Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 256 - Brown eyes

Chapter 256 - Brown eyes

PATULOY na nagmamasid si Lexine at Miyu sa paligid habang nakaupo sa bar stool. Dahil matigas ang ulo ni Miguel at ayaw umalis ay hinayaan na lang nila ito. Si Elijah naman na di nakatiis at nakipaglaro na rin ng billiards sa huli.

Kinuha ni Miyu ang isang malaking beer mug na sinerve sa kanila ng bartender at uminom ng inorder niyang single malt. Nakatigil ang mata niya kay Miguel na nakapwesto sa table habang inaasintado ang white cue ball ng hawak na stick, matapos ang ilang sandali at tinira nito ang bola at tinamaan ang stripe number 11 at na-shoot sa corner pocket ng table.

"So anong meron sa inyo ni Captain Miguel?" tanong niya kay Lexine.

Kinuha rin ni Lexine ang malaking beer mug sa counter top at uminom, "Nothing. Kung di dahil kay General Benjamin ay 'di ako papayag na maging baby-sitter ng apo niya."

Tumawa si Miyu, "Not bad na rin ang bini-baby-sitter mo, Cap is quite a good catch," tukso ni Miyu sabay lingon sa katabi at tinitignan ang reaksyon nito.

Umikot ang mata ni Lexine, "I don't have time for that Miyu."

Nilapag ni Miyu ang beer mug sa counter top at hinarap si Lexine, "You don't have time or dahil natatakot ka lang?"

This time ay hinarap na din siya ni Lexine. Nagkatinginan ang dalawang magkaibigan.

Bumuntonghininga si Miyu, "I know that you've been through hell, Lexine. But you need to let go of the past for you to have a space for the new one."

"I don't need a new one Miyu. Wala akong ibang gusto kung 'di mag-focus sa misyon ko para sa mundong ito."

"But it doesn't mean you need to deprive yourself to be happy."

"I am happy," mariin niyang sagot.

Lalong lumiit ang singkit na mata ni Miyu, "Don't fool me. Kailan kita huling nakitang ngumiti ng totoo? Ang tagal na panahon na Lexine. I'm just worried about you. Wala ka nang ginawa kung 'di trabaho, mission, mag-hunting, mag-training. Wala ka ng buhay. Nasaan na ang dating Lexine na kilala ko? Yung Lexine na masayahin, sweet at malambing?"

Nanigas ang bagang ni Lexine at tumingin sa malayo, "The old Lexine is now gone Miyu. 'Di na ako tulad ng dati na mahina at malambot."

"Ang Lexine na kilala ko ay 'di mahina o malambot, ang Lexine na kilala ko ay may malaking puso na magmahal sa mga tao sa paligid niya."

Muling humarap si Lexine at tinitigan si Miyu gamit ang matalim na mata, "At ang pagmamahal na yun ang dumurog sa kanya."

Natigilan si Miyu sa narinig lalo na at nababasa niya sa mga mata ni Lexine ang galit at sakit na matagal na nitong kinikimkim. Hindi naman niya masisisi ang kaibigan kung bakit malaki ang pinagbago nito. Saksing buhay si Miyu sa lahat ng hirap na pinagdaanan ni Lexine, higit na noong mga panahon na nagluluksa ito sa pagkamatay ni Alejandro. Lalo na at ang puno't dulo ng lahat ng sakit na nasa puso ni Lexine ay ang taong minahal nito ng buo at lubos.

Naputol ang pag-uusap ng dalawa nang makarinig ng ingay. Paglingon nila may mga lalaki na ang pumapalibot kay Miguel at Elijah.

"Nandaraya na kayo eh!" sigaw ng lalaking malaki ang katawan at burdado ng tattoo na kalaro nila Miguel.

Tumaas ang sulok ng bibig ni Miguel, "Di kami nandaraya. Just admit it, you guys are losers."

Mas lalong dumilim ang mukha ng lalaki, "Mayabang ka masyado bata, nasa teritoryo ka namin," higit na dumami ang mga lalaki sa paligid na ngayon ay kinukuyog na sila.

Nagdikit ang likod ng dalawa sabay bumulong si Elijah, "Gusto mo ba ng konting warm-up, Cap?" tumaas ang noo ng bampira at pinatunog ang knuckles sa kamay.

Napangisi si Miguel at nag-unat ng leeg, "Exercise is good for the body."

Agad sumenyas ang lalaki sa mga kasamahan at sabay-sabay na sumugod ang mga ito. Mabilis silang nagpaulan ng suntok at sipa na agad naman naiwasan ni Elijah at Miguel.

Nataranta si Lexine at Miyu nang makitang nagrarambulan na ang mga lalaki sa billiards table. Masyadong marami ang grupo kumpara sa dalawa. Agad silang tumayo sa kinauupuan at nakipag-basag ulo sa mga ito.

Pinulot ni Lexine ang bote ng beer na nakapatong sa isang table at malakas na pinukpok at binasag sa ulo ang isang lalaking yumayakap sa leeg ni Miguel. Galit na binitawan nito at huli at humarap sa kanya. Nangigigil ang ngipin nito na tila mabagsik na tigre na kakagatin na siya.

"Hello boys, sali naman kami dyan," ngisi niya.

"Ahhhh!" sinugod siya ng lalaki na parang galit na toro pero mabilis na sinipa ni Lexine ang isang stool chair sa gilid at tumalsik ito sa mukha ng lalaki.

Dalawang lalaki ang sabay na sumusugod kay Miyu. Nagpakawala ng isang suntok ang isa na agad naiwasan ni Miyu sabay huli sa pulsuhan nito. Sunod nitong pinang-suntok ang malayang kamay na nahuli pa rin niya. Nag-krus ang dalawang braso nito na parehong hawak niya. Malakas na hinead-but ni Miyu ang noo nito, agad nahilo ang lalaki at nakakita ng mga bituin.

Sumugod ang pangalawa sa likuran ni Miyu pero maliksi siyang nag-cartwheel pa-kaliwa. Tumama ang sapatos niya sa mukha ng unang lalaki kaya lalo itong nahilo at tuluyang natumba. Pagtayo ni Miyu agad siyang nag-full spin sabay bigay ng malakas na round house kick sa mukha ng pangalawa, natumba ito at plakda sa sahig.

Tumalsik sa ibabaw ng billiard table si Elijah at nahati ito sa dalawa. Tuluyang nagalit ang bampira at nagpula ang mga mata sabay labas ng malalaking pangil. Tila hayop na tinalon ni Elijah ang mga kalalakihan at isa-isang hinagis na parang papel. May tumilapon sa bar at tumama ang katawan sa nakadisplay na mga alak. Ang isa naman ay lumusot sa pader.

Nagulat ang mga naglalaro sa loob ng private room nang nasira ang pader at bumagsak sa sahig ang namimilipit na lalaki. Amused na sumilip si Valac sa butas ng pader at natanaw na nagkakaroon ng riot sa labas.

Napasipol siya sa tuwa, "Another surprise for tonight."

Kasalukuyang sinasanga ni Lexine ang sipa at suntok ng mga lalaking umaatake sa kanya. May tumalon sa likod niya na parang ungoy pero agad niyang tinaas ang dalawang kamay, inipit ang ulo nito sabay binalibag sa sahig.

Galit na galit ang leader ng grupo dahil natatalo sila ng isang babae. Nangigigil na lumapit siya sa isang casino table, nagsigawan ang mga tao at umalis sa table. Buong lakas niya itong binuhat at hinagis sa direksyon ni Lexine.

Huli na para makita ni Lexine ang nangyari. Masyadong malayo ang kinaroroonan ni Elijah at Miyu para makalapit, si Miguel na malakas na sumigaw pero hawak ng dalawang lalaki ang magkabila niyang braso at di siya makakilos.

Nanlaki ang mata ni Lexine nang makita ang lumilipad na casino table. Huli na para maka-iwas pa siya kaya agad niyang pinangtakip ang dalawang braso sa ulo at bumalukot sa sahig.

Tumigil ang buong mundo at nasigawan ang mga tao.

Ilang segundo ang lumipas at pumainlanlang ang katahimikan. Mula sa pagkakapikit ay unti-unting nagdilat ng mata ni Lexine at nagtataka kung bakit wala siyang naramdamang sakit. Dahan-dahan niyang inangat ang ulo at lumingon sa likuran.

Pakiramdam ni Lexine, literal na tumalon siya sa dagat ng Antartica at mabilis na binalot ng lamig ang buong katawan at sa sobrang lamig ay namanhid ang kanyang pakiramdam. Isang pares ng tsokolateng mga mata ang una niyang nakita. Mga matang pinilit niyang ibaon sa pinakakailalim ng lupa.

The most beautiful brown eyes in the world she ever saw, the same eyes she wished she never knew existed. The eyes she always sees in her dreams, the eyes who used to looked at her in the most unbelievable ways that turned her entire world a paradise of different colors.

Pero ito rin ang mga mata na huli niyang tinignan habang nakikiusap, nagmamakaawa at umiiyak.

"Night, please, please don't do this. I'm begging you…"

"Alexine apo, masaya akong makita kang muli. Always remember that I love you so much my darling…"

"Night please nakikiusap ako, huwag ang lolo ko, maawa ka please…"

Kasing bilis ng pag-ihip ng hanging habagat na tumusok sa alaala ni Lexine ang lahat. Isang matinding galit ang sumiklab sa puso niya at pakiramdam niya para siyang isang bulkan na anumang sandali ay sasabog na.

"Lexine…" bulong ni Night na may nangungulilang mga mata.

Related Books

Popular novel hashtag