Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 258 - Ex lovers [2]

Chapter 258 - Ex lovers [2]

"Lexine…" lumambot ang tsokolateng mga mata ni Night.

"Bitawan mo ako," buong gigil na sabi ni Lexine at tinangka ulit na kumawala sa mga kamay niya pero di pa rin siya bumitaw.

Nakipagtagisan ito ng lakas sa kanya nang dumapo ang tingin ni Night sa isang pulsuhan ni Lexine. Nanliit ang mata niya nang makita ang isang peklat doon.

Napakunot ang noo ni Night, "Anong nangyari dito?"

Natigilan si Lexine sa tanong nito. Iyon ang peklat na marka ng sugat nang minsan niyang tinangkang magpakamatay. Mas lalong bumalik ang sakit at pagdudurusa na pinagdaan niya.

"Ano ba, sabi ng bitawan mo ako!"

"Lexine, did you hurt yourself?" nag-aalala tanong ni Night.

"Bitawan mo sabi ako!" sinubukan pa rin ni Lexine na kumalas sa binata pero para itong bato sa tigas.

"Di ka ba marunong gumalang sa babae?"

Natigil ang dalawa nang biglang dumikit ang nguso ng baril sa likod ng ulo ni Night. Nagulat si Lexine nang makita si Miguel sa likuran ng huli.

"Pag sinabi niyang bitawan mo siya. Bitawan mo siya," malamig na sabi ni Miguel.

Lalong nagdilim ang mata ni Night at nanigas ang bagang.

"Miguel…" bulong ni Lexine sabay iling. Di nito alam kung sino ang kinakalaban nito at nag-aalala siya sa maaring mangyari.

"Sino naman 'tong gago na 'to?" tanong sa kanya ni Night, "Manliligaw mo?"

Di nakasagot si Lexine dahil sa mga sandaling ito kinakabahan siya sa maaring mangyari kay Miguel.

"Huwag mo siyang idadamay dito," nababahala niyang sabi.

Mas lalong sumama ang mukha ni Night sa narinig. Something inside him exploded. It created a huge fire that burns in his head.

Binitawan niya si Lexine at dahan-dahang humarap kay Miguel. Di natinag si Miguel at nanatili ang baril kaya nang humarap si Night ay dumukit ang nguso sa noo nito.

"Putok mo," he provoked him.

Humigpit ang kapit ni Miguel sa grip handle ng baril at nanginginig ang daliri na kalabitin ang trigger.

"Pag 'di mo 'yan pinutok. Pagsisihan mong dumikit ka kay Lexine," walang kasing dilim ang mga mata ni Night na handang-handa nang pumatay.

Napaismid si Miguel, "Hulaan ko, ikaw ang ex."

Nanigas ang bagang ni Night sa galit.

"Miguel! Night! Ano ba! Itigil niyo yan!" sigaw ni Lexine na nabahahala.

Masyado mainit at mabigat ang tensyong namamagitan sa dalawang lalaki. Parehong nanlilisik ang mata na tila isang tigre at lion na handang makipagpatayan para malaman kung sino ang magiging hari sa gubat.

Di sumagot si Night at nanatiling masama ang tingin kay Miguel. Mas lumaki ang pagkakangisi ni Miguel at patuloy na nakipag-angasan kay Night. Ang mga sumunod na salita nito ang lalong nagpagalit sa prinsipe ng dilim.

"Sorry ka na lang pare. Pinakawalan mo eh, kaya kukunin ko na," kinalabit ni Miguel ang trigger ng baril pero mabilis na hinablot ni Night ang kamay ni Miguel. Pumutok ang baril at tumama ang bala sa kisame.

Buong gigil ni diniinan ni Night ang kamay ni Miguel at pinilipit ito, napasinghap si Miguel sa sakit at nabitawan ang baril. Nanlilisik ang mga mata ni Night at nilapit ang mukha kay Miguel.

"Sino bang nagsabi sa'yo na pinakawalan ko na siya?" walang sabing hinablot ni Night ang tshirt ni Miguel at hinagis siya sa kabilang panig. Natumba si Miguel sa korner at tumama sa mga casino tables.

Galit na naglakad si Night palapit sa lalaki at pinailaw ang tattoo sa pulsuhan. Lumabas ang espadang binabalot ng asul na apoy. Nanlilisik ang mata nito at nang mga sandaling iyon ay nangangati na siyang pugutan ng ulo si Miguel.

Pero bago pa siya makalapit ay mabilis na humarang si Lexine sa harapan ni Miguel at tinutok ang golden bow at arrow kay Night.

"Hindi ko hahayaang saktan mo siya," matalim na nakatingin si Lexine kay Night.

Nagpabalik-balik ang tingin ni Night sa dalawa. Binabalot siya nang matinding selos at galit.

Ilang sandali pa silang nagpalitan nang mainit na tinginan ni Lexine bago siya ngumisi, "You want to get the athame. Meet me at my mansion tomorrow evening. I.want.only.you."

Lumipat ang madilim na mata ni Night kay Miguel, "Dare to bring that fucking guy and you know what I can do to him. Kilala mo akong magalit, Lexine."

Nanginig si Lexine sa huling pagbabanta nito. Sa huling pagkakataon ay tumingin sa kanya ang tsokolate nitong mga mata bago naglaho si Night sa itim na usok.

Saka lang nakahinga si Lexine at dahan-dahang binaba ang hawak na bow. Pakiramdam niya naging jelly ang tuhod niya sa labis na panghihina sa lahat nang nangyari. Sa dami ng mission na tinapos at ginawa niya, ang paghaharap nila ni Night ang pinakamatindi at mahirap sa lahat. Dahil pati puso niya ang nakikipaglaban.

"Lexine…"

Nang marinig ang pagtawag ni Miguel ay saka lang natauhan si Lexine sa pagkatulala. Agad niyang nilapitan si Miguel at inalalayan.

"Nagdudugo ang noo mo," nabahala siya nang makita ang tumutulong dugo sa mukha nito.

"I'm fine…" hirap na sabi ni Miguel.

Lumapit na rin sa kanila si Elijah at Miyu. Nagpalitan nang tingin ang magkakaibigan at sabay-sabay na napabuntonghininga.

"I told you this is a bad idea," naiiling na komento ni Elijah.

Related Books

Popular novel hashtag