ang pagkatulala ng binata. Kumunot ang noo niya habang nagpabalik-balik ang mata sa mukha ni Night at sa babaeng sinusundan nito ng tingin.

Nang mapagtanto kung ano ang sitwasyon ay halos mapunit na ang labi niya sa laki ng pagkakangisi, "This is going to be fun."

Galit na dinampot ng isang lalaki ang casino table at hinagis sa kinaroroonan ni Lexine. Nanlaki ang mata ni Night at agad nataranta. Mabilis niyang hinakbang ang mga paa at sa isang kurap, nakarating siya sa tabi ni Lexine at hinarang ng isang braso at likuran niya ang casino table. Nawasak ito sa lakas ng impact na tila tumama sa bato.

Nalukot ang mukha ni Night sa kirot na naramdaman nang tumama ito sa kanyang balikat. Pero nang maamoy niya ang pamilyar na tamis ng halimuyak ng babaeng abot kamay niya ay nakalimutan na niya ang buong mundo at wala siyang ibang nakikita kung 'di ito lang.

Unti-unting lumingon si Lexine at nagtama ang kanilang mga mata. Those beautiful almond-shaped eyes that possess all the power to melt his whole being. Mga matang laman ng kanyang panaginip at mga pangarap. Mga matang gustong-gusto niyang tignan bawat segundo ng buhay niya.

Para sa isang katulad niyang demonyo at isinumpa ng langit, masama na ba kung hihilingin niyang muli silang pagbigyan ng tadhana? Sa kabila ng lahat ng kasalanan na ginawa niya, labis na ba kung aasamin niyang patawarin siya ng mga matang ito?

"Lexine…" nang bigkasin niya ang pangalan ng nag-iisang babaeng sinisigaw ng puso niya ay para siyang binalot ng apoy.

Sa lahat ng gabi nang pagsisisi niya, sa lahat ng minutong nadudurog siya ng paulit-ulit dahil walang araw na lumipas na di niya pinagbabayaran ang matinding kasalanan ginawa niya.

Maaari pa ba siyang umasa na…

Nagulat si Night nang biglang naglabas ng espada si Lexine at tinutok ang talim nito sa kanyang leeg.

Walang kahit anong apoy sa mundo ang makakahigit sa matinding pag-aalab ng mga mata ng babae, "Ang tagal kong hinintay ang araw na 'to," nagkikiskis ang ngipin ni Lexine sa labis na galit.

Napipi si Night at natulala. Napalunok siya nang madiin nang maramdaman ang pagdaloy ng dugo sa kanyang leeg gawa ng pagkakadikit ng talim ng espada. Isang maling kilos niya at sisirit ang dugo.

Natigil ang kaguluhan at lahat ng atensyon ay nasa dalawa na. Nababahalang lumapit si Miyu at Elijah.

"Lexine!" tawag ni Miyu.

"Night!" tawag ni Elijah.

Si Miguel na nanatiling hawak ng mga kaaway ay nagtataka sa mga nakikita. Mainam niyang pinagmasdan ang lalaki. Tila may kung ano sa kalooban niya ang bumubulong at nagsasabi kung sino ito. Agad niyang binawi ang magkabilang braso at pinagsisipa ang mga kalaban.

Nanatili sa ganoong posisyon si Night at Lexine. Tanging hangin ang pumapagitna sa kanilang dalawa. Walang nagsasalita kung 'di mainit na pagpapalitan ng mga tingin.

Dalawang sugatang puso na paulit-ulit na pinaglalaruan ng tadhana. Hanggang saan sila dadalhin ng mga pagsubok na binibigay sa kanila ng langit at impyerno?

"Lexine," sa wakas at muling nagsalita si Night.

Lalong tumalim ang mata ni Lexine, "Give me the athame."

Napakunot ang noo ng binata, "Why?"

"Di ko kailangang sagutin ang tanong mo," madiin na sabi ni Lexine.

Bahagyang tumaas ang sulok ng bibig ni Night, "Edi 'di ko rin ibibigay sa'yo."

Lalong nagdilim ang mukha ng dalaga lalo na nang muling masilayan ang nakaka-bwiset nitong ngisi. That kind of devil smirked that she hated the most!

"Fine, madali naman akong kausap," aktong kikilos sana si Lexine pero mabilis na hinablot ni Night ang pulsuhan niya na may hawak sa espada at umatras ang ulo paiwas sa patalim nito.

Binawi ni Lexine ang kamay niya kay Night pero di siya nito binitawan at hinila siya patayo. Tinaas nito ang kamay niya sa ibabaw ng kanyang ulo at sa gulat ni Lexine ay hinapit ng malayang braso ni Night ang bewang niya padikit sa katawan nito kaya nagtama ang kanilang dibdib.

Malalim na tumitig ang tsokolate nitong mga mata sa kanya na aliw na aliw sa tapang na pinapakita niya. Sinubukan ni Lexine na kumawala sa mga bisig ni Night pero mas lalo lang siya nitong hinapit sabay binaba ang mukha sa kanya.

"Kamusta ka na?" he whispered in a husky voice.

Nagkiskis ang ngipin niya sa galit. Ang kapal ng mukha nitong tanungin pa siya kung kamusta siya na para bang okay sila?! At bakit ba hindi maalis-alis ang ngisi nito sa labi na lalong nagpapakulo ng dugo niya!?

Pero hindi ipapahalata ni Lexine na apektado siya kahit pa tumatayo na ang mga balahibo niya sa amoy ng hininga nito, "Better than ever."

Napangiti si Night sa sagot ni Lexine. Pero nakalimutan nitong meron pa siyang libreng kamay at ito ang ginamit niya para sapakin sa ilong ang lalaki. Napa "aw" si Night sa lakas niyon. Agad niyang binawi ang kamay niyang hawak nito at sinipa si Night sa tiyan.

Napaatras ang prinsipe ng dilim sabay hawak sa tinamaang parte ng katawan. Naubo pa siya sa lakas nun. Damn this girl! Bakit biglang naging lalaki kung sumipa at sumuntok?

Biglang nagpalakpakan at naghiyawan ang mga tao na aliw na aliw sa mga napapanood nila. Lalo na at isang babae ang naka-sipa sa prinsipe ng dilim.

Napangisi si Lexine at tumaas ang noo. She's so proud on her skills. Ha!

Tumuwid ng tayo ni Night. He was pleasantly surprised that she's now better in fighting. Mas lalong lumaki ang pagkakangisi niya. Binuksan niya ang isang palad at lumabas ang itim na usok kasama ng athame.

The devil prince smiled mischievously, "You want this? Come and get it."

Hindi uurungan ni Lexine ang paghahamon nito. Maliksi siyang tumakbo palapit kay Night at hinumpas ang hawak na espada, pero kasing bilis ng hangin na naiiwasan nito ang mga atake niya na tila nakikipaglaro lang ng patintero.

"Ahhh!" mas binilisan ni Lexine ang kilos at muling hinampas ang espada kay Night. Humakbang pakaliwa si Night at naiwasan ang atake niya, hinuli ni Night ang braso niya na may hawak ng espada at sa isang kurap ay naka-pwesto na ang binata sa likuran ni Lexine. Nakapulupot ang braso nito sa leeg niya. Gamit ang malayang kamay ay hinablot ni Night ang espada at tinapon sa malayo.

Dinikit ni Night at bibig sa tenga ni Lexine, "Pumayat ka, kumakain ka pa ba?"

Nag-init ang buong mukha ni Lexine sa init ng hininga ni Night at mas lalo siyang nangigigil sa galit dahil kung maka-akto ito ay parang walang nangyari sa pagitan nila. And she hate herself more for being affected by his voice and touch.

"It doesn't concern you," sinubukan niyang makawala sa braso nito pero masyadong mahigpit ang kapit ni Night sa kanya.

"Pero mas gumanda ka ngayon."

Namula ang magkabilang pisngi ni Lexine. Sa sobrang inis niya ay tinaas niya ang paa at inapakan ang paa ni Night sabay siniko ang ribs nito. Lumuwag ang kapit ni Night sa kanya at sinamantala niya ang pagkakataon upang makawala. Umikot paharap si Lexine at muling umatake ng magkabilang suntok na sinanga pareho ni Night. Nagpakawala siya ng sunod-sunod na 45 kick na may combo ng spining 45 kick. Pero nasanga pa rin ni Night sa sipa niya. Muling nagpabigay si Lexine ng straight punch gamit ang kaliwang kamay pero hinuli ulit ni Night at pulsuhan niya. Sinundan niya ito ng isa pang straight punch gamit naman ang kanan kamay pero nahuli pa rin ito ng lalaki.

Tinaas niya ang tuhod para tuhurin ito sa tiyan pero sa gulat niya ay nilingkis ni Night ang isang mahabang binti nito sa dalawang binti niya kung kaya nahirapan siyang makakilos. Ngayon ay yakap na siya nito at wala na siyang magagamit na pang-atake.

"Bitawan mo ko!" singhal ni Lexine pero di talaga siya makakilos sa pagkakalingkis ng mga katawan nila.

"Bakit mo kailangan ang athame?" tanong ulit ni Night.

"I don't need to explain anything to you."

"Matigas pa rin talaga ang ulo mo."

"At makapal pa rin ang mukha mo!"

"Matapang ka pa rin."

"Mas matapang na!"

"Mahal pa rin kita."

"Maha—" natigilan si Lexine sa sinabi nito.

Pansamantalang nasira ang depensa niya sa binitawan nitong salita. Para itong isang malaking martilyo na pumukpok sa malaking tinik na nakabaon sa kanyang puso. Mas masakit, mas mahapdi.

Mabilis na sumiklab ang galit niya sa dibdib na diretsong gumapang sa buo niyang katawan. Ang kapal ng mukha nitong sabihin ang salitang mahal sa lahat ng kasalanan at kahayupan na ginawa nito sa kanya.

Anong klaseng laro ba ang gusto nitong gawin? Bakit kailangan nitong magpangap pa sa harapan niya? Para ano? Para lalo siyang durugin?

Hindi-hindi na siya maniniwala pa sa mga pag-arte nito. Kung anuman ang larong gustong gawin ni Night ay hindi-hindi na siya magpapaloko pang muli.

Higit sa lahat. Hinding hindi na siya maniniwala sa kahit anong sasabihin nito. Dahil nang minsan siyang naniwala na may mabuti itong puso, iyon ang malaking pagkakamaling ginawa niya sa buong buhay niya.